Thursday, March 31, 2011

Payungan mo ako (part 3)

Ang ikatlong kabanata ng seryeng tatalo sa Primetime Bida at Telebabad. 

Click here for part 1.
Click here for part 2.

Paalala: Ang susunod na mababasa ay kathang isip lamang. Patnubay sa mambabasa ay kailangan.

6. Delete his pre-historic text messages. Oh wag mong i-deny! Alam kong may special folder sa ketay mo na ang laman lang eh mga texts niya. Kahit yung "K" nga, sinave mo pa. Maawa ka naman sa ketay mo. Ang bagal-bagal na dahil sa mga unecessary messages. Yes! Unecessary na dahil ex-lovers na kayo. Aray!

7. Go to your room. NOW!

Re-arrange it. Move your bed to a different corner. Mas maigi kung malapit sa bintana. Maglagay ng halaman sa night table para magkaroon ng kulay ang kwarto. Clean your closets and drawers. Itabi ang mga pinaglumaang damit. May paggagamitan ka nito.

Kung ikaw 'yung tipo ng tao na kahit balat ng kendi na kinain niyo ay itinago mo, 'wag itong itatapon. 'Wag mo din gagayahin ang mga artista sa pelikula na nagpupunit ng mga pictures saka susunugin. Sayang ang memories. Ilagay mo ito sa isang box at iimbak sa basement. Kapag mashonda ka na, pwede mong balik-balikan ang mga nakakakilig na moments. Pwede mo pang i-share sa magiging anak at apo mo.

8. "Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay". At dahil binato ang puso mo, magbato ka ng tinapay hindi sa ex-jowa mo kundi sa mga charities at foundation. Nasan na 'yung mga old clothes mo? Tara at i-donate natin.

Isa sa pinakamagandang magagawa mo para sa iyong sarili ang tumulong sa kapwa sa kahit anong paraan. Walang maliit o malaki sa taos pusong pagtulong. Nakakagaan ito ng pakiramdam. 'Ika nga ni Bertha von Suttner:

"After the verb 'to Love,' 'to Help' is the most beautiful verb in the world".

Tatapusin...

Detect

Can I Just Say:

Kung sa paliparan pa lang natin ay na-detect na ang mga drogang bitbit nila, buhay pa sana sila ngayon...


...nakakulong nga lang.

Wednesday, March 30, 2011

Jake, oh Jake!

Jake, oh Jake!
Parang kulang ang suot mo

Jake, oh Jake!
Ngunit ako'y 'di nagrereklamo.

Jake, oh Jake!
Tayo na't maglaro

Jake, oh Jake!
Teka, teka nadi-distract ako.

Jake, oh Jake!
Sa bolang naaaninag ko

Jake, oh Jake!
Sigurado aking pagkatalo.

Tuesday, March 29, 2011

Payungan mo ako (part 2)

Ang pagpapatuloy ng bagong serye na ikaw ang bida at ako naman ang kontrabida. BWAHAHAHA!!! Pindutin mo dito para sa unang yugto.

Paalala: Ang susunod na mababasa ay kathang isip lamang. Patnubay sa mambabasa ay kailangan.

  
4. Nagising ka isang umaga at humarap sa salamin. Bigla kang napasigaw ng "P#+@n& !n@! Sino ka?". Malamang na ikaw 'yun kasi walang multo sa umaga. Ang chaka mo kasi. Ang CHAKA CHAKA mo. Parang pwet ng kawali sa itim ang ilalim ng mata mo. Dry and damaged ang hair at puno ng zits ang fes. Eeewww!!! Pwede ka na ring maging character sa Pugad Baboy dahil sa paglamon mo.

At ano pa nga ba ang pinakaepektibong pampapayat kundi ang mag-exercise. Mag-enroll sa mga fitness center at mamili sa iba't ibang programang handog nila na angkop sa 'yo. Pero kung magkasing-yaman tayo, mag-exercise ka na lang sa umaga. Gabi pa lang eh ihanda mo na ang rubber shoes at razor back para paggising kinabukasan, ready to fight agad. Maigi din ito para maiwasan mong maisip first thing in the morning si ex-jowa. Oh, baka umiyak ka ah! Narinig mo lang yung salitang jowa eh maluha-luha ka na. TSE!

