History repeats itself. 'Yan ang nangyari kagabi nang koronahang 
Miss Universe-Philippines 2015 si 
Pia Wurtzbach. Halos pareho ang kapalaran nila ni 
MJ Lastimosa. Runner-up noong una, semifinalist sa pangalawa at sa wakas, nagetlak ang korona sa ikatlong pagsali. Third time is a charm 'ika nga nila.
  | 
Bb. Pilipinas-International: Janicel Lubina Bb. Pilipinas-Intercontinental: Christi McGarry Bb. Pilipinas-Supranational: Rogelie Catacutan Bb. Pilipinas-Tourism: Ann Colis 1st Runner-up: Hannah Sison 2nd Runner-up: Kimverlyn Suiza | 
Napanood ko ang telecast sa TV at talaga namang palaban lahat ng contestant. Anyare sa inaasahan nating all-Pinoy designers sa evening gown portion? Madami pa rin ang maluwag at bitin na gowns. Siyempre 'di mawawala ang tatak recycle ni 
Madame Stella. At ang latest - gown ni
 Shamcey Supsup noong 2011...
Kung aware kayo sa pageant camps sa Pilipinas, dalawa ang madalas magsalpukan ng kanilang mga manok - 
Aces & Queens (Shamcey, Venus, Ara and Janine) at 
Kagandahang Flores (Bea Santiago and MJ Lastimosa). Balik A&Q ang MUP matapos maipasa ang korona sa KF camp last year.
Ang heavy favorite na si 
Janicel Lubina ang ating pambato sa 
Miss International 2015. Siya rin ang nagwagi ng Best in Swimsuit at Evening Gown. Hakutera parang si 
Teresita Marquez lang. Todong makakalaban niya ang dyosa mula sa 
Venezuela na si 
Edymar Martinez. Isang morena, isang mestisa. Parehong matangkad at may straight hair. 
AY! Todong nakaka-excite ang kanilang paghaharap!
Kontrobersyal din ang hosting stint ni 
Toni Gonzaga. Kakaiba mula sa formal na atake ng past hosts like 
Anne Curtis and 
KC Concepcion. Medyo bakya at ginawang comedy ni Toni. May irrelevant jokes na imbes magpa-relax eh mas nagpa-tense sa mga kandidata lalo na sa ginawa niyang komento sa earring ni candidate 28 
Hannah Sison. Kinantahan pa ng 
Chandelier. Then nung si 
Rogelie Catacutan ang sumalang sa Q&A, kumuda pa ng "I like your last name". 
KALOKA! Eto ay opinyon lang naman mula sa isang pageant fan. May disclaimer talaga. Takot ma-bash ahahaha!
Before we end this, I just want to say my pure admiration to 
Miss Universe-Philippines 2014 MJ Lastimosa. She had a wonderful reign. Kahit 'di siya nakapasok sa top 5 ng 
Miss Universe, bongga ang isang taong pagrereyna niya. Hindi maiiwasan na may pumuna at manlait, pero mas marami ang nagmahal sa kanya. Thanks MJ for pursuing your dream and being an inspiration to all of us! We wish you all the best to your next journey. Mwah!