Monday, April 8, 2013

Hilatsa

Sa Linggo na ang pinakabonggang pagandahan ni Madame Stella Marquez-Araneta. Dahil golden anniversary ng Binibining Pilipinas this year, napasma ang byuti ko na pagpili sa limampung kandidata. Ang hirap makahanap nang papantay sa hilatsa ng pagmumukha ko. Matapos ang masusing obserbasyon, eto ang sampung mujer na malakas sa radar ko...

Hindi ako makapili between Charmaine Elima at Bea Rose Santiago. Parehong maganda at todong palaban sa magkaibang paraan. Exotica ang una samantalang napaka-fierce ng pangalawa. But I must say na napa-wow ako sa pose ni Bea. Miss Universe ang level!

Kung mestiza byuti naman ang pag-uusapan, nangunguna sa aking listahan si Krisma Pascual. She kinda resembles the late Bb. Pilipinas-International Melody Gersbach. Diva ang attitude ni Lourenz Remetillo. Wagas kung maka-emote ang lolah natin! PAKAK!

Mutya Datul, isa pang gandang Pinay. Konting hasa lang sa comm skills, malakas na ang laban natin. Bet ko din ang mala-Lani Misalucha fez ni Bencelle Bianzon.

Bongga ang first runner-up ni Janine Tugonon sa Miss UST na si Cindy Miranda. Pang cosplay ang arrive with flawless skin. Medyo matabang sa akin ang posing ni Ara Arida. Baka wala siyang gana during the pictorial. CHARUT!

'Di ko masyadong kilala 'tong si Zandra Flores ngunit aminin, ganda ng fes niya. Modelesque at statuesque etong si Anna Buquid. Ano pa bang adjective na nagtatapos sa esque ang pwede sa kanya?

Isa kaya sa kanila ang magmamana ng korona ni  Janine Tugonon? Malalaman natin 'yan sa darating na Linggo. Excited na ba kayesh?

4 comments:

Anonymous said...

How bout #15 pia wurcbak,dehins mo xa bet mel?

Anonymous said...

Ay the! Mapapahiya tayo lay Lourenz Remetillo. Waley ang kanyang Q&A. Wala ring Q&A substance ang anak ni Christopher de Leon.

Melanie said...

-Teh Anonymous 1, keri lang ateng. Wit ko lang siya paborito.

-Teh Anonymous 2, naku abangan natin 'yan sa Linggo :)

Anonymous said...

Hindi ko gusto concept ng swimsuit photo shoot. Parang walang pinagkaiba sa FHM. Hindi na highlights totoong ganda ng mga kandidata. Isang malaking FAKE!.

OA ang pagka-tan nila. Sana naman ang mga organizer humanap sila ng mga professional guro sa mga pictorials, hanggang sa production number sa stage.


Please lang Ms. Araneta, huwag namang pag-suotin ng mga basurang gown ang mga kandidata lalo na 50th Anniversary ninyo. Sa totoo mga sinusuot nilang gown off the rock sa Gateway rustan's.

-Mareng Lee.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...