5. Sige na! Hindi naman kita mapipigilan eh. Umiyak ka na nga kung may iluluha ka pa. At habang crayola ka eh maglakad ka papuntang Red Ribbon o Goldilocks. Bumili ka ng pulboron o ensaymada. Instant happiness ang mararamdaman ng mga intestines mo diyan. Pero kung 'di mo bet langgamin dahil sa tamis ng mga produktong 'yan, try mo ang mga pagkaing may Tryptophan. KALOKA! May nalalaman pa akong ganyan.

Ang Tryptophan ay isang uri ng amino acid na kino-convert ng ating bodacious body into a feel-good chemical called serotonin. Wala akong balak agawan ng trono si Kuya Kim kaya i-Google mo na lang 'yan for more info. Tokwa, saging, sunflower seeds, turkey meat at pinya ang ilan sa mga pagkaing mayaman sa Tryptophan. Moderation is the key to success at hindi gluttony. Gets?

Subaybayan...

Monday, March 28, 2011

Pampa

Pampagising sa umaga.
 
Pampasaya ng mood.
 
Pampaganda ng buhay.

Richard Pangilinan from Pampanga.

Sunday, March 27, 2011

Habol

Dear Retsard,

Anong nangyare sa katawan mo? Ang sarap sarap mo date pero baket naman parang henahabol mo na si ateh Raymond Gee?

 
Maganda ba 'yung My Balentayms Gerls? Nakakakeleg ba?

Wow! Magbabalek na se Kapten Barbel. Pero baket ganon? Parang se Eugene Domingo na lang ang kolang, My Balentayms Gerls part 2 na ang show mo? De bale, mahal pa ren keta. Bet ko ang mga chabby eh. Lab yu!

Nagmamasarap,
Bb. Melanie 

PS: Ikamosta mo ako kay teta Anabil at sa kanyang mga alahas. Pate na ren kay bes fren Rofa.

Saturday, March 26, 2011

Standby

Bukas na dapat ang world premiere ng pelikulang Taksikab sa AFP Theater ngunit ayon kay Archie Del Mundo, direktor ng pelikula, ito'y hindi na matutuloy. Standby muna tayo mga 'teh because they are trying to reschedule the premiere. They'll keep us posted.

UPDATE: Click here to know the reason why it was canceled. 

Payungan mo ako (part 1)

Kapag nahihiwalay tayo sa jowa natin, karamihan sa 'tin ay nade-depress at naloloka. 'Yung iba, gusto pang gayahin sina Cristina at Gary ng Mara Clara para makapaghiganti. Lahat ng nabanggit ay hindi maganda sa kaisipan at nakakapangit ng itsu. At sa kadahilanang yan, ginawa ko ang bonggang series of payo kung paano makakalimot sa nagdaang relasyon. I'm not a love expert kaya hindi garantiya kung may bisa ang mga 'to. Nasa sa inyo na kung susundin niyo ang payo ketch.

Paalala: Ang susunod na mababasa ay kathang isip lamang. Patnubay sa mambabasa ay kailangan.

1. Unang araw ng kapighatian. Eto ang pinakamasakit. Magang-maga ang eyes sa magdamagang crayola. Nag-iisip ka ng kung anu-ano. Magreregister sa unlimited call & text para kulitin si jowa na ika'y balikan. Madaming katanungan. Nagugulumihanan. Gumagawa ng sariling multo. Tama ba?

Ang payo ko, umiyak ka lang. Sige, gawin mo ang lahat ng magagawa mo para isalba ang relasyon. Dedma kung magmumukha kang cheap. Mas mabuti na 'yon kesa hindi mo i-try. Lumayo ka rin sa kusina at banyo. Baka kasi maisipan mong maglaslas ng pulso o lumaklak ng Domex.

2. Dahil todo ka sa kakaiyak, kakamiskol at text sa kanya, pwede bang bumorlogs ka? Para mahimasmasan ka naman. Malaking bagay na ipahinga ang katawan dahil inabuso mo ito (emotional and mental side). Kawawa naman ang mata mo. Kulay pula na pati iris mo. Isipin mo na lang, meron pang bukas para umiyak ulit. Ang ganda nung nasa pektyur di vaaahhh?!?

