Sunday, June 29, 2014

Byolin

Isa nating shupatemba working as a musician abroad ang nagpadala ng bonggang tip na may isa daw low-key boyband ang hindi lang magaling mag-byolin kundi ubod pa nang sasarap. Parang sinilihan ang tilapia ko nang makita ko ang grupo. Lalo na sa isa nitong miyembro na todong nagpaseksi not once but twice sa dalawang foreign magazine - DNA & GT.

Ang tinutukoy ko ay ang all-male string quartet Well-Strung. They give a different flavah sa pagtugtog ng violin sapagkat they have their own version of Adele, Britney and Ke$ha's songs. Wala bang kanta ni titah Ivy Violan? ECHOSSS!!!

Thursday, June 26, 2014

Kwela 5.0

Giday
Espesyal Komiks
Mayo 26, 1997
Taon 40 Blg. 2240
Atlas Publishing Co., Inc.

Wednesday, June 25, 2014

Nakahain

Ni-revive ko ang Sabado Nights ni tiyang Ina Raymundo nang gumora ang byuticles ko sa Fabmale Manila, The Battle for Bikini Supremacy. Ginanap 'yan sa Area 05 sa Tomas Morato noong June 21. Karamihan sa mga sumali dito eh mga winnerva sa kani-kanilang sinalihang bikini contest like Aeron Cruz and Allen Molina. Bonggang grand eye ball nila itey kaya naman lumusob ang mga diwata at engkantada upang sila ay masilayan.

Saturday, June 21, 2014

T-shirt

Ang ganda ng t-shirt ni Kap. Ang puti, ang linis, ang puro lalo na ang qoute na naka-imprenta dito. Naku! Walang make-up si Rep. Lani. Gandang-ganda pa naman ako sa kanya sa Blusang Itim. Need niya ng konting press powder pampa-fres. Pahiramin ko siya ng Ever Bilena Two Way Cake ko. Oh! Si Jolo pala 'yung nasa kanan. Dapat 'di siya nag-red kasi nakaka-itim sa kanya. Aaahhh... alam ko na kung bakit. Para terno siya sa kulay ng lettering sa damit ni Kap. 'Di ko na-gets agad. Slow lang. Bryan Revilla? Is that you wearing black shirt? Hows Maui Taylor? ECHOS! Ang luma ng issue. May iba pang tao sa likod pero wit ko na sila knowsline. Supporters obvious naman. Bakit ba ibang supporter ang naiisip ko?

Basta ako Kap, hindi naniniwalang magtatagal ka sa kulungan. Ang sikip at mainit diyan. Malamang magkasakit ka. Ayaw kong mangyari 'yan. Ma-hospital arrest ka pa. Sabagay, aircon dun. Pwera na lang kung sa ward ka ilalagay which I doubt. May semi-private, private at suite rooms naman. Tsaka paano na 'yung show mo every weekend? Dami ko pa naman natututunan 'dun. Sana payagan kang mag-taping kahit nakakulong ka. 

Thursday, June 19, 2014

Kwela 4.0

Ipis
Pinoy Klasiks
July 17, 1997
Taon 35 Blg. 1966
Graphic Arts Service Inc.

Wednesday, June 18, 2014

Angkat

Courtesy of Abante-Tonite
Aatakihin yata ako sa presyo ng bigas ngayon. Namalengke ako nung 'sang araw at kulang ang two hams ko sa limang kilo. Kung dati ay nasa 30's lang eh maputi at masarap na ang kanin sa hapag, ngayon kulang ang kwarenta pesos mo. May mga tag-60 mahigit pa. NAKAKALOKA! Gustuhin mo mang bumili ng NFA rice, 'di mo naman matiis ang amoy at lasa. Ginawa yatang alak. Binuro muna bago ibenta.

Itinuturong dahilan nito ang kakapusan ng supply sanhi ng El NiƱo. Kesyo daw hindi panahon ng anihan, kulang ang irigasyon at mano-mano pa rin ang pagsasaka. Napag-iwanan na tayo ng mga kapit-bansa natin. Kung tutuusin nga, bongga ang kaalaman natin dati at dito ang kanilang training ground. Ngayon kinakailangan pa nating mag-angkat mula sa kanilang ani. Kapos ba sa budget ang Department of Agriculture para mapaunlad ang kagamitan?

Sa ibang bansa, itinuturing na isa sa mayayaman ang mga magsasaka. Dito sa atin eh isa sila sa pinakamahirap. Nakikitanim sa lupa nang may lupa, nakikiporsiyento sa bentahan at umuutang pambili ng punla. Kapag minamalas, napepeste o binabagyo ang pananim at nauuwi sa todong pagkalugi.

No choice ang mga mamimili kundi pagkasyahin ang budget. Kung 'sing bilis sana ng pagtaas ng presyo ang pagtaas ng sahod baka kayanin pa pero hindi eh. Kaya ang ulam at kanin dati, pancit canton ang humalili. Madaling lutuin, malasa at abot-kaya. Buti't may iba't ibang flavor kasi nakakaumay. Kung sawa ka na, mag-noodles ka. May sabaw pang mahihigop.

Monday, June 16, 2014

Tinaktak

Nicklas Pedersen
Mr. World 2014 winner
Kagabi natapos ang handaan sa Mr. World 2014 at kay Nicklas Pedersen ng Denmark nasarapan ang mga judges. Kung bakit kasi 'di ko tinaktak ang kanyang namnam sa aking lutuin. Worthy naman siyang pagsaluhan lalo na kung bet mo ang lasa ng blondie. First runner-up ang mamon tustado ni Mr. Nigeria at sunod diyan ang quesadillas ni Jose Pablo Minor ng Mexico.

Backstage with Netherlands and Philippines
'Di tulad ng inaasahan, waley sa top 10 ang puto bumbong ni John Spainhour. Kinulang yata sa niyog at star margarine. CHOS! Hoping pa naman ang 'sangkabaklaan na siya ang mananalo. Kung looks lang ang pag-uusapan, ungos siya sa mga kalaban kaya lang kinulang sa fast track challenges. Wala siyang napanalunan kahit isa :-(

Heto ang kumpletong listahan ng nakapasok sa top 10:
1. Nigeria - Style and Fashion winner
2. 
Curacao - Talent winner   
3. Denmark - Sports Challenge winner
4. 
Netherlands - Multi-Media winner
5. 
Moldova - Extreme Challenge winner  
6. Ukraine
7. England
8. Puerto Rico

9. Mexico
10. India
'Ika nga ni Ryzza Mae, bawal ang sad, dapat happy lang kaya fiesta pa!

European tsalap!

Pigil na pigil si ateng oh! Dinaan na lang sa ☺

AY! Anong ginagawa nung dalawa sa kanan?

Pa-touch please ng maskels please

Pwede bang pasimsim ng kili-kili?

Sunday, June 15, 2014

Mr. World 2014

Sa tinagal-tagal kong hinanda ang putaheng 'to, sa wakas ay naluto din. Mamaya na ang Mr. World 2014, ang pinakamasarap na fiesta sa buong mundo. Mahigit apatnapung kalalakihan mula sa iba't ibang kontinente ang nagsama-sama sa Torbay, United Kingdom para makamit ang titulo na ka-level ng korona ni Megan Young. Speaking of that merlat, siya ang bonggang magho-host niyan together with Mr. World Canada 2012 Frankie Cena

Isa si John Spainhour sa pinakapaborito ng mga pagent fanatics para manalo. Base sa kanyang official fan page eh todong nag-e-enjoy naman siya. Nung una eh medyo seryoso ang fes pero kinalaunan eh all smile na si dadi. Aside from him, bet ko ang mga pinadala ng Netherlands, France, Australia, Argentina, Austria at Peru. Iba't ibang lahi, iba't ibang sarap!

Compare sa ibang male pageants, ang conservative ng Mr. World. Walang beach wear ang mga otoks kaya nahirapan akong mamili ng sangkap na gagamitin. Pero may mga shirtless eksena sa gym at swimming area kaya natapos din. Baka gutom na kayo. Siya kuha na kayo ng plato at nakahanda na ang mesa...

Friday, June 13, 2014

Saba at Monay

Nasarapan ang judges sa dessert ni Bruno Mooneyhan ng Brazil kaya siya ang idineklarang winner sa Men Universe Model 2014 na ginanap noong June 10 sa Punta Cana, Dominican Republic. Buong competition ay ibinahagi niya sa atin  kung gaano kasarap ang kanyang saging na saba. Infernezzz deserve niya ang award dahil isa siya sa pinakawafung contestant. Bet na bet ko ang carpeted fes niya plus his seksing bortawan. Runners up ang mga pambato ng Venezuela, Spain, Italy, Peru at Luxembourg.

