Tuesday, October 16, 2012

Silip 1.0

Dahil pumatak ng Lunes ang akinse, walang dats ang byuti ko nitong weekend. Salamat na lamang sa stock ng dibidi at may pinagkaabalahan ako. Napili kong panoorin ang dalawang pelikulang Pilipino na iisa ang titulo... Silip.

"Dumarating siya sa anyo ng lalake. Ang sino mang may lawit sa ibaba ay demonyo.
Napunta nga lang ang sungay nila sa ibaba."

Silip (1985)
Viking Films International
Directed by Elwood Perez
Screenplay by Ricky Lee
Starring Maria Isabel Lopez, Sarsi Emmanuel, Myra Manibog and Mark Joseph

Maestra ng katesismo si Tonya (Lopez) sa Baryo Asinan ngunit iba ang tingin sa kanya ng ilang kababaryo. Kababata niya si Selda (Emmanuel) na umuwi galing Maynila kasama ang isang masarap na afam. Kung pa-virgin ang nauna, wild naman ang pangalawa. May common denominator ang magkaibigan... si Simon (Joseph), ang kaisa-isang matipunong lalaki sa baryo. Sori na lang sila at nabakuran na ito ni Mona (Manibog).

Nagsimula ang pelikula sa isang nakaririmarim na tagpo, ang pagkatay sa isang kalabaw sa harap ng madaming bata. Hindi ko 'to kinaya kasi kitang kita kung paano tumama ang palakol sa ulo ng hayop at kung paano ito umungol sa sakit hanggang sa mamatay. 'Di mo kailangan maging member ng PETA para 'di maawa dun sa kalabaw.

Pamilyar ang lokasyon ng pelikula lalo na kung napanood mo na ang Himala at Temptation Island. Yes! 'Yung bonggang buhanginan sa Ilocos ang tinutukoy ko. Init na init din ako habang nanonood. Parang binilad ang cast sa arawan.

"Sino sa atin ang mas puta? Alam kong libog na libog ka na pero pinipigilan mo pa rin. Ang aso kapag nalilibugan, humahanap ng kakantutan. Ang tao ganun din. Eh ikaw 'pag nalilibugan ka, humaharap ka sa altar. Pati doon dinadala mo ang kalibugan mo. Ano? Akala mo santa ka? Nag i-ilusyon ka pa? 'Yang putang inang butas na 'yan, kapag hindi pinasok ng dapat ipasok diyan, papasukin 'yan ng langaw. Alam mo ba, habang buhay kang maglalaway sa titi dahil ipokrita ka!"
Restored version ang kopya ko. Malinaw at HD kaya luwa eyes me sa maseselang eksena ni Mark Joseph. Solb na solb ako sa dami ng frontal scenes. Jumbolicious! Sa tatlong bidang babae, kay Sarsi Emmanuel ako todong nagalingan. Kumbinsing siya sa kanyang papel at panalo bumitaw ng linya lalo na sa confrontation scenes nila ni Isabel.

Maraming nakakalokang tagpo sa pelikula tulad ng mga batang hubo sa dalampasigan, ang madalas na pagbuyangyang sa ari ng mga bida, at ang makatotohanang gang rape. Kung gagawin ngayon, malamang eh umani ng batikos mula sa mga moralista at nuncang makakapasa sa MTRCB.

May kopya ako ng Trip To Quiapo ng batikang writer na si Ricky Lee at sa librong 'yon, nakalista lahat ng pelikulang isinulat niya. Well akala ko lahat pero 'di pala kasi wala doon ang Silip. Napag-isip tuloy ako... hindi ba siya proud sa pelikulang ito o baka nakaligtaan lang ilagay?

Rating: 2.5/5 stars

Susunod: Silip (2007)

12 comments:

  1. Hi! do you know where can I buy a copy of this movie?hope you can help.tnx

    ReplyDelete
  2. hello teh san mo nbili to?sa quiapo dn b?

    -tagamasid pampurok-

    ReplyDelete
  3. te meron b nan sa odyssey or astro?

    ReplyDelete
  4. Mga 'teh, binigay lang ng friend ko 'yung kopya. Waley yata nito sa local market. Sa Amazon.com meron...

    http://www.amazon.com/Silip-Daughters-Eve-Sarsi-Emmanuelle/dp/B000WMFZRO

    ReplyDelete
  5. Yes meron sa Quiapo hanapin nyo ang pwesto ni Kuya Romy kilala bilang Ligaya Master.

    ReplyDelete
  6. may girl on girl action ba dito? sina sarsi at isabel ba ung nasa poster?

    ReplyDelete
  7. -Teh Anonymous October 17, 2012 7:12 AM, walang shivoli scenes sa pelikula. Sina Maribel at Sarsi ang nasa poster.

    ReplyDelete
  8. ditse meron nyan kay suking ligaya master nakabili din ako..

    ReplyDelete
  9. Mga Ateng, Marami kopya nito sa Quiapo. Pati mga iba pang mga bomba films noong dekada 80's.

    -Mareng Lee.

    ReplyDelete
  10. Teh Melanie san po ba banda sa quiapo makakabili ng mga lumang movies?..san po ba nakapwesto si Ligaya Master?

    ReplyDelete
  11. -Teh Anonymous October 18, 2012 2:56 AM, nasa R. Hidalgo, Quiapo area ang tindahan ni Ligaya Master.

    ReplyDelete
  12. Mga Ateng,
    Pumasok lang kayo sa tinted door na building kahilera siya ng Jollibee. Nandoon ang bilihan. Halos wala na kasi nagbibenta sa mga kalasada.May mga nag-aabang na mga lalaki sa area nag-aalok ng mga DVD dadalhin ka nila sa puwesto nila. Better na explore mo nalang kung medyo alangan ka.

    -Mareng Lee

    ReplyDelete