Kakapanood ko lang ulit ng The Prince & Me at 'di ko na namang napigilang mag-imagine ng sarili kong fairy tale. Haaaayyyy, sino ba ang may ayaw sa isang makisig at matipunong prince charming na unang kita pa lang sa'yo eh inlavey na? Kung bakit naman kasi kinalakhan natin ang mga istorya nina Cinderella, Snow White at Little Mermaid.
Bida diyan sina Julia Stiles at Luke Mably. Sa kagustuhan makakita ng suso ng Amerikana, dumayo pa ang prinsipe ng Denmark sa Wisconsin. Akala yata eh lahat ng kana eh papayag sa gusto niya. Tsuri na lang kasi witey ganun si Paige, isang matinong estudyante na nangangarap maging doktor. Fight fight sa umpisa tapos mauuwi sa sweet-sweetan. 'Di alam ni babae ang tunay na katauhan ng prinsipe hanggang sa mahuli ng paparazzi ang lampungan nila sa library. KALOKA! Ma-try nga 'yan!
Bukod diyan eh paborito ko rin ang A Cinderella Story (Hilary Duff, Chad Michael Murray) at Beastly (Vanessa Hudgens, Alex Pettyfer). Naghahagilap pa ako ng fairy tale-like movie na masarap panoorin. Any suggestions mga ateng?
Tuesday, November 26, 2013
Sunday, November 24, 2013
Kibot
Ilang araw nang kumikibot-kibot ang talukap ng mga mata ko. Napansin ko rin na hindi na kasing clear and sharp dati ang vision ko. HOMAYGASH! Paano ako makakasipat ng mga lalaki niyan kung lalabo ang paningin kez? 'Wag naman sana dahil baka imbes na masarap eh panis pala ang maihanda ko sa inyo. AMP!
Speaking of paningin, ewan ko ba pero feeling ko, magkahawig ang favorite bikini boy natin na si Allen Molina at si Jake Ejercito, ang super gwapong junakis ni Erap na jowawit ni Galema. Tsek niyo nga...
Totoo ba o kelangan ko nang magpatingin sa opta? Pero de vaahhh similar ang hugis ng tenga, mata at close-up smiles nila? Kung 'di man kayo agree eh tiyak na sasang-ayon kayo na pareho silang masarap. Ang swerti ng mga jowa nila ah! Everyday OK.
Speaking of paningin, ewan ko ba pero feeling ko, magkahawig ang favorite bikini boy natin na si Allen Molina at si Jake Ejercito, ang super gwapong junakis ni Erap na jowawit ni Galema. Tsek niyo nga...
L: Allen Molina (via Ask Aski Photography) R: Jake Ejercito (from Facebook) |
Friday, November 22, 2013
Mister International 2013 winners
Mister International 2013 José Anmer Paredes |
Mister International Belgium 2013 Gianni Sennesael |
Mister International 2013 winners |
Makapaglimas na nga ng baha dito sa kinauupuan ko at malansa na ang water-water ko. Hanggang sa susunod na male pageant na ating matitikman.
Wednesday, November 20, 2013
Mister International 2013
Muntikan na nating mamintis ang masasarap na otoko sa Mister International 2013. Bukas na malalaman ang magwawagi at Indonesia ang bonggang host country. May pagkonserbatibo ang bansang 'yan kaya 'wag umasa na merong skimpy trunks na magaganap. IMBERNA! 'Yan pa naman ang todong inaabangan ko. May alternative naman daw... beach wear nga lang. Oh siya, keri na ang matitigas na pandesal minus the bukelyas. Tatlumpu't walo silang maghaharap sa grand night at sila ang piñakamasasarap...
Belgium - Gianni Sennesael
(dalawang taon ko na siyang mahal)
L: Spain - Adrian Gallardo
R: Lebanon - Firas Abbas (parang iwawasiwas ako sa headboard)
Tuesday, November 19, 2013
Sikat
'Wag sana natin silang kalimutan kahit biglang sikat si Yolanda...
Photo courtesy of @ViceGandaNation |
Monday, November 18, 2013
Bigote 2.0
Naging pantasya niyo ba noon si Gino Antonio? Gusto ko sanang magsulat ng tungkol sa kanya at sa machong macho niyang bigote kaya lang wit ko naabutan ang pamumudmod niya ng sarap sa 'sangkabaklaan. I'm sure ilan sa inyo ay may malilinamnam na alaala kung paano siya umindayog at kumandirit sa pinilakang tabing.
Kaya imbes na ako ang magsusulat, baliktarin natin at kayo ang magbahagi kung paano niya nilagyan ng kulay ang mapusyaw niyong buhay noong dekada otsenta. Kahit Lunes ngayon eh mag-#ThrowbackThursday tayiz. Kwento niyo lahat, no holds barred. Care to share mga ateng lalo na ang pinakabet niyong pelikula niya.