Halikayo't pagsaluhan natin ang kanyang pa-meryenda...


Kung medyo sawa na kayo sa saging niya, try niyo ang monay ni Mister Mexico...

BUSOG! BUSOG! BUSOG!

Thursday, June 12, 2014

Kwela 3.0

Genieboy
Pilipino Komiks
Agosto 19, 1997
Taon 50 Blg. 2780
Atlas Publishing Co., Inc.

Tuesday, June 10, 2014

Slowmo

Balik Pinas si Shane Filan less than a year after his last visit to promote You and Me, his first album as a solo artist. Wish ko lang ako 'yung Me sa title pero may jusawa na siya at may tatlong anak pa. Hhhmmm... sipag ah! Mag-apply kaya akong yaya? CHOS! Short visit lang ang ginawa niya sa Asia and luckily napasama tayo. Si super friend Chari ang umenganyo sa aking pumunta dahil pareho naming high school crush si Shane. Mga hindi maka-move on sa crushes ahahaha!

Sa SM Megamall ang ganap. Ang first 500 album buyers ang makakakuha ng tsansang makalapit sa kanya at personal niyang pipirmahan ang kopya. Buti na lang at nakaabot pa si Chari sa last 2 copies. Destiny talaga na malapitan namin siya ng bongga! 14 years old pa lang yata ako nang unang tumibok ang bubot kong puso sa kanya. Kahit ilang beses na siyang nakapagconcert sa Pinas kasama ang Westlife eh nunca ko siyang nakita in flesh kaya naman naguumapaw ang kilig at saya ko.

Past 7PM nang dumating siya. Sa may kanan ng stage ang daan. Tamang tama at andun ako banda. Parang slowmo sa pelikula ng makita ko siyang lumabas at unti-unting dumaan sa tapat ko. JUICE KOH! Ang puso ko! Ang puso ko!

Strictly no selfie moment with him. Album signing lang at waley performance but I'm glad hindi siya nagdamot at kinanta ang chorus ng Swear It Again. EEEEHHHHH!!! Todong tilian ang mga fans. Pang 300+ pa 'yung number namin so picture picture muna sa audience. Matapos 'yan eh fall in line na kami. Habang papalapit ako sa kanya, para akong lumulutang sa ere. Grabe! Sa tinagal-tagal ko siyang pinantasya, eto na talaga ang moment. Nung pinipirmahan na niya ang CD inlay, 'di ko talaga napigilang sabihin "Shane, I LOVE YOU!" na parang maiiyak na matatae ang fes. Kinindatan niya ako sabay shake hands. NAKAKALOKA! Para akong dinuduyan sa sarap! Nagtatawanan na 'yung fans sa baba ng stage sa inarte ko. Kashi naman kilig na kilig me hihihihi!

Bago matapos ang event eh naghanda ng cake ang fans niya dahil birthday niya sa July 5. Sweet noh! Kinantahan namin siya ng happy birthday. He made a wish and blew the candle. He was very grateful for the warm support of his Filipino fans and he can't wait to return in October for his concert at the World Trade Center. EEEHHHH!!! Hopefully mapanood ko 'yan.

Thank you so much Shane! I love you pa rin talaga. 'Di buo ang dalaginding days ko kung wala ka. Tsup!

Sunday, June 8, 2014

Double

Late 90's to early 2000's nang mauso ang mga OPM songs na double meaning o sa madaling sabi eh may halong kapilyuhan depende sa kung ano ang maiisip ng makakarinig. Swaksi palagi sa countdown ng iba't ibang radio stations ang mga kanta nina Mystica, Alyna at Mae Rivera. Kabi-kabila ang guestings nila sa TV. Uma-award pa ng gold at platinum record ang mga albums nila. Patunay na bumenta nang husto ang ganitong awitin noon. Hanggang ngayon nga eh naririnig ko pang kinakanta 'yan sa videoke ng mga sunog baga. Kaya this Sunday afternoon, ating balikan ang 5 most memorable naughty OPM hits plus their lyrics...

