Monday, May 30, 2016

Plano

Nagpabalik-balik ako sa ospital ng UST nitong weekend para maka-getlak ng Clinical Abstract, isang requirement para matulungan ng PCSO ang mga nangangailangan. Mali ang nalagay na plano ni doc kaya return of the comeback ako ngayong umaga. Lunes pa naman, sana lang at hindi matrapik bilang 'di pa pasukan ng ibang eskwelahan. Infernezzz, na-enjoy ko ang pagrampage sa UST dahil kahit saan ka lumingon, may wafu. Pati mga doktor, kakawater-water! 

Sa pagkapanalo ni Manny Pacquiao sa senado, sure akez na makakarinig tayo ng more more religious quotes sa speeches niya. Buti na lang at may mute button ang remote. CHAR! May ibabahagi akong komiks strip na hango diumano sa Bibliya. Hindi ako eksperto diyan kaya wit ko ma-verify kung tama ba ang claim ng nobelistang si LT Buluran na may namuong pagtitinginan kina David at Jonatan. Ginuhit ni Dari Ojesa at lumabas sa mga pahina ng Silahis Macho Komiks noong Abril 1986, eto ang...

Sunday, May 29, 2016

Dalawang Letra

Salamat naman at natapos na ang bilangan ng boto sa kongreso. Tulad ng partial at unofficial tally, sina Rodrigo Duterte at Leni Robredo ang nanalo sa pagkapangulo at pangalawang pangulo. Sila ang mamumuno pagdating ng ikalawang bahagi ng 2016. Siyempre, ampalaya tea si BBM dahil dikit ang laban nila ni Leni. Lagpas 200K ang lamang. Iginagalang daw nila ang resulta pero hindi titigil at maghahagilap ng ebidensya ng dayaan. K.

Excited na ako sa tag-ulan bilang naka-quota si haring araw sa pagprito at pagtusta sa atin. Wit ko na maantay na bonggang mabasa muli ng panahon. 

At kahit na anong panahon man, hindi nito mapipigilan ang mga patimpalak ng paseksihan. Tulad ng Heatwave Bikini Showdown ng Starmall na sa June 4 ang grand finals. Sa Las Piñas branch ito gaganapin ang sila ang mga otokong kasali...

Bet ko 'yang sina JC at EJ huh! Parehas pa na dalawang letra lang ang pangalan. Speaking of dalawang letra, pahamak 'tong graphic artist na nag-layout ng photos. Ginawang female ang mga male finalist. NAKAKALOKA! Kung advertisement 'yan sa dyaryo, malamang todong nag-init na ang ulo ng kliyente sa palpak na trabaho. Lugi ang negosyo. 'Di bale, alam naman naming mga matitipunong lalaki sila hihihi!

You can actually vote for your fave at malay niyo, manalo siya ng People's Choice Award. Paano? Click niyo lang dito.

Saturday, May 28, 2016

Sumali

Hanap niyo ba ay todong adventure, travel at pagtakbo? Tara na't sumali dito...

***

The Amazing Race Asia Season 5

Sony Pictures Television (SPT) Networks, Asia is bringing back The Amazing Race Asia for a fifth season.

AXN was home to the previous four seasons, with the most recent edition concluding in 2010, and will now air season five. The show will debut in its fifth run on AXN in late 2016. Ten teams chosen from across the Asia-Pacific region will compete for a chance at the winning crown and US$100,000 in cash.

Hosted by Allan Wu, The Amazing Race Asia Season 5 is looking for couples or pairs (with pre-existing relationships) who are ready to face different challenges as they race around the world.

Contestant Requirements:

1. Aged 21 years old above
2. must have valid passports
3. must be a citizen or resident of Asia
4. Physically and mentally fit
5. must be outgoing, adventurous and socially savvy
6. At least one member must have a driver's license and can drive automatic transmission and manual transmission

The site is now open for application and this can be found at: www.axn-asia.com/TARA

Interested applicants would need to fill up the online application form on our website and will have to submit a 3 minute audition video online.

For more information, please visit: http://www.axn-asia.com/programs/amazing-race-asia

Mabilisan lang 'to... 2.0

Mga ateng, isang mabilisang serbisyo publiko para sa atin. Sa Linggo, May 29 na itez kaya kung may extrang time, 'wag palalagpasin.

