Oh! Sey niyo. Sino nagsabing puro magaganda at diyosa lang ang pwedeng maging model ng Bench. Daig pa ni Melisa Cantiveros si Georgina Wilson sa dami ng lalaki sa billboards niya for the upcoming Bench biennial fashion show na gaganapin sa Araneta Coliseum this July 2.
BONGGA ka Melai! Sige lang at itaas mo nang todo ang bandera nating maririkit at exotic ang ganda.
Monday, May 31, 2010
Anthony Roque
Dahil sa huling araw na nang Mayo at padating na bonggang tag-ulan, iibahin natin ang post ko. Tungkol naman sa isang pagkasarap sarap na nilalang. Si Anthony Roque.
Siya ay una kong nasilayan sa Cosmo Men Mag noong isang taon pero hindi niya napukaw ang pihikan kong panlasa. Umattend ako ng Bachelor Bash at BOOM! Tinamaan ni kupido ang puso ko nang makita ko siya ng personal. Juice koh! Siya na ba ang destiny ko. Ang fogi fogi naman. Dahil sa muk ap, naging kamukha niya that night si Edward Cullen (na pinapantasya ko rin. lande!).
Matapos ang bonggang event, hinanap ko kaagad siya sa Facebook. Swerte at may account siya. Super add ako pero wiz niya akong inaccept. Sad man nung una eh naka-recover din ako kaagad (ambisyosa). Napanood ko din siya sa BreadPan TVC.
Pagkatapos ng ilang buwan, muling nabuhay ang namatay kong puso nang siya ay masilayan ko siya sa last part ng Here Comes The Bride. Kung napanood niyo yung movie, siya yung last nurse na pumasok sa kwarto ni John Lapus.
Kung nababasa mo man ito aking mahal na Anthony Roque, sana naman ay mapagbigyan mo ang puso kong nangungulila nang todo para sa iyo. Ay Lab Yu! ;)

Lagpas
Lagpas ang bagong indie film na ipapalabas sa June 23, 2010.
Meron silang bonggang premiere on June 21, 8:00 PM sa Robinson's Galleria Cinema 5.
Starring Rob Da Silva, Dustin Jose and Dennis Torres (Sagwan). Dinirek ni Hedji Calagui under Cody Entertainment Production.
Itodo na natin ang pagsuporta mga shupatemba. Eto ang patikim.

Friday, May 28, 2010
Here Comes The Bride... and the laughter!
Finally eh napanood ko na ang Here Comes The Bride. Bongga talaga ang movie na ito. No wonder kung bakit tumatabo sa takilya. Sobrang nakakatawa lahat ng character nina Eugene Domingo, Tuesday Vargas, Jaime Fabregas, John "Sweet" Lapus at lalo na yung kay Angelica Panganiban. Kilig factor din na starring dito si Tom Rodriguez ng PBB Double Up. Ang lakas talaga ng tawa namin ng mga friends ko na dinig na dinig sa loob ng sinehan. Bago ang ideya ng istorya at maganda ang pacing.
Todo sa daming hot guys mula sa beach boys hanggang sa mga nurses sa ending ng movie. Andun yung mga crush ko na sina Kevin Zaldarriaga, Mark Manicad, Jeff Luna at Anthony Roque. Juice koh! Ang swerte ni Angelica at Sweet.
Angelica Panganiban is a revelation on this one. Pinatunayan niyang isa siya sa mga pinaka-importanteng aktres ng panahon natin. Ang versatile niya. She can do drama, sexy and comedy. Rare na yan sa mga artista ngayon.
Sa TriNoMa namin siya pinanood ng friends ko. 3 weeks na siyang showing pero tinalo pa niya sa dami nang nanood ang Shrek at Prince of Persia. Bonggang balita para sa local fim industry.
Panoorin niyo ito habang palabas pa at talagang sasakit ang t'yan niyo sa kakatawa.
Thursday, May 27, 2010
Yosi para kay beybi
Todong naloka ako dito kay Ardi Rizal ng Indonesia. Imbes na dede at laruan ang hawak, yosi ang hinihithit ng batang ire. Juice koh! Eh dalawang taong gulang pa lang siya. Sabi ng nanay niya eh nagwawala at inuumpog nito ang ulo sa pader kapag hindi nakayosi. Bongga naman ang statement ng padir dear niya. Mukha naman daw malusog si Ardi at walang problema sa kanya kung mag-yosi man si baby.