3. Ayan, medyo nahimasmasan ka na pero malungkot pa rin. Kahit na nagsisipag-awitan ang mga ibon sa labas (meron pa ba?), hindi mo sila naririnig kasi feeling mo November 1. Bakit 'di mo dagdagan ang pighati mo? Buksan ang CD player at isalang ang mga tugtuging nakakaiyak. Suggest ko lang, mga kanta ni Nina ang patugtugin mo. Hindi dahil sa gusto kong dagdagan ang lumbay na nararamdaman mo pero alam kong hindi epektibo ang mga kanta ni Gloria Gaynor at ng Destiny's Child sa ganitong estado. Lolokohin mo lang ang sarili mo. Kung 'di mo bet ang makinig, manood ka ng mga pelikula nina Juday at Piolo o Rico at Claudine. Lahat kasi 'yun, mga happy ending. Maiinggit ka for sure.

Itutuloy...

Friday, March 25, 2011

Tagay

From the Facebook account of Mikee, my officemate:


Panatang maka-alak
Iniibig ko ang alak
Ito ang inumin ng aking buhay
Ito ang nagpapawala ng aking lumbay

Akoy kanyang nilalasing ngunit tinutulungan
Upang maging malakas, maangas at mataas ang karakas
Bilang ganti, diringin ko lagi
Ang anyaya para maginuman

Susundin ko at pupuntahan
Saan man ang tagpuan ng inuman
Papanatilihin kong maging isang tunay na lasenggero
Sa baso, sa puso at sa nguso

Thursday, March 24, 2011

Kidnap

Matagal ko nang nakikita sa iba't ibang Korean websites ang pelikulang ito. It's one of the (rare) gay films produced in South Korea. Alam niyo naman doon, medyo conservative sila sa paggawa ng pelikulang may bahid kabaklaan. They make sure na de-kalidad at magiging maganda ang kalalabasan. Tatlong araw na paputol putol ko pinanood 'to kasi lagi akong natatalo ng antokyo japan.

Simple lang naman ang istorya. Si Su-min ay isang discreet gay na nanggaling sa bahay ampunan. Nagtrabaho bilang factory worker at suma-sideline bilang driver ng mga lasing. Dito niya nakadaupang-palad si Jae-min. Nalove at first sight ito sa kanya pero dedma siya dito. Suplada lang di vaaahhh?!?

Lee Yeong Hoon as Su-min
Kim Nam Gil as Jae-min
Natanggal sa factory si Su-min dahil sa retrenchment not knowing na anak pala ng boss niya si Jae-min. Bad shot ang byuti ni Jae-min kay Su-min at kahit ibinalik siya nito sa trabaho, hindi na niya tinanggap ito. Sa pagpuputa nauwi ang kasarapan niya. Hinanap siya ni Jae-min at ginawa nito ang lahat para sila'y magmahalan kesehodang maboogie wonderland ito. Sakses naman ang bakla after ilang attempts. PAK!


Akala niyo happy na ang lahat!?! Well, wrong kayo dahil balak palang ipakasal si Jae-min ng kanyang mga magulang sa isang bilat. Eeewww!!! CHOS! Walang magawa si bekbek dahil na rin siguro sa bonggang estado niya sa buhay. Bigla niyang iniwan sa ere si Su-min kung kelan mahal na siya nito. Kainis! At dahil sa sakit na idinulot niya, kinidnap siya ni Su-min at binalak na ilibing ng buhay. Oh di vaaahhh!?! Maldita lang. Pero todong nangibabaw ang lab nito sa kanya kaya na-cancel ang masamang balakin. How sweet naman!

Nakakaantig ng damdamin ang kwento at nakakadala ang akting ng dalawang pangunahing tauhan kaya naman I highly recommend ang pelikulang ito. After niyo 'tong mapanood, "try and try until you succeed" na ang magiging motto niyo. Nakakaloka lang ang ending. Hindi ko na ispluk para maintriga kayo.

At dahil sa pelikulang ito, can I just say...

Lee Yeong Hoon
...mahal ko na siya.

Tuesday, March 22, 2011

Last two

Isang mabalasik na linya para sa mga ambisyosa (tulad ko):

"The truth is everyone has issues and maybe building up a fake perfect man in my mind was my biggest issue of all. I've been walking around with the ghost of my magic man. He's been haunting me, keeping me from recognizing a world of opportunities that are right in front of me"

"There's no such thing as perfection. Love is for people who are realistic and smart enough to open their hearts and minds and who realize that a real relationship is the ultimate fantasy. I haven't found that relationship yet but I've shaken off the shadow of my magic man and I'm finding myself. I think that's a pretty good start" 

---Lane Daniels

Aray! Tagus-tagusan naman 'yan hanggang bone marrow ko. But I like the last two sentences. I should do that... soon.

