Tuesday, November 30, 2010

Fink Bikini

Apat na araw na lang at Miss Earth na. Excited na watashi kung sino ang ika-sampung magsusuot ng korona at mangunguna sa pangangalaga ng kalikasan. Infairness, kahit 10th edition pa lang ng beaucon na itech, todong tinalbugan na nito ang Miss International as the world's 3rd largest beauty pageant. Kung ako ang tatanungin, mas maganda pa nga ito sa Miss World when it comes to production and pageant system.

Eto ang dalawang bet ko...

Mariangela Bonanni
Nicole Faria

Kumusta ka naman Miss Philippines? Kumakain ka ba?

Psyche Resus

Sino kaya ang bonggang mananalo?

Abangan natin sa gabi ng December 4 at sa ABS-CBN ipapalabas.

Saturday, November 27, 2010

Mahaba

Dahil long weekend, dapat na may pagkaabalahan.

Friday, November 26, 2010

Feshun Shew

Bukod kay Richard Pangilinan ay may iba pa namang masasarap na rumampa sa Folded & Hung fashion show nung nakaraang PFW Spring/Summer 2011 collection. Yung iba siguro dito ay nakita niyo na sa ibang sites pero heto ang mga ilan sa mga bet na bet ko...

Angelo Cacciatore... parang manekin sa kinis.
Charlie Sutcliffe... at ang kanyang nipples... NYAM! NYAM!
Hideo Muraoka... ang dibdib... BOW!
Jiro Shirakawa.... Japan Japan siya ang sagot sa kagutoman.
Mark Whittington... wild ang aura!
Prince Stefan... pang-Miss Universe ang skin tone. CHOS!
Renzie Ongkiko... punong-puno... ng tisyu?

Siyempre, hindi pwedeng hindi kasama si...

Richard Pangilinan... BUSOG LUSOG SA SARAP!!!

Maraming salamat kay ateh Froglitz for the exclusive and yummy photos.

Wednesday, November 24, 2010

Magasins

Aside from Chika Chika eh may iba pa akong koleksyon ng mga babasahin tungkol sa kalalakihan, mapa-wholesome man o sexy. Binungkal ko ang baul ng aking precious collections para linisin nung nakaraang linggo. Nag-alala kasi ako na baka magdikit-dikit ang pages at hindi na mapakinabangan pa. Sayang naman di vaaahhh?!? Most of the magazines were bought during my college years. Yung iba, very rare at collectors edition ng maituturing. Naalala ko tuloy ang ilang araw na pagtitipid at paghihigpit ng sinturon para lang mabili ang mga ito. Share ko sa inyo mga shupatid.

I started buying Candy Magazine year 2003 nung mag-sale ang issue featuring Richard Gutierrez on the cover. Hindi naman todo ang subscription ko mga 'teh. Yung annual Candy Cuties lang ang binibili ko na every September lumalabas. Ang first issue ng Candy Cuties ay si Cogie Domingo ang cover. Bagets na bagets pa ang loloh niyo. Nabili ko yan sa kakakalkal ko sa mga second hand magazines along Recto. Favorite cover boy ko naman si Geoff Eigenmann kasi crush ko siya nung college. Actually, hanggang ngayon naman eh. Ang cute kasi ng pagka-mashuba niya.

Kasagsagan naman ni Brent Javier as primero modelo ng binili ko ang mga 'to. Kapanta-pantsya naman kasi siya noon lalo na sa Pond's commercial with Karel Marquez and Alvin Alfonso.

Year 2003 when I bought this in Glorietta. Bet na bet ko kasi that time si Geoff Briz ng Power Boys dahil mahilig pa ako nun sa foreigner looking guys. I think this is the one and only edition of Blu Book.

Icon was one of the gay magazines na hindi ako nagkainteres... ang mahal kasi eh. CHOS! Taga alta de society ang mga mambabasa pero hindi ko na naresist nung si Jon Mullaly ang cover. Nahipnotismo ako ng bukang liwayway niya. Sad to say, nagpaalam din ito sirkulasyon after Ram Sagad's issue.

At eto pinaka prized posession ko sa lahat... Generation Pink or GP Magazine of Circuit Asia. Dito talaga ako nagka-interes ng bongga kasi ang gaganda ng articles at features nila. Even the photos and make-up ng mga models are very unique and original. Mukhang pinaghirapan talaga. May konsepto sa bawat edisyon. Yun nga lang, katulad ng ibang local gay magazines, nawala din ito. Apat na issues lang ang lumabas sa market. Anniversary issue dapat yung panglima kaya lang hindi yata nagmaterialize.

May iba pa akong magazines na hindi makita. Bubungkalin ko muna yung ibang Yamashita treasure ko at baka andun sila.

Tuesday, November 23, 2010

Isa

May isa akong hiling ngayong araw na ito...

Hustisya para sa mga biktima ng Maguindanao massacre.

Stall 57, Dapitan Arcade

First time kong pumunta sa Dapitan Arcade a week and a half ago. Bonggang naligaw pa nga watashi kasi ang akala ko bandang Maynila 'yon, yun pala bago lang mag Welcome Rotonda. Jampack ang mga taong namimili ng dekorasyones at abubot. Ang gaganda naman kasi ng mga items sa morayta avenue na halaga. Practical nga naman bumayla ditechiwara ng mga kung anu-anong anik-anik kesa makipagsiksikan at todong ma-traffic pa ang byuti natin sa Divine. Nakaka-haggard na, baka ma-victim pa tayo ng magna cum snatcher.

Ang reason talaga kung bakit ako dumayo doon ay dahil sa stall ng friend kong si Ate Paul. College pa lang kami, may knack na talaga siya sa pagde-design. After college, hindi nagtrabaho ang lolah niyo sapagkat nais niya kaagad maging CEO at natupad naman. Siya ngayon ang founding chairman slash sole stockholder slash president ng Stall 57 sa Dapitan Arcade. Perfek di vaaahhh!?! Nung una, hindi ko alam ang stall number niya (patay kasi ang cellphone, hindi tuloy nabasa ang texts ko) kaya nag-ikot ikot muna akey sa loob. Hindi naman nagtagal ay nakita ko ang mga chichirya, kendi at yosing tinda niya. See for yourself...







This is sooo Ate Paul...



My personal favorites...



Dapitan Arcade is located at Kanlaon St. corner Dapitan St., Sta Mesa Heights, QC.

Sunday, November 21, 2010

Ligaya

Balik ang sigla, balik ang saya matapos ang isang araw ng kalumbayan. Siyempre, hindi ako padadaig sa lungkot noh!?! Ang ganda kaya ng life para iburo ang sarili ko sa putikan. Minabuti kong maglayag ng bongga sa malawak na karagatan upang hanapin ang tunay na sarap... at hindi naman ako nabigo mga 'teh.

Kaya tama na ang drama, ituloy ang ligaya... heto't narito na siya, si Julian Roxas.


Ito-todo ko na mga 'teh...


Ano ba namang kili-kili yan... ANG SARAAAPPP SARAAAPPP!!! Lalagyan ko talaga ng chikinini yan kapag binigyan ako ng chance. Chos!

Even sa candid shot... GRAAABEEEHHH!!! YAM YAM!!!