NAKAKALOKA! Kung titingnan mo at titimbangin nga naman si Ardi eh hindi ka na talaga magtatakang hindi siya malusog. Pero naman 'day, makakaapekto sa development ng bata yung yosi. Buong katawan ang apektado dahil na nikotinang hinihithit niya.
Panawagan naman sa pamahalaan ng Indonesia, sana naman ay pigilan niyo ang batang ito at iba pa na maagang sinisira ang kanilang katawan dahil sa yosi. Para naman sa mga magulang na yan, pasuin sila ng upos ng sigarilyo.
Yan eh kung maiintindihan niyo ito. Hay...
Basahin niyo ang buong artikulo dito at panoorin ang video naman dito. Patnubay ng magulang ay kailangan.
Wednesday, May 26, 2010
Natasha Bedingfield's Touch
I'm a huge fan of Natasha Bedingfield. The positivity in her music sets me in a good mood. I always play her songs every morning. It leaves a smile on my face and gives a positive vibe at the start of the day.
From her upcoming 4th album that will be out after summer, enjoy Touch.
I was tryin' to cross the street
When I tripped and spilled my coffee
On a man who yelled at me
And then walked off in a hurry
Now he's gonna be late for work
So he called his secretary
Said to cancel his appointment with the guy in the lobby
Who's been waiting for a while
And talking on the phone
Got invited to a party and thought he couldn't go
But he's here right now
Standing in my house
And someone turns the music loud
Chorus 1:
So we dance
And we laugh
And we touch (touch touch)
Yeah we dance
And we laugh
And we touch (touch touch)
Gonna party all night till the sun comes up
Cuz it feels like the world dissapears around us
When we dance
When we laugh
When we touch
I was planning out my party
Running errands 'round the city
Gorcery bags full of alcohol
And chocolate chip cookies
Saw a dress that was amazing
In the window of a boutique
So I went across the street
Then my heel broke and it threw me
I tried to catch my balance
But I was 'sposed to fall
It seems that spilling coffee
Was no accident at all
Cuz you're here right now
Sitting on my couch
Funny how it all works out
Chorus 2:

Every choice we make
And every road we take
Every interaction
Starts a chain reaction
We're both affected when we least expect it
And when we touched
And it all connected
Every choice we make
And every road we take
Every interaction
Starts a chain reaction
We're both affected when we least expect it
And when we touched
And it all connected
(Repeat Chorus 2)
Oohhh...
We touch...

Monday, May 24, 2010
Charlie St. Cloud
Another Hollywood movie starring a High School Musical alumni. Charlie St. Cloud stars Zac Efron. I think this is much different from his previous films. Its a mixture of Drama, Romance and Fantasy.
Watch the trailer here.
Opens on October 2010.
Indie Films sa UP Film Center
Sobrang namimiss ko ang premiere night ng mga indie films sa UP Cine Adarna. Todong na-adik kasi ako dito. Basta may premiere, nandoon ako with my friends.
Una kong napanood na indie film ay Quickie (Quicktrip) directed by Crisaldo Pablo. August 2008 yun. Niyaya ako nung officemate ko na isa sa mga production staff nang pelikula. Dun na nagsimula ang lahat. Walang Kawala ang sumunod na napanood ko kasama ang mga bekiboom friends ko. Naloka ako sa frontal nudity ni Marco Morales. Simula nun, minahal ko na siya. CHAROT!
Updated ako thru Hot Men in the Philippines at Yahoo gay groups. It was followed by Kurap ni Sherwin Ordonez at nang pinaka memorable sa lahat, Lalamunan. Title pa lang, agaw atensyon na. Hindi naman siya comedy pero tawa kami ng tawa sa loob ng theater. Pati theme song niya, bongga.
2009. Bagong taon pero hindi bagong buhay. Adik pa rin sa indie films. Pati mga babae kong friends, isinama ko na. Patok na patok ang mga premiere nights sa UP. Puno ng tao. Puno din ang schedule of events ko. Butas nung Enero, Sagwan, Mga Pinakamahabang One Night Stand at Showboyz ng Pebrero at Booking ng Marso.
Bongga ang Sagwan. Napuno ang buong UP Film Theater. Ang haba ng pila sa bilihan ng tiket. Pagpasok mo sa loob, may mga tao pang nakaupo sa sahig at nagdagdag ng monobloc para may maupuan pa.
Nakilala na rin ako ni Marco Morales dahil lahat ng premiere niya sa UP, andun ako. Hahaha... Fanatic.
Ngayon wala nang premiere night/s sa UP. Bad trip kasi ang MTRCB. Pakialamera. Lahat kasi ng pelikulang pinapalabas dun eh director's cut. Di pa dumadaan sa paningin ni LaGuardia and associates. Ngayon, wala na kaming social life.
Sana mag-boom ulit ang premiere ng mga pelikula sa UP. Para buhay ulit ang dugo namin. Specially ng mga bekibooms!

Thursday, May 20, 2010
Charice Debuts at #8
Charice debuts at number 8 on Billboard 200 albums chart selling 43,000 copies of her self titled album.
So proud to be Pinoy.
Click here to read the news from Billboard.com
So proud to be Pinoy.
Click here to read the news from Billboard.com
Beastly
I miss Vanessa Hudgens but she'll be back this summer (sa US) with Beastly, her latest movie after the successful High School Musical 3. Napanood ko yung trailer at infairness, maganda siya. Parang siyang makabagong Beauty and the Beast. Gwapo pa nung lead guy na si Alex Pettyfer.
The movie will open on July 2010. Wala pang eksaktong date. Watch the trailer here.
The movie will open on July 2010. Wala pang eksaktong date. Watch the trailer here.
Wednesday, May 19, 2010
Kylie's Back!
I'm totally excited about this new song of Kylie Minogue. From her upcoming 11th studio album Aphrodite, here's All The Lovers.
Dance
It's all I wanna do
So won't you
Dance
I'm standing here with you
Why won't you move
I'll get inside your groove
Cuz I'm on fire fire fire fire
It hurts
When you get too close
But baby it hurts
If love is really good
You just want more
Even if it throws you to the fire fire fire fire
All the lovers
That have gone before
They don't compare to you
Don't be running
Just give me a little bit more
They don't compare
All the lovers
Feel
Can't you see there's so much here to feel
Deep inside in your heart
You know I'm real
Can't you see that this is really higher higher higher higher
Breathe
I know you find it hard
But baby breathe
Lying next to me
Its all you need
And i'll take you there
I'll take you higher higher higher higher
All the lovers
That have gone before
They don't compare to you
Don't be running
Just give me a little bit more
They don't compare
All the lovers
Dance
It's all I wanna do
So won't you dance
I'm standing here with you
Why won't you move
Even if it throws you to the fire fire fire

Tuesday, May 18, 2010
Himala
Ilang beses ko nang gustong panoorin ang Himala by Nora Aunor and written by Ricky Lee. Hindi ko na kasi matandaan yung buong istorya nito since bata pa ako nung huli ko siyang napanood sa TV. Pinapalabas kasi ito dati kapag Semana Santa. I got my own copy this month at masaya ako't napanood ko siyang muli.
Ang istorya mismo ng pelikula ang bentahe nito para sa manonood. Maganda ang pagkakagawa nito mula sa script hanggang sa pagbuo ng pelikula. Iba talaga ang pelikula noon kesa ngayon. May lalim at unpredictable. Pinaka-shocking scene dito ay yung rape scene ni Elsa at ng kaibigan niya. Maganda din ang ending ng pelikula kahit namatay ang bida. Yung stampede at pagkakadala ni Elsa sa ambulansya, nakakamangha. Parang totoo at ramdam mo yung hirap nila. May connection sa manonood. Hindi na ako nagtaka kung bakit isa ito sa pinakamagandang pelikula ng bansa natin.
Kung ako ang tatanungin, hindi ito ang acting piece ni Ate Guy. Hindi kasi siya ang focus ng pelikula kundi ang istorya. Madalang man magsalita ang karakter niya, nakikipagusap naman siya sa pamamagitan ng mata. Napaka-expressive ng mga mata ni Ate Guy. Nagpapatunay na isa talaga siyang magaling na artista.
Sana makagawa muli tayo ng mga de-kalidad na pelikula tulad nito na maipagmamalaki natin sa buong mundo.

Monday, May 17, 2010
Precious Hearts Romances Presents
Over a year na since nag-start ang Precious Hearts Romances Presents sa Kapamilya network at infairness, nabigyang justice nila ang mga novels ng favorite writers ko na sina Rose Tan at Martha Cecilia. Ako mismo, bumibili at sumusubaybay sa mga libro nila especially Bud Brothers. 6 episodes lang ang nagawa for TV pero 7 books talaga siya. Maganda din yung last book di na nga lang nag-materialize.
Congratulations to Kapamilya and Precious Hearts Romances for giving their readers and viewers a new taste of afternoon soap. Funny, witty and romantic.
Just to add, my favorite episode of PHR Presents is "My Gulay, Wow Betchay" by Mariel Rodriguez and Rafael Rosell. Super funny and kakakilig sila. Eto nga, pinapanood ko ulit sa YouTube.

Eclipse
Hindi ko na kayang mag-antay nang mahigit apatnapung araw para sa pelikulang Eclipse. After kong mapanood ang interview ng cast sa Oprah, na-excite na naman ulit ang dugong Twilight ko. Kung bakit naman kasi si Bella ang gusto ni Edward eh pwede naman atashi. Bonggang ipapain ko ang leeg ko sa kanya para todong simsimin niya ang berde kong dugo. Hehehe...
Sa June 30 pa ito kaya mahaba haba pang pag-aantay ang dapat tiisin.
Sa June 30 pa ito kaya mahaba haba pang pag-aantay ang dapat tiisin.
Duling sa Katotohanan
5am to 2pm ang shift ko sa aking pinapasukan. Everytime na papasok ako, I always ride a bus coming from Novaliches since yun ang dumadaan malapit sa amin. Medyo scary nga lang kasi ang bibilis ng mga ordinary na bus but efficient kasi at least di mo feel na male-late ka sa work. Yun nga lang, dapat mabilis ka ding magdasal.
This morning, pagsakay ko ng bus ay nagbayad ako kaagad kay manong kundoktor. Infairness, mabilis siyang mag-sukli at magbigay ng tiket. Afterwards, napansin ko yung eyes niya. Medyo iba. Yun pala, cross-eyed si kuya. Kakaiba ang aking naramdaman.
Nakaka-proud tingnan na hindi balakid ang pagiging duling niya para magtrabaho siya ng marangal. Ako in particular, iniisip ko na kapag ang isang tao ay duling, dala-dalawa talaga ang nakikita niya. Si kuya ang nagpatunay na hindi totoo yun dahil diretso siyang tumingin sa tao at tama siyang magsukli. Narealize ko na ako pala yung totoong duling... sa maling katotohanan tungkol sa kanila.
Nahiya ako para sa ibang tao na malakas na sa pangangatawan, diretso pa ang mga mata pero batugan naman o di kaya ay kriminal. Nakaranas na kasi ako ng mga manggagantso sa bus. Yung hihingi ng sukli sa isangdaan kahit wala pa namang binabayad. Sila pa ang galit kapag di natandaan ng kundoktor na nagbayad sila. Sana naman hindi mabiktima si kuya ng mga katulad nila at gawing advantage ang kalagayan ng mata niya.

Sunday, May 16, 2010
Kalungkutan
Mahirap din palang mag-isa at walang karamay sa buhay. Oo may pamilya at mga kaibigan ako pero iba pa rin kapag may kasintahan ka. Korni ng tawag ko noh. Sa loob kasi ng dalawampu't limang taon ko sa mundo, hindi ko pa nararanasang magkaroon ng mamahalin. Lagi kong sinasabi, gusto kong ma-heartbroken at umiyak sa tabi ng poste na kulay dilaw ang ilaw habang umuulan tapos gabi ang setting. Kasi in order for me na maramdaman yun, kailangan ko munang magmahal ng todo. Nasan kaya ang lalaking magpapatibok ng puso ko at mamalin ako ng bongga. Yung tanggap kung sino at ano ako. Hay...
Kailan kaya ako may makakasabay kumain?
Hanggang kailan kaya ako kakain ng chocolate para maibsan ang kalungkutan?
Kailan kaya ako may makakasabay kumain?
Hanggang kailan kaya ako kakain ng chocolate para maibsan ang kalungkutan?
Wednesday, May 12, 2010
Vice President of the Philippines
After kong bumoto, umuwi kaagad ako dahil sa sobrang pagod. Galing kasi ako sa trabaho bago bumoto (kung bakit naman kasi hindi affected ng Phillipine holiday ang mga call centers). Super check ng news kung kumusta ang halalan. So far ay wala masyadong reklamo at karahasan maliban na lamang sa Maguindanao. Given na.
Umidlip muna ako for an hour and half then pagtingin ko, may mga partial unofficial tally na ang TV5, Kapamilya at Kapuso. Lamang si Noynoy pero ang hindi ko matanggap eh si Binay ang nangunguna sa VP position. FTW! Grabe. Hindi ko matanggap kaya ending, hindi ako masyadong nakatulog sa pag-alalang lumaki pa ang lamang ni JEJEmar.
Kinabukasan, millions na agad ang botong pumasok. Todo sa bilis infairness sa Comelec. Pero teka, bakit meron silang partial official? tally for President and VP. Di ba dapat congress ang gagawa nun at Comelec para sa Senators? Hhhmmm... Baka na-excite. Anyways, tambak lahat ng katunggali ni Noynoy pero sina JEJEmar at Roxas ay may close fight. Lamang lang nang humigit kumulang 800k votes si JEJEmar. Syet!
Totoo kayang walang powers si Noynoy na pigilin ang ibang miyembro nang partido na imbes na si Mar ang suportahan ay hayagang sinuportahan si Binay? Sana naman ay hindi dahil si Roxas naman talaga ang rason kung bakit siya ang main candidate ng partido sa pagkapangulo.
"Bayan muna bago ang sarili" ang tumatak sa isip ko na sinabi ni Mar Roxas kaya siya umatras sa pagtakbo sa pagkapangulo. Dun pa lang, saludo na ako sa sakripisyo niya. Mahal niya ang ating bansa. Ramdam ko yun ng taos sa puso.
Naglabasan din for the past few weeks ang tandem na NoyBi. Alam naman natin na maganda ang relasyon ng mga Aquino kay JEJEmar thanks to Tita Cory. Pero umepal kasi itong si Cheesy Escudero eh. Siya nga itong unang umatras sa pagkapangulo dahil wala siyang partido eh. Oposisyon nga pero walang suporta. Mataas daw kasi ang trust rating niya sa publiko. Around 30++ percent yata. Ayun, nagpa-cute sa sambayanang Pilipino at nag-endorso. Balak yatang maging commercial model.
Isa lang ang nakita kong dahilan kung bakit niya inendorso si Binay. Dahil alam niyang malaking threat si Roxas sa pagtakbo niya bilang pangulo sa 2016 elections. Kung magiging VP nga naman si Roxas, mas tataas ang satisfaction rating ng Pilipino dito. Samantalang siya na tatlong taon na sa senado, wala pang nagagawa. Buti na lang at ang ibang Pilipino mahilig sa cute. Ang cute niya kasi... cute tirisin. Sabi niya, masyado pa daw malayo ang 2016 para isipin yun. Near sighted daw siya at hindi far sighted. Sinong binola niya???
Bonggang opinyon ko lang, feeling ko inilaglag ng LP si Mar para maisulong ang NoyBi tandem. Alam siguro ni Erap yun kaya hindi niya nagawang i-shade ang bilog na hugis itlog sa tabi ng pangalan ni JEJEmar.
Madaming reasons kung bakit hindi ko gusto si JEJEmar. Ang mga plataporma niya na inihayag niya sa kanyang mga advertisement. Hindi naman maisasakatuparan iyon dahil walang powers ang VP not unless na wala sa bansa ang pangulo, natsugi ito during his term (wag naman sana), or inappoint siya as one of the cabinet officials. In short, waiting ang lolo niyo. Todo wait sa iuutos ng pangulo. Libreng edukasyon, libreng gamot blah blah. Haller! Hindi po pwedeng maging Makati ang Bicol region, Nueva Ecija, Bohol, Zamboanga, at Maguindanao.
Maswerte siya sa balota dahil alphabetically arranged ang names nila at #1 siya. Si Acosta nga na nuisance candidate sa pagkapangulo eh mas madaming boto pa ang nakuha kay Jamby, Nick Perlas at JC Delos Reyes.
Siguro, may mas magandang plano ang Diyos para kay Mar Roxas. Hindi siguro ito ang tamang posisyon kung saan magiging productive siya. Isa kasi siya sa mga hard working senators sa ating bansa. Bibigyan siya ng Diyos nang mas akmang posisyon na magagamit niya ang kanyang talino at kakayahan para sa sambayanang Pilipino. I still believe to Mar Roxas. Hindi pa tapos ang bilangan ng boto kaya sa mga supporters niya, PLEASE PRAY FOR HIM.

Automated Halalan
Bonggang bongga ang naganap na halalan natin. Hindi na kailangan pa ng mga guro na magpuyat magdamag para magbilang ng mga balota. After 7pm, madami nang nakapag-transmit ng mga boto para mabilang.
Hindi rin naman natin maiiwasan na magkaroon pa rin ng reklamo kahit papaano. Pangatlong beses ko na itong boboto pero ngayon lang ako pumila ng mahigit kumulang 2 oras para lang makaboto. Pero sa mismong pag-shade sa balota, wala pa yatang 5 minuto ay tapos na ako. Hindi ko tinodo ang pagshade at baka bumakat ang marka sa likod at hindi mabilang ang boto ko. Good thing na halos lahat nang nakita ko ay may kanya kanyang kodigo. Iba na talaga mga botante ngayon. Pagkatapos ng bumoto, pila ulit ako para sa indelible ink. Pero mabilis na ang pila.
After 2-3 days, madami nang naiproklama sa kani-kanilang lugar. Though sa ibang lugar may mga delays at aberya pero we can say na isolated case na lamang ang mga iyon. Marami na ring nag-concede at tinanggap ang kanilang pagkatalo. Hindi na nila kailangan pang mag-reklamo at magsiraan kung may nandaya o wala.
Now, the exciting part is to know who won the election. Lets wait hanggang Friday sabi ng Comelec.

Sunday, May 9, 2010
Halalan
Bukas na ang bonggang halalan. Magkakaroon na tayo ng mga bagong opisyales at dahil diyan, hahabol ako sa pangangampanya kahit kahapon pa dapat ang last day.
Para sa mga kapatid kong bakla't tomboy at pati na rin sa mga straight, i-shade ang bilog na hugis betlog este itlog sa numero 89 for Party List... ANG LADLAD... Remember #89.
Ang aking senador, #1 sa UP, PUP at UST... "He who is innocent is as brave as a lion". Hanapin sa D numero 13... MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO.
Para presidente at bise-presidente... Kung walang corrupt, walang mahirap... NOYNOY AQUINO #2 at MAR ROXAS #6 sa balota.
Gamitin ng todo ang karapatang bumoto.

Saturday, May 8, 2010
Pulupot
Just came from Pulupot premiere with my friends and we absolutely enjoyed the movie. This gay indie film is directed by Monti Parungao (Sagwan, Bayaw) and screenplay is by Lex Bonife (Ang Lalaki sa Parola, Kambyo).
For a change, instead na closet gay ang lead role eh isang cross-dresser ang bida. Kakaiba sa lahat nang gay indie films na napanood ko. Iba din ang atake ng mga artista sa kani-kanilang ginampanang karakter. Justine Ferrer is very natural and bubbly while Echo Caceres is witty and fun to watch (both came from Survivor Philippines Palau).
Gio Gapas was so so but still hot while Jeff Luna (my ultra crush) is improving with his acting skills.
I got a chance to meet the cast as well as the director and writer. They're very nice. Super!
Anyways, gays and (acting) guys, please watch this movie and definitely you'll enjoy it. The ending is cute and will put a smile in your face once you leave the movie house.
Regular showing is on May 12, 2010.
Thursday, May 6, 2010
Bangketa
I got a direct message from Ruffa Gutierrez on my Twitter account. I read a post sa PEP about her monster mom saying we shouldn't vote for Noynoy dahil lang sa kapatid siya ni Kris. It was a text message from her mom na pinost ng website.
I am not a big Noynoy fan but I'm going to vote for him. Medyo hindi lang maganda yung sinabi ng nanay niyang halimaw. Kung tungkol sa pagiging presidente yung issue, dapat hindi na lang siya nag-name drop at siraan yung tao. Obviously, ayaw nilang maging pangulo ng bansa natin si Noynoy dahil mga insekyora sila kay Kris Aquino.
Kailan ba naman kasi matatanggap ni Annabelle Rama na hindi pwedeng maging isang Kris Aquino si Ruffa Gutierrez at malayo ang AQUINO sa GUTIERREZ. Kahit lumipat si Ruffa sa TV 5 at maging hurado ng Talentadong Pinoy, wala pa rin siyang panama sa hosting at credibility sa tao ni Kris. Napapanood ko silang dalawa sa kani-kanilang talent shows at base sa mga comments nila, mas kapani-paniwala si Kris kay Ruffa noh. Si Ruffa, may masabi lang eh tapos paulit-ulit pa. Though sa acting skills eh halos pareho lang talaga sila.
Personally, I like Ruffa kasi she's so funny and kikay. She's also a very strong woman. Madaming pinagdaanan sa buhay na nalagpasan, Mahirap man o madali. Pero yung nanay niya, ewan ko ba dun. Napaka-bangketa. Nadadala ng ka-cheapan ng nanay niya yung Gutierrez clan.
Eto yung post ko kung bakit siya nag direct message sa akin:
At eto naman ang direct message niya:
Ang reply ko... WHY DON'T YOU GET A LIFE FOR YOUR MOMMA.
Wednesday, May 5, 2010
Hati
Nung isang buwan, hindi ko gustong iboto si Risa Hontiveros dahil ayaw ko sa mga representatives na gustong tumakbong senador (click the links Bakit & Risa Honti-Virus for my previous blogs about her). Pero nung makita ko siya sa Failon Ngayon nung sabado at mabasa ang letter sa link na ito Risa Hontiveros 1.0, napag-isipan kong iboto siya.
Ngayon, nag-research ulit ako nang tungkol sa kanya. May nakita akong blog na naglalaman kung bakit hindi siya dapat iboto. Eto yung link Risa Hontiveros 2.0.
Ang tanong ko, kapag nahahati kang iboto ang isang kandidato, dapat bang isali mo pa siya sa balota mo???
Tuesday, May 4, 2010
Ruffy Biazon
Todo na ang excitement ko sa Halalan next week kaya as early as now, meron na akong listahan ng mga iboboto ko. At napansin ko na dalawa lang ang lalaki sa Senator's list ko. Karamihan eh puro babae. Let's discuss one of them... Ruffy Biazon.
Hindi ko siya kilala bago ko mapanood ang Harapan last Sunday. Pero sa pagsagot niya sa isyu ng bayan at tanong ni Ompong Plaza, masasabi kong hindi masasayang ang boto ko para sa mga plataporma niya bilang isang Senador. Pero dahil hindi sapat ang napanood ko, minarapat kong magsaliksik tungkol sa kanya.
Bongga ang track record niya sa kongreso infairness. Meron siyang 44 authored laws which is very good. At least, alam niya ang tungkulin nang isang mambabatas. Maganda din ang plano siya para sa kapulisan at militar so enough reasons na yan para iboto ko siya.
I Love You, Goodbye
"I Love You, Goodbye" ang isa sa mga pelikulang napanood ko before "Selda". Again, I was impressed with this film. Bongga 'tong movie na ito kasi kakaiba ang istorya hindi tulad ng mga napapanood natin ngayon. Nakakapagod na kasing manood ng pelikulang umiikot lang sa dalawang karakter and their struggles as mag-jowa. Dito sa " I Love.." parang ibinalik nila yung 90's movie era.
Sa acting ni Angelica Panganiban, naaalala ko sina Lorna Tolentino, Hilda Koronel and Sharon Cuneta. Sobrang galing niya as an actress.Todo sa drama ang mga scenes nila ni Derek Ramsey. Hindi alangan yung pagiging bagets ni Angel kay Gabby Concepcion. Yummy pa rin kasi si Papa Gab. Kim Chiu is good kaya lang siguro mas magiging maganda yung portrayal ng character niya kung iba yung gumanap. Parang di kasi bagay sa kanya.
Yung mga love scenes ni Angelica with Derek and Gabby was made artistically. Galing ni Laurice Guillen at ng Star Cinema.