Monday, March 21, 2011

Baga

Mukhang mainit ang mga mata ng Imbestigador sa mga lugar kung saan nagkukuta ang ating lahi. Kasusugod lang nila sa The Boys of Bora aba't agad na isinunod ang Gold RPM Cinema, ang lumang sinehan sa Blumentritt, Manila.

Kadalasan, mga adan na may edad na ang tumatangkilik sa ganitong plasung. May mga bagets din naman pero mas marami ang thunder cats. Dito, malaya silang ilabas ang pagiging eba nila. Konting tinginan at kalabit lang, pwede na. Kahit sa upuan o CR, deadma sila basta maapula lang ang kanilang nagbabagang bulaklak.

Mali sa mata ng batas at moralidad ng tao ang gawaing sekswal sa pampublikong lugar. Kung gusto mo nga namang may makaulayaw, gawin ito ng pribado. Ngunit hindi naman lahat ay afford ang mga taxi room na inilalako ni aling Victoria. Yung iba, hindi magawa sa mismong bahay dahil may kasamang pamilya o iniiwasang pagtsismisan ng mga kapitbalur nila.

Santwaryo na kung ituring ng iba nating ate't lola ang ganitong lugar. Minsan, pangalawang tahanan nga. Ngayong isinarado na rin ito, hindi dito natatapos ang paglalakbay nila. Sisikilin muna pansamantala ang baga sa loob hanggang makakita sila ng panibagong lugar na magpapasilab sa kanila.

Watch the episode here.

Sunday, March 20, 2011

Kamag-anak

Isang malaking OMG! Patay na si John Apacible.

Ayon sa balitang nabasa ko sa PEP.ph, dalawang bala sa dibdib ang dahilan kaya siya na-teggie agbayani. At ang suspek... tiyo niya. NAKAKALOKA! Kamag-anak pa niya ang salarin. Hindi tinukoy sa balita ang dahilan kung bakit nagawa iyon ng kanyang tiyuhin. GRABE! Parang kapapanood ko lang sa kanya nung Biernes sa Minsan Lang Kita Iibigin tapos ngayon, wala na siya.

Sad news itech lalo na sa mga fans ng late 90's hunk. Madami siyang nagawang boldie flick tulad ng Punla, Laging Sariwa Ang Sugat at Shame.

My condolences sa kanyang mga naulila.

Saturday, March 19, 2011

Tukneneng

as Prinsipe Irvin
Habang nanonood ako ng Mutya kagabi, di ko mapigilang 'di mapansin ang malaking pagbabago sa bortawan ni fafah Alfred Vargas. Gosh naman (arte ko), ba't nagkaganun ang delicious body niya. Ang laki ng ishinuba. Pati susan niya, parang 36 B na ang size. Pantay yata sa dibdib ni NiƱa Jose. Medyo saggy nga lang yung kay fafah at nangangailangan ng bust lift. Pero masarap dedehin ang ganun. CHAREEENGGG!!!

as a male stripper
Ang hot hot pa naman niya dati sa Bridal Shower. Sino ba naman kasi ang hindi naloka sa macho dancing stint niya sa pelikulang 'yon? Nakakakapaglaway ang suot niyang shiny red bikini na halos aninag na ang tukneneng niya.

Busy yata siya sa pagiging councilor at aktor kaya wala nang time mag-gym. Sana naman mag-work out siya ulit  to bring his seksi back and front.

Friday, March 18, 2011

Ayoko na

Natapos din ang 2 weeks rehab ko. Pabalik-balik ako sa ospital para ipalamutak sa mga physical therapist ang nananakit kong likuran. Parang graba na kasi sa tigas ang mga maskels ko kaya kailangan na ng treatment. Baka kasi tumodo pa ang sakit kapag hindi naagapan.

Hhhmmm... Alam ko iniisip niyo...
Syogod to the max ang biyahe ko from Makati to Ortigas. After kasi ng work, derecho na ako sa The Medical City. Pagod ka na nga sa work at byahe, nilamog ka pa ng mga therapist. Sinamahan pa ng iba't ibang exercises. Kaya naman pagjuwelay ko, borlogs akekels. ZZZzzz...

Pangalawang physical therapy ko na 'to. 2009 yung first ko. Hindi ko kasi sinunod ang payo ni doc na mag-exercise kaya naulit ang back pain. Makikinig na nga ako sa kanya. Ayoko na bumalik sa rehab noh!

Thursday, March 17, 2011

Pwede naman ako

Mga 'teh, mamamatay na yata ako. Grabe!!! Hindi ko na 'to kaya.

Baket? BAKEEETTT!!! Huhuhu :'(

Bakit hindi ako... Pwede naman ako... Ako na lang sana...

Alamin mo dito kung bakit depressed, naiiyak, malumbay, walang pag-asa, nababaliw at parang suicidal aketch... WAAAHHH!!!
 
But then again, nakapanghihinayang ang sarap ko kung mate-teggie agbayani ako. Makaka move-on din ako. Beautiful ang life.

Soothing

Bakit ang daming news na shupatemba natin sa pananalig si Chris Cayzer? Jowariwariwap daw siya ni ateng Raymond Gee? Trewlaloo kaya ang mga itech? Sana naman ay witit sa kadahilanang ang sarap sarap niya. 

Ang gandara park ng eyes niya. Feel kong magjubad kung tititigan niya akez. CHARUZZZ!!!

Aktuali, gusto ko ang music niya. Meron ako nung debut at second album niya. Feel good music at very soothing ang voice niya. Pangtanggal stress at pagod.

Watch and listen to his new single here.

Monday, March 14, 2011

Masigla

Kung last year ay medyo matamlay ang production ng gay indie films, mukhang masigla ito ngayong 2011. First quarter pa lang kasi eh sunud-sunod na ang pagpapalabas ng mga pelikula tungkol sa 'ting colorful life.

Next attraction ang Taksikab na pinagbibidahan ng mapangahas na si Kristoffer King. Kasama niya dito ang mga nagsasarapang ohms na sina Jonas Gruet, Jess Mendoza, Adrian Sebastian, Tony Lapena (Ang Laro ng Buhay ni Juan), Dustin Jose (Lagpas), Marcus Cabrera (Libido) atbp.

Marcus Cabrera & Adrian Sebastian (mahal ko na silang dalawa)
Dustin Jose & Jess Mendoza
Jonas Gruet & Tony Lapena
Magkakaroon ng world premiere ang pelikula sa March 27, 7 PM sa AFP Theater. Yes! You read it right. Ang teatro sa loob ng Camp Aguinaldo. Bongga di vaaahhh!?!

Para sa pagpapareserba ng tiket at iba pang impormasyon, log-in to Facebook at i-like ang fan page ng pelikula (search for TAKSIKAB).

Click mo ditey para sa official movie trailer.

Angat

Last Saturday night, I went to the fashion show of the Binibining Pilipinas 2011 candidates in Gateway, Cubao. Gusto ko kasing ma-witness personally ang mga dilag bago ko sila i-judge. Feelingerang hurado lang watashi.

Impressive ang batch ng candidates this year. Mas fabulous at exciting since kwarenta silang maglalaban-laban para sa tatlong korona. Siyempre, ang pinaka-bongga ang Bb. Pilipinas-Universe title. Base sa nakita ko, silang tatlo ang angat sa ganda at catwalk skills:

Paula Camille Figueras
Shamcey Supsup
Carla Lacson
*Photos courtesy of OPMB Worldwide.

Sunday, March 13, 2011

Ngunit

Wala akong hilig sa wrestling ngunit ng mapanood ko ito...

...gusto ko nang maging wrestler. Hihihi...

Saturday, March 12, 2011

On The Floor

Bb. Melanie, Elle and Aly
Bet kong igiling-igling ang bewang at balakang ko sa bagong kanta ni lola Jennifer Lopez. Mala-Waiting for Tonight ang tunog at talagang mapapaindak ka. Ganitong genre talaga ang bagay sa boses niya. Na-miss ko tuloy mag-party party kasama ang mga friends kong si Aly at Elle. Pare-pareho na kasi kaming busy sa trabaho ngayon kaya walang time para gumimik.

♫♪ Dance the night away
Live your life and stay out on the floor
Dance the night away
Grab somebody drink a little more
La la la la la la la la la la la la la la
Tonight we gon’ be it on the floor
La la la la la la la la la la la la la la
Tonight we gon’ be it on the floor ♪♫

Click here to watch the music video.




On The Floor feat. Pitbull is the latest single of Jennifer Lopez from her upcoming album Love?

Si Pacita, Yolly at Laura

At dahil certified Noranian na ako, nag-movie marathon ako ng kanyang mga pelikula noong rest day ko.

Una diyan Ang Totoong Buhay ni Pacita M (1991).

Early 90's nang gawin ni Ate Guy ang pelikulang ito kasama ang real-life daughter niya na si Lotlot de Leon. Tinalakay sa pelikula kung gaano kahirap gumawa ng isang desisyon ang isang ina para sa ikabubuti ng kanyang anak. Nakakatawa ang unang eksena ni Ate Guy as a stand-up comedienne. Versatile actress talaga. Atribidang lola ang role ni Armida Siguion-Reyna at talaga namang nakakairita ang pakikialam niya sa buhay ng mag-ina. Nanalo si Ate Guy dito ng Best Actress sa MMFF noong 1991.

May isang nag-suggest na panoorin ko ang Condemned (1984) dahil siguradong magugustuhan ko daw ito kaya naman ito ang aking pangalawang isinalang.

Kung may Rosalinda ang Mexico, meron namang Yolly sa Pilipinas. Iyan ang pangalan ng karakter na ginampanan ni Ate Guy na isang tindera ng rosas sa Ermita. May halong kaba at takot akong naramdaman habang pinapanood ko ang pelikulang ito. Kakaiba ang istorya kumpara sa ibang nagawa niya. May chasing scenes, krimen at halong aksyon. Siyempre, hindi mawawala ang drama. Kumpletos rekados kumbaga. Kasama pa ang mga de-kalibreng artista tulad nina Dan Alvaro, Gina Alajar at Ms. Gloria Romero. Bonggang bongga lang ang hairdo at outfit ni Madam Gloria. Donyang donya ang arrive. Gagayahin ko ang look niya pagmashonda na aketch. PAK!

Isa sa matatapang na eksena ang bakbakan ni Ate Guy at Gloria Romero. Gabi ang setting at nasa loob sila ng bahay. Madilim ang lugar at parang mga ilaw lang sa labas ng bintana ang ginamit. First time kong makita si Ate Guy na may hawak na baril kaya naman naaliw ako sa eksenang ito. Kalunos-lunos naman ang pagkamatay ni Gloria Romero sa pelikula. Panoorin niyo na lang para malaman niyo.

At ang huli sa aking listahan, Kastilyong Buhangin (1980).

Sa tatlo, ito ang pinakanagustuhan ko. Pinaghalong love story at action ang pelikulang pinagsamahan ni Ate Guy at Lito Lapid. I never thought na delicious hunk pala si senator nung kabataan niya. Maganda ang tikas ng katawan at moreno pa. Eto pa, ang daming eksena na sumasayaw siya.  Tapos, lagi pa siyang nakapekpek shorts. Kanasa-nasa pala siya noon. CHOS!

Kapag singer ang role ni Ate Guy sa pelikula, madalas na mag-isa lang siyang kumakanta. Pero dito, kabilang siya sa isang grupo na mang-aawit. Ang ganda ng blending ng boses nila. Pamilyar sa aking yung isang lalaking member na matangkad at may bigote pero di ko matandaan name niya.

Simple ang istorya pero makatotohanan. Todo enjoy ako sa mga action scenes ni Lito Lapid lalo na dun sa tagaan nila ng tatay ng nadisgrasya niya. Nakakatakot talaga! Pero pinabilib niya ako sa bugbugan at saksakan portion sa loob ng kulungan. Halatang pinagpraktisan muna nila ang eksena bago i-shoot. Ang linis kasi ng pagkakagawa. Ang galing din nung slow motion nung masaksak siya ng ilang beses. Parang ikaw mismo, mararamdaman mo yung sakit.

After ng movie marathon ko, isa lang ang narealize ko. 

Magkakapareho ang ending ng pelikula.

Tragic lahat.

*Special thanks to Video 48 for the vintage movie posters.

Friday, March 11, 2011

Pray for Japan

Tsunami in Japan
Ano man ang ating relihiyon, ipagdasal natin ang mga tao sa Japan na sila'y maligtas sa kapahamakan na dulot ng isang malakas na lindol na sinundan ng tsunami. Sana ay hindi rin madamay ang mga lugar sa paligid nito kasama ang ating bansa.