Dapat may souvenir bago mag-resign |
Friday, February 28, 2014
Binalandra
Wednesday, February 26, 2014
Tampulan
Mag-ate ba kayo? |
Image from localpulse.net |
Tweet nila kahapon |
Image from Bandera |
Wednesday, February 19, 2014
Kiskis
Matapos naming manood nina Tracy at Ateh Paul ng GBBT last December, rumampa muna kami sa SM Sta. Mesa upang magpalipas oras bilang mahuhuli ng dating sa aming tagpuan si Gladys, isa pa naming kaibigan. Sa Booksale kami pinulot bilang suki kami doon. Sa paghahalukay ng mga lumang magazine ay may nakita akong kayamanan. Cover ng Tatler UK ang lalaking tunay na magpapayaman sa atin, si Prince Harry...
Man of the Year 2012 siya dahil sa photo scandal niya sa Las Vegas. Kaimbey lang at walang uncensored pic na lumabas. Todong pinigilan yata ni Queen Elizabeth. Sad tuloy mga beks. Pero hindi 'yan ang gusto kong isulat ngayon kundi ang bonggang ad ni Kristen Stewart for Florabotanica by Balenciaga...
Dedma lang ako nung una diyan dahil wit ko naman hilig magpabango. Kaya lang parang mas makapal 'yung page compare dun sa iba so inusyoso ko. 'Yun pala may part doon na pwede mong tuklapin para maamoy 'yung sample. 'Di kasi uso 'to sa local mags eh. Sa Avon brochure lang. Kiskis your palad to amoy the scent. Arte! At nung inamoy ko nga, PAK! Na-bet-an ko agad! Hanap ako online kung may nagtitinda. Waley. Ayaw ko naman sa mall kasi mahalya for sure. Hinagilap ko na rin sa mga tindahan sa Alphaland Magallanes kung may tester version pero napagod lang akiz. Tapos nabasa ko 'tong blog ni atey...
NAKAKALOKA! Seven kwit pala ang presyo! Ganun na pala ang presyo ng mga awtentik na pabango? Parang appliances na ang katumbas. Dahil diyan, antayin ko na lang ang version nito ni Joel Cruz.
Lord of Scents, can you hear me?
Man of the Year 2012 siya dahil sa photo scandal niya sa Las Vegas. Kaimbey lang at walang uncensored pic na lumabas. Todong pinigilan yata ni Queen Elizabeth. Sad tuloy mga beks. Pero hindi 'yan ang gusto kong isulat ngayon kundi ang bonggang ad ni Kristen Stewart for Florabotanica by Balenciaga...
Dedma lang ako nung una diyan dahil wit ko naman hilig magpabango. Kaya lang parang mas makapal 'yung page compare dun sa iba so inusyoso ko. 'Yun pala may part doon na pwede mong tuklapin para maamoy 'yung sample. 'Di kasi uso 'to sa local mags eh. Sa Avon brochure lang. Kiskis your palad to amoy the scent. Arte! At nung inamoy ko nga, PAK! Na-bet-an ko agad! Hanap ako online kung may nagtitinda. Waley. Ayaw ko naman sa mall kasi mahalya for sure. Hinagilap ko na rin sa mga tindahan sa Alphaland Magallanes kung may tester version pero napagod lang akiz. Tapos nabasa ko 'tong blog ni atey...
NAKAKALOKA! Seven kwit pala ang presyo! Ganun na pala ang presyo ng mga awtentik na pabango? Parang appliances na ang katumbas. Dahil diyan, antayin ko na lang ang version nito ni Joel Cruz.
Lord of Scents, can you hear me?
Monday, February 17, 2014
Sandwich
Pinasinungalingan ni Sen. Jinggoy Estrada na dinalhan siya ng kickback ni Ruby Tuason mula sa sarili nitong pork barrel na dumaan sa maanomalyang tanggapan ni Janet Napoles. Imbes na pera, meryenda daw ang dala nito. AHAHAHAHA!!! JUICE KOH!!! Ang dami kong tawa ditey. Infernezzz wala sa itsura ni madam na magbibitbit ng malalaking plastic na may lamang styrofor, magbebenta sa loob ng senado at maglilitanya ng...