***

Free, Anonymous, and Fast HIV Screening 
for AIDS Memorial & LGBT Pride

LoveYourself, Inc., the leading non-government organization on HIV awareness and testing in the country, will be holding its first free, anonymous, and fast HIV screening on May 29 at Victoria Court Malate in an effort to support the causes brought about by the Philippine International AIDS Candlelight Memorial 2016 and the LGBT Pride Month this May and June respectively.
 ​
Anchoring this HIV screening event on the military secrecy rule "What you see, what you hear, when you leave, leave it here," the organization named the event as LoveYourself Incognito to ensure utmost confidentiality and promptness of the procedure.

By being anonymous, LoveYourself will employ a system of client identification known as the Unique Identifier Code to distinguish a client without revealing its name, and to eliminate filling out of lengthy identification forms leading to reduced times and increased efficiency. Clients will then be subjected to “Rapid Test” which involves pricking a finger to get just two (2) drops of blood for screening. The entire procedure will not take more than 15 minutes inclusive of counseling on safer sex practices to lower the risk of HIV infection as well as an explanation on the results of the test.

As the event promises anonymity and speed, the organization earnestly calls all interested individuals to simply register at go.loveyourself.ph/incognito to avail of a slot. Then prospective clients will just need to arrive on the said screening date and venue between 10:00 a.m. -7:00 p.m.

“Through LoveYourself Incognito, we aim to encourage the untapped populations who are afraid to go out in the open and get screened,” said LoveYourself Executive Director Ronivinn G. Pagtakhan. He added that while the event focuses on the male population, the group also welcomes females and transgender friends to avail of the free HIV screening services.

The group also emphasizes its Tatak LoveYourself promise of service that is Iniingatan at Inaasikaso (being well-taken care of) by carefully considering the needs of individuals in affected populations who may be anxious or uncomfortable to avail of any sexually transmitted infections-related services.

Meanwhile, the group also assures the public of the same quality of services that they can avail in LoveYourself’s established testing clinics -LoveYourself Anglo along Shaw and LoveYourself Uni in Taft-Buendia.

LoveYourself Incognito is also in response to the alarming rise of HIV infections, in which the Department of Health reported 736 new cases in March 2016, wherein 97% of which were males. This is 10% higher than the 667 cases in the same period last year.

In the first quarter of 2016, an average of 25 Filipinos daily now get infected with the virus that when left untreated may severely weaken the immune system and lead to acquired immune deficiency syndrome or AIDS, a condition where the body is no longer able to fight off various diseases and infections.

For more details on Incognito and other LoveYourself’s services, individuals may visit the group’s official website at www.loveyourself.ph or follow and like its social media channels: Facebook- @loveyourself.ph, Twitter- @loveyourselfph, and Instagram- @loveyourself.ph.

Saturday, May 21, 2016

Pray for La Mudra

Pagaling ka, 'Ma. Sabay tayong papa-manicure after this.
Ilang araw na akong absent sa trabaho gawa nang nasa ospital si La Mudra dahil sa kanyang sakit. Sabi ng Nephrologist, 5-6% na lang ang function ng kanyang kidneys at kinakailangan ihanda para sa dialysis. Nag-research ako tungkol doon at mahalya fuentes pala ang paysung. 2-3 times a week pa dapat ginagawa. Setting aside the expenses, stressful sa pasyente ang procedure. Mahina pa naman ang sikmura ko sa usapang dugo at operasyon. Well, para sa pinakamamahal kong La Mudra ay wala akong hindi haharapin. I will continue to pray for her fast recovery and hoping that a miracle will happen. Nothing is impossible naman when it comes to God so pray lang nang pray. Tulungan niyo akong magdasal, mga 'teh. The more, the stronger.

Maraming salamat!

Monday, May 9, 2016

Puhunan

Tapos na ang pag-aantay. Eto na ang araw ng pagboto. Practice your right to vote, mga ateng! Let's take this seriously at 'wag itratong sugal na tataya sa sure na mananalo. Mabuti sana kung pera lang ang nakataya, pero kinabukasan natin ang nakasalalay dito. Iboto kung sino ang karapat-dapat iluklok sa posisyon. Anim at tatlong taon silang nasa pwesto kaya make sure na deserve nila ang inyong boto.

Sila nga pala ang aking mga senador...

1st row: Neri Colmenares, Leila De Lima, Isko Moreno, Dick Gordon
2nd row: TG Guingona, Risa Hontiveros, Lorna Kapunan, Susan Ople
3rd row: Jerico Petilla, Roman Romulo, Joel Villanueva, Migz Zubiri
Hindi ko sure pero first time yata na kumpleto akong boboto ng labing dalawang senador. Lagi kasing kulang dati eh. May mga luma pero mas madaming bago. Kung gusto niyo ng pagbabago, bumoto ng bago. Enough of Drilon, Sotto, Lacson at iba pa na tumanderrific na sa pwesto. 

Sa lahat ng artistang gustong maging pulitiko, si Francisco Domagoso AKA Isko Moreno ang sa tingin ko, deserve manalo. Nag-aral at nagsumikap para matutunan ang pulitika. Ganyan dapat! Hindi tulad ng iba na puhunan lang ang kasikatan. 

Bago tayo pumunta sa mga itinalagang presinto, let's pray for a clean, safe and worry-free elections.

Sunday, May 8, 2016

Mister Global 2016 winners

Si Tomáš Martinka from Czech Republic ang tinanghal na Mister Global 2016. Ang bongga ng pinili nila this year. Deserving talaga! He is the first European and third winner of the pageant. Kailangan unlirice ang orderin dahil ngiti pa lang, ulam na.

Dalawang Asians at Latino hunks ang bumuo sa top 5. First runner-up si Mr. Thailand na todong nakakapaglaway sa sherep. Second runner-up si Mr. Spain followed by Mr. Brazil and Mr. Singapore. Don't cha worry mga ateng dahil umabot hanggang top 10 si Mr. Philippines at naka-harvat pa ng Internet Popularity award. Basta online voting, maasahan ang mga noypi. Other awardees are...

Best in National Costume - Sri Lanka
Best Physique - Turkey
Best Talent - Malaysia
Best Model - India
Mister Congeniality - Guam
Mister Photogenic - Spain
Most Charming Smile - Singapore
People's Choice - Thailand
Sa simula pa lang, ulo sa ulo na ang labanan nina Tomáš at Thawatchai. Parehong matikas, maganda ang pangangatawan at malakas ang dating. Nagkatalo na lang siguro sa panlasa ng mga hurado. Ibang continent naman daw this time. Basta tayo, kung ano ang nakahanda, 'yun ang ngangasabin. Choosy pa ba?

KUNGRACHULEYSHONS to the winners!

*Photos from Mister Global and Missosology

Sobra

Mr. Palengke days pa lang ni Mar Roxas ay bet ko na siya. Although he is not impressive during Yolanda days, I appreciated the fact that he was there to immediately know what happened. I can't blame him for the havoc brought by the typhoon. That's mother nature. Sino ba ang sumisira ng kalikasan?

Araw-araw, disappointed ako sa MRT. Sobrang haba ng pila tuwing rush hour. Sobrang tagal ng interval bago ka makasakay. Sobrang siksikan. Sobrang bagal ng tren sa kalumaan. Hindi consistent ang aircon. Minsan, parang nananadya pa na masisira kung kailan nagmamadali ka. Pawisan ka na, late ka pang darating ng opisina. Hindi rin ito senior citizen-friendly dahil palaging sira ang escalator at elevator. Hirap sa pag-akyat sina lolo at lola. Nakakaawa. DOTC, ano bang problema?

Sa tuwing nakakakita ako ng batang namamalimos, hindi pwedeng hindi madurog ang puso ko. Ginagawang playground ang kalsada. Nakikipagpatintero sa mga sasakyan. 'Yung mga sumisinghot ng solvent, walang takot na ginagawa ito sa gitna ng kalsada, sa katirikan ng araw. Asan ang gobyerno? Si PNoy ba ang dapat kong sisihin o ang lokal na pamahalaan?

At one point, na-torn ako between Miriam, Mar and Duterte. Okay lang kahit sino sa kanila. I know Miriam will be a good president. Kung nanalo siya noon, ibang-iba siguro ang Pilipinas ngayon. Duterte is very charismatic. He's like a strict dad na may humor. Hindi ako makakapag-komento sa kung ang naging pamamalakad niya sa Davao dahil nunca pa akong nakarating doon. Pero kung disiplina at pagpuksa sa masasamang loob ang pangako niya, go ako diyan! Very vocal din siya sa pagsuporta sa LGBT community. 1000 pogi points for him.

Now, why am I voting for Mar? Dahil meron siyang kongkretong plano para sa Pilipinas. Hindi bara-bara sa tuwing kinakausap ng media. Alam niya ang kanyang sinasabi sa tuwing may itinatanong na isyu. He is not perfect just like the other candidates. Pikon nga, dee vaahh? But I believe he is decent enough to become our president. Walang bahid kurapsyon. Importante 'yon.

Bakit ba lagi siyang tinitira sa social media? Dahil siya ang pambato ng administrasyon. At sa tuwing feeling natin eh kasalanan ng gobyerno kung ano ang nangyayari sa atin, sila ang ating sinisisi. Have you asked yourself kung kasalanan lang ba nila? Tayo ba, wala?

I may not sound convincing, but my vote goes to Mar.

Tuesday, May 3, 2016

Suriin

Expectorant ako ng Agua de Mayo kahapon pero nauna yata dahil bago matapos ang Abril ay jumulanis morisette. Wit na natin keri ang nagbabagang paghahari ng sunny orange I love you. Kailangan nang umulan para maibsan ang init na ating nararamdaman. Ulan ba talaga ang kailangan natin o noches de chorizo? Kung 'yung pangalawa, no problemo dahil kasalukuyang ginaganap sa Thailand ang Mister Global 2016.

Nasa ikatlong taon na ito and they never fail to feed us with delicious men. Siyempre, kaabang-abang ang swimwear pictorial dahil dito malalaman kung sino ba ang tunay na nagmamay-ari ng puso(n) natin. Type niyo ba ang European? Asian? Latino? African-American? O local? Kung ano man ang choice mo, meron sila niyan. Pasavogue ang mga bukelya kaya ating suriin at siyasatin...

Sa ngiti pa lang, panalo na si Tomáš Martinka

Sa likod man o harap, malaki si Thawatchai Jaikhan

Alam kong nakikita niyo ang nakikita ko kay Chema Malavia

Marunong kayang magluto ng mushroom soup si Dexter Colón?

Grabe siya oh! Ang gwapong Japanese ni Yusuke Fujita

 Tiyak na magigiba ang sinapupunan natin kay Giba Pignatti

 Ngayon pa lang, mabubulunan na tayo kay Asyraf Nordin

Wala pa ring tatalo sa sarap ng nativeness ni Mark Louie Bornilla

Walo lang sila out of 30 candidates. Isa na kaya sa kanila ang mananalo sa ika-anim ng Mayo? Basta ba masarap ang mananalo, walang prublima! Check the official FB page of Mister Global here for updates and more picas. Sure ang pagwawater kaya ihanda ang timba at mop!

Monday, May 2, 2016

Bb. Pilipinas 2016 and Century Tuna Superbods 2016 winners

Maxine Medina
Miss Universe Philippines 2016
Huli man at magaling, maganda pa rin! KUNGRACHULEYSHONS kay Maxine Medina, our representative to Miss Universe 2016. She's from Aces & Queens, the same camp that trained Pia Wurtzbach, Ara Arida, Janine Tugonon, Shamcey Supsup and Venus Raj. She's not my top favorite but I like her beauty. Ibang-iba kay Pia na halatadong may foreign blood. Si atih ay mukhang Tsinita-Filipina.

Miss Universe Philippines 2016 - Maxine Medina
Bb. Pilipinas International 2016 - Kylie Verzosa
Bb. Pilipinas Intercontinental 2016 - Jennifer Hammond
Bb. Pilipinas Supranational 2016 - Joanna Eden
Bb. Pilipinas Globe 2016 - Nichole Manalo
1st runner-up - Angelica Alita
2nd runner-up - Jehza Mae Huelar
Anim na korona ang pinamigay ni Madame Stella Marquez-Araneta. Nawala man ang Miss World franchise sa kanya, bumongga naman ang pageant at mas madaming beauty queens ang na-produce. Naloka lang ako sa laki ng Grand International at Globe crown. Parang timba levels! I'm sure na hindi tayo bibiguin ng mga bagong reyna at kabahan na ang ibang bansa dahil siguradong malakas ang ating laban this year.

Aside from Binibining Pilipinas, ginanap din last month ang Century Tuna Superbods 2016. Prestigious talaga ang kontes na ito dahil first class ang mga kasaling ohms. 'Di pwede ang mga puchu-puchung kontesero dahil may background check. KALOKA! Parang aplikante lang sa trabaho. Well, dapat lang siguro dahil isang malaking brand ang kanilang irerepresent.

Grand winner ang Filipino-Swedish na si Tom. Mukhang love niya ang Pilipinas as seen on his tattoo. Sakto lang ang katawan niya, hindi masyadong mamaskels at todong matigas. JUICE KOH! Pahingi ngang juice at parang nakahihimatay ang mga titig niya. 

Ang dalawang runners-up ay parehong pamilyar sa atin. Si Clint ay madalas lumabas sa mga TV commercials. Napanood siya recently sa Kapamilya serye na Be My Lady at sa pelikulang Girlfriend for Hire. Asawa naman ni Cristine Reyes itong si Ali. Ang swerti-swerti niya ha! Araw-araw niyang kayakap ang ganito kasarap. 

Sa mga hindi masyadong pinalad, sila ang bet na bet ko...

Young-looking at fresh itong si Erie. Nakita ko na siya during Cosmo Summer Party at talagang mapapatunganga ka sa kanyang dating. Ang tangkad at ganda ng wankata. Sayang at may GF na. Sana isa na lang sa atin. CHOS!

Sumali na sa Mister Chinatown si Jerome. Kung weakness niyo ang mga tsinito, sure akez na maglalawa sa kwarto niyo dahil sa kanyang kagwapuhan. Jowa ni Bb. Pilipinas Intercontinental 2016 Jennifer Hammond itong si Ryan. Nako ha, may korona na, may masarap pang BF! Ikaw na ang pinagpala ateng! Aside from modelling, nagho-host din ng shows si Ryan.

Sunday, May 1, 2016

Larangan

Today is Labor Day, araw ng panganganak ng mga bilatsina matapos magpa-jerjer sa kanilang mga jowa. CHAROT! We celebrate the hard work of Filipino laborers and their contribution to the economy. Isa yata ang mga Pilipino sa pinakamasipag na manggagawa sa mundo. Certified and approved 'yan ng mga employers kaya in-demand tayo sa iba't ibang larangan.

Image from property118.com
Sa last presidential debate na napanood ko, isa ang endo o end of contract sa tinanong sa mga aspiring leaders. Lahat sila ay nangakong tatapusin ito. Todong tumatak sa akin ang kuda ni Mar Roxas. Bigyan lang daw siya ng tatlong buwan at tiyak na mawawala ang endo. Naranasan na 'yan ng kapatid ko at napakahirap talaga. After the contract, hahanap siya ng ibang mapapasukan. Walang kinikita habang gumagastos sa pamasahe, pagkain, print ng resume, pa-medical, NBI, police clearance, barangay clearance at kung anu-ano pa. Mabuti sana kung tanggap agad. Paano kung reject? Eh 'di hanap na naman sa iba. It's like a never-ending process. Nakakapagod. Kelan matatapos ito? IDK. But the Filipino workers are expecting that the next administration will prioritize this. Dapat lang.

Image from Business Outsourcing Solutions
Tulad ng karamihan sa atin, ako rin ay isang manggagawa. Sampung taon na sa BPO industry at ilan na rin ang napasukang kumpanya. Currently, I am with TaskUs, one of the fastest-rising BPO companies in our country. November 2014 nang ako'y kanilang tinanggap and it's like an answered prayer. 8 years akong nasa voice account and right now, non-voice na! Ang tagal ko rin inasam ito. Kung dati ay suki ako ng EENT dahil sa laryngitis, ngayon ay healthy na ang aking lalamunan. Sa ibang "pamamaraan" na lang nagagasgas. ECHOS!

TaskUs Chateau Ridiculous in Anonas, QC
Lakas makaganda ng non-voice and I want you to experience the same thing. Right now, they're hiring from higher ops (SOM, Operations Manager, Team Leaders), support (Trainers, Workforce and QAs) and agent posts (voice and non-voice). Another good news is TaskUs has three sites - Cavite, BGC and Anonas, QC. Choose the nearest to your place para tipidity sa pamasung at hindi maipit sa trapik. How can you be part of this fab company? Just email me your resume and preferred post. My email is on the left side kaya 'wag nang magpatumpik-tumpik pa!