Sa comment box niyo ilahad ang kuda niyo at kapag marami kayo, magpo-post pa ako ng sizzling photos niya ☺
Sunday, November 17, 2013
Birada
Saturday, November 9, 2013
11:38 PM
Hi Miz Melanie!
I'm Ares and I've been an avid reader of your blog since 2010 & I have to say that you always made my day. Whenever I go online, isa ang blog mo sa lagi kong bini-visit to make sure di ko mamimiss ang sarap at katuwaan mong hatid. I admire your sense of humor and personality. You're actually one of the reasons kung bakit gusto ko din mag-blog.
Mahilig kasi ako sa fashion ever since bata pa ako. I love to watch fashion shows & I always make comments about them. I love how designers make exciting clothes & I really would love to share my passion for fashion sa pagba-blog.
Gusto ko lang humingi ng opinion mo. Last month, na-invite ako manood ng ilang shows sa Philippine Fashion Week. I really love the experience especially sitting there & watch the clothes in real life. Some of the designs are good, some of them... hmmm... I have to say are bad or needs improvement.

Tuesday, November 12, 2013
Alay
Kung may madadaanan tayong simbahan ngayon araw na ito, maari bang pumasok muna tayo upang mag-alay ng panalangin at magsindi ng kandila para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Yolanda. Nawa'y makayanan nila ang matinding pagsubok na hatid ng kalikasan. Wala nang mas hihigit pa sa pagtulong ispiritwal sa mga panahong tulad nito. Hindi madali ang bumangon sa ganitong klaseng trahedya at heto pa ang bagyong Zoraida na muling susubok sa ating katatagan. Hindi tayo susuko. Kaya natin ito!
Monday, November 11, 2013
Ipagbunyi
"For the people who have lack of jobs, I do believe that we people should invest in education and that is my primary advocacy, because we all know that if everyone of us is educated and well aware of what we are doing, we could land into jobs and we could land a good career in the future. Education is the primary source and ticket to a better future."'Yan ang bonggang sagot ni Ariella 'Ara' Arida sa Q&A portion ng Miss Universe 2013 nang mapili siya bilang isa sa top 5 finalist. Sinong hindi makakarelate sa sagot niya? Bata pa lang tayo eh palagi na tayong sinasabihan nina madir at fadir na kung gusto natin ng magandang kinabukasan, mag-aral nang mabuti. At kahit hindi siya ang itinanghal na 3rd Pinay Miss U, we are still proud of her achievement.
From pa-sweet na kumpetisyon eh go naman tayo sa medyo harsh. Isa pang dapat nating ipagbunyi ay ang pagkakapanalo ni Nonito Donaire sa ikalawang pagtutuos nila ng Armenian na si Vic Darchinyan. TKO ang kalaban sa 9th round at hilong talilong sa lakas ng mga pinakawalang suntok ng tinaguriang The Filipino Flash.
Kahit na sinalanta tayo ni Yolanda, may rason pa rin para tayo ay ngumiti at 'di mawalan ng pag-asa. Ngayon, let's do some action para sa mga kababayan natin sa Kabisayaan na todong naapektuhan ng super bagyo. Sa willing mag-donate ng mga kasuotan, maiging sundin ang payo ni ateng Bianca...
Sunday, November 10, 2013
Sirko
Nasaytsikels niyo na ba sa mga tindahan at billboard ng Bench Body ang bago nitong collection this season? Sirku-sirkohan ang concept at todong makulay. As always eh wetness galore ako sa sarap sa mga lalaking naka-bripang. Tulo-laway mode akez kina John Spainhour at Jake Cuenca...
Thursday, November 7, 2013
Pinitpit
Linggo ng umaga nang mapagpasiyahan kong pumunta sa Baclaran para magsimba. Tutal isang mahabang LRT ride lang itech at para maiba lang kasi nunca pa akong nakapagmisa there. Bakasyon ang karamihan dahil Undas kaya konti lang ang utaw sa daan. Paakyat na ako sa Roosevelt station nang makita ko ang dalawang itey...
Parang pinitpit na bawang ang puso ko sa kanilang kalagayan. Ikaw ba naman ang matulog sa malamig na semento at daan-daanan ng maduduming tsinelas at sapatos. Pero ba't ang aga-aga eh borlogeygey? Siyempre, 'di ko naiwasang maisip na baka din-roga ng sindikato na may hawak sa kanila o tinuruang magtulug-tulugan. Magpapasko kaya nagkalat ang tulad nila. Ngunit ano man ang dahilan, wit nila deserve ang maranasan ang ganon. Dapat eh nag-eenjoy lang sila sa kanilang youthfulness.