Sa tingin niyo mga ateng, anong klaseng sandwich kaya ang madalas bilhin ni senator kay Aling Ruby?
A. Ham & Cheese
B. Chicken Sandwich
C. Bacon & Egg
D. 'Pork' Sandwich
Image by Benjie Castro via GMA News |
"Senator, may dala ako ginataang bilu-bilo, lumpiang sariwa, kamote fries at mamon. Anong gusto mo?"Dahil matalas ang memorya ng senador, nakatatak na sa kanyang utak ang klase ng meryendang madalas 'ialok' sa kanya ni madam. Sandwiches daw galing Milky Way. ABA! Saan ang Milky Way na 'yan? Mas masarap ba 'yan sa gawa ni Aling Julie's at Mang Tinapay? Kakagutom. Na-miss ko tuloy ang Violet Cream Loaf worth tweyni peysos.
Sa tingin niyo mga ateng, anong klaseng sandwich kaya ang madalas bilhin ni senator kay Aling Ruby?
A. Ham & Cheese
B. Chicken Sandwich
C. Bacon & Egg
D. 'Pork' Sandwich
Friday, February 14, 2014
Excomulgado
Panay flowers and lovers ang masasalubong natin sa daan ngayong araw. 'Wag nang maging bitter kung member ka ng W.P.S.V. (waley papa sa valentines). Malay mo ma-excomulgado ka in the future at masabing S.W.M.J.N.A. (sa wakas may jowa na ako). Darating din 'yan sa swak na panahon. Nakakatuwang nakakainggit dahil panaka-naka ay may nakikita na akong mga shupatemba natin na proud na proud sa kanilang karelasyon. Todong nakaka-inspire sila. Kebs sa mapanghusga, basta masaya ka!
Bukod sa Sta. Mesa at Pasig, baka bongga traffic din ngayon sa mga massage parlor. Unahan tayo sa pila mga ateng lalo na sumakto sa sahod ang araw ng mga puso(n). 'Wag lang pabibitag sa inflation rate ng mga masseur at baka pati pambayad ng Meralco eh maibigay mo. CHARUZZZ FEFECO!!!
Ayan, solb na ako!
Magma-mop lang ako't bumaha dito ☺
Tuesday, February 11, 2014
Hurado
Pansin ko lang, dumalang na akong mag-post ng masasarap na otoks na sumasali sa bikini contest. Vhuket kaya ako tinabangan sa kanila? Hhhmmm... wala pa kasing nakakalampas sa sarap nina Richard Pangilinan at Allen Molina. Matagal nang nananahimik sa presinto si fafah Chard kaya 'wag na natin gambalain samantalang si fafah Allen ay bonggang aktibo pa rin hanggang ngayon. Hangga't water-water ang mga beks sa kanya, push niya lang 'yan. Walang aangal. Dahil diyan, gawaran natin siya ng ULTIMATE BIKINI MAN OF THE DECADE.
Nung isang araw lang eh nanalo siyang Mr. Sexy Body 2014 ng Sta. Lucia East. Todo higpit ang labanan dahil halos karamihan ng kalaban niya ay beterano din. Oh well, pruweba lang na wala pang nakakapantay sa kanyang sarap at linamnam. Runners-up ang equally handsome na sina Stephan Dorschner (left) at Myles Palisoc (right).
Kung kayo ang magiging hurado, paano niyo sila iraranggo base sa tatlong kategorya...
Kahit nangingibabaw sa puso(n) ko si fafah Allen, 'di na ako aarti dun sa dalawa.
Choosy pa ba me kung sila ang nakahanda?
WITEY NA NOH!!!
*photos courtesy of Purititiwang
Image by Edmund Chua Photography |
Kung kayo ang magiging hurado, paano niyo sila iraranggo base sa tatlong kategorya...
