Bawat taon ay palakas nang palakas ang hatak sa manonood ng 
Cinemalaya Film Festival. Ngayon ay nasa ika-sampung taon na ito ng pagpapalabas ng mga pelikulang makabuluhan at may samu't saring sahog. Kung dati ay mga baguhan at 'di masyadong kilala ang mga sumasali dito, ngayon pati mga big names sa mainstream ay nakiki-indie na rin. Isa sa todong inaabangan ang pagbabalik tambalan nina 
Nora Aunor, 
Ricky Lee at
 Joel Lamangan sa pelikulang...
Galing Bicol ay napunta sa siyudad si 
Biring (Aunor) at naging kanang kamay sa ilegal na gawain ni 
Vivian (Rosanna Roces). Sa kasamaang palad ay napagbintangan siya't nakulong. Bago pa mabulok sa bilangguan ay pinili niyang ilagay sa mga kamay ang title ng pelikula. Interesante de vaaahhh?! Bukod kay 
Osang ay kasama din dito sina 
Rocco Nacino, 
Sunshine Dizon, 
Gardo Versoza at 
Romnick Sarmenta.
 
  | 
La Aunor as Flor Contemplacion Courtesy of Fukuoka Film Archive | 
1995 pa nang huling magsama-sama ang tatlo sa 
The Flor Contemplacion Story at 
Muling Umawit Ang Puso kung saan parehong nanalo ng 
Best Actress award ang nag-iisang
 Superstar. Maaga pa kung tutuusin pero marami na ang umaasang siya ang bonggang makakapag-uwi ng parangal na 'yan ng Cinemalaya. 
 
Heto ang trailer ng mga kalahok sa 
Director's Showcase...
Para sa kumpletong listahan ng mga kasali, schedule ng pagpapalabas at kung saan makakapanood, click mo lang 'to >> 
Cinemalaya 2014 - Year 10 
 
 
Bb. Melanie, manonood ka ba ng Gala Screening sa CCP?
ReplyDeleteTeh bago ko pa nalaman ang sched ng gala screening eh sold-out na agad ang tickets :(
ReplyDelete