Sunday, June 5, 2011

Umaapaw

Ginampanan ni Nora Aunor noong 1978 ang isang karakter na hindi lahat ng artista ay kayang gampanan. Siya si Nelia sa pelikulang Atsay na idinirek ni Eddie Garcia

"Landi ka! Puta! Walanghiyang ito! Tahi-tahimik ka diyan 'yun pala ang kiri kiri mo! Hayop! Pangit pangit mo, ang itim itim mo, ang kiri kiri mo. Walanghiya ka!"
Isang anak na nais magtrabaho para makatulong sa pamilya ang tipikal na papel ni Ate Guy sa pelikula. Lumuwas ng Maynila para mamasukan pero nagkanda-letse letse ang buhay dahil sa mga amo na asal hayop. Ilang beses nakatakas hanggang sa matagpuan ang sariling kaligayahan.

Bella Flores
Angie Ferro
Armida Siguion-Reyna
Ginawang ekstra-ordinaryo ng mga artista ang tipikal na istorya ng Atsay. Lahat ay mahusay sa bawat eksena. May narealize din ako habang pinanonood ang pelikula. Mas magagaling pala ang kontrabida noon kesa ngayon. Sisiw ang kasamaan nina Gary at Clara sa todong kalupitan nina Bella Flores, Angie Ferro at Armida Siguion-Reyna. Kilay pa lang nila, masisindak ka na. 'Sing talas ng punyal ang pananalitang kanilang binitawan at parang walang bukas kung makasabunot, makasampal, makatadyak at makapanakit. Para tuloy akong nanood ng horror movie. ANG LUPET!

Perfekta sa role na inosente at api-apihan ang Superstar. Effortless at flawless ang kanyang performance. Affected ako sa tuwing nakikita ko siyang inaalila o 'di kaya pinapakain ng tirang ulam. Maihahalintulad ko dito ang kanyang akting sa Himala. Kokonti ang linya pero umaapaw sa dami ng emosyon. Ekspresyon ng mga mata at kilos ng katawan ang kanyang ginamit upang ipadama sa mga manonood ang hirap at pagtitiis ng isang atsay. 

12 comments:

  1. question lang po... saan ka nakakabili ng mga lumang pelikula na ganito lalo na un mga black & white pa?

    ReplyDelete
  2. You can buy some of classic Pinoy movies in SM Record Bar and Odyssey outlets nationwide

    ReplyDelete
  3. thank you... i like your site... keep it up...

    ReplyDelete
  4. panoorin mo din yung mga pelikula ni lino brocka kasi may mga social relevance ang mga ito..especially yung tinimbang ka ngunit kulang.. i like ur site

    ReplyDelete
  5. magaling kang mag-analyze ng mga pelikula bb melanie.. gusto ko ang mga sinabi mo kay ate guy..totoo naman siya lang ang artistang nakakagawa ng mga ganyang klaseng arte at pelikula..hanggang ngayon, hindi pa ipinapanganak ang papalit kay Nora Aunor!

    ReplyDelete
  6. Pwede.Si Coco Martin na nga!

    ReplyDelete
  7. may limitasyon sa emosyon si coco

    ReplyDelete
  8. magaling si Coco, si John Lloyd, Echo and even Piolo........pero papalitan sa kagalinga I doubt it.....kailangan patunayan muna hanggang sa international scene at sa mga pelikulang maihahambing katulad ng Bona, Himala,etc.

    ReplyDelete
  9. FYI, dito sa pelikulang "Atsay" ginawaran si Ate Guy ng "Best Performer" award. During that time, isang acting award lang ang ibinigay ng jury. Tinalo ni Ate Guy sina Dolphy, Vilma, Philip Salvador, among others. Sa awards night, dito sinabi ni Ate Guy sa acceptance speech niya ang mga katagang "Mama, mali ang hula nila". Kasi, prior to awards night, ipinapangalandakan ng mg drumbeaters ni Ate Vi na diumano, itong huli ang siyang magwawagi sa inaabangang pagsasalpukan ng mg higante. Kaso lang Luz Valdez silang lahat sa nag-iisang Nora Aunor.- Ferdie

    ReplyDelete
  10. Hawing ang acting ni Coco kay Ate Guy, pero malayo talaga. incomparable si Ate Guy.

    ReplyDelete
  11. Coco Martin is a very good actor, probably one of the most sensitive actors of his generation but to even compare him to the great Nora Aunor is tantamount to blasphemy. It is like saying you can substitute rich, authentic steak sauce with ketchup.

    ReplyDelete