Maaaring sabihin ng ilan sa atin na tayo'y maswerte kumpara sa kanila pero iniiwasan kong isipin 'yan. Dahil kapag may swerte, may malas. Unfair para sa kanila. 'Di naman nila pinili 'yan de vaaahhh?! Pero nabigyan ba sila ng pagpipilian? Wala yata. Nakakalumbay.

Wednesday, November 6, 2013
Nagugulumihanan
Kagabi ay ginanap ang preliminary round ng Miss Universe 2013 at ang 'sangkabaklaan ay napuyat para avangan ang pag-arriva ni Ariella Arida. Eto rin ang unang pagkakataon na makikita ang evening gown na kanyang isusuot sa coronation night ng kumpetisyon. Sa panlasa ko, medya medya ang timpla ni ateng. Walang PAK na PAK factor ang kanyang catwalk sa swimsuit portion 'di tulad ng bonggang Tsunami at Cobra walks nina Shamcey at Janine. Pero kumpara sa ibang kandidata eh keri na. Ibang usapan nga lang ang evening gown...
JUICE MIO TANG MANGGA! Sakit sa mata! Bumagay man ang shade na dilaw sa kayumanggi niyang balat eh todong underwhelming naman ang design. Kinulang sa beads ang designer. KALOKA! Buti na lang at nagustuhan ko ang hairstyle niya. Kakaiba at bagay sa gandang Pilipina.
Kaya kung gusto nating makapasok ang ating bansa sa semifinals eh umpisahan nang manalangin at humiling ng himala. Basbasan sana ang nagugulumihanang utak ni Madame Stella Marquez-Araneta at nawa'y magpalit siya ng isip para palitan ang evening gown ni Ariella.
Watch her performance here...

Monday, November 4, 2013
Manipis
Masyado namang sumpungin ang panahon. Mainit sa una tapos todong bubulusok ang ulan. 'Di mo tuloy alam kung anong outfit ang isusuot mo, presko ba o waterproof. Paano tayo mapapansin ng mga otoko niyan kung basang sisiw ang peg? Ay! Dapat puting bestida. TAMA! 'Yung manipis lang ang tela para kahit maaraw eh 'di tayo pagpapawisan at kapag nabasa, baktung ang epek. Ewan ko na lang kung 'di nila titigan ang nanlalamig at naninigas na pink nipples natin. CHAREEENG!
Ibabahagi ko sa inyo ang isang napaka-senswal na istorya ni Crisanto AKA Cristy. Ito'y nailathala sa mga pahina ng Sexy Komiks Taon 1 Blg. 19 noong Agosto 1984. So 29 years ago pa ito. KALOKA! Makakarelate ang ilan natin shupatemba lalo na 'yung pukihan diyan at mahilig sa afam just like meeehhh.
Paalala: Ang inyong mababasa ay Rated SPG mga 'teh.

Saturday, November 2, 2013
Partikular
Sabado last week nang ako'y magdesisyong rumampa sa Cubao upang magliwaliw. Tanghali pero sobrang trapik sa EDSA dahil sa road reblocking kaya kung saan-saang sulok umikot ang FX na aking sinakyan. Matapos ang isang oras eh nakarating din sa paroroonan. Naabutan kong inaayos ang bonggang Christmas Tree ng Araneta Center. Ang lapit na talaga nang Pasko. Konting lakad pa at ako'y napadpad sa National Bookstore.
Sa tuwing ako'y lalabas, mapa-mall man o kung saan, palaging sa bookstore ang una kong destinasyon. Kung hindi sa NBS eh sa Booksale. Natutuwa ako sa tuwing napapalibutan ng mga babasahin, magazine man o libro. Isa-isang susuriin at titingnan kung may magugustuhan partikular na sa Philippine Literature section. Kung wala eh better luck next time. 'Di naman ako nabigo noong araw na 'yon dahil bukod sa bagong nobela ng favorite romance novelist ko na si Rose Tan ay may isa pa akong inusyoso...
Noong araw lang na 'yon ko nakita ang libro pero taong 2007 pa pala ito nailimbag. Nagdalawang isip pa nga ako kung bibilhin ba o hindi kasi walang buod sa backside o loob. Wala akong ideya sa istorya. Pero istratehiya siguro iyon ng author o publisher para todong maintriga ang makakakita kaya pagkakuha ng isang kopya eh diretso ako sa cashier.
Matapos ang isang linggo eh sisimulan ko na ang pagbabasa. Sana magustuhan ko.
Philippine Literature section inside NBS Cubao |
Hangga't Alat Ang Dagat at Isang Haliging Asin (Dalawang Novelang Gay) ni Joey A. Arrogante |
Matapos ang isang linggo eh sisimulan ko na ang pagbabasa. Sana magustuhan ko.
HAVE A GOOD WEEKEND MGA ATENG!