Samu't saring indie films ang muling ipapalabas ngayong buwan kasabay ng selebrasyon ng Pride Month.
Una diyan ang dalawang award-winning movies ni 
Joselito Altarejos na entries niya sa 
Sinag Maynila Film Festival. Ang 
Tale of the Lost Boys ay nanalo ng apat na awards noong 2018 kasama ang 
Best Picture. This year ay nanalo ng
 Best Actress si 
Angela Cortez para sa 
Jino to Mari. Parehong pinagbidahan 'yan ni 
Oliver Tolentino kaya mas masarap panoorin. Masarap daw oh! Mapapanood ito at ang iba pang entries ng Sinag Maynila sa 
UP Film Center (click for the schedule) in Diliman QC.
 
May marathon naman sina 
Mamu; and a Mother too at 
Bille & Emma sa 
Cinema Centenario (click for the schedule). Kasama din sila sa Pride line-up ng 
Cinema '76 (click for the schedule) together with 
2 Cool To Be 4gotten and 
Miss Bulalacao. Siyempre, don't forget our shivolee siblings dahil ipapalabas din ang 
Baka Bukas, Changing Partners and the classic
 T-Bird at Ako. 
PAAAK! Ate Guy and 
Vilma in one movie plus directed by 
Danny Zialcita. Ibang level ang kudaan diyan!
 
 
Let's go, mga ateng, and support these movies upang mas lalo pang ma-inspire ang local film makers na gumawa ng makabuluhang pelikula na swak sa ating kultura at panlasa. Don't worry dahil wit nila haharangin ang outside fudang na binili natin. Basta make sure na 
CLAYGO tayiz!
 
 
magaling talaga mga pilipino lalong lalo na sa larangan nang pag arte at pag kanta.Sakit.info
ReplyDelete