Thursday, October 31, 2013

Nakalatag

Nitong Linggo ay kinaray ako ni ateng Edgar Portalan (EP B.I.T.E.S) para samahan siya sa isang bazaar sa QC Circle. Dahil wa-i naman akong gagawin  at 'sang tambling lang ako doon eh agad akong pumayag. First time naming magkikita  pero matagal na rin simula nang magsalubong ang ang aming landas sa pamamagitan ng libro niya (click here). Pasado alas-onse kami nagkita sa Tropical Hut.

2-day charity bazaar ng Pinoy Bloggers Outreach o PBO ang pinuntahan namin. Nasight ko na sa blog ni Zai Zai (Simply Complicated Zai) ang tungkol sa samahang itech kaya medyo pamilyar sa'kin. Naikot muna namin ang pinakamalaking bilog sa Kyusi bago nakita ang pwesto. Sari-sari ang items na kanilang tinda na nagmula sa mga nag-donate. Ang malilikom na pondo ay gagamitin nila sa future outreach program. Nasabihan ako ni ateng Edgar na pwede akong magbahagi ng kahit ano, basta mapapakinabangan at mabebenta pa. So esep-esep ako. Dahil wholesome ang bazaar, nakakahiya naman kung mga piniratang gay indie ang ido-donate ko kaya 'yung mga rated PG na lang.

Napukaw agad ang atensyon ko ng mga librong nakalatag. Nakita ko ang makapal na libro ng Twilight at 'di na binitawan. Sa halagang 35 pukekels eh nabayla ko itey at nasa magandang kondisyones pa. BONGGA! Na-meet ko rin ang ilan sa mga miyembro tulad ng primera tindera ng bazaar Marge (Coffeehan) at si Senyor (Kwentong Iskwater).

Isa pang rason kung bakit dumayo si ateng Edgar sa Circle ay dahil sa librong ilo-launch ni Glentot (Wickedmouth). Bet niya bumili dahil maganda daw ang review. As of the mowment eh 'waley pa itey sa merkado pero next month eh nasa National Bookstore na. Napagkasunduan nilang magpalitan ng transaksyon sa Trinoma. Bilang maaga pa naman eh sinamahan ko siya. Ayun, nakakuha naman siya ng kopya at may personalized dedikeyshen pa mula sa author.

Ateng Edgar, Kuya Glentot at Bb. Melanie

Monday, October 28, 2013

Tunaw

Sa tuwing lumilipad sa Ortigas flyover ang sinasakyan kong bus eh 'di pwedeng 'di ko lingunin ang pagkalaki-laking billboard ni David Gandy...

Todong mapang-akit ang asul niyang mga mata na tila ba nais tunawin ang suot kong so-en. British ang lahi niya at isa lang naman siya sa highest paid model sa ating kamunduhan. Siya ngayon ang pangunahing modelo ng SM Men's Fashion. BONGGA! Ikaw na ang ma-anda titoh Henry Sy. Rumampa siya recently sa Philippine Fashion Week at signal #4 ang crowd sa pagwawater. Shaley at may orchestra pa ha...

Siyempre, may I search ako sa Google ng sexy photos niya at bumaha sa dami ng results. Nakakaloka kasi may buyangyang notches siya. Artistic naman ang pagkakagawa at hindi bastusin. Hindi mo pag-iisipan ng madumi pwera na lang kung malisyosa ka. ARAAAYYY!!! Oh eto na nga...


Teka mga ateng at biglang nagsikip ang malulusog kong dibdib... hindi ako makahinga. Parang sasavogue ang puso(n) ko... mahihimatay yata ako... saluhin niyo ako... BLAG!

Sunday, October 27, 2013

Pagsinta

Kung gaano na katagal ang vlag na itech, ganun na rin katagal ang pagsintang pururot ko kay Mike Concepcion. So bale mga tatlong taon na. At wit ko alam kung kelan ako makaka-move on sa kanya lalo na't may jowa na siya. WOW HA! Kung magsalita naman aketch, parang naging kami. Eh 'di pa nga kami nagkikita. Wish lang ng jowa niya na 'wag mangyari 'yan dahil I'm sure manure, masasaktan lang siya. AHAHAHA! GANDA KO! Tama na nga ang pag-iilusyon at kakanta na lang ako. Of course, I dedicate this to my one and only love...

Ang haba naman ng kamay mo my love hihihi ♥
♫ Sa piling mo parang langit
Lahat ng bagay ay kayang abutin
Sa piling mo may pag-ibig
Hindi ipagpapalit ang puso mo

Sa piling mo kay tamis
At ako'y wala nang nais 
Ikaw ang aking pag-ibig

Sa piling mo kay saya
Heto na tayong dalawa
Kay sarap ng pagsinta 
At pagmamahal

Dahil diyan sa piling mo
Ang tahanan ko
Mahal ko ♪




Sa Piling Mo is a single from Jonalyn Viray's second solo album and the theme song of the telenovela Lola

Saturday, October 26, 2013

Latak

Bohol's Chocolate Hills
Sinong hindi nayanig sa nangyaring lindol sa Kabisayaan nitong nakaraang linggo? Lahat yata tayo ay shakira sa natural calamity na itech. Galing pa naman kami diyan ng mga kaibigan ko noong Hulyo kaya nakakadurog ng puso ang mga nakakakilabot na litrato at balita. Hindi nakaligtas ang mga matatandang simbahan at Chocolate Hills na trade mark ng Bohol. Bilang Pilipino ay likas na sa atin ang magtulungan. Maraming paraan kung paano at isa dito ay sa pamamagitan ng RedCross (click here).

Siyempre 'di papatalo ang mga epal na pulpulitiko. Likas na 'yan sa kanila eh. Sa Administrasyong Aquino kung saan tayo ang boss ay bawal na bawal 'yan kundi eh titirahin ka sa social media. Instant pahiya ka. Pero madami sa kanila ang 'sing kapal at tigas ng palo-palo ang pagmumukha at ni latak ng kahihiyan eh wala...

Pangalawang pangulo pa man din. NAKAKALOKA! Infernezzz bawal ang plastic kaya bonggang cloth bag ang ginamit na pwedeng i-recycle at gamitin kahit saan. May recall agad sa makakakita de vaaahhh?! Sa makatuwid, idinedeklara kong henyo ang nakaisip ng ideyang ito. Nakatulong ka na, may maagang kampanya ka pa. PAKAK!

Sunday, October 20, 2013

Yate

Habang sinusulat ko ang vlag na itech, LSS ako sa lyrics na ♫ let's not bring the past back anymore ♪ As in 'yang pitong salita lang ang pa-ul-ul sa isip ko. Ang alam ko eh si ateng Jed ang kumanta niyan pero 'di ko noseline ang title. Well, 'di applicable ang lyrics na 'yan kung tungkol sa masasarap na lalaki ang pag-uusapan. Kalkalin natin ang nakaraan at namnamin ang sarap na dulot ni...

Matthew Mendoza
Papausbong pa lang ang bulaklak ko nang ako'y todong kiligin sa kanya. Una ko siyang nakita bilang Fredo sa trailer ng Dyesebel, version at launching movie ni MABUHAY! Welcome to my country. I'm Charlene Bonnin Gonzales from the Philippines! PAK! Nakasakay sa yate habang nagsa-sunbathing at eventually eh na-inlababo sa sirena. Oh how I wish ako 'yun during that time! Simula noon eh nagsunuran na ang mga nagawa niyang pelikula tulad ng Ikaw Naman Ang Iiyak, Nang Iniwan Mo Ako at Bridesmaids.

Cast of Ikaw Naman Ang Iiyak
Wala masyadong intriga kay fafah noon dahil bago pa man siya pumasok sa showbiz eh established na siya with his bonggang business. MAYAMAN! Pareho yata sila ng lahi ni Ian Veneracion dahil kahit 41 years young na, parang 'di lumipas ang kanyang sarap. Madalas siyang mapanood sa mga telenovela ng Kapamilya at Kapuso bilang daddy figure. Ooohhhh, I wanna be the mommy.

M-A-S-A-R-A-P!

Saturday, October 19, 2013

Hungry

CONFIRMED! Ubod ng sarap at linamnam na si Albie Casiño. Syet! Dapat malagyan ng cork ang keps ko at baka matuyuan ako sa pagtutubig sa kanya. Graveycious sa pagka-delicious si fafah. Teka, talagang 'di ko keri. Kelangan kong lumagok ng tubig. WHEW!

Matagal na rin tayong walang naririnig tungkol sa kanya. Last yata eh 'yung kinasangkutan niyang gulo sa isang bar sa Makati. 'Yun naman pala eh busy siya sa todong pagpapalaki ng katawan. Una natin siyang nakilala bilang original ka-loveteam ni Kathryn Bernardo sa Mara Clara (click here) pero dahil sa pasabog ni Andi Eigenmann eh naunsyami ang papausbong niyang career.

At recently nga eh rumampa nga siya sa Cosmo Bash at bongga ang tilian ng mga mujer at feeling mujer. 'Di mo aakalaing masarap siya sa personal! Oh Albie, we're hungry for more...


Follow him on Instagram: @abcasino

Friday, October 18, 2013

Lubha

Laganap ang video na itey sa Facebook. Mga rugby players na naglalapirot ng mga betlog. ANSARAAAP! Weakness ko pa naman 'yan. Kapag 'di mo pinanood eh makikiliti ang imahinasyon mo pero lubhang importante pala ang mensahe nito. Straight man o vekla, basta may hotsilog pa eh dapat i-tsek 'to... 

Wednesday, October 16, 2013

Warak

Nakakalungkot ang nangyari sa amin ng friend ko. Ilang beses ko na rin siyang nabanggit ditey pero wit ko na pangalanan. Nawarak ang tiwala ko sa kanya at ang masaklap, may andalushang involved. Matagal na kaming magkakilala. Nag-evolve na ang itsura namin mula sa pagiging prinsesa hanggang sa maging dyosa tapos bigla na lang ganito ang mangyayari.

Ganito kasi 'yun, jumuwelay siya ng probinsya matapos mag-resign sa trabaho. Bakasyon grande para magpa-tight ng pores. Eh biglaang darating ang jowang afam sa Maynila. Agad-agad eh nakiusap siya sa akin na mag-book ng plane ticket pabalik. May I promise to pay siya pagdating niya. No problemo! Gamit ang aking credit card eh natapos ang transaksyon in 10 minutes.

Nagkita't nakaalis na si afam at nakahanap na siya ng bagong trabaho pero 'di man lang niya i-mention ang jutang. Nahiya naman akong maningil kaya hinayaan ko muna na siya ang magkusa. Siyempre nag-a-adjust pa siya sa trabaho. Eh course niya yata nung college eh BS Dedmatology kaya nga-nga akez ng ilan buwan. Kinapalan ko na ang fes ko at siningil siya. Humingi siya ng pasensya at nangakong magbabayad sa ganitong petsa. Hoping ang drama ko. Tinext ko siya noong araw na 'yun pero namuti lang ang tantalizing eyes kez. Nagreply after ilang araw, sa akinse na lang daw kasi nagipit siya. Naintindihan ko naman. Dumating ang araw na 'yon at ako pa ang pinapunta sa lugar niya para pick-up-in ang paysung. Keri lang kasi 'di magtugma ang schedule namin. Aba! Pagdating ko eh wala pa sa kalahati ng jutang niya iniabot sa akin. Next payday na lang daw. Masaya na ako kasi kahit papaano eh nabawasan.

Eto na ang katapusan at naulit ang pandededma. Napuno na ang salop at winarla ko siya sa text. 'Di rin sinasagot mga tawag ko. Ending napagod lang ako at na-stress until sumuko ako. I decided na akuin na lang ang responsibilidad niya. I've learned my lesson. Mas nakikilala mo talaga ang isang tao pagdating sa pera. Kahit na gaano katibay ang tiwala mo, pwede itong mawarak at magkapira-piraso :-(

Sunday, October 13, 2013

Miss Venezuela 2013 winners

Naihalal na ang delegadang ipapadala ng bansang Venezuela sa Miss Universe 2014. Si Migbelis Castellanos, disi-otso años at representate ng rehiyong Costa Oriental ang todong nagwagi. Softer at sweeter version siya ni Miss Venezuela 2007 at Miss Universe 2008 Dayana Mendoza.

Natural at walang retoke sa katawan si ateng. GANDA! Si Michelle Bertolini ang pupunta sa Miss International 2014 samantalang si Stephanie De Zorzi naman para sa Miss Earth 2014. Bongga dahil may sarili na silang crown at parang sinunod pa sa disenyo ng main pageant. Wala kasing korona ang dalawang titulo for the past 3 years.

Maaga silang pinili para mas mahaba ang preparasyon sa sasalihang pageant. Kina-career talaga ng bansang 'yan ang larangan ng pagandahan kaya naman undisputed sila pagdating sa dami ng winerva. 1st runner-up si Wi May Nava (Miss Cojedes) at 2nd runner-up naman si Gabriela Graf (Miss Nueva Esparta). Hindi naman sila luhaan dahil ipapadala siguro ang isa sa kanila sa mga minor pageants sa Latin America. Walang talo de vaaahhh?!

Saturday, October 12, 2013

Delicious Weekend

Lakas ng julanis morissette sa labas. Mas bet ko 'yan kesa sa sunshine dizon pero huwag naman masyadong marami at nakakawala ng byuti ang bahamas. 'Yung tipong sapat lang para malamigan ang nag-iinit nating pakiramdam. Baka naman ibang init ang iniisip ninyo. P'wes 'yan din ang nasa isip ko. CHAREEENG!!! Teka, mag-aalay muna ako ng manok at itlog kay bathala at baka sakaling mapagbigyan ang wish ko ngayong holiday season. Kahit siya lang pwede na...

Gianni Sennesael
HAVE A DELICIOUS WEEKEND MGA ATENG!!!

Wednesday, October 9, 2013

Kwela

Mabilisang tawa muna sa lahat lalo na sa palaging subsob at walang time magbasa. Labing anim na taon na ang nakalilipas nang ilathala 'to ng Atlas Publishing sa mga pahina ng Pilipino Komiks. Inaabangan ko palagi ang ganitong klase ng komiks strip dahil maiksi na, todo kwela pa.

Bruna Da Bruha
Pilipino Komiks
Taon 49 Blg. 2761
Hunyo 13, 1997
Atlas Publishing Co., Inc.

Tuesday, October 8, 2013

Magbabawas, Magbabanlaw at Magpapaganda

Saturday, September 28, 2013
9:07 AM

Good morning Melanie!

Isa ako sa tagasubaybay mo sa TODO SA BONGGA.

Mayroon lang akong ibabahagi sa'yo tungkol sa na-experience ko itong week lang sa isang mall sa Monumento.

Nasa realty sales ako at ang home base ko ay sa Victory Mall.

Minsan sa tawag ng pangangailangan ay napa-CR ako sa 3rd floor ng mall. Sa hallway ay may nasalubong akong kumpol ng mga student na nag-uusap...

"Bakit nasa atin 'yun? Ang tagal-tagal pa."

Mga lalaking estudyante 'yun na nakasalubong ko bago pumasok ng CR. Nang nasa bungad na ako ay nakita ko ang isang beki na bihis babae, nagli-lipstick at naka-high heels. Ang tagal niyang pinturahan ang kanyang mukha sa malaking salamin. Deadma lang ako pagkatapos ay bumalik ako sa foodcourt kasi andun ang mga kasama kong babae. Naikwento ko sa kanila ang narinig at nakita ko. Nagkwento rin sila...

"Minsan nga may naka pila rin sa CR namin. Beki na bihis babae rin. Tinitingnan lang namin sya at naghihintay rin sa isang cubicle para umihi."

Ano ba ang advise mo? Sa aking palagay, dapat yata magkaroon ng isa pang CR para sa mga beki. Magiging tatlo na ang public CR sa Pilipinas. Hindi ako galit sa kapwa ko beki. Nabahagi ko lang ito dahil sa mga pananaw kung ano ang nangyayari sa loob ng CR kasama ang mga beki at straight na babae o lalaki.

Thank you!

***

Haller ateng!

Salamat sa pagsulat mo at paghingi ng aking opinyon sa isang bagay tungkol sa 'tin. Wit ko knows kung anong itatawag sa'yo. 'Di ka man lang nagpakilala.

Sa totoo lang, simple kung babasahin ang tanong mo pero nahirapan akez. Tungkol kasi sa karapatan ng isang indibidwal ang tinatanong mo... karapatang mamili kung saan magbabawas, magbabanlaw at magpapaganda. Kung sa ganang akin lang, kahit saan pwede basta kumportable ka. Mas maganda kung iaayon sa kung paano ka manamit. Kung feel na feel mo mag-takong at maxi dress, maiging sa girls CR ka. Kung bailamos o bihis lalake ang trip mo, 'di na kailangang i-memorize 'yan.

Ma-kwento ko lang ang recent experience ni Alicia, ang friend kong transgender. Nasa training na siya sa isang BPO sa Eastwood nang pagsabihan siya ng HR na 'di siya pwedeng mag-CR sa girls dahil sa kasarian niya. Wit pumayag ang vekla at humingi ng tulong sa bisor niya ngunit kamay na bakal ang pagpapatupad ng company rules. Dahil feeling violated sa karapatang pang-beki niya eh minabuti niyang umalis na lang doon. Well, kung sino nga daw ang inaapi ay siyang magwawagi dahil nakalipat siya agad sa isang kumpanya sa Ortigas. Mas mataas na ang sahod, 'di pa isyu kung saan siya weeweewee. PAK!

Maiba lang pero tungkol pa rin sa karapatan ng 'sangkabaklaan. Hanggat may mga bumubuto sa mga gunggong na mambabatas at umaasa lang sa kanilang staff, nga-nga tayo kung paano mabibigyan ng mas malaking espasyo sa Saligang Batas ng Pilipinas. Mauumpisahan na sana kung nanalo ang Ladlad Partylist pero 'di pa siguro ngayon ang shining moment nila. 'Wag tayong mawalan ng pag-asa. Malay nyo may kongresista naman diyan na may plano sa atin, natatabunan lang dahil sa samu't saring kontrobersiya ng Pinas na sinasawsawan ng senado at kongreso. AMP!

Nagmamasarap, 
Bb. Melanie

Sunday, October 6, 2013

Tambalan 2.0

Ang fevorit kong sina Nicole Hyala at Chris Tsuper o mas kilala bilang Balasubas at Balahura ng 90.7 Love Radio ay may bagong pinagkakaabalahan, ang pagsasalibro ng kanilang radio show tuwing umaga.

Aliw ang caricature nila sa cover
Tulad ng nabasa niyo sa cover, sila ang pinakasikat na DJs ng bansa. May sariling album, kabi-kabilang TV endorsements at guestings tapos ngayon may bonggang libro pa. Sino ba sa inyo ang hindi pa nakapakinig ng Tambalan? Nako, you're missing half of your beautiful morning dahil todong nakakaaliw ang balitaktakan nila. Kadalasang topic eh mga problema ng mga avid listeners. Magsisimula muna sa tawanan hanggang sa seryosong payo ang katapusan.

Madami pang nakapila after ko
Kahapon (October 5) ay nagpunta sila sa Trinoma para sa mall tour ng libro. Personal nilang pinirmahan ang kopya ng mga bumili. Dahil isang tambling lang ako diyan eh 'di ko na itey pinalagpas. Alas-tres ang simula pero ala-cuatro na ako nakarating. Mahigit isang daan kaming nakapila. 145php ang orig price pero less 10% dahil andun sila. Tipid ka na, may autograph pa nila. PERFEKTA!

While signing my copy
Tuwang tuwa ako 'di lang halata :p
Lahat ng matiyagang pumila ay kinausap nila. At nang turn ko na, eh naloka sila sa name ko. Explain naman ako na ginagamit ko 'yan sa vlag. Nicole asked kung anong topic ang madalas kong isulat and I told her kahit ano. Ask din sila ng height ko. Proud ko namang sinabi na 5'11'' akez. Aliw ang comment ni Chris Tsuper na Megan Young daw. Kinuwento ko rin na since 2006 pa ako nakikinig sa kanila at first time ko silang makita. Dahil diyan ay binigyan nila ako ng bonggang 90.7 Love Radio mug at pocketbook by Anvil Publishing.

Libreng pocketbook at mug
Kahit sikat na sikat na eh napaka-humble pa rin nilang dalawa kaya tuluy-tuloy ang blessings. Kung gaano sila kakulit sa radyo, ganun din sa personal.

♥♥♥
Thanks so much Nicole Hyala ang Chris Tsuper for the wonderful experience and of course for signing my copy. God bless and more power to Tambalan!

Saturday, October 5, 2013

Martir

Naalala niyo pa ba ang panahon nina Renz Verano at Melody kung saan tinatagalog nila ang famous English songs? Mga late 90's 'yun kung saan uso pa ang top 20 charts araw-araw sa radyo. Lagi kong inaabangan 'yung sa Kool 106, OPM songs sa tanghali at sa gabi naman ang mga imported. Kaya ko nabanggit 'yan dahil may isa akong todong paborito na magpahanggang ngayon eh pinakikinggan ko at feel na feel kapag kinakanta sa kwarto, ang Hindi Ako Si Darna ni Jenine Desiderio.

Jenine Desiderio
Hango 'yan sa Superwoman ni Karyn White na umalingawngaw noong 80's. Ang martir-martir ng lyrics nito. Kesehodang nasasaktan at nababalewala, sige pa rin sa pagmamahal. I'm sure madaming veks diyan ang nakakarelate. Madami kasi sa atin ang martir pagdating kay fafah. Kaya kapag may videoke, 'di pwedeng palampasin ang bonggang pagkanta nito with matching hand gestures at tulo luha sa kaliwang pisngi. Halikayo't mag-concert tayo...

Thursday, October 3, 2013

Pagdama

Excited akez sa same old brand new crush ako mga ateng! Same old kasi matagal ko na siyang nakikita pero 'di ko nabibigyang pansin kasi ang dami kong manliligaw. CHARUT! Matiyaga siyang pumila at ngayon ay nasa unahan na siya... si Martin Flores.

Martin Flores
Una ko siyang nasight sa Mr. & Ms. EcoTourism 2011 then sa Century Tuna Super Bods 2012. Tapos nasa Cosmo Bash 2012 siya at buong pusong nagpa-picture sa lahat habang naka-jubad. Bandang taas lang naman kaya wholesome pa rin. Take advantage akez sa pagdama ng maskels niya. Ahihihi! Tapos andun din siya sa Philippine Fashion Week SS 2013. Siyempre bonggang pa-pica ulit. Infernezzz nakilala niya ang byuti kez at nakipag-mini chikahan pa. Very warm at friendly siya.

Tapos nitong nakaraang Cosmo Bash eh rumampa siya ulit. Siya ang may pinaka-daring na ginawa dahil nag-shower siya on stage at rumampa na basa ang bripang. JUICE KOH! Nag-juice ang keps ko. Bumaha sa World Trade Center sa dami ng nag-waterwater. Kaya todo search ako sa net at eto ang mga naharbat ko...


*Photo credits:  Purititiwang and breakmyspell.blogspot.com