Saturday, December 31, 2011

Version

THIS IS IT MGA SHUPATEMBAS! Ilang oras na lang at 2012 na. Kapag ganitong magtatapos ang taon eh uso sa TV ang mga year-end specials kung saan nagbabalik-tanaw sila sa mga juicy events na naganap. Na-inspire akong gumawa ng sarili kong version kaya eto't namnamin natin...


Mga pelikulang bet na bet ko...

1. Beastly
2. Patayin Sa Shokot Si Remington
3. No Other Woman (naka-relate akiz)
4. Breaking Dawn


Siyempre mawawala ba ang indie films...

1. Taksikab (solb na solb sa director's cut)
2. Anton Tubero
3. Kape Barako
4. Private Nights




Mga pa ul-ul na kanta...

1. Teenage Dream ni Katy Perry
2. Super Bass ni Nicki Minaj
3. The Edge of Glory ni mother Gaga
4. Love on Top ni Beyonce
Babasahin na puno ng aliw at impormasyon...

1. Bakla-Bakla, Paano Ka Ginawa?
2. Beastly
3. Cosmopolitan Philippines (April 2011)
4. The Science of Advertising


Hindi mawawala ang mga ohms na nagpatibok ng pu(ke)so ko...

1. Mike Concepcion (mahal ko na talaga siya!)
2. Darren Criss
3. Kevin Zaldarriaga
4. Gianni Senasael


And last but not the least, Todo Sa Bongga's 2011 most commented posts...

1. Lahad (peace na tayo mga Marianatics)
2. Instant
3. Balakid
4. "Chocolates" at "De Lata"



BOOM BOOM PAK PAK NA 2012 MGA 'TEH! ☺

Thursday, December 29, 2011

Humabol

Ngayong araw ay natagpuang patay sa loob ng isang sasakyan sa Valenzuela City ang aktor at StarStruck alumnus na si Tyron Perez. Kasalukuyang iniimbestigahan ang rason ng kanyang pagkamatay. Bali-balita na suicide daw ang nangyari. Todong nakakalungkot naman ang balitang ito na parang humabol pa sa pagtatapos ng taon.

Knows na knows siya sa ating gay world dahil bukod sa angking kakisigan ay nakagawa siya ng ilang pelikula ng may temang kaseksihan tulad ng Twilight Dancers at Pipo.

May you rest in peace Tyron.

Regalo

Ngayong taon ay sa opisina ko sinalubong ang Kapaskuhan. Bilang isang ehemplong pokpok sa telepono eh kailangan kong jumosok nang araw na 'yon. Nakauwi na ako ng pasado alas-dos ng madaling araw. Buti na lang at may nasakyan pa ako de vaahhh!?!

At kapag Pasko, uso ang gift giving. Share ko sa inyo ang ilan sa mga regalo ko...

Ispeyshal ang isang 'to dahil galing siya sa aking bestfriend na si Kriselda. Hindi ko pa siya naikukwento sa inyo. One of these days eh ipapakilala ko siya at ang aming history bilang magkaibigan.

'Yung nasa kaliwa ay ang natanggap ko mula sa exchange gift namin sa opisina. Buti naman at sinunod ng nakabunot sa akin ang wish ko. Akala ko kasi, coffeemate naman ang matatanggap ko this year dahil kape ang niregalo sa akin last time.

Worth 300 pesos ulit at naghanap talaga ako ng sakto lang. Hindi ko kasi bet 'yung mga humihiling ng ganito ganyan pero ang presyo eh lagpas sa pinagkasunduan. Mas lalong hindi ko feel 'yung mga naglalagay sa wishlist ng "babayaran ko na lang 'yung sobra".

Hindi naman regalo sa akin 'yung nasa right. That is my bonggang gift for my mudrakels. Matagal na siyang may diabetes pero ngayon lang ako nakabili ng panukat sa kanyang blood sugar. Buti na lang at discounted siya sa eBay Kuponan with free shipping pa. Hindi ko pa nga lang nasusubukan dahil syokot ako sa dugo.

Wala lang picture pero bago magpasko ay may early gift si Ateh Paul sa akin na isang shoulder bag na may fes ni Mariah Carey. Fan na fan lang ang peg. I also received chocolates from an officemate at personalized keychain from my super friend JB.

Wednesday, December 28, 2011

Lumago

"Humarap ka kapag kinakausap kita! 
Itong tandaan mo, wala pang taong hindi rumespeto sa pangalang Magnolia Dela Cruz. 
At ang hindi marunong kumilala sa aking pangalan ay aso lamang!"

Unang beses na may kulay ang movie poster na aking gagamitin sa pelikula ni Ate Guy. Bilangin Ang Bituin Sa Langit na ipinalabas noong 1989 ang aking latest na napanood. Unang beses ko din mapanood si La Aunor at Pip sa isang pelikula. Matagal na akong may kopya nito pero hindi gumagana sa DVD player. Inantay ko pang makabili ako ng bagong player bago ko mapanood.

Noli ang pangalan ng karakter ni Ate Guy na short for Magnolia. Isang batang babae na nangarap maging valedictorian subalit naunsyami dahil si Anselmo (Tirso Cruz III) ang nakapagtapos na may pinakamataas na parangal salamat sa impluwensiya ng nanay niya na si Doña Martina (Gloria Romero). Hindi siya nawalan ng pag-asa at ipinagpatuloy ang pag-aaral habang nagta-trabaho bilang labandera. Gustong gusto ko ang mga pelikulang nagpapahalaga sa edukasyon kaya bet ko ang mga eksenang ganito.

Nag-umpisa ang aberya ng magkasakit ang kanyang itay at gipitin sila ni Doña Martina dahil nakasangla dito ang kanilang lupain. Todo bigay si Ate Guy sa eksena kung saan pinapatigil ng sakim na doña ang irigasyon sa kanilang lupain. Kebs si Ate Guy kesehodang maputikan siya. Palakpakan!

Nagsumikap si Noli na pagyamin ang natitira nilang lupain. Nag-aral siyang muli at nakilala sa isang klase si Arturo (Miguel Rodriguez). Nabighani si tisoy sa gandang kayumanggi. Nakakakilig silang dalawa!

Unti-unting lumago ang kabuhayan ni Noli hanggang siya ay yumaman. Payment siya ng pagkakautang kay doña. Mas bumongga ang kanyang yaman nang magpakasal sila ni Arturo. 'Yun nga lang, may nangyari sa kanila ni Anselmo sa kakahuyan at siya ay najontis. KALERKS!

Mahaba-haba pa ang itinakbo ng pelikula pero imbes na gumanda eh chumaka ang istorya. Na-deds si Arturo tapos biglang tumanda sina Noli at Anselmo. May tag-isa silang anak na sina Ate Guy at Pip din ang gumanap. Nagka-inlove-an pero pinigilan dahil sila'y magkapatid na sa bandang huli at nagpakamatay sa pamamagitan ng sumabog na sasakyan. After ng libing, ikinasal ang kanilang mga magulang. Ang gulo!

Knowing La Aunor, walang itulak-kabigin pagdating sa aktingan. Magaling din sina Tirso Cruz III, Perla Bautista at Gloria Romero. Aliw factor sina Beverly Salviejo at Flora Gasser. Hindi ko lang bet ang bandang dulo ng pelikula. Parang minadali at humina ang impact ng istorya.

Tuesday, December 27, 2011

Galante

Madaming kumukuda na masungit akong tingnan. Latest na nagsabi diyan ang ka-opisina ko at isang masahista sa Tomas Morato. Isa siguro 'yan sa mga rason kung bakit witchells akez magkajowa ever! Kaya next year, pag-aaralan kong mabuti kung paano magmukhang mabait, maging matimtiman at malumanay magsalita. 'Yung tipong masikip na masikip sa todong pagka-virgin.

Once na magka-jowa ako, magiging galante ako at kakalimutan ko ang pagiging makunat. Sa unang weeksary namin eh bibilhan ko siya ng bonggang ketay. Mind you, brand new ang babaylahin ko at hindi second hand mga 'teh. Siyempre papipiliin ko siya ng gusto niya at meron siyang apat na choices...


a. Cherry Mobile
b. My Phone
c. Torque
d. CD-R King

Kaya boys... come to me next year. Pleeees...

Saturday, December 24, 2011

Special

MALIGAYANG PASKO MGA 'TEH! 

Special mention sa mga nagta-trabaho sa araw ng bisperas tulad ko, mga Pinoy abroad na naglipana sa bawat sulok ng mundo para kumayod at mga shupatembang walang otokong kayakap. ARAAAYYY!!! Ikain na lang natