Monday, April 13, 2020

Tandem

Exactly a month ago, an unthinkable happened to me. I wrote this the day after it happened to me. Hayaan niyong ibahagi ko...

***
Friday, the 13th of March 2020
Between 3:05 and 3:07 a.m.

Photo courtesy of Rappler
Galing sa trabaho at naglalakad sa aming lugar pauwi ng bahay nang dalawang lalaki sakay ng motorsiklo na may suot na surgical mask ang huminto sa gilid ng daan. Bumaba 'yung nasa likod...

"Magtatanong lang po. Saan ba ang Caloocan?"

I was suspicious already that they were riding in tandem when suddenly he declared holdup. Napatili ako sa takot. I wanted to run on the other side pero nakarinig ako ng putok ng baril. Natumba ako sa daan.

"Eto na po, sa inyo na ang bag ko." sabay hubad ng backpack.

"Cellphone mo?" habang kinakapkap ang bulsa ko.

"Nandiyan na po lahat sa bag."

Tumayo ako at nagtatakbo sa pinakamalapit na guard house sa kanto.

"Na-holdup po ako."

"Kuya, 'wag ka dito." sabi ni ate guard.

Nakita kong umalis ang motorsiklo at tumingin pa sa gawi namin. Pagtapos ng ilang saglit, nagtatakbo na ako pauwi ng bahay. May tatlo o apat na nakakita and they said kanina pa nakaparada sa tapat nila ang motor. While running, I was constantly checking if tinamaan ako. God saved me.

After calling the banks to block my cards, changed my password to several online profile, and removing the device to my social media and email acount, I reported the case to the police. It's now under investigation. We tried to check the CCTV but it was too pixelated for us recognize their identity dahil madilim sa lugar nang pinangyarihan. Sira pa dahil patalon-talon ang recorded video.

I've been living around the area and walking that same street for 7 years now. I thought it will never happen but as they say, nakamamatay ang akala. As much as I want to remember their faces, how can I do that if they took advantage of our current situation?

I think God and La Mudra saved me. I'm grateful that I was given a chance to survive that crime. I hope the police will be able to arrest the suspects as soon as possible so that no one would experience what I've gone through.

I'm traumatized and can't sleep well. But I know, this too, shall pass.

***

Sa ngayon, nakakatulog na ako at minsan na lang naiisip ang nangyari. Hindi na rin ako nanghihinayang sa mga nakuha sa akin dahil mas importante na buhay ako. Kayang palitan ang materyal na bagay pero kung sa akin inasinta ang baril, maaaring hindi ko na naisulat ito. Marami pa akong gustong maabot at tuparin, hindi lang para sa sarili ko kundi sa mga umaasa sa akin. This is experience thought me to prioritize safety all the time and be alert especially when it's late at night. I just learned it the hard way but that's fine. Life's like that. 

Ingat palagi, mga ateng!

Sunday, April 12, 2020

Las OpiniĆ³nes 1.0

Kagulo talaga simula nang mag-lockdown noong nakaraang buwan. Pataas nang pataas ang bilang ng mga positibo sa COVID-19. Dumarami na rin ang namamatay samantalang mabagal ang usad ng number of recoveries. Kung umaksyon siguro ang gobyerno kaagad, hindi tayo aabot sa ganito. Sa may Pasay-MOA area lang, parang ikaw na ang dayuhan sa dami ng tsekwang makakasalubong mo. Infairness, ang lagkit nilang tumingin, parang pinagnanasaan akiz. Doon na lang ako rarampage after nitong quarantine. Baka sakaling mas malaki ang kita. CHOS!

Sa dami ng ganap, heto ang maikli pero makatas na opiniĆ³nes ko sa mga nagbabagang balita:

1. Itinatanggi na ngayon ni Ethel Booba na sa kanya ang Twitter account na kung ako ang tatanungin ay siyang naging daan upang sumikat siyang muli. Nakilala ang account sa maaanghang pero makabuluhang tweets tungkol sa iba't ibang issue. According to Ethel's Instagram account, peke daw ito at ginamit lang siya. After so many years, ngayon niya lang sinabi??? Hhmmm... feeling ko, may gumipit sa kanya. Nakapag-publish pa nga ng libro dahil sa witty charot tweets niya na nagkaroon pa ng book signing tapos hindi pala siya??? I wonder how, I wonder why...

2. While browsing YouTube, sunud-sunod ang recommendation vlogs mula sa members ng Pacquiao family. Na-curious aketch kaya nang i-click ko, wiz naman nakapagtataka na thousands ang followers at milyon-milyon ang views. Isa sila sa prominenteng pamilya sa larangan ng sports at ngayon, sa pulitika. Very active sila mag-shoot at edit kahit naka-quarantine huh! Mukhang taking advantage of the situation bilang karamihan ay nasa bahay at isa sa mga past time ng mga utaw ay mag-internet. Naaliw ba kayo sa pakulo nila? Ako, I smell something being cooked. Parang matitikman natin 'yan sa 2022. ABANGAN.

3. Nakita niyo na ba ang TikTok videos nina Cabinet secretary Karlo Nograles at ex-Presidential spokesperson Harry Roque? NAKAKALOKA!

4. Maraming residente ng Quezon City ang dismayado kay Mayora Joy Belmonte. Medyo hindi kasi ramdam ang presence niya sa panahon ng sakuna tapos nagkalat pa sa social media. To be fair naman, mukhang overwhelmed ang lola natin dahil sino ba ang mag-aakala na aabot tayo sa ganitong sitwayson. Humingi na siya ng paumanhin sa kanyang inasal at nagpapadala na ng bonggang relief goods. Magkakaroon na rin ng swabbing booth sa ilang ospital para makaiwas sa COVID-19 exposure ang ibang health workers at makatipid na rin sa PPEs o Personal Protective Equipment.

5. Ramdam niyo ba ang 275 billion peysosesoses na budget ng gobyerno para sa mga Pilipinong apektado ng COVID-19? Ako hindi pa pero sana, maambunan na. Mga ateng, pakisindi nga ang kandila sa altar at ulit-ulit nating sambitin "pera ni Tatay, magparamdam ka... pera ni Tatay, magparamdam ka..."

6. Isa ba kayo sa mga bonggang nag-react kay Alma Aquino na isang beneficiary ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program na nagsabing pang-isang linggo lang ang 8 kiaw sa pamilee niya? Honestly, na-shock din akiz pero wit muna ako nag-post ng reaksyon. Gusto ko sanang mapanood muna ang buong balita bago kumuda pero hindi ko makita. Sa akin lang, hindi kami pareho ng buhay ni Ate Alma. Maaaring mas marami siyang kapamilya na may iba't ibang pangangailangan. Who am I to judge?

'Yan na muna. BABU!

Monday, April 6, 2020

Macho Dancer 3.0: Sibak

Ang dami na nating pinagdaanan sa taong ito! Wala pa tayo sa kalahati pero pang-isang dekadang hamon na yata ang ibinabato sa atin. Kumusta naman kayo, mga ateng? Sana ay okay kayo at nasu-survive ang araw-araw. Tengga ang karamihan ngayon sa bahay maliban sa ating magigiting na frontliners. Salamat sa ibang kumpanya na pumayag sa work-from-home setup at patuloy tayong kumikita. Ang ilan sa atin ay todong nag-aantay sa pa-relief goods ni mayor mula sa barangay at kung papalarin, nawa'y qualified sa ayuda ng DSWD. Iisa lang naman yata ang hiling nating lahat, ang matapos na ang delubyo ng COVID-19. Madiskubre na sana ang gamot at bakuna laban dito.

Bilang pamatay-bagot, binalikan ko ang ating koleksyon ng mga pelikula. Isa sa mga isinalang ko ang Sibak, Midnight Dancers. Una ito sa trilogy ng macho dancer trilogy na directed by Mel Chionglo. The other two are Burlesk King and Twilight Dancers na irereview din natin because why not?

