Last October 22 ay nakiusyoso akiz sa press launch ng Camp Rock The Musical ng Repertory Philippines. Pag-apak ko pa lang sa venue eh nilapitan na ako agad nung producer. From what publication daw akiz. Sabi ko julalers ako nung kasama kong writer. Naaliw pa ang lola niyo sa sagot ko. Pwesto me sa may gilid habang nagkikipag kiskisang-siko ang press people kay Direk Audie Gemora at sa iba pang staff. May isang merlat na nagtanong ng same question. Inulit ko lang 'yung sagot ko. Ahahaha! Walang kwenta noh?! Tapos kinalabit ako nung photog. Kelangan daw may pica sa background nung play. Pumosing naman akez.
Tuesday, October 30, 2012
Sunday, October 28, 2012
Impluwensiya
May nagtanong sa inyo kung ano daw bang POV ko sa same-sex marriage...
Aba siyempre pabor ako diyan! Ngunit hangga't bongga ang impluwensiya ng simbahan sa gobyerno at madaming nakaluklok na pulpulitikong buwaya, epal, bopols at ganid, todong matatagalan pa bago maisakatuparan 'yan. RH Bill nga hirap na hirap maipasa eh. Nakakalungkot sapagkat legal na 'yan sa bansang EspaƱa na sumakop sa atin ng mahigit tatlong daang taon.
Pasakop na lang kaya tayo ulit sa kanila? Naiisip mo ba ang naiisip ko ateng kung sakaling nagkalat muli ang gwardiya sibil sa lansangan? Everyday rampa itech! ☺

Friday, October 26, 2012
Batuhan
Manila's Ultimate Hunks 2012 winners |
Hindi ko na kaya 'to mga 'teh! Pigilan niyo 'ko! Pigilan niyo 'ko! At baka lumusong ako sa tubig kahit todong batuhan pa 'yan. Ang sharap sharap niya! Mamahalin ko siya ng buong puso(n) at kaluluwa. Kahit katawan ko, ibibigay ko sa kanya. EEEEHHHH!!!
Thursday, October 25, 2012
Showbiz Lengua
Showbiz Lengua by Jose F. Lacaba |
Sa wakas at may bago na akong librong babasahin. Medyo natagalan bago nasundan ang huling librong nabasa ko. Medyo nauumay na rin ako sa romance novels kaya time to change genre muna. Itabi muna natin sina Martha Cecilia at Rose Tan.
Nasa mga unang pahina pa lang ako ng Showbiz Lengua at talagang interesante siyang basahin. Kaya ganyan ang titulo ng libro ay sapagkat tungkol ito sa iba't ibang salita na bonggang sumikat, ginamit at patuloy na ginagamit sa maliit na mundo ng showbizness. Pilit ding hinagilap kung saan ito nagmula.
Oh siya mga 'teh! Basahin ko muna ito habang pumapatak ang ulan sa bubungan. ☺
Wednesday, October 24, 2012
S.E.B.
Para sa mga shala kong shupitbalur sa Dasmarinas Village, San Lorenzo Village at Forbes Park. Pati na rin sa mga shupatemba ko sa Guatemala street at karatig pook, halikayo't may bonggang S.E.B. tayo...
"Reasons" to watch The Amazing Race PH
Sa Lunes na magsisimula ang The Amazing Race Philippines kapalit ng Artista Academy sa timeslot nito. Eto daw ang isa sa mga rason kung bakit bonggang lumipat ng TV 5 si Derek Ramsay. Alam niyo naman si fafah, may pagka-sporty kaya nang in-offer sa kanya 'to, grab niya kaagad ang opportunity.
May labing isang duo na lilibot sa buong Pilipinas at todong mag-uunahan para makamit ang dalawang milyong pisong papremyo. Mukhang interesanteng panoorin dahil bukod sa laro, may mga certified papables na kasali. Ang Azkals member na si Anton Del Rosario at ang shupatemba niyang si Armand. Meron pang bortabels na si Marc at modelong si Dayal. May tsikang 'di daw sanay mag-brief si Dayal at naiinitan daw. So aalog-alog si junjun habang tumatakbo si fafah? Tsalap naman! Hhhmmm... totoo kaya o echos lang? 'Yan ang dapat nating abangan.
Bahala na kayong mag-research ng tungkol sa mga merlat na kasali (kung interesado kayo). Eto ang preview ng show...
Monday, October 22, 2012
Miss International 2012 winners
Image courtesy of Missosology.info |
Si Ikumi Yoshimatsu ng Japan ang katatanghal lang na Miss International 2012. Unang beses nilang manalo sa pagandahang itech. 1st runner-up si Miss Finland Viivi Suominen at 2nd runner-up naman si Madusha Mayadunne ng Sri Lanka. Nasa fourth place si Melody Mir ng Dominican Republic followed by Nicole Huber of Paraguay.