5. Sisirin Mo - Diwata
(tahong ba ang hanap mo?)
Sisirin mo mahal
Sisirin mo ang mga perlas sa dagat
Tulad mo mahalaga

4. Nilunok Ko'ng Lahat - Selina Sevilla
(ang dagta na ating pinakaaasam)
Nilunok ko'ng lahat ang mga sinabi ko
Na ako'y hindi iibig sa isang katulad mo
Nilunok ko'ng lahat ang mga sinabi ko
Ngayon ako'y umibig sa iyo

3. Kahit Gaano Kalaki - Alynna 
(size does matter)
Kahit gaano kalaki
Ang aking pagmamahal
Ayoko na yata, suko na ako
Kahit gaano kalaki
Ang pag-ibig ko sa'yo

2. Aray- Mae Rivera
(virgin ang peg)
Aray! Aray nako oohhh
Kay sakit naman ng ginawa mo
Arayyy
Oh kay hapdi nitong puso ko

1. Simple Lang - Mystica
(choosy si ateh)
Ang gusto ko sa lalaki 
Ay di masyadong malaki ang katawan
Kahit na siya'y maliit
Basta't mahaba lang ang kanyang pasensya

Friday, June 6, 2014

Diyeta

After a short hiatus in doing Hollywood projects, Josh Hartnett is finally back via the TV series Penny Dreadful. It started airing last month in the US and currently picking up positive reviews from the critics. Horror daw ang tema at during Victorian era ang setting. Tagal ko din na-diyeta sa kasarapan niya kaya papanoorin ko 'to. Kasama dito si Billie Piper na todong sumikat noong late 90's sa kasisigaw ng Because We Want To, Because We Want To!

8-part series ang season 1 na mas maikli kumpara sa regular season ng isang US show. Kapapalabas pa lang ng latest episode nung isang araw at todong nayanig ang ating kaharian sa 'di inaasahang eksena. Bigla akong napa-walling. Dinurog, inapakan, nagkapira-piraso ang aking puso. May ka-kissing scene kasi si Josh sa kanyang co-star, hindi sa babae kundi sa... kundi sa...

JUICE COLORED!!! 
Bakit naman ganito? 
Ano bang kasalanan ko at nangyari ito? 
Sakit sa puso ♥ Bakit siya pa?
Pwede naman ako...
WAAAHHHH!!!! :'(

Thursday, June 5, 2014

Kwela 2.0

Simula ngayong araw na itez ay makikianod tayo sa usong-usong #ThrowbackThursday. Kung sa mga social media sites eh mga picture noong kabataan ang pino-post, sa ating karinderya ay mga lumang comedy komiks strip ang ihahanda ko. Nawa'y mabusog kayo bawat linggo.

Nagbago na
Tagalog Klasiks
Agosto 18, 1997
Taon 48 Blg. 2310
Atlas Publishing Co., Inc.

Tuesday, June 3, 2014

Men Universe Model 2014

Pangalawang araw pa lang ng Hunyo kahapon pero pasukan na sa karamihan ng paaralan. I am missing my school days sooo much! Walang tatalo sa todong excitement ng isang estudyante na isuot ang makintab na sapatos at sulatan ang bagong kwaderno. Nung elementary akez, mga artistang babae ang cover ng notebook na pinipili ko 'pag binibilhan ako ni mama ng school supplies sa palengke. Most memorable 'yung kina Sharon Cuneta (grade 3), Claudine Barretto at Aiko Melendez (grade 5).

Malihis tayo. Bukod sa Mr. World 2014 ay may isa pang international male pageant ang nagaganap, ang Men Universe Model 2014. 'Di hamak na mas konti ang mga kasali ditey pero kung bukol at umbok lang din ang pag-uusapan, sulok ang Mr. World. Narito ang ibidinsiya...

 Portugal

Brasil and Belgica

Peru and Cuba

Pilipinas ang kaisa-isang Asyano na kasali dito. Sa dami ng nagtitigasang maskels at pandesal sa taas, bonggang standout ang smoothness ng Pinoy...

 Philippines

 Teka hindi pa tapos ang handaan. May panghimagas pang baon si Mister Brasil...

Kaya lang 5 o'clock pa daw natin pwedeng kainin ang dessert niya. Ano kayang lasa? Manamis-namis kaya? Ahihihihi!