Thursday, March 28, 2013

Kwentong Holy Week

Photo courtesy of myfaithandfate.blogspot.com
Holy Week is here. Napaka-importante nito para sa mga Katoliko dahil ito isang linggo nating ginugunita ang paghihirap, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Kristo. Nariyang magbi-bisita iglesia tayo at magdarasal ng Station of the Cross. Sa mga nagta-trabaho sa call center, tine-take advantage nila ng pumasok dahil tiba-tiba sa double pay. At sa mga walang pasok, panahon na para bonggang magbakasyon at pumunta sa beach. Kanya-kanyang trip.

Nung bagets ako, lagi akong naiinip pag dumarating ito. Wala kasing mapanood sa TV. Puro lumang pelikula nina Charo Santos, Ate Vi, Bembol Roco at Ate Guy. Nataon pang summer kaya ang init sa pakiramdam. Naalala ko tuloy ang marathon ng 7th Heaven series sa Studio 23. Feel-good ang pamilyang iyon 'tas ang gwapo nung panganay na lalaki. Ipinasok ko na naman ang kapokpokan. PAK!

Photo courtesy of thyrene.net
Layong-layo din ako kapag dinadayo namin nina mudraks ang grotto sa may Novaliches. Nito ko na lang nalaman na Bulacan part na pala 'yun. Alay lakad ang peg. 'Di pa masyadong gawa noon ang daan kaya todo lakad. Tustado ka sa init kahit may payong na panabla. Maalikabok pa dahil 'di patag ang daan. Pipila nang pagkahaba-haba at mag-iigib sa gripo ng milagrosang tubig. Last time na punta ko, ang dumi-dumi na nung lugar. Ginawa nang parke at doon nagpi-picnic ang ilan. Tapos na kaya 'yung second floor na simbahan?

'Di rin pahuhuli si mudraks sa dami ng paniniwala niya tulad ng bawal magtrabaho sa Viernes Santo. Maligo bago mag ala-tres ng hapon. Huwag tumalon at maglaro kasi kapag nagkasugat, 'di na gagaling. Hanggang ngayon bitbit ko 'yan. Wala namang masama kung susundin.

Kayo, anong kwentong holy week niyo? 

Sunday, March 24, 2013

Eddie

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Bro. Eddie Villanueva
Pinuno ng Jesus Is Lord Church...

Dalawang beses sumemplang sa pagkapangulo...

Susubukan naman ngayon ang senado.

"Try and try until you succeed"...

'Yan kaya ang kanyang motto?

Saturday, March 23, 2013

Anggulo

Walang rampa ang byuti ko ngayong unang araw ng pahinga ko. Mabuti na lang at nariyan ang mga nakareserbang libro para mang-aliw. Mamaya eh movie marathon naman ang pagkakaabalahan ko. Siyempre bida sa pelikula ang craaash ko. Kasi kahit gaano pa kaganda ang istorya, kung hindi kaiga-igaya ang artista, wala akekelz gana.

Habang namamasyal ako sa malawak na mundo ng world wide web, naisip kong mag-window shopping sa Amazon. Bet ko sanang bumili ng En Extasis CD ni Thalia kaya lang out of stock kaya nagkasya na lang ako sa bonggang videos niya sa YouTube. Nadaanan ko ang Maria La Del Barrio at muli na namang nabuhay ang hasang ko kay Fernando Colunga. Todo search ako sa Google kung may bago akong makukulimbat na sexy pica. Lucky day ko today dahil meron. Eto oh...

Fernando Colunga
Nanghina akez sa posing niya. May kalumaan na ang kuha pero hapi pepe akez. Weakness ko ang ganyang anggulo. Kulang na lang sumubsob ako at malalasahan ko na ang tukneneng. CHOS! Cuarenta y siete na pala ang edad niya at wala pang asawa. Matapos ang relasyon niya kay Thalia noong 1995 eh hindi naging tahimik na siya sa lovelife. Baka naman umaasa pa siya kay MariMar. Pwede! Basta siya ang aking ultimate Latino fantasy.

Thursday, March 21, 2013

Limited

Dear Fafah Vince,

You've got the most beautiful smile I've ever seen. The way you look at me makes my heart swing. Those shoulders I want to touch, those lips I want to taste. Oh! That nip showing, I wanna lick. Ooppss! Sorry for crossing the line. I just can't stop fantasizing you. How I wish you could do the same... fantasize me too. CHAROWT! And how could I forget those arms with tender muscles. I want to feel it. Can I grab it?

I want to write more and tell how I really love you but as you can read, my English is very limited. Yeah! It's like collectors edition... limited stock only. But don't worry 'cause I'll come back once I have enough savings of words that I can use to express my pure intentions for you.

Lovelots, 

Bb. Melanie

'Teh, patawag ng ambulansya. Kelangan kong masalinan ng dugo. MADALI! ☺

Wednesday, March 20, 2013

Order

Can I Just Say:


Ang arti ni Krissy ah! Ngayon lang nag-file ng protection order eh nung December pa pala siya sinubukang akitin ni James. Dinamay pa pati anak nila. Buti nga inakit pa siya. Meaning, may nagnanasa pa sa alindog niya. Ang tsalap-tsalap kaya ni fafah James. Ohms na ohms with nag-uumapaw na sex appeal.

Wish ko lang tayo na lang ang inakit. 'Di pa siya nahirapan hehehe...

Read the article here>>

Tuesday, March 19, 2013

"Balikbayan Package" 2.0

Madami-dami na akong kajutangan na kwento sa inyo mga 'teh. Namimiss ko nang mag-kwento ng kung anu-ano tungkol sa buhay ko at todong mangialam sa buhay ng iba. CHAR! Anyways, dalawa sa ating mga shupatemba ang nagpamana sa akin ng kanilang clasikong coleksyon. Taos puso(n) akong nagpapasalamat at ako ang napili nilang maging heredera. Nitong nakaraang Viernes at Sabado nila inihabilin ang natatangi nilang "yaman". Nais kong ibahagi sa inyo ang "laman" ng "balikbayan package"...


Oh! Excited na ba kayong kalkalin kung ano ang itinatagong surprisa ng mga 'yan? Pwes, inunahan ko na kayo. Ibabahagi ko sa inyo sa mga susunod na araw kung gaano kasarap ang "chocolates" na kanilang ibinigay. I'm sure, abot hanggang batok ang ngiti niyo kapag nasightsikels niyo. Mapa-imported man o lokal, may bonggang supply tayo. EEEHHHHH!!!!!

Sunday, March 17, 2013

Gregorio at Greco

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Gregorio Honasan and Greco Belgica
Lumang senador na gusto ulit kumandidato...

Laban sa baguhan na muy gwapito.

Big time ang partido ni oldie...

Samantalang si cutie walang ads sa TV.

Kasama ba sila sa listahan niyo?

Saturday, March 16, 2013

Misis

Sa susunod na buwan ay mapapanood na natin ang Misis ni Meyor, ang bagong handog ng Taksikab director na si Archie Del Mundo. Tungkol ito sa babaeng aktibista na namatayan ng asawa at nagpakasal sa isang politiko para maghiganti. OHA! Todo seryoso ang tema pero 'wag ka, makakarelate pa rin ang 'sangkabaklaan sa istorya. Kung paano, hayaan niyong magsalita ang larawang itech...

AYLABET! Back to movie making si fafah Marco Morales. At ang kaloving-loving niya eh ang equally delicious na si fafah Johnron TaƱada. NAKAKA-EXCITE!!! Hindi lang 'yan ang dapat niyong abangan dahil magtatagisan din sa pag-arte ang mga mujer sa pelikula. Ang fave Bb. Pilipinas-Universe ko na si Maria Isabel Lopez at ang malufet na amo ni Ate Guy sa Atsay na si Angie Ferro. Oh? Iniisip niyo ba kung sino sa kanila ang misis ni meyor? Pwes, wala sa kanila dahil siya ang gaganap sa papel na iyon...

Kung witit niyo siyang noseline, let me do the honor in introducing her (tama ba ang Ingish ko?). Siya si Marife Necesito, isa siyang theater actress at kasama din sa cast ng Taksikab. Ang pinakabonggang info about her, nakipagtagisan lang naman niya ng aktingan kina Gael Garcia Bernal at Michelle Williams sa international film na Mammoth. Ibang level ang lolah niyo!

All-star cast ang pelikula dahil bukod sa aking mga nabanggit, kasama din dito ang pagkasarap-sarap na si Joem Bascon. Balita ko eh may pinakita siya dito. Ano kaya 'yon? Secret muna. Saka ko na babanggitin hihihi

Watch natin ang trailer...



Showing on April 17 at select movie theaters nationwide.

Monday, March 11, 2013

Dibuho

Sang-ayon ba kayo...


...sa isinasaad ng dibuhong ito? 

Totoo ba o kathang-isip lamang?

Ay! Parang nakakatakot naman 'yun tanong ko. Verum Est lang ang peg. CHAR!

Sunday, March 10, 2013

Grace at Sonny

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling  CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Grace Poe and Sonny Angara
Mga anak ng kilalang tao...

First time tatakbo sa senado.

Si Sonny naupo na sa kongreso...

Si Grace, sa MTRCB napwesto.

Sapat na kaya ang karanasan para tumaas ang ranggo?

Saturday, March 9, 2013

Tupdin

Kasalukuyang nasa Singapore si fafah June Macasaet upang tupdin ang kanyang tungkulin bilang grand winner ng Manhunt International. Solb ang 'sangkabaklaan sa naglipana niyang seksi photos. Lasap ang sarap sa iba't ibang pose at saplot na kanyang isinuot. Bakas na bakas ang natatangi niyang kamachohan. JUICE KOH! Pengeng malamig na tubig...

Ang ganda ng hugis ng katawan niya nooohhh?! Sakto lang ang lakiiiii... ng masels sa kanyang braso at hita. Maugat din palaaaa... ang binti niya. Pero alam kong mas higit pa doon ang naobserbahan niyo. Basta ako, walang malisya. Hindi ako naapektuhan sa nakita ko. Basta! Itinatanggi ko na may napansin akong bakat. Nagkakamali kayo! Basta! Malinis ako. Malinis na malinis ('wag sanang kumidlat)

Thursday, March 7, 2013

Tinamo

Image courtesy of Events2Images
Ika-limampung taon na ng Binibining Pilipinas ngayong taon at dahil diyan, cincuentang babae din ang maglalaban-laban sa tatlong korona, ang Bb. Pilipinas-Tourism, Bb. Pilipinas-International at Miss Universe-Philippines. Dahil na rin sa tinamong tagumpay ni Janine Tugonon last year kaya siguro naging overwhelming ang numero ng mga dilag na nagpa-screening. Literal na bumaha ng ganda sa Araneta Center. Buti na lang at pinili kong manatili sa bahay or else, lulubog sa ganda ang buong NCR. CHAREEENG! Narito ang kumpletong listahan...

Monday, March 4, 2013

Aplikasyon

Kayo ba nagugulat pa kapag nababalitaan niyong may nagungurakot na pulitiko? O mas nagugulat kayo kapag sinabing malinis ang track record nila? Ako, dun sa pangalawa. Tingnan niyo na lang ang kalalabas lang na balita ng Comission on Audit tungkol sa diumano'y paggamit ng ilang senador sa kanilang pork barrel sa isang NGO na nagngangalang Pangkabuhayan Foundation Inc. (PFI). HUWAW! Parang 'di pinag-isipan ang pangalan ng organisasyon. Kahit grade school maiisip 'yan.

Ayon sa balita, sina Sen. Enrile, Estrada, Revilla at Rep. Velarde ang may milyon-milyong donasyon diyan. Ano kayang programa ng PFI? Pwede kaya akong matulungan niyan? Kung hihingi ako sa kanila ng tulong para sa pangkabuhayan ni fafah, maaprubahan kaya nila ang aplikasyon ko? Wish ko lang noh! Para hindi ako iwan ni fafah! KALOKA!

Sunday, March 3, 2013

Pagal

Dahil sa schedule adjustment sa opisina, naging isa lang ang rest day ko ngayong linggo. Kaya naman gusto kong i-maximize ang oras at gumawa ng makabuluhang bagay. Ang problema, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nakapag-internet na ako at nakagawa ng blog. Wala namang bago sa FB at Twitter. Nakakasawang ka-chat ang mga forenjers. Panay ang request na "show me your cock" sa webcam. HELLER!!! Hindi ba nila alam na wala ako nun. CHARUZZZ!!! Sinubukan kong manood ng DVD pero wala ako sa mood. Betchikels kong lumabas kaya naligo ako, nagbihis at umalis pasado alas-dose ng madaling araw.

Pagdating sa sakayan, hindi ko noseline kung saan gogora. May dumaang bus pero 'di muna ako sumakay. Swerte may jeep pa. Pinara ko at nag-joyride papuntang palengke. Pagbaba, naisip ko munang bumili ng sundae kaya lang sarado na si Jollibee. Okay, sakay na lang ako ng bus at pumuntang SM. Try ko sanang magpamasahe sa Himas, isang massage center malapit sa TriNoMa. Bumili muna ako ng sundae sa McDo. Konting lakad lang at narating ko na ang dapat kong puntahan ngunit bad news... sarado ang lugar. Ayan, nawalan na naman ako ng idea kung saan rarampage. Dalawa ang naisip ko, ang pumunta sa Cubao at magpamassage sa Gold Spa o subukan ang bet na bet na spa ni MGG... ang BayLeaf Spa sa Quezon Ave. Nanalo ang pangalawa.

Saturday, March 2, 2013

Jamby at Risa

Disclaimer: The views and opinions expressed on the comment section do not necessarily state or reflect those of the blog writer and the blog site. I thank you.

Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition

Ilang borlogs na lang at todong botohan na naman. Bilang paghahanda, sisimulan kong ang Tanong Lang: The Halalan 2013 Edition. Magtatanong ako sa inyo bawat linggo kung bet niyo bang iboto ang kandidatong aking babanggitin. Isang linggo bago ang halalan, maglalabas ako ng unofficial tally ng pulso ng 'sangkabaklaan para sa halalan. YES! Direct competitor ako ng SWS at Pulse Asia. Ganun ang levelling! CHAROT!

Simple lang ang ita-type niyo. OO o HINDE. Ilagay sa comment box ang sey niyo. Wit required magpakilala at maglagay ng bonggang eksfleneyshon pero kung like mo, GO LANG! Basta hindi malalagay sa alanganin ang byuti kez. Kung hindi ko man i-approve ang comment niyo sa kadahilanang baka ma-Anti Cybercrime Law akekels, don't worry dahil counted pa rin ang boto niyo.

***

Jamby Madrigal and Risa Hontiveros
Parehong sumubok noong nakaraang halalan...

Kulelat sa pagkapangulo 'yung isa...

Samatalang minalas sa numero trese si Risa...

Ngayong taon, makasama na kaya sila sa tuwid na daan?

Friday, March 1, 2013

Apoy

Unang araw ng Fire Prevention Month. Ingat sa paglalaro ng apoy mga 'teh at baka maging mitsa 'yan ng todong pagka-abo ng ating kayamanan. Pwera na lang kung ibang apoy ang nilalaro niyo. Mainit din 'yon at nagbabaga. SARAP!

Eto pang masarap, ang bagong TVC ng Tanduay kung saan bida-bidahan si KC Concepcion. Kebs ako sa lolah niyo dahil ang tatlong ohms na kasama niya sa komersyal ang pumukaw sa atensyon ko. Sila lang naman ang pinapanta-pantasya nating sina Ian Porlayagan, baby Clint Bondad at ang hari ng ating kaharian ngayon, si fafah Vince Ferraren. Lumaylay ang panti ko sa sarap nila...


Teka lang, papabili lang ako ng limang galon ng Tanduay at 'yan ang bonggang ipanliligo ko. Baka sakaling magkumahog din sila sa byuti ko. CHARUUUT!!!