February birthday celebrants |
My college friends organized a suprise birthday party para kina Chelie and Ateh Paul. Sa bahay ni Gladys sa Santol ang venue and bring your own share ang peg. February 15, Sunday ang napiling petsa para walang pasok ang karamihan sa kanila. Kami lang ni Tracy at alipin sa araw na 'yon. Ganyan talaga 'pag nasa-BPO industry ka.
I bought some donuts and rode an Uber from Taguig to Sta. Mesa. Infairness, bongga ang Uber! Feeling señorita akez habang naka-upo sa bagong-bagong Hyundai Accord ni kuya driver. Ambango at todong malamig. Ang mura pa ng binayaran ko! Mas mababa kung ikukumpara sa regular taxi.
Dapat ma-experience niyo din. Kung may smartphone at credit card kayo, just download the Uber app and register. Kung first timer kayo, you can use an Invite Code from an existing rider at may instant 200php that you can consume on your first trip. Hanggang bukas na lang 'yan. But don't worry dahil bababa lang naman sa 100php pagdating ng March 1. At least may credits ka de vaaahhhh?! You can use my unique code sa taas.
Ang saya ni Ateh Paul oh! |
Team Bitches & Kikays First row: Bb. Melanie, Tracy, Chari, Xheng, Chelie and Ezhel Second row: Gladys, Lance and Ateh Paul |
Pagdating ko sa party, umpisa na ang videoke at lafangan. May mga balloons and design sa loob ng balur, Dumating din ang mga jowa nina Ezhel, Gladys at Tracy. Nangaliskis nga ang balat ahas ni Ateh Paul eh. CHAR! It was a rare occasion na nagsama-sama kaming mga magkaka-klase dahil magkakaiba ang schedule namin sa work at malalayo ang tirahan.
***
With Rudolf and Pamela |
Second ganap ay ang interview ng dalawang bagets from PUP. Pamela and Rudolf are 3rd year students taking up Advertising and Public Relations. Project nilang maghagilap at uminterview ng past students of the said course. Nung nag-PM nga si Pamela sa FB, na-pressure ako. Ano namang relevant ang pwede kong mai-share? 'Di naman pwedeng 'tong kapokpokan ko bilang mga bata pa sila. Baka ma-pollute lang ang utak ahahahaha!
Nakipag-meet ako sa kanila Coffee Belle in West Ave., isang cafe perfect for coffee lovers na ayaw sa maiingay na customers na maririnig sa ibang coffee shop. Another good thing about this place eh hindi crowded. Usually mga students na gumagawa ng project on their laptops and yuppies ang nagkakape dito.
The kids and Delma with my inaanak |
Luckily, my college partner-in-crime, Delma, was free that day. Kahit galing pa ng Pasay, pumunta siya ng QC to join me in the interview. Buti na lang madadali lang ang question at pwede mag-tagalog. Kung hindi, pinabayaan ko na lang si Delma sa harap ng camera at nag-audience impact na lang ako sa background. CHOS!
Bilang next month eh Fire Prevention Month na ba-back-up-an pa nang matinding init, pinapayuhan ng Bureau of Fire Protection ang lahat na mag-ingat. Kung ibang "apoy" ang nais niyong laruin, mas dapat na mag-ingat... tayo.