Pasok naman sa top 15 si Miss Philippines Nicole Schmitz. Todong dumagundong sa venue ang lakas ng suporta ng Pinoy fans na nanood ng live. Watch niyo ang speech portion ng ating dilag para marinig niyo...
'Di mo man nauwi ang korona Nicole, maraming salamat sa bongga mong pagwagayway sa ating bandila. Ipinagmamalaki ka naming mga pageant fanatics.
MABUHAY KA!
Saturday, October 20, 2012
Patuloy
Kagabi ay live na ininterview sa Iba Balita si Dr. Eric Tayag, ang asec ng DOH. Tungkol ito sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga taong nabibiktima ng HIV/AIDS. Todong nakakabahala sapagkat siyam na Pilipino araw-araw ang nabibiktima. Ang pinakamataas na bilang ay nanggagaling sa mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki (MSM) between the age of 20-29.
Sa datos na kanilang nakalap, 51% ng positive cases ay nasa NCR sunod ang Cebu, Davao at iba pang parte ng bansa. Isa sa tinuturong dahilan ang madalas na pag-online at pangingisda ng makakasex sa mga social networking sites. Bukod sa sexual partner ay nariyan ang orgy o group sex. Imagine, kung lima kayo at isa sa inyo ang may HIV/AIDS, maaring apat agad ang mahahawaan. KALOKA!
Ayon pa kay Dr. Tayag, ang mga MSM ay mahirap hagilapin. Hindi na rin daw excuse ang pagiging mangmang sa sex education. Nasa behavior at practice na daw ng tao 'yan. It's either walang nakatabing condom, ayaw mag-condom o 'di naniniwala sa condom. Kaya hinihikayat niya na bonggang gumamit ng condom para protektado.
Oh! Alam niyo na ang dapat gawin mga 'teh. Kung kati perry at 'di sure kung malinis ang ohms (kahit super gwapo at mukhang malinis), mag-condom. Kung ayaw niya pwes 'wag nang ituloy. Kamutin na lang at magtiis kesa magkasakit.

Friday, October 19, 2012
Standing Still
Thursday, October 18, 2012
Silip 2.0
Click here for Silip 1.0
Silip (2007)
Seiko Films
Directed by Joel Lamangan
Screenplay by Raquel Villavicencio
Starring Diana Zubiri, Francine Prieto and Polo Ravales
Si Tess (Zubiri) ay trabahador sa karinderia at jowa niya si Rico (Ravales) na tindero ng native products. Najontis siya kaya sila'y nagpakasal. Witchells naman niya pinilit si Rico, patunay lamang na mahal talaga siya nito. Lumipat sila ng probinsiya para siya'y makapagpahinga habang buntis. May kalayuan nga lang ang lugar. Wala pang kuryente at malapit na shupitbalur.

Wednesday, October 17, 2012
Artistahin
'Yan ang sagot ni ateng Lucy Liu ng tanungin siya ni David Letterman sa show nito kung tumatakbo daw ba sa arawan o hindi. Dahil nasambit ang lahi natin, may I react agad ang ilang sensitive Pinoys. Kesyo racist daw ang arrive ng kuda ni ateng. Eh kung pipigaing mabuti, walang bakas ng racism sa komento. Hindi rin nega o against sa atin ang sinabi niya.“I run in a machine. It's easier for me. Also if I get really dark, I'll start to look a little Filipino, it wouldn't match. If I start getting darker, you know what I mean? I can get really dark if I’m in the sun too much.”
Dahil sa Tsekwa siya, likas sa kanila ang pagiging maputi at kapag umitim lang ng konti eh talagang magmumukha siyang Pinay. It will not match nga naman sa lahi kung saan siya nakilala sa Hollywood de vaaahhh?! Tsaka kayumanggi naman talaga ang kulay ng karamihan sa atin. Diyan nga tayo love na love ng mga afam. PAK!
Basta, artistahin pa rin naman siya kahit na umitim siya. Para nga silang pinagbiyak na cheekbones ni mamang eh...
Tuesday, October 16, 2012
Silip 1.0
Dahil pumatak ng Lunes ang akinse, walang dats ang byuti ko nitong weekend. Salamat na lamang sa stock ng dibidi at may pinagkaabalahan ako. Napili kong panoorin ang dalawang pelikulang Pilipino na iisa ang titulo... Silip.
Silip (1985)
Viking Films International
Directed by Elwood Perez
Screenplay by Ricky Lee
Starring Maria Isabel Lopez, Sarsi Emmanuel, Myra Manibog and Mark Joseph
Maestra ng katesismo si Tonya (Lopez) sa Baryo Asinan ngunit iba ang tingin sa kanya ng ilang kababaryo. Kababata niya si Selda (Emmanuel) na umuwi galing Maynila kasama ang isang masarap na afam. Kung pa-virgin ang nauna, wild naman ang pangalawa. May common denominator ang magkaibigan... si Simon (Joseph), ang kaisa-isang matipunong lalaki sa baryo. Sori na lang sila at nabakuran na ito ni Mona (Manibog).
