Sunday, October 7, 2018

Mamu and Barbs

Dalawang paparating na pelikula ang magpapa-ulan ng luha at saya sa ating kaharian.

Una diyan ng Mamu; and A Mother Too na kasama sa C1 Originals 2018 Festival. Bida dito si Iyah Mina at ang child star na si EJ Jallorina. Tatlong masasarap na kalalakihan ang kanilang leading men - Ahron Villaflor, Jovani Manansala at ang super cutie na si Markus Paterson. Trailer pa lang ng pelikula, mapapahagalpak ka na sa tawa at mata-touch ang birdie heartie mo. AAWWW!


Palabas na ito mula October 12 to 21 sa mga sumusunod na sinehan - Trinoma, Glorietta, Gateway Cineplex, Powerplant Mall, Santolan Town Plaza, SM Megamall, SM North EDSA, SM Sta. Mesa, SM Manila, UP Cine Adarna, FDCP Cinematheque Manila, Cinema '76, Black Maria Cinema, and Cinema Centenario.

***

Samantala, kalalabas lang at mainit-init pa ang trailer ng Born Beautiful, ang sequel sa award-winning movie na Die Beautiful. This time, si Barbs na ang bibida. Although a new actor will play the iconic character, winner pa rin ang arrive! Very timely ang istorya lalo na't kahit unti-unti na tayong natatanggap ng lipunan, may mga samahan pa rin diyan na nagsasabing tayo'y makasalanan at hinihikayat na bumalik sa pagiging straight. As if we were born straight. CHAR! 


Dalawang cutie pies din ang leading men ni Martin del Rosario dito, sina Kiko Matos at Akihiro Blanco. OMG! Parehong panalo, walang tapon.

Wala pang release date ang pelikula but we need this kind of movie the soonest. Super excited na akong mapanood!

LET'S SUPPORT THESE LGBT+ THEMED MOVIES!

No comments: