Saturday, April 30, 2011

Sumbrero

Hindi pa ako maka move-on sa bonggang kasalan nina Prince William at Kate Middleton na ngayon ay Duke and Duchess of Cambridge na. Para akong nanood ng pelikula sa ganda ng coverage. Pati pagkalembang sa kampana, HUWAW! 

Inabangan ng 'sangkamunduhan ang kanilang pag-iisang dibdib dahil binigyang buhay nila ang mga romantic fairy tales na nababasa lang sa libro. Ang swerti swerti ni Ateh Kate at prinsesa na ang byuti niya. Ang shuweet pa ng tukaan nila ni William sa balcony ng Buckingham Palace.

Agaw eksena ang mga mujeritang invited sa loob ng church. Todong patalbugan sa kani-kanilang suot na hats. 'Yun nga lang, tumba silang lahat sa sumbrero niya...

OHA!?! Parang alam ko kung saan nakakuha ng idea ang designer ng hat niya. Hhhmmm... hulaan niyo mga 'teh. Basta, babae lang ang meron nun. Yun na! PAK!

Friday, April 29, 2011

Consider

'Di ko inasam na maging prinsesa dahil ang gusto ko ay maging reyna agad. A beauty queen to be exact. Pero pwede ko pa namang i-consider 'yan kung siya ang aking magiging prinsipe...

AMP! ☺

Thursday, April 28, 2011

Vanish

Magkakaroon ng matindacious na reformat ang Friendster at babaguhin na ang concept ng website. Instead of being a social networking site kung saan ito sumikat, it's going to focus on music and gaming na. Kaya pinapayuhan na ang lahat ng FS users to save their important messages, comments, pictures at blogs dahil lahat ng ito at magva-vanish by May 31. Don't worry kasi mananatiling active ang FS account mo together with your list of friends and basic info.

Haaayyy... how sad naman. Todong nalaos naman kasi ang FS dahil sa Facebook at Twitter. Well, ganyan naman talaga sa technology, mabilis ang pagkalaos. Hindi applicable ang kasabihang "nothing beats the original". Kung ano ang bago, 'yun ang patok.

Ang regalo't galunggong pati si Alex Pettyfer

Über sa pagpapapansin si haring araw. Pati yata pwet ko, pinagpapawisan sa sobrang ineeettt!!! Buti pa ang mga galunggong sa frigider, hindi affected. ECHOS! Kaya naman nung isang araw, lumabas na lang kami ni Ateh Paul para magpalamig sa mall.

Matapos naming lumaps, we decided to watch Beastly. Matagal na kasi naming plano na sabay panonoorin ito bilang pareho naming pinapantasya si Alex Pettyfer

Ang istorya ay modern version ng classic fairy tale na Beauty and the Beast at mula sa librong isinulat ni Alex Flinn. Nabasa ko muna ang book at nagustuhan ko kaya I expected a lot sa movie adaptation. Hhhmm... likeable naman ang pelikula. Mas maganda sana kung napanood ko muna bago ko nabasa ang libro. Naatat kasi ako eh. Medyo naiba kasi ang istorya at bitin ang ilang mahahalagang eksena. Siyempre, hindi naman nila kayang i-squeeze lahat sa isang one and a half na movie kaya pwede na. Buti na lang at todong nabusog ang aming mga mata sa dalas ng half-naked scenes Alex. SARAAAPPP!!!

Ateh Paul also gave me a bonggang birthday present. Naks! Iba na talaga kapag CEO ng sariling kumpanya. Perfek na perfek ang Breaking Dawn journal na regalo niya since hilig ko ang magsulat at peborit ko ang Twilight. Ay am so tats, tenk yu so mats Madam President. Dito ko isusulat ang book 3 ng Mara Clara. CHARUZZZ!!!

Monday, April 25, 2011

Sapi

Napatunayan ko nitong nakalipas na Semana Santa na malakas talaga ang kapangyarihan ng masasamang ispiritu. Nasapian (na naman) kasi ang landlady kong adik. Mas malakas ang trip niya this time. Nung Viernes Santo habang naliligo ang shupatemba ketch, hininaan ba naman ng impakta ang tubig sa metro. Bastos lang! Kinabukasan, animo si Sto. Niño ang sumapi dahil panay ang baby talk sa kanyang kausap. NAKAKALOKA! Hindi ko na keriii!!!

Kaya naman kahit Linggo ng pagkabuhay ay stressed ang byuti ko. Rampa todo max ang long-legged ko sa kaka-walk from north to south, east to west, makahanap lang ng perfect housing project na maaaring malipatan. Super search na rin ako sa mga ads ng Buy & Sell. Syokot na kasi ang byuti ko sa tinitirhan namin eh. Walang makapagsasabi kung hanggang saan ang kayang gawin ng isang adik noh!?! At baka sa susunod eh ako na ang sapian ng mga ispiritung sumasanib sa kanya. CHAREEENNNGGG!!!

Sa wakas

Kung todong naiinitan na kayo sa siklab ni haring araw, tiyak na paiinitin pa kayong lalo nina Zac Ferrero, Lando Perez at Darwin Taylo sapagkat sa wakas ay ipapalabas na kanilang gay indie flick na Ombre.

Sa trailer pa lang, naloka na watashi sa mga maiinit na eksena eh ano pa kaya kung buong pelikula na?

Sa May 4, 2011 na ito mapapanood sa mga sumusunod na sinehan:
  • Isetann Recto
  • Remar Cubao
  • Roben Manila
  • Ever Gotesco Monumento
  • Eden Cebu
  • Robinson's Galleria
The movie is directed by Jonison Fontanos under Phylum Productions.

Sunday, April 24, 2011

Cebukini

Opisyal na talaga ang tag-init. Bukod sa nagbabagang panahon, kabi-kabila na rin ang mga bikini contests. Isa na diyan ang pagbabalik ng Mossimo Bikini Summit. Kung dati ay annual event itech, ngayon ay biennial na yata (2007, 2009, 2011). At ngayong taon, nadagdagan na ang titulo nito dahil pinamagatan na siyang Mr. & Ms. EcoTourism Philippines The Mossimo Bikini Summit 2011. Tunog DOT at DENR in one di vaaahhh!?! CHOS!

Bongga ang MBS 2011 dahil bukod sa Manila ay may Cebu leg sila. 'Di ko lang alam kung meron pa sa ibang lupalop ng Pinas. Mukhang much bigger and exciting ang offer nila this year. PAK! 

Nasight ko na official candidates for the Cebu leg at ayon sa aking masusing pagsisiyasat, silang apat ang bet ketch:

Semi-Finalist #3
Judah Jyreh Cohen

Semi-Finalist #9
David Sommerauer (hangkyut kyut)

Semi-Finalist #10
Rashed Al-Sughayer (mahilig talaga ako sa carpeted fes)


Semi-Finalist #2
Jesse Cortes (eeeiiii lab lab lab ko na s'ya)

Sa May 5 na ang final showdown nila. Maaari niyong iboto ang paborito niyong kandidato para manalo ng People's Choice Award. I-like niyo lang ang kanilang headshot sa official Facebook fan page ng pageant. Click mo dito para makarating ka ng Cebu.

Saturday, April 23, 2011

Monday, April 18, 2011

Customer

Binibining Melanie goes to...

Direk Monti Parungao and the boys of Barako
...the Barako shoot.

May bagong pelikula si Lex Bonife at nag-imbita siya ng kanyang mga avid readers para masaksihan ang paggawa nito. Naghulog ako ng aking raffle tiket sa tambyolo at swerting nabunot itey. PERFEK! Sampu kaming nanalo ng grand prize ngunit subalit datapwat pito lamang kaming nakarating. Maigi na kesa wala di vaaahhh!?!

Sa pitong nagwagi, ako yata ang naiba. Ako lang kasi ang mujer na mujer ang itsu (ambisyosa!). Naka-EB Advance Two Way Cake ang fes ko, may HBC eyeliner pen pa ang eyelilet ko. Hindi pa ako masyadong handa niyan kasi nakalimutan kong maglagay ng blush-on at lepstek. ECHOS!

Nangailangan si Lexie ng mga extrang tao na pupuno bilang customer sa isang eksena. Dahil wala naman na akong hiya sa katawan, nag-volunteer na aketch kasama ang tatlong iba pa. Nagbigay ng blocking at instruction si direk Monti Parungao kung ano ang gagawin namin. May linya pa watashi. Aba, matutupad na yata ang pangarap kong makamit ang bonggang Oscar trophy. CHAREEENG!

Johnron Tañada
Matapos kong gumanap bilang customer, isang challenging role na naman ang binigay sa akin... ang maging customer ulit. Dito na namin nasaksihan ang tinutukoy ni Lexie na "revealing" act ni Johnron Tañada with company. Witchells kong ispluk ditey kung ano ang naganap. Panoorin niyo na lang nang masaksihan niyo ang eksenang ikinawala ng aking ulirat.

May ilan ding nakakilala sa aking masarap na byuti. Natutuwa ako at kahit papaano ay naaaliw at natatawa sila sa aking mga handa. Hindi ko nakuha ang mga pangalan nila ngunit kung nababasa niyo itech, thank you so much. May Wow! Mali moment pa nga ako. Habang nagte-thank you ako dun sa isang reader, nalaglag sa ngangabash ko ang  ningunguya kong chewing gum. YAK! Kaderder! Dyahe to the todo level! Pero chika lang 'yun. Hindi naman 'yun ang first time. AHAHAHA!!!

Lex Bonife and Bb. Melanie
Nagpapasalamat akong muli kay Lex Bonife sa pagimbita niya sa amin. Natutunan kong hindi biro ang bumuo ng isang pelikula na tight ang budget at oras. I'm glad that the working environment na aking nasaksihan ay very healthy at masaya. Nawa'y maulit ang ganiteng eksperyens.

Sunday, April 17, 2011

Napuruhan

It's sad to know that today, Palm Sunday, ay binawian ng buhay ang batang aktor na si AJ Perez. Siya ang leading man ni Jessy Mendiola sa katatapos lang na teleseryeng 'Sabel'. Pauwi siya ng Maynila galing Dagupan ng mahagip ang kotseng kanyang sinasakyan ng isang rumaragasang bus. Kasama niya sa loob ng sasakyan ang kanyang tatay at ilang production personnel ngunit sa kasawiang palad ay siya ang napuruhan. Siya'y labing-walong taong gulang lamang ng ideklarang pumanaw na kaninang 12:20 AM.

Condolences sa kanyang mga naiwan and may he rest in peace.

Saturday, April 16, 2011

Nota

Where on Earth:


is Aleck Bovick?

Dahil sawa na akekels sa mga kanta sa aking playlist, hinalungkat ko sa aking isipan ang history ng mga peborit kong kanta. Tapos bigla kong siyang naalala. Ang babaeng naging kontrobersyal dahil sa pagkasungkit niya ng FAMAS Best Actress para sa pelikulang Tampisaw. Lahat yata ay nagtaasan ang kilay dahil kinabog lang naman niya sa kategoryang ito si Ate Shawie.

Madami siyang nagawang sexy movies tulad ng Hiram, Kerida at Masarap na Pugad (anong klaseng pugad yan?). Nakagawa din siya ng pelikula with Ate Guy entitled Naglalayag. Matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother at magkaroon ng anak kay Carlo Maceda, tumamlay ang kanyang karir. Lumobo pa ang kanyang figure. Huling beses na nakita ko siya sa TV ay sa Daisy Siete. Nanay ng Sexbomb ang role niya.