"Dumarating siya sa anyo ng lalake. Ang sino mang may lawit sa ibaba ay demonyo. Napunta nga lang ang sungay nila sa ibaba." |
Silip (1985)
Viking Films International
Directed by Elwood Perez
Screenplay by Ricky Lee
Starring Maria Isabel Lopez, Sarsi Emmanuel, Myra Manibog and Mark Joseph
Maestra ng katesismo si Tonya (Lopez) sa Baryo Asinan ngunit iba ang tingin sa kanya ng ilang kababaryo. Kababata niya si Selda (Emmanuel) na umuwi galing Maynila kasama ang isang masarap na afam. Kung pa-virgin ang nauna, wild naman ang pangalawa. May common denominator ang magkaibigan... si Simon (Joseph), ang kaisa-isang matipunong lalaki sa baryo. Sori na lang sila at nabakuran na ito ni Mona (Manibog).
Saturday, October 13, 2012
Oktoberfest
Manhunt Philippines 2012 winners Image courtesy of events2images.wordpress.com |
Friday, October 12, 2012
Pataw
Habang nakapila ako sa paradahan ng dyip noong isang araw, nasight ko 'to...
Tanong lang:
...bakit kontra manggagawa?
...bakit kontra magsasaka?
...bakit kontra mahihirap?
Sin Tax - pagpataw ng mas malaking buwis sa mga bisyo ng Pinoy tulad ng alak at sigarilyo. Ang malilikom na pondo ay gagamitin daw ng pamahalaan para sa proyektong pangkalusugan.
Kahapon ay shakira at speakless ang lolah Miriam natin dahil ang proposed sin tax niya kada taon ay aabot ng bonggang 60 billion peysos. Ang kasamahan niyang si Ralph Recto ay 15-20 billion lang. One-third lang ng sa kanya kaya hinihikayat niya ang mga tao na i-protesta ang proposal ni Mr. Vilma Santos.
Obviously, ang mga negosyante, tomador at sunog baga ay todong kakampi kay Recto at ang mga pro-life, anti-smoking at alcohol-free supporters naman ang kay Santiago. So sino ang makakalamang sa dami ng supporters? Witchells naman ako nagyoyosi at once in a blue moon lang akong lumaklak kaya alam na kung kaninong side ako.
Basahin ang proposed amendment dito>>

Thursday, October 11, 2012
Tukso
Babala: Ang susunod na mababasa ay pantasya lamang ng isang bektas na walang magawa. Matinding pag-unawa ang kailangan.
Gabi. Umaambon sa labas. Dinig mula sa bintana ang nagvi-videoke at kumakanta ng Labanan Natin Ang Tukso. Muli na namang suot ni Bb. Melanie ang puting nighties. Parang siyang multo sa gitna ng kusina. Kumuha ng kopita at nagsalin ng Gran Matador Light. Pagkatapos ay umakyat sa hagdan at pumasok sa kwarto. Humarap sa tokador, pinagmasdan ang sarili at umupo. Inilabas sa drawer ang yellow pad at itim na Panda ballpen ('yung may glitters at mabango). Tila may lungkot sa kanyang mga mata. Pumikit-pikit pa bago pinahid ang luha saka nagsimulang sumulat...
Dear Richard,
Kumusta ka na? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan at nawa'y 'di ka nahihirapan sa iyong training. Alam kong tinitiis mo ang hirap para sa pangarap mo at naiintindihan ko 'yon. Kung tinatanong mo kung kumusta ako, eto malungkot... dahil iniwan mo. Pero alam ko naman na babalik ka rin at tayo'y magkikitang muli.
Nitong mga nakaraang araw ay binalot ako ng matinding pangungulila sa'yo. Nami-miss ko na ang dating ikaw. Ang mga naglipana mong larawan na tanging bikini lang ang tangan. Shet! Nag-wet ako.
May ipagtatapat ako. May nakilala akong iba. Naalala kita sa kanya. Ang tindig, katawan at katauhan. Natunaw ako sa kanyang ngiti. Nanginig ang aking mga tuhod. Ako'y natukso at tuluyang natangay sa agos ng kataksilan. Panandalian kitang nakalimutan.
Patawarin mo ako sa aking nagawa. Sa tuwing nakikita ko siya, tila ba limot kita. Ang sarap din kasi niya. Hindi ko masabi kung sino ang mas masarap sa inyo kaya sana ay huwag mo akong papiliin. Mahal pa rin kita pero mahal ko na rin siya.
Oh Richard! Naguguluhan ako. Sino ba sa inyo ang pipiliin ko?
