Ang pagpapatuloy ng bagong serye na ikaw ang bida at ako naman ang kontrabida. BWAHAHAHA!!! Pindutin mo dito para sa unang yugto.
Paalala: Ang susunod na mababasa ay kathang isip lamang. Patnubay sa mambabasa ay kailangan.
4. Nagising ka isang umaga at humarap sa salamin. Bigla kang napasigaw ng "P#+@n& !n@! Sino ka?". Malamang na ikaw 'yun kasi walang multo sa umaga. Ang chaka mo kasi. Ang CHAKA CHAKA mo. Parang pwet ng kawali sa itim ang ilalim ng mata mo. Dry and damaged ang hair at puno ng zits ang fes. Eeewww!!! Pwede ka na ring maging character sa Pugad Baboy dahil sa paglamon mo.
At ano pa nga ba ang pinakaepektibong pampapayat kundi ang mag-exercise. Mag-enroll sa mga fitness center at mamili sa iba't ibang programang handog nila na angkop sa 'yo. Pero kung magkasing-yaman tayo, mag-exercise ka na lang sa umaga. Gabi pa lang eh ihanda mo na ang rubber shoes at razor back para paggising kinabukasan, ready to fight agad. Maigi din ito para maiwasan mong maisip first thing in the morning si ex-jowa. Oh, baka umiyak ka ah! Narinig mo lang yung salitang jowa eh maluha-luha ka na. TSE!

5. Sige na! Hindi naman kita mapipigilan eh. Umiyak ka na nga kung may iluluha ka pa. At habang crayola ka eh maglakad ka papuntang Red Ribbon o Goldilocks. Bumili ka ng pulboron o ensaymada. Instant happiness ang mararamdaman ng mga intestines mo diyan. Pero kung 'di mo bet langgamin dahil sa tamis ng mga produktong 'yan, try mo ang mga pagkaing may Tryptophan. KALOKA! May nalalaman pa akong ganyan.
Ang Tryptophan ay isang uri ng amino acid na kino-convert ng ating bodacious body into a feel-good chemical called serotonin. Wala akong balak agawan ng trono si Kuya Kim kaya i-Google mo na lang 'yan for more info. Tokwa, saging, sunflower seeds, turkey meat at pinya ang ilan sa mga pagkaing mayaman sa Tryptophan. Moderation is the key to success at hindi gluttony. Gets?

Subaybayan...
Parang bet ko ngumalngal ng sunflower seeds:)
ReplyDeleteSaging at Pinya na lang ang sa akin Ateh paul. Bet ko sana ang Turkey kaya lang wala yatang tindang ganyan sa Balintawak :p
ReplyDelete