Monday, May 3, 2010
Selda
Isa sa mga nirenta ko sa Video City ang "Selda". Hindi ito katulad ng mga nagsusulputang gay indie films na halos walang istorya at puro hubaran lang. I was so impressed with the execution of this movie. No wonder kung bakit humakot ito ng mga awards local and international. Superb ang acting nina Sid Lucero at Ara Mina. The film is more than 2 hours which is rare sa panahon ngayon. Hindi siya boring kahit mahaba. Shocking ang bawat scene at kakaiba talaga ang takbo ng pelikula. Maganda ang editing at cinematography.
Nakakagulat ang rape scene ni Sid. Sobrang madahas at ramdam mo ang hirap niya. Magaling din ang portrayal ni Alan Paule bilang malibog na kakosa.
Masasabi kong isa ito sa magiging klasikong pelikulang Pilipino na maipagmamalaki natin.
Girl Power
Todo sa galing ang tatlong babaeng ito kagabi sa Harapan ng ABS-CBN. Straight to the point sa pagsagot sa isyu ng bayan, may malinaw na plataporma sa ikagaganda nang lehislatura at may kredibilidad sa kanilang binibitawang salita.
Toots Ople. Saludo ako sa plataporma niya para sa manggagawang Pilipino. Hindi natitinag sa pagsagot nang isyu. May malinaw na plano para sa mga OFW.
Gwen Pimentel. Hindi nasisindak sa mga tanong para sa kanya. Handang magpaliwanag sa isyu at hindi paligoy-ligoy. Gumagamit nang matatalinong salita na naiintindihan ng bayan. Sa mata pa lang niya, alam mong hindi siya mangungurakot at may tapat na pangako para sa bansa.
Pia Cayetano. Maraming batas na napatupad na ramdam ng mamamayan. Maganda ang plano sa hinaharap lalo na para sa PhilHealth. Hindi nanira nang kapwa kandidato lalo na sa ibang partido. You got my vote there.
Silang tatlo rin lang ang nakitaan ko na alam kung anong posisyon ang pinapasok. Hindi nangangako nang mga bagay na hindi naman sakop nang pagiging senador. Dahil diyan, bonggang iboboto ko kayong tatlo.
Sunday, May 2, 2010
Comfort Woman
Dahil sa sobrang nagandahan ako sa "Bona", pinanood ko kaagad ang isa sa mga obra ni Ate Guy, ang "Tatlong Taong Walang Diyos". 1976 pa pala niya ginawa ang pelikulang ito at siya din ang producer. Infairness, marunong siyang pumili ng magagandang istorya.
Panahon ng World War 2 ang set-up ng pelikula. Muli, naramdaman ko ang hirap ang pagod ng mga Pilipino sa kamay ng mga Hapon. Ang gagaling kasi ng mga artista. Pagsamahin mo ba naman sina Christopher De Leon, Bembol Roco at Nora Aunor ewan ko na lang kung hindi mo ma-feel ang movie.
Favorite ko yung part na nagkita sila for the first time sina Rosario (Aunor) at Masugi (De Leon). Dahil sa sobrang kalasingan ni lalake, nagahasa si babae. Eventually, na-inlove si lalake at nahulog din naman sa kanya si babae. Kaka-kilig pala ang love team nila noon. Ang gwapo ni Kuya Boyet.
Nilaga
Dahil tatlong araw akong nawala at under surgery ang computer ko, bonggang movie marathon ang ginawa ko. Apat na pelikulang sunud-sunod ang pinanood ko. Buti na lang at may Video City malapit sa amin na pwedeng rentahan anytime.
Una kong pinanood ang "Bona" ni Ate Guy. Nakakaloka!!! Ibang-iba ang istorya at ang karakter niya. Todo sa akting si Ate Nora at maganda ang execution ng pelikula. Iilan pa lang na pelikula ni Lino Brocka ang napapanood ko pero lahat sila nagustuhan ko. Iba talaga ang pelikula noon kumpara sa ngayon.
Feel na feel kong obsessed si Bona. Todo paligo kay Gardo played by Philip Salvador. Pati pedicure at pagta-trabaho, inako niya. Nakakaloka!!! Ang galing galing ni Nora Aunor. No wonder kung bakit "Superstar" siya ng Philippine showbusiness.
Pero ang pinaka-favorite ko ay yung ending. Sobra talaga akong na-shock at natawa. It was a different ending. Ito pala yung ginaya sa pelikulang "Apat Dapat, Dapat Apat" ni Eugene Domingo.
Ginawang nilaga ni Bona si Gardo.