Nagmamasarap,
Bb. Melanie

Wednesday, October 10, 2012
Binembang
Breaking Dawn Part 2 |
The cheating scandal of KStew |
Monday, October 8, 2012
Masigabo
Kahapon ang unang beses kong mapanood ng live si Prima Ballerina Lisa Macuja and the experience was overwhelming! Wala kasi sa aking hinagap na makakapanood ako ng ballet at mismong siya pa ang napanood ko. Dati ay sa textbooks ko lang siya nababasa kahanay sina Lea Salonga, Cecile Licad at Eugene Torre.
Swan Song is a series of her farewell performances sa ballet acts kung saan nakilala siya hindi lang dito kundi pati na rin ng sa ibang bansa. Tatlong taon ito tatagal na sinimulan niya last year with Swan Lake and Romeo and Juliet. This year naman ay Don Quixote, Giselle at Carmen ang sasayawin niya.
Sunday, October 7, 2012
Dagsa
Where on Earth:
...is Patrick Guzman?
Do you remember this Amboy hunk? Napanood ko kasi ang Koronang Itim ni titah Snooky Serna at siya ang leading man doon. Naalala ko kasama siya sa pelikulang Selosa ni Rosanna Roces. Madami-dami siyang nagawang projects noong 90's, mapa-wholesome man o may temang kaseksihan. Hindi pa masyadong dagsa noon ang half-foreigner half-Pinoy looks sa showbiz kaya mabenta siya. Anlaki naman kasi ng borta na sinamahan pa ng wafung fes. I wonder if he aged gracefully. Hhhmmm...

Friday, October 5, 2012
Eksakto
Allen Molina and June Macasaet |
Images courtesy of events2images.wordpress.com
Nicole for Miss International 2012
Images courtesy of Missosology.info
Wednesday, October 3, 2012
Karanasan kay Kumpare
Tuesday, October 2, 2012
May iba pa ba?
Tanong lang:
Wala bang re-electionist na may katulad ng track record ni Senator Juan Flavier?
Remember Let's DOH it campaign during his term as Deparment of Health secretary? Nasa elementarya lang ako nang bonggang mauso ang komersyal ng TKO - Tubig, Kubeta, Oresol. 'Yung lalabas siya sa dulo sabay sabing "Let's DOH it!". Isa 'yan sa pinaka-epektibong kampanya ng gobyerno noon laban sa cholera. Bawat bata yata eh memoryado ang jingle niyan.
Nanalo siyang senador noong 1995 at muling nanalo noong 2001. Ni-isang intriga yata ay wala akong narinig laban sa kanya habang siya'y nakaluklok. Matapos ang dalawang termino ay hindi na siya muling tumakbo pa. Wala rin siyang kapamilya na binalak okupahin ang binakanteng pwesto niya. May delicadeza at hindi gahaman. PAK!
Oh mabalik tayo dun sa tanong ko. Nakita niyo na ba ang senatorial slate ng dalawang partido? Puros pamilyar ang apelyido de vaaahhh?! Kung hindi re-electionist eh kamag-anak ng dating senador o 'di kaya'y congressman na umaambisyon nang mas mataas na posisyon (o pork barrel). HALLER!? May iba pa ba? Well, malalaman natin 'yang pagsapit ng ala-singko ng hapon sa Viernes.
Wala bang re-electionist na may katulad ng track record ni Senator Juan Flavier?
Courtesy of Portraits by Lopez |
Nanalo siyang senador noong 1995 at muling nanalo noong 2001. Ni-isang intriga yata ay wala akong narinig laban sa kanya habang siya'y nakaluklok. Matapos ang dalawang termino ay hindi na siya muling tumakbo pa. Wala rin siyang kapamilya na binalak okupahin ang binakanteng pwesto niya. May delicadeza at hindi gahaman. PAK!
Oh mabalik tayo dun sa tanong ko. Nakita niyo na ba ang senatorial slate ng dalawang partido? Puros pamilyar ang apelyido de vaaahhh?! Kung hindi re-electionist eh kamag-anak ng dating senador o 'di kaya'y congressman na umaambisyon nang mas mataas na posisyon (o pork barrel). HALLER!? May iba pa ba? Well, malalaman natin 'yang pagsapit ng ala-singko ng hapon sa Viernes.
Monday, October 1, 2012
Pula ang Kulay ng Pag-ibig
Vince Ferraren Courtesy of Avon Philippines |
Iba na talaga itong nararamdaman ko sa kanya. Parang puputok na ang dibdib ko sa sikip. Tutubuan na yata ako ng suselya. CHAR! Tutal konti na lang at Pasko na, baka pwede siyang hilingin kay Santa Claus. 'Yun nga lang at sa dami nating nagpapantasya sa kanya, malilito ang loloh niyo kung kanino siya bonggang ireregalo. ☺