Sibak, Midnight Dancers (1994)
Tangent Films International
Directed by Mel Chionglo
Story and Screenplay by Ricky Lee
Starring Alex Del Rosario, Gandong Cervantes, Nonie Buencamino, Maureen Mauricio, RS Francisco, Soxie Topacio, Perla Bautista and Lawrence David 

Tungkol ito ng tatlong magkakapatid na macho dancer - sina Joel (Del Rosario), Dennis (Cervantes) at Sonny (David). Sa Club Exotica sila bonggang sumasayaw at tume-table sa mga customers. Kapag bet sila i-booking, may mga kwartong avail sa second floor. Manager nila dito si Dominic (Topacio) na pinatalsik si Dennis dahil palaging late. Ayun, napabarkada sa mga magnanakaw. Si Joel ay may asawa (Mauricio) at anak na, may jowang sisteret pa (Buencamino). Open naman ang dalawa sa setup nila. Mahal nila si guy eh. Bunso ng pamilya si Sonny na naging ka-MU si Michelle (Francisco), isang transgender woman na nagtatrabaho din sa parehong club.

"Titigil na ako sa pagko-callboy. Sabi nila walang mawawala sa atin dahil mga lalaki tayo.
Hindi totoo 'yon. Gabi-gabi, kung sinu-sino kasiping nating mga lalaki. Ni hindi man lang natin kilala.
Ni hindi man natin gusto. Binabayaran lang tayo para sa katawan natin."
Diyan muna uminog ang istorya bago nagkandaleche-leche nang kupkupin nila si Bogart na isa palang kawatan at itinakas ang pera ng mga kasamahan. Nambabae din ang tatay ng magkakapatid, na-raid ang Club Exotica at sinalvage si Dennis ng mga parak. Last na pagsubok ang pagsugod ng mga kasamahan ni Bogart sa bahay ng magkakapatid. Nagkataong nanay (Bautista) lang nila ang nandoon at sinaktan. In the end, nahabol at napatay sila nina Joel at Sonny.

Taong 1994 ipinalabas ang Sibak, mga panahong patok pa ang macho dancers at gay bars. Meron pa rin naman niyan hanggang ngayon pero karamihan kasi, online na ang palitan ng transaksyon - massage (with or without extra service), escort, o direktang sex for hire. According to Wikipedia, na-ban daw ito sa Pilipinas. I think the working title was Sibak then Midnight Dancers was the international title. Paki-correct nga ako, mga ateng, if ever mas may alam kayo sa nangyari. 9 years old pa lang naman kasi ako noon so busy pa sa Sailor Moon. CHAR!

Kahirapan ang sentro ng pelikula. Easy money ang makukuha sa pagsasayaw at pagbebenta ng laman. Kahit may option ang magkakapatid na magkaroon ng ibang trabaho, nasanay sila sa madaling kitaan. Pero sabi nga sa ingles, "easy come, easy go". Nagustuhan ko rin na ang daming ganap sa pelikula but not to the extent na dragging na. Hands down pa rin kay Ricky Lee sa paggawa ng makabuluhan at matinong script. Hindi pilit ang mga salitang ginamit.

Mabigat sa damdamin ang istorya kasi kung minsan ka nang nakaranas ng kahirapan, mararamdaman mo ang pinagdaanan ng mga karakter. Hindi mo sila masisisi kung bakit kinailangan nilang kumapit sa patalim. I may not agree na makipagrelasyon sa iba habang may asawa't anak ngunit nangyayari 'yan sa totoong buhay eh. I particularly liked the relationship between Sonny and Michelle. Minsan lang kasi talakayin sa mga pelikula noon ang relasyong man to transgender woman. Iba pa ang pananaw noong 90s eh. Hindi rin nauwi ang relasyon nila sa awayan, hiwalayan at patayan. Mapapa-#SanaAll ka talaga!

If you want to watch the movie, it is available online via YouTube. Sana lang legit itong na-upload. CHOS!

Rating: 4/5 stars