Nagpapaantok ako kagabi nang mapadaan ako sa TV show na
Cocktales ng
Aksyon TV. May kakaibang batinting sa utak ko kapag naririnig ko ang salitang 'yan pero kabaligtaran naman ng iniisip ko ang concept ng palabas. Hosted by
Daphne Oseña, Cita Revilla and
Vic Agustin, they tackle what's in and who's who sa bilog na mundo ng alta de society.
PANGMAYAMAN!
Guest nila kagabi si
Marco Lobregat, ang crush ko noong freshman pa ako sa college. Okay, 10 years ago na 'yon. Dekada talaga ako magka-crush 'ika nga ni
Ateh Paul.
Remember
"Awati load?" ad ng
Globe Autoload. Siya 'yung commercial model 'nun. 100 pesos pa yata ang minimum autoload noon. Ginupit ko 'yung print ad niyan tapos ginawa kong cover sa notebook.
|
Yoga keeps him fit and healthy |
Ang kanyang full name ay... (hingang malalim)
Celso Tito Marco Niño Luis Muscat Lobregat. Mula siya sa angkan ng mga pulitiko sa
Zamboanga. He started as a model pero isa rin siyang writer. Batch 2003 siya sa Ateneo at nakapagtrabaho na sa labas ng bansa;
Japan, Ukraine, Spain to name a few.
|
Ministry of Mushroom |
Bumalik siya sa Pilipinas to put up a business. Together with his Spanish partners, nagtayo sila ng mushroom farm at tinawag itong
Ministry of Mushroom. It's located in Lipa, Batangas. He dreams na maging matagumpay na industriya ang mushroom dito. Kung nagagawa nga naman nating mag-angkat nito sa mga kalapit bansa na may parehong klima, bakit hindi patubuin dito?
GALING! Nawa'y lumago 'to at maging global brand ng Pinas.
At a young age, napaka-successful na niya yet he's still craving to learn more. Madagdag ko lang, he speaks Spanish and Filipino fluently kaya wit akez mano-nosebleed sa kanya. While watching the show, I can't help but to think that he's the perfect guy to every girl's and pa-girl's dream. Young, successful, Über gwapo, humble, clean reputation... what more can you ask for? Wa na.
*Yoga picture by Nelson Matawaran from Inquirer.net