Todo stress ang byuti ko mga 'teh! Too much pressurized cooker sa bagong work. Ayaw ko na munang alalahanin 'yon bilang pahinga ko sa loob ng tatlong araw. Magsama-sama muna tayo sa paghahanap ng sarap at ligaya
☺
|
From left to right: Tsari, Bb. Melanie, Ateh Paul, Anne, Gladys, Tracy, Ezhel and Mark |
Noong Sabado ng gabi ay idinaos sa
Savory,
Sampaloc ang bonggang post-birthday celebration ni
Ateh Paul na isinabay sa despedida party ng super friend namin na si
Gladys. College classmate din namin siya at madalas eh sa balur niya kami tumatambay at magdamag na nagku-kwentuhan at iba pa. Sa kanyang paglisan patungong Canada, mawawalan na rin kami ng isang lugar na pagtatambayan.
|
Si Lance 'yung nasa right |
Puno ng saya ang pagdiriwang dahil nakasipot ang dalawang dyosa na sina
Ezhel at
Anne pati na ang close friend nila na si
Mark. Tapos na kaming lumafang at inaabuso na ang videoke nang dumating si
Lance.
|
Sayang 'di atashi nakapagpa-pica kay cutie |
Dalawang palapag ang nasabing kainan. Sa taas ay may kwarto na maaaring rentahan na may kasamang videoke machine. Habang ngumangawngaw kami, may na-sight na cutie pie si Anne. Dahil dyosa, umaura siya at 'di nabigo. Game na nakipag-picturan si boylet na diecinueve aƱos ang edad. Bagets pero hooongkyut de vaahhh? Rated GP kami niyan kasi may dabarkads din na kasama si boylet. Mabait lang talaga siya hihihi.
No comments:
Post a Comment