Tubog sa ginto |
Ang bikini mo ay bikini ko rin |
Sa pula, sa asul... ako'y nauulol |
Choosy pa ba me kung sila ang nakahanda?
WITEY NA NOH!!!
*photos courtesy of Purititiwang
Sunday, February 9, 2014
Ka-look-alike
Infairness may progress |
Excited to kiss your music again |
Kylie sa masarap na handaan |
Into The Blue ang first single na mala-Spinning Around ang arrive. Nag-debut last February 3 ang music video at panalo sa pagka-stylish at glamorosa. Ikaw ba naman ang sponsoran ni Saint Laurent at Dior eh. At tulad ng Cry Me A River ni Justine Timberlake at We Found Love ni Rihanna, why not use a ka-look-alike of your ex as the love interest? Hhhhmmm... baka may after taste pa siya ni fafah Andres while doing the video.
Friday, February 7, 2014
Punla
Sa loob ng anim na minuto at dalawampung segundo ay bonggang nasagot ng video na 'to ang kadalasang katanungan ng mga utaw tungkol sa ating lahi. At hindi ito limitado sa mga beki. Mapa-shivolee ka man, transgender o bilaloo ay kabilang dito. Madalas kong marining ang birong-tanong na 'di naman daw tayo nanganganak pero bakit patuloy tayong dumadami. GANON?!?! So sa matris lang pwedeng magtanim ng magagandang punla?
Inihanda 'yan ng TLF Share, isang non-profit, non-governmental organization na tumataguyod ng adbokasiya tungkol sa ating kalusugan, karapatang panlipunan at kagandahan sa sosyedad. Nakakatuwa dahil dumadami ang mga organisasyong tulad nito na buma-back up sa 'sangkabaklaan. MABUHAY KAYO!!!
Jayvhot as Maxie |
Oo nga pala, kung 'di niyo kilala 'yung bida sa video, siya si Jayvhot Galang, gumanap bilang Maximo Oliveros sa Maxie: The Musicale na ipinalabas noong isang taon. Apir tayo mga ateng dahil ang galing niya. Bigyan ng award! Kudos din sa mga tao sa likod ng proyektong ito dahil bukod sa punong puno ng impormasyon ay todong nakakaaliw ang pagkakagawa. PAKPAKBOOM!
Thursday, February 6, 2014
Kanlungan
Saan napunta 'yung sinabi ng PAG-ASA na hanggang Pebrero ang malamig na klima? Walang pasabi 'tong summer season at umentra agad. Hindi man lang nagtransition. Biglaan ang todong pagtaas ng temperatura. KALOKA! Noong Linggo nagsimula 'yan habang nasa Antipolo ako at nakikipagsushalan sa mga kapwa bloggers para sa isang outreach program. Naikwento ko na sa inyo ang tungkol sa Pinoy Bloggers Outreach (PBO) noong Nobyembre. Kinaray ako ni ateng Edgar P. ng EP BITES sa unang anibersaryo ng grupo at ginanap ito sa Kanlungan ni Maria, isang tahanan na kumakalinga sa ating mga lolo't lola.
Dumating kami sa lugar pasado ala-una ng tanghali. Ang daming utaw na jumoin! The more, the merrier as they say. May nauna sa aming magbigay aliw sa mashoshonders. So habang nagpo-program sila eh ininterview ko ang resident nurse ng lugar. According to statistics, 22 ang inaalagaan nila; 17 mujer at 5 otoko. May dalawang volunteer din akong nakatsikahan. Masaya naman daw ang mga matatanda. Karamihan daw ay mga walang pamilya. Kesa nga naman magpalaboy sa daan, kinalinga sila ng DSWD saka inilipat doon. Pansin ko din na madaming stock ng gamot. 'Di naman daw kasi sila pinababayaan. Parating may nag-a-outreach at charity event.