Pero bago pa 'yan, nagkaroon siya ng album na produced yata ni DJ Alvaro na diumano'y shivolee (tomboy). Natsismis pa nga sila before. Para siguro sa promo ng album niya.

Eto nga pala 'yung song. Feel kong pakinggan 'to 'pag loneliness at dramatic ang life. Naa-uplift ang spirit ko't lumiliwanag ang paligid. Nagkakaroon ng roses at ang mga paru-paro'y nagsisiliparan. Dali! Kanta tayo...

♫♪ Pagkat gusto ko ang titik ng mga kanta mo
Gusto ko ang titik, ang titik, titik mo
Gusto ko ang titik ng mga kanta mo
Gusto ko ang titik, ang titik, titik mo

In love ako sa nota ng mga kanta mo
In love ako sa nota, sa nota, nota mo
In love ako sa nota ng mga kanta mo
In love ako sa nota, sa nota, nota mo

Pag pinakikinggan ko, pinatitibok mo (4X)

Gusto ko ang nota, ang nota, nota mo
In love ako sa nota, sa nota, nota mo
Gusto ko ang titik, ang titik, titik mo
In love ako sa titik, sa titik, titik mo

Gusto ko ng titiktitiktitiktitiktitiktitiktitiktitiktitiktitik...
♪♫

Click here to watch the music video.

 


Gusto Ko Ang Nota is taken from Aleck Bovick's Prinsesa album.

Friday, April 15, 2011

BIG Comeback

Back to the music scene ang peborit kong British boyband na Blue. Siyempre, tuwang tuwa ako sa galak sa balitang itech. Hanggang batok nga ang ngiti ko eh. CHAROT!

Puro gasgas ang casette tape ko ng mga album nila sa kaka-rewind at fast forward dahil pa ul-ul kong pinakikinggan dati ang kanilang mga awitin. Todo collect din ako ng mga songhits at international magasins na may poster nila. Gugupitin saka ilalagay sa clear book. Oh di vaaahhh fan na fan lang. Patay na patay kasi ako kay Lee Ryan eh.

At dahil much awaited ang kanilang comeback, isang bunggang surprisa ang kanilang ginawa. As in MALAKING SURPRISA! Luluwa ang mata niyo sa subrang laki. Ito ang ebidinsiya:

 
 
 
Excuse me mga 'teh. Magsi-CR lang watashi at kailangan kong magpalit. Bumaha kasi sa loob ng fanti ko eh. May extra Charmee ba kayo? 

Thursday, April 14, 2011

Silid Aklatan

Madalas akong pumunta sa library noong one digit pa lang ang edad ko. Ilang lakad lang kasi ito sa dati naming tinitirhan sa may Project 8. Actually, sa plaza talaga ang punta ko para maglaro nagkataon lang na nasa gitna nito ang library. Kapag pagod na sa kaka-swing at slide, magpapahinga na ako sa loob ng silid-akalatan. Maybe that's the reason why I became a book and magazine lover.

Pinakagusto kong basahin ang mga Science books especially kung ang topic eh Astronomy. Pangarap ko kasing maging astronaut dati. Paborito ko ang planet Uranus dahil sa pabaliktad nitong ring. Tapos, nagbabasa din ako ng MOD at Women's Today. Hindi naman ako nakaka-relate sa mga articles kasi pangmatanda na. Tinitingnan ko na lang yung mga pictures sa loob. Weekly yata ang labas ng mga ganitong magasins dati. Naalala ko tuloy ang mga modelo sa cover with heavy make-up at naka-tease ang mga hair.

Last week, pumunta kami dito ng pamangkin ko. Curious lang ako kung paano ito naapektuhan sa panahon ng laptop, iPad at BlackBerry.

Mula nang umusbong sina Google at Yahoo!, feeling ko dinedma na ng kabataang Pinoy ang halaga ng silid aklatan. Dati kasi, mapamayaman o mahirap, kapag kailangang mag-research eh sa library tumatakbo. Go lang sa title card section para maghanap ng libro. Ngayon, isang click na lang ito sa Internet.

Malaking advantage talaga ang access sa world wide web. Bukod sa madaling maghanap, updated pa ang mga impormasyon. Hindi na rin kailangan pang magputol ng puno para sa papel na gagamitin sa paglikha ng libro. Pero may disadvantage din naman ito. Somehow ay tinuturuan nito ang mga estudyante na maging tamad. Kaya nga sikat na sikat si Copy Paste eh.

Sa dami ng libro, wala nang mapaglagyan.

Meron pa palang Salaguinto

Encyclopedias

More encyclopedias

Noon: Atlas 
Now: Google Earth

Storage ng newspaper clippings

Holy Bibles

Pero sino nga ba naman ang pupunta sa isang silid aklatan kung ang mga referensyang mababasa mo eh nung 1963 pa inilimbag?

Parte ng pag-inog ng mundo ang pagbabago. Ang mga bagay na nakasanayan ay kailangang palitan upang upang hindi mapag-iwanan.

Tanong lang: Kasama ba ang silid aklatan sa dapat palitan?

Wednesday, April 13, 2011

Again

Where on Earth:


is Cogie Domingo? Again.

Pagkatapos niya tayong bonggang paiyakin sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya last year at todong pasabikin sa indie film na Muli, mukhang MIA na naman si fafah Cogie. Invisible na ulit siya sa showbusiness.

May mga chika dati na may AP siya at nalulong sa sugal kaya medyo lumaylay ang kanyang karir. 'Di ba't na-involve pa nga siya diumano sa babaeng konektado kay titoh Chavit? Pero nung mapanood ko ang interview niya sa Juicy, nagbago na daw siya at tuluyan ng magbabalik showbiz. Anyareh?

In all fairness naman sa kanya, bukod sa pagiging foging artista eh magaling siyang umarte. Sana naman ay hindi siya nagbalik sa dati niyang gawain (kung totoo man ang tsimax).

Monday, April 11, 2011

Bb. Pilipinas 2011 winners

KONGRACHULEYSHONS sa mga bagong Binibining Pilipinas byutis. Tatlo sa mga betchina ko ang nakapasok sa limang nagwagi pero higit sa lahat, maligaya ako para sa ating ipapadala sa Brazil for Miss Universe 2011.

Binibining Pilipinas-Universe 2011
During the swimsuit portion ng contest, lutang na lutang na talaga ang presence ni Shamcey Supsup. She may not have the best body but her confidence and her aura shines through. Sa pagrampa pa lang niya with her evening gown, ramdam mo na agad na siya yung mananalo eh. Iba yung dating ng ganda niya compare with the other candidates. Mind you, this is her first beauty pageant evah! Amperfek di vaaahhh!?!

Binibining Pilipinas-International 2011
Dianne Necio was one of my bets for Bb. Pilipinas-International but not my top choice. She has a good body and nailed the Q&A portion.

Binibining Pilipinas-Tourism 2011
Isabella Manjon is not included on my list but was able to grab one of the major crowns. Maganda naman yung performance niya during the coronation night. Ang chaka lang ng evening gown niya (ribbon na naman).

2011 Binibining Pilipinas 1st runner-up
Big surprise si Janine Tugonon. Compare with Manjon, I believe much better kung siya yung nanalong Bb. Pilipinas-Tourism.

2011 Binibining Pilipinas 2nd runner-up
The 2nd runner-up went to Jean Lastimosa. The candidate that possesosesoses the most beautiful body (for me) during the entire competition.

I have to commend ABS-CBN for giving a decent and lively show. May mga system glitches at pagkakamali sa mga spiels ng hosts but that's unavoidable for a bonggang pageant like Binibining Pilipinas.

'Til next year!  ☺