  | 
Paula Shugart, Maria Gabriela Isler and Stella Marquez-Araneta Image courtesy of Missosology.org | 
Dumating kahapon ang presidente ng 
Miss Universe Organization na si 
Paula Shugart kasama ang reigning queen 
Maria Gabriela Isler para personal na daluhan ang 
Binibining Pilipinas na gaganapin sa 
Linggo, Marso 30. Pero bago 'yan ay bibisitahin at tutulong muna sila ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda.
Kagabi ay nagkaroon ng pre-pageant activity at ibinida dito ang magaganda nating national costumes made in the Philippines. 
PAK! Eto na kaya ang bonggang simula ng pagdadamit ng Filipino designers sa ating mga Binibini? Expired na kaya ang 'kontrata' ni 
Madam Stella kay Colombian designer 
Alfredo Barraza?
May rare moments rin dito kung saan tatlong reyna ang bonggang nagsama-sama sa iisang event: 
Miss Universe, Miss International and 
Miss Supranational.
Before I forget, dapat ko nang isambulat sa inyo ang sampung binibini na aking aabangan at nawa'y palarin na makasungkit ng korona. Heto sila...
Todo suporta ang mga Cebuano kay 
Kris Tiffany Janson. Minsan lang dumating ang ganitong mestiza Filipina beauty kaya sana ay palarin siya. 
BOOM na 
BOOM sa kaseksihan 'tong si 
Aiza Faeldonia na nagmula sa Mindanao.
Expensive. 'Yan ang karapat-dapat na titulo sa kagandahan ni 
Laura Lehmann. Malakas na bentahe ni 
Emma Tiglao ang kakaibang hugis ng kanyang mga mata.
Kamag-anak daw ni dating 
Miss Universe Gloria Diaz itong si 
Joy Diaz. Magamit kaya niyang advantage 'yon para mapili bilang semi-finalist? Si 
Yvethe Santiago ay beterana sa pagandahan sa Bicol kung saan galing si inang 
Venus Raj. Halos magkatulad din ang kanilang tindig at postura.
Nalilito ako dito kina 
Kimverlyn Suiza at 
Bianca Guidotti. Hindi naman sila magka-fez pero parang iisa lang ang tingin ko sa kanila. Nevertheless, pasok sila sa banga ko.
MJ, MJ, MJ Lastimosa... huling taon na 'to na pwede kang sumali. Sana naman dinggin ni madam ang hiling namin na sana'y makoronahan ka. Mala-girl-next-door ang arrive nitong si 
Hanna Dela Guerra. Pwedeng artista!
Abangan din natin ang special performance ni 
Emin, ang international star na kumanta during the evening gown competition ng Miss Universe last year. 
ABA! Talagang pinaghandaan ni Madam Stella ang coronation night ah! Hosted by 
Xian Lim and 
Anne Curtis, watch the most beautiful Filipino tradition only on 
ABS-CBN.