Kwento ni Father, nakakatayong mag-isa ang Kanlungan dahil sa donasyon. Nakakapagpasweldo sila ng tauhan dahil dito. Knock on wood pero kung sakaling may ma-o-ospital man daw, paniguradong may mabubunot sa bulsa. Kaya lubos ang pasasalamat niya at madami pa rin ang nais magtanim ng kabutihan sa tulad nila. WE LOVE YOU FATHER!
Sa bawat dalawang blogger ay may isang naka-assign na elderly. Partner ko si ateng Edgar at sa amin napunta si Tatay Ruben. Medyo 'di na nakakarinig si lolo at mahina na magsalita kaya kung kausapin ko, daig ko pa ang may megaphone. Nangangapitbahay ang boses ko. AMP! Dati daw siyang kapitan ng barangay at 'di na nakapag-asawa dahil ayaw daw sa kanya ng mga babae. Nako ha! Baka naman choosy ka 'tay. CHOS!
Nakilala ko rin sa wakas si ZaiZai ng simplycomplicatedzai.blogspot.com. Kavogue ang Mimilanie Marquez stature ko sa taas niya! Visit niyo site niya kasi ang daming masasarap na pagkain. Totoong pagkain 'to ha! Na-meet ko rin sina Wil ng willexplorephilippines.com, si Rix ng rixsays.blogspot.com, Ms. Joy of joysnotepad.blogspot.com na binigyan ako ng super sarap na chocolate at si Nutty Thoughts (tama ba?) na suki ng aking kariderya. Kung nababasa mo man ito ateng, 'di ko mahagilap ang link ng vlag mo. Post mo pls. May dalawag pogi din dun, sina Amphie at Gord kaya lang 'di ko nakuhanan eh. Sayang nameeen.
Salamat sa PBO at ateng Edgar for inviting me to this wonderful event. Happy anniversary at sana eh magpatuloy ang bonggang adhikain ng inyong samahan. Dumami pa sana ang maging miyembro niyo at nawa'y bumaha ng donasyon mula sa iba't ibang people, mayaman man o hindi, basta may kapasidad makatulong.
Click here to like their Facebook page for updates ☺
Kanlungan ni Maria |
Follow niyo ang PBO |
Medical chika with lola |
Seryosong nakikinig ng game mechanics |
Naiyak yata si lola sa sobrang saya |
Tahimik ang lahat kapag kumukuda si Senyor |
Tinanong ko kay Father ang meaning niyan |
Si Tatay Ruben AKA Michael Jackson |
Clockwise: Ateng Edgar, Senyor Iskwater, Nutty Thoughts and ZaiZai |
Pagod na yata sila |
Click here to like their Facebook page for updates ☺
Tuesday, February 4, 2014
Ang Rugby, si Juliana at ang RH bill
Photography by Craig Pulsifer via PhotoPhilanthropy.org |
Image from PEP.ph |
Image from pinoyworld.eu |
Saturday, February 1, 2014
Lungga
Sila ang aking early faves...
Aiza Faeldonia - lakas maka-Gemma Cruz Araneta ng byuti niya. She's from Mindanao at isa sa pinakamatunog na paborito ng pageant fans.
MJ Lastimosa - pangatlong beses na niyang sumali at ngayon kaya eh palarin na siyang makakuha ng isa sa apat na korona?
Yvethe Santiago - kababayan ni Venus Raj at isang Certified Public Accountant. WOW HA! Achiever ang lola niyo. 'Di na siya baguhan sa pagandahan dahil may experience na siya sa local pageants.
Kris Janson - dating Miss Cebu at ngayon eh susubukan maging Bb. Pilipinas. Knowing Cebuanas, I can feel na kukudain niya ang mga judges sa Q&A portion.
Laura Lehman - silent beauty ang isang 'to. Elegante at may class. 'Di kailangan ipaghiyawan na maganda siya at pak na pak ang rehistro sa camera.
Lima muna ngayon mga ateng dahil waley pa namang official photos. Madami pang bonggang activities ang Bb. Pilipinas kung saan todong makikilala natin ang mga kandidata. Sino kaya ang mangingibabaw sa karaketer at sino ang hanggang pica lang?
Avangan.