Monday, January 1, 2018

Bandehado

And it's our 8th year anniversary, mga ateng! Eight years of love, laughter, bonding, kwentuhan, landian, batuhan ng opinyon, kasiyahan, kalungkutan, adventure, pakikibalita, pakikibasa, pakikikanta, pakikitikim ng masasarap na "patuhe" at iba pang pakiki na maisip niyo. AY! Pwede bang patiti na lang. Nakakalason ang pakiki eh. CHAROT!

Last year, kontrobersyal ang linyang "minor blogger" mula sa isang sisteret natin. Honestly, masakit siyang pakinggan. Sa ilang taon ko nang pagsusulat nang kung anu-ano, nuncang pumasok sa isip ko na merong minor or major blogs. Oo, may sikat, kumikita at kinikilala pero masyadong malaki ang mundo ng internet para limitahan mo sa dalawang kategorya. I believe na pantay-pantay tayo ng share dito. Kanya-kanyang audience lang 'yan. AND I THANK YOU!

Maraming salamat, mga ateng, for staying with me these past few years. Aaminin ko, ilang beses ko nang naisip na ihinto ang pagsusulat at isara na lang ang ating karinderya pero nakapanghihinayang ang ating pinagsamahan kaya bumabalik at bumabalik ako. Hindi man kasing bandehado tulad ng dati, patuloy akong maghahain ng ating mapagsasaluhan.

HAPPY 8th YEAR ANNIVERSARY,
TODO SA BONGGA!!!

3 comments:

Anonymous said...

Happy New Year and Happy Eight Anniversary!!! May You’ll Have Many More to Come!

Ares in UAE said...

Tuluy tuloy lang ang saya! Congrats sa 8 years! Sana more fun pa na mga posts ;)

yujin said...

Gusto ko pa din ang Tagline ba tawag dun na

Una sa Lahat..... Sarap!! hahaha

Happy 8th year