Wit na papipigil pa ang pagdating ng
2014. Mamaya lang eh magpuputukan na pagkatapos ay walang humpay na lalafang ng fruit salad, spaghetti, cake, barbecue, kare-kare, lechon at kung anu-ano pang mamantika at matatamis. Bago 'yan, let's take a look back sa mga bonggang ganap this year...
|
ISYU |
Walang 'di nahabag at nabahala sa tindi ng pinsala ni bagyong
Yolanda at todong pagyanig ng lupa sa
Kabisayaan. Biglang sikat ang low profile na kayamanan ni
Janet Napoles na may big time bestfriends. Patuloy na dumadami ang mga bagong kaso ng
HIV/AIDS. Sa tagumpay ni
Nanay de Pamilya sa nakaraang eleksyon, ano kayang
menu ang
mailuluto niya sa sambayanang Pilipino?
|
MUSIKA |
Bonggang pananabik ang naramdaman ko sa reunion ng
911. Sayang at hindi masyadong bumenta ang
Lotus album ni
Xtina. All Good sa pag-lipat bahay ni
Nina sa
Viva Records. Walang sawa kong pinakinggan ang
Sa Piling Mo ni
Jonalyn Viray, ang theme song ng
Lola na pinutol at 'di tinapos ng Kapuso.
|
SARILING ATIN |
Two years na at 'di pa ako umay sa sarap ni
Vince Ferraren. Isa pa 'tong si
Clint Bondad with his carpeted fes. Kung moreno ang type niyo, andiyan si
Billy Villeta na 'di nagdamot sa kanyang malinamnam na karug. Ubos ang nektar ko nang mag-shower sa stage si
Martin Flores noong
Cosmo Bachelor Bash 2013.
|
BABASAHIN AT PANOORIN |
Mahigit isang dekada na akong pinakikilig at pinatatawa ng
Señorita series. Literaturang Pinoy ang hatid ng nobela ni
Edgardo M. Reyes. Kuhang kuha ni
Pokwang ang kiliti ng mga call center agents. Balik sa pagka-high school ang feeling ko sa panonood ng
The Perks of Being A Wallflower.
|
KARANGALAN |
Pilipinas ang itinanghal na
Country of the Year pagdating sa pageantry. Pinay ang first Asian
Miss Supranational. Walong taon lang pagkatapos manalo ni
Precious Lara Quigaman ay nakamit ulit natin ang
Miss International title. Third runner-up sa male version ng pageant na 'yan si
Gil Wagas. Dinaig ni Megan Young ang mahigit 'sandaang babae sa buong mundo para maiuwi ang kauna-unahang
Miss World crown ng bansa.
|
TSIKA |
Naunsyami ang pagbabalik telebsiyon ni
Marya pero ang kapalit naman ay dalawang box-office na pelikula. Parehong napresinto sa magkaibang kaso ang Fil-Aussie's na sina
Chris Cayzer at
Marco Morales. Pink na pink ang pakpak ni ateng
Mimi Juareza sa pagkakapanalo niya as
Best Actor sa
Cinemalaya.
|
IMPORTED ITO |
Parang handaan sa fiesta ang sarap ng mga contestant sa
Mister Slovenia. Na-etsapwera sa pang-apat na pageant na sinalihan niya si
Ginanni Sennesael. Tik tok tik tok sabi ng 10 o'clock ni
Diego Novicki. I'll be
Mrs. Molinari, claim ng future ko.
|
TELEBISYON |
Kontrobersiyal ang pagkaka-ere ng
My Husband's Lover, kauna-unahang baklaserye sa primetime. Hit na hit ang Korean version ng
Hana Kimi. Kahit antok na antok na eh 'di ko tinantanan ang marathon ng
Wish Upon A Star. Bitin ang pagbabalik teleserye ng
Reyna ng Soap Opera.
|
KAARTIHAN |
Panghuli ang bonggang highlights ng buhay ko. Dalawa nating shupatemba ang nagpamana sa akin ng kanilang
"kayamanan". Kulitan at tawanan sa autograph signing ng
Tambalan. First time kong magbakasyon grande sa
Cebu at
Bohol. At ang pinaka-makinang sa lahat, walang kiyeme kong hinarap ang takot nang sa unang pagkakataon ako'y nagpa-
HIV test.
And that wraps up our 2013 mga ateng! Hangga't patuloy na may naliligaw at nagtiya-tiyagang bumasa ng kaartihan ko, patuloy akong magsusulat para sa inyo. Sana ay dumami pa kayo!
I'm wishing you all a
PROSPEROUS NEW YEAR!