Tuesday, September 30, 2014

Agiw

Tambak ang labahan, maalikabok, may agiw sa kisame, nakakalat ang mga sapatos... 'yan ang kasalukuyang sitwasyon ng aking kwarto. Ang tamad kong maglinis these past few days. Bukod sa nakakatamad bumangon dahil sa malamig na panahon eh distracted ako kaka-internet. Todong nakakaadik! Kelangan mapigilan itey bago ako marehab. CHOS!

Bago matapos ang masarap na buwan ng Setyembre thanks to Cosmo Bash and The Naked Truth ay ating balikan ang mga pabalat ng seksi komiks noong dekada otsenta. More or less that's 30 years ago. Part pa rin ito ng Balikbayan Package 2.0. I am planning to sell those magazines and some more then donate it somewhere. Perhaps sa Golden Gays pero wala pang bonggang plan. Hopefully kapag nag-materialize eh masuportahan niyo.

Silahis Macho

Thursday, September 25, 2014

Cosmo Bachelor Bash 2014

'Di man umulan kagabi eh water-water naman ang mga merlat at beks na todong dumayo sa World Trade Center in Pasay for the annual Cosmo Bachelor Bash. Sayang at 'di ako naka-attend this year. Thank goodness for the invention of LTE, smartphones and hashtags at kahit wala tayo sa event eh we were updated real time.

Madaming suki na rumampa at meron din fresh faces. Tumulo ang alulod ko kina Diego Furoni, Joseph Marco, Randy See at kay fafah Geoff Eigenmann na nakakasamid sa pagkadako. Ang swerti nung nakasalo ng Snickers na baon ni Daniel Velasco galing sa loob ng kanyang bripang. WAAAHHH!!! Sana ako na lang 'yun. 

Nako! Baka magka-ulcer na tayo sa pagkagutom kaya eto lantakan na natin ang bonggang pa-fiesta ni meyor...

 Diego Furoni
Photos courtesy of Bruce Casanova for OPMB Worldwide

Wednesday, September 24, 2014

Masungkit

Just like what happened in 2012, ako'y muling mawawalan ng trabaho. Not because I resigned but magsasara ang kumpanya. I can't remember the exact reason why. Sinabi naman sa amin pero naka-focus yata ako kay crush nun kaya witchels ko na maalala. Nakakalungkot kasi 'di ko na siya makikita everyday. Ahahaha! Mas inalala ko pa talaga 'yon de vaaahhh?!

Hanggang diyan lang ako kay crush kasi shy me
Expected na emo ang mga ka-officemates ko. Karamihan sa kanila eh pers taymer sa ganito. Oh well, ang payo ko eh masasanay din kayo. Pangatlong beses ko na 'to eh. Teka, ang lakas ng ulan sa labas. Kanina lang medyo mainit. At kapag ganito ang panahon, pumapaltik ang signal ng Sun broadband kez. Sana lang maipost ko pa ito.

BTW, may bagong kanta si Sarah Geronimo. Matapos niyang umikot-ikot eh tatahak daw siya ng kilo-kilometrong layo. Pa-ul-ul ko ngang pinakikinggan. Feel na feel niya ang pagkanta. Para siguro kay fafah Matteo. Aba! Kung ganyan kasharap ang jowa mo, mapapamarathon ka talaga ng 21K. Kaya lang ang tipid nilang mag-post ng pics. Nakakakilig pa man din sila. Hopefully they'll be more open in sharing happiness with their fans.


Oh siya, mag-apply pa ako online ng susunod kong trabaho. Bet ko sanang maging maid in Manhattan o janitress sa House of Windsor. Baka sakaling masungkit ko si Prince Harry kung maglilinis ako ng nakaganitey...

Sunday, September 21, 2014

Hinigop

Bago mag-Viernes ngayong linggo eh matinding sikat ng araw ang naranasan natin. 'Di mo aakalain na totodo ang buhos ng ulan dala ng habagat na hinigop ni bagyong Mario. Nagsanib pwersa ang dalawa na nagdulot ng matinding pagbaha sa Kamaynilaan. Halos umabot sa 20 meters ang taas ng tubig sa Marikina River. As usual, lumubog ang Araneta Avenue at ang EspaƱa. Pati EDSA 'di kineri. Buti na lang at patuloy ang biyahe ng LRT at MRT na pinasok din ng ulan. Kailangan na talaga ng bonggang upgrade niyan.

Isa pa sa kinalungkot ng mga utaw eh ang balitang itutuloy pa rin ang The Naked Truth fashion show ng Bench. Siyempre paano nga naman sila gogora sa MOA kung walang madaanan. Binulabog ang social media accounts ng Bench sa dami ng kumuda. Isinaalang-alang ito ni inang Ben Chan kaya iniurong ng sumunod na araw ang show. IKAW NA MAMUH!

Pag-tsek ko ng FB kanina eh binaha ng piktsuraka ng show ang news feed ko. I'm sure most of you eh nakita na 'to pero 'dun sa hindi pa, maupo muna kayo sa tabo at kahit wala ng ulan eh babahain kayo. Pasalamat tayo sa Rappler for the super crispy and zoomed-in picas...

You're my sunshine after the rain fafah Vince ♥

Friday, September 19, 2014

Paalala

Mula sa Philippine Red Cross

Wednesday, September 17, 2014

Rebolusyon

"RISE AGAINST CORRUPTION,
RISE FOR SYSTEM CHANGE!"

'Yan ang sigaw ng One Billion Rising movement as I attended their press launch last Monday at the Gabriela House in Quezon City. Eto ang una nilang pagpaparamdam sa publiko para sa kanilang ikatlong taon na may temang rebolusyon.

Led by One Billion Rising Global Director Monique Wilson, hiling nila na tayo ay muling makiisa sa protesta laban sa systematic inequalities and injustices na bumibiktima sa kababaihan.

Ayon sa Gabriela, ang partylist na sumusuporta dito, patuloy na dumadami ang mga babaeng nakakaranas ng pang-aabuso lalo na sa ilalim ng pamumuno ni PNoy. 1 out of 3 ang sinasaktan o 'di kaya'y nagagahasa. Puro lang daw kuda si PNoy tungkol sa women's rights and gender equality pero nganga sa aksyon ukol dito. Isang malaking TSEK!

Kaya sa February 14, 2015, may ka-date ka man o waley eh hinikayat tayong sumayaw, kumanta at makiisa para sa malaking pagbabago laban sa corruption, injustices and violence against women, discrimination and system change.

For more information, please visit their official website: www.onebillionrising.org
Follow them on Twitter: @Vday
Like them on Facebook: www.facebook.com/OneBillionRisingPhilippines

Sunday, September 14, 2014

Lansangan

Tanong lang:

May nangyari ba sa pag-iinarte ng MMDA sa sexy billboards ng Bench, The Naked Truth? Kesyo malaswa daw sa mga batang makakakita. Parang si ex-mayor-now-representative Sherwin Gatchalian lang ang peg. Kesa 'yan ang pagtuunan nila ng pansin, bakit 'di na lang sila gumawa ng mas epektibong plano kung paano mapapagaan ang bigat ng trapiko sa lansangan. Kung dati eh 1-2 hours lang ang kelangan mong ilaan para makarating ng maluwalhati sa pupuntahan, ngayon yata kelangan mo nang dagdagan 'yan. NAKAKALOKA!!!

Maraming bagong endorsers ang Bench especially for its underwear line. Bukod sa mainstay like Jake Cuenca, Vince Ferraren and Tom Rodriguez ay kasama na rin sa bonggang pamilya ni manay Ben Chan sina Martin del Rosario at Arnold Van Opstal na varsity player ng La Salle. SHURAP! Common denominator ng dalawa - they're both mabalbon. AYLABET!

Catch Bench, The Naked Truth, denim and underwear fashion show this coming FridaySeptember 19, 2014 at the Mall of Asia Arena. Tickets are free. Just shop to any Bench stores or do it online via shop.bench.com.ph.

Friday, September 12, 2014

Empleyado

'Sing init ng fishball na nilantakan ko sa kanto ang isyung overpriced buildings sa Makati. Pati dating bise alkalde ng lungsod ay kumuda na sa laki ng kickback ng mga Binay. Bitter yata kasi nabawasan 'yung sa kanya. AMP! Well, may mangyari kaya sa imbestigasyon ng senado? O baka todong bumango pa ang apelyidong Binay sa tao. We'll see sa 2016.

Tama na nga 'yan at lumipat tayo sa Tower 69 kung saan puro masasarap na lalaki ang empleyado. Tamang tama at mawawalan na ulit ako ng trabaho. Dito ako mag-aapply. Maisuot nga ang backless coat at pencil cut skirt na may slit sa harap, likod at magkabilang gilid. ECHOS!

I'm talking about the annual Cosmo Men of Cosmopolitan Magazine. Compare sa past editions, tamed down ang concept ngayon na hango daw sa character ni Christian Grey of the famous Fifty Shades series. Dapat nga mas bongga ang kaseksihan kasi that series tackles BDSM. Oh well pwede na 'yan. 'Di na ako aarti lalo na't kasama sa sampung centerfolds ang dalawa kong fag-ivig...

Geoff Eigenmann
Daniel Velasco
AY! Kaya pala tumagas ang poso sa likuran...

Diego Furoni
Teka naman Diego. Baka mahuli tayo ni manong guard diyan sa fire exit. Mas safe tayo dun sa likod ng xerox machine ahihihi!

Mass hiring daw sa Tower 69 this month. Pili lang kayo ng boss na gusto pagsilbihan. Bring your most updated resume with NBI, police at barangay clearance. Once na matanggap, may isa pang requirement - magdala ng maraming napkin ahahaha!

Thursday, September 11, 2014

Kariton at Saklay

Can I Just Say:

Courtesy of Jacque Manabat's Instagram
Nakaka-inspire ang tulad niya.

Nakita ko siya kanina habang sakay ako ng jeep. Good thing nakuhanan siya ng litrato ng isang ABS-CBN reporter. Lakas maka-agaw ng pansin sa katanghaliang tapat ng bright blue kariton niya. And what struck me most was his disability and how he managed to push the cart. Tinutulak niya ang kariton gamit ang kaliwang binti habang hawak niya ang saklay sa paglalakad. Pataas pa man din 'yung daan so I guess it was a little hard for him. Dapat nasa tamang balanse or else baka tumagilid sa daan. Nasa gilid pa man din siya ng highway.

Saludo ako sa simple at payak niyang pamumuhay. Minsan ang reklamo ko sa buhay. Gusto ko ng ganyan, gusto ko ng ganito. 'Di ko na naaappreciate kung ano ang meron ako. Naka-focus sa wala at kung paano ko 'yun makukuha. Moments like this makes me realize that I have so much in life.

Daig din niya ang mga walanghiyang nakakalat sa daan at nakaupo sa pwesto. May dalawang kamay, may dalawang paa na ginagamit sa pansariling kapakanan. Pinapairal at kabuktutan ng kaisipan.

At sa'yo kuya, kung nasaan ka man sa oras na ito, nawa'y dumami pa ang bote garapa mo. Araw-araw ka sanang pagpalain ng Maykapal. Nakakatulong ka pa sa pagbabawas ng plastic na maaaring maging sanhi ng pagbaha. You're such an inspiration ♥

Dementia

Tuluy-tuloy ang tagumpay ng ating Superstar Nora Aunor. Matapos niyang makamit ang kauna-unahang Cinemalaya Best Actress trophy ay may follow-up na siya sa Hustisya. Katatakutan ang tema na minsan niya lang gawin. 'Yung huli kong napanood eh VCD pa ng Magandang Gabi sa Inyong Lahat na nineteen kopong-kopong pa pinalabas.

Dementia is the directorial debut of TV5 executive Perci Intalan. The movie also stars Bing Loyzaga, Yul Servo, Chynna Ortaleza and Jasmine Curtis-Smith. 'Di pa man naipalalabas sa mga sinehan ay todong naimbitahan na agad sa isang film festival in Portugal. Pang-international talaga ang bonggang akting ni Ate Guy. PAK!

Save up mga Noranians at showing na 'to this coming September 24. Kakaibang Nora Aunor daw ang mapapanood natin dito so make sure na 'wag palalampasin.

Tuesday, September 9, 2014

Misters of the Philippines 2014 winners

Ayan nalaman na kung sino ang mga matitikas na Pinoy na sasabak sa iba't ibang pageants all over the world. As expected ng karamihan, isa si mamang pulis sa nanalo. He bagged the Mister International Philippines title. Hinakot din niya ang Best in Swimwear at Most Photogenic awards. Dahil natikman na natin ang kanyang sarap last month, sa ibang winner naman tayo mag-focus. Try natin 'tong imported dish from the UK, si Adam Davis...

Adam Davis
Mister Model International Philippines
Photos by Jory Rivera of OPMB Worldwide
(In fake British accent) HOMAYGASH!!! I'm gonna faint(2x)! Who has extra panties? Bring me some Evian as my pearl of the orient is starting to dehydrate. Adam, I think I'm gonna change my name just to be the perfect gurl for you. From now on, you can call me Eve. Adam and Eve. Lovely isn't?

The coronation night was extra special as it was attended by Mister International 2014 Jose Anmer Paredes, Mister Singapore 2014 Andy Wong and the president of the organization Alan Sim. I would like to commend myself for this continuous English. Please call an ambulance ASAP. CHAREEENGGG!!!

Here's the complete list of the winners...

Photo courtesy of Fab Philippines
Mister International Philippines - Neil Perez
Mister Model International - Adam Davis
Mister Tourism International - Judah Cohen
Mister Global Philippines - Joseph Doruelo
1st runner up - Nicko Dela Cruz

Sunday, September 7, 2014

Masigasig

Marami sa PLHIV (People Living with HIV) ang todong nangamba sa kanilang kaligtasan ng mapabalitang hinarang ng Bureau of Customs ang daan-daang kahon ng ARV (anti-retroviral) drugs dahil sa kakulangan ng dokumento at pagbabayad ng tax. Sinigurado naman ng Department of Health na inaaksyonan na nila itech at may sapat na supply ng gamot kahit may ganitong isyu. Dapat maplantsa agad ang gusot na itey lalo na't kalusugan ng tao ang nakataya.

Sa kabila ng masigasig na kampanya 'di lang ng DOH kundi ng iba't ibang advocate groups towards the prevention of HIV/AIDS, patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng PLHIV sa Pilipinas. Naaalarma na ang Philippine National AIDS Council dahil dito*. Sa report na inilabas last month, halos umabot na sa bente mil ang naitalang kaso simula noong 1984.

Nito lang Hunyo ay 494* ang nadagdag sa bilang at 585* naman sa buwan ng Hulyo. Labing pito ang binawian ng buhay at lahat sila ay pawang mga kalalakihan. Pakikipagtalik pa rin ang nangungunang dahilan, karamihan ay MSM (men having sex with men) cases*.

Nakakalungkot. Sobra. Pero 'wag na tayong magsisihan. Ang dapat nating pagtuunan ng atensyon ay kung paano ba natin mababawasan at tuluyang mahinto ito. And I am not saying 'wag tayong magpa-test at sumali sa unreported cases. I want us all to act responsibly on this. Nasa iisang kaharian tayo kaya we should take care of our own.

Bago libog, sarili muna. Let's be selfish in a good way. Practice loyalty when you're in a relationship. At kahit may jowa na, take the HIV test regularly. This is one way for you to take care of each other. Stay away from drugs. 'Wag tatambay sa locker o shower room ng mga gym. Stop being adventurous in sex.

Hanap tayo ng alternatibong mapaggagamitan ng ating enerhiya. It takes a lot of control but if we start right now, who knows in the coming days, weeks and months iba na trip mo. You can join different organizations, study again, read books, look for sidelines etc. I recommend being a volunteer to LoveYourself Project.

Lastly, whatever you sexual preference is, don't be afraid to take the test. There are still people out there who will not judge you based on the choices and the things that you did. It will also help to pray before and after the test. It works all the time.

*Related links:
Inquirer.net: 585 new HIV cases posted in July; 17 deaths recorded—DOH
Philstar.com: Philippines among 8 countries with most HIV cases

Friday, September 5, 2014

Niyog

One of our sisters is giving good vibes to everyone in Facebook. Karamihan siguro sa inyo ay nakita't napanood na ang trending pictures and videos ni Francis 'Dyosa Pockoh' Suayan. Todong nakaaaliw ang mga kaartihan at pagmamaganda niya. Nariyang gayahin niya ang popular nude Swarovski gown ni Rihanna at ang muk-ap ad ni Anne Curtis. May mga nangba-bash pero mas marami ang nakakaappreciate. Nunca naman siyang napikon o pumatol sa bashers and I salute her for that. Na-feature na nga siya sa regional TV Patrol and just like most of us, he is a professional worker in real life. Bongga de vaahhh?!

Wednesday, September 3, 2014

Tugtog 2.0

Click here to read part 1

For the second and last part of this post, I have embedded the music video para mapakinggan niyo na rin. I hope you will enjoy this as much as I enjoyed writing it.

5. What If - Colbie Caillat
From the movie Letters to Juliet. Song para sa crushes #kilig
♫ I see you standing over there
You look around without a care
I pretend you notice me
I look in your eyes and what ya see ♪

4. So Simple - Stacie Orrico
Talks about simplicity and appreciation of life without asking for more ♥
♫ Give me family, on a Sunday
And I'll be just fine
There's nothing in the world
That's worth more of my time ♪

3. I Love You Always Forever -  Donna Lewis
18 years old na ang kantang 'to and still being played by select radio stations. 
♫ I love you always forever
Near and far, closer together
Everywhere I will be with you
Everything I will do for you ♪

2. Any Natasha Bedingfield's music
Most of her singles are on my playlist - Unwritten, Love Like This, Touch, Pocketful of Sunshine and more. Pampataas ng confidence kapag may job interview.
♫ Feel the rain on your skin
No one else can feel it for you
Only you can let it in ♪

1. Life - Des'ree
My carefree song. No complications. No worries. Be brave and enjoy life ☺
♫ I'll take you up on a dare
Anytime, anywhere
Name the place, I'll be there
Bungee jumping, I don't care ♪

Monday, September 1, 2014

Speechless 2.0

Dominic Roque
For Bench The Naked Truth