Kapag nahihiwalay tayo sa jowa natin, karamihan sa 'tin ay nade-depress at naloloka. 'Yung iba, gusto pang gayahin sina Cristina at Gary ng Mara Clara para makapaghiganti. Lahat ng nabanggit ay hindi maganda sa kaisipan at nakakapangit ng itsu. At sa kadahilanang yan, ginawa ko ang bonggang series of payo kung paano makakalimot sa nagdaang relasyon. I'm not a love expert kaya hindi garantiya kung may bisa ang mga 'to. Nasa sa inyo na kung susundin niyo ang payo ketch.
Paalala: Ang susunod na mababasa ay kathang isip lamang. Patnubay sa mambabasa ay kailangan.
Paalala: Ang susunod na mababasa ay kathang isip lamang. Patnubay sa mambabasa ay kailangan.
1. Unang araw ng kapighatian. Eto ang pinakamasakit. Magang-maga ang eyes sa magdamagang crayola. Nag-iisip ka ng kung anu-ano. Magreregister sa unlimited call & text para kulitin si jowa na ika'y balikan. Madaming katanungan. Nagugulumihanan. Gumagawa ng sariling multo. Tama ba?
Ang payo ko, umiyak ka lang. Sige, gawin mo ang lahat ng magagawa mo para isalba ang relasyon. Dedma kung magmumukha kang cheap. Mas mabuti na 'yon kesa hindi mo i-try. Lumayo ka rin sa kusina at banyo. Baka kasi maisipan mong maglaslas ng pulso o lumaklak ng Domex.
Ang payo ko, umiyak ka lang. Sige, gawin mo ang lahat ng magagawa mo para isalba ang relasyon. Dedma kung magmumukha kang cheap. Mas mabuti na 'yon kesa hindi mo i-try. Lumayo ka rin sa kusina at banyo. Baka kasi maisipan mong maglaslas ng pulso o lumaklak ng Domex.
2. Dahil todo ka sa kakaiyak, kakamiskol at text sa kanya, pwede bang bumorlogs ka? Para mahimasmasan ka naman. Malaking bagay na ipahinga ang katawan dahil inabuso mo ito (emotional and mental side). Kawawa naman ang mata mo. Kulay pula na pati iris mo. Isipin mo na lang, meron pang bukas para umiyak ulit. Ang ganda nung nasa pektyur di vaaahhh?!?
3. Ayan, medyo nahimasmasan ka na pero malungkot pa rin. Kahit na nagsisipag-awitan ang mga ibon sa labas (meron pa ba?), hindi mo sila naririnig kasi feeling mo November 1. Bakit 'di mo dagdagan ang pighati mo? Buksan ang CD player at isalang ang mga tugtuging nakakaiyak. Suggest ko lang, mga kanta ni Nina ang patugtugin mo. Hindi dahil sa gusto kong dagdagan ang lumbay na nararamdaman mo pero alam kong hindi epektibo ang mga kanta ni Gloria Gaynor at ng Destiny's Child sa ganitong estado. Lolokohin mo lang ang sarili mo. Kung 'di mo bet ang makinig, manood ka ng mga pelikula nina Juday at Piolo o Rico at Claudine. Lahat kasi 'yun, mga happy ending. Maiinggit ka for sure.
Itutuloy...
Itutuloy...
hahaha... exciting! cant wait for the part II. -:)
ReplyDelete:'(
ReplyDelete