For visual purposes only |
Tuesday, January 9, 2018
Sinalakay
Naglinis ako ng built-in cabinet last Sunday and to my surprise, sinalakay na ito ng mga anay at nadamay ang one-piece swimsuits ko. Well, naagapan ko naman at tinanggal lahat ng laman ng cabinet. Eto na ang pangatlong bahay na nirentahan ko na inanay at kapag ganon ang eksena, kailangan nang lumikas at lumipat. Kaya kanina, inumpisahan ko na maghagilap sa kabilang street. Negatib. 'Di bale, baka bukas meron na. Buti na lang may ihaw-ihaw at fishball akong nadaanan. Solb ang pagod sa pagrampa.
Pauwi na sa balur nang may makasalubong akong otoko. Nagkatinginan kami at nagkalingunan nang ilang beses. Possible booking! I can feel the rush of excitement in my veins. Pero nagtuluy-tuloy ako sa paglalakad at 'di na muling lumingon ulit. Biglang nagbago ang ihip ng hangin. Gusto ng puson, ayaw ng utak. At nalito ako. Why oh why?! Booking na, pinalagpas pa. Kapag wala, hinahanap pero kapag andiyan, umaatras. Then I realized na hindi ko pala talaga gusto ng casual sex. Aside from the risk of getting STDs and HIV, I wanted my next experience to be organic. Yes, organic ang naisip ko, parang pataba sa lupa. CHAROT! Honestly, I want it to be as pure as possible. 'Yung tipong may connection, not necessarily relationship pero magkakilala at hindi 'yung nasalubong lang sa daan. Some of you may say ang arte ko but I had my fair share of casual sex before and most of it, hindi ko na-enjoy. Well, hindi ko naman sinasabing hindi na ako magpapatukso but if there's an opportunity to turn my back 'cause I'm not really comfortable about it, then tiis na lang.
Monday, January 1, 2018
Bandehado
And it's our 8th year anniversary, mga ateng! Eight years of love, laughter, bonding, kwentuhan, landian, batuhan ng opinyon, kasiyahan, kalungkutan, adventure, pakikibalita, pakikibasa, pakikikanta, pakikitikim ng masasarap na "patuhe" at iba pang pakiki na maisip niyo. AY! Pwede bang patiti na lang. Nakakalason ang pakiki eh. CHAROT!
Last year, kontrobersyal ang linyang "minor blogger" mula sa isang sisteret natin. Honestly, masakit siyang pakinggan. Sa ilang taon ko nang pagsusulat nang kung anu-ano, nuncang pumasok sa isip ko na merong minor or major blogs. Oo, may sikat, kumikita at kinikilala pero masyadong malaki ang mundo ng internet para limitahan mo sa dalawang kategorya. I believe na pantay-pantay tayo ng share dito. Kanya-kanyang audience lang 'yan. AND I THANK YOU!
HAPPY 8th YEAR ANNIVERSARY,
TODO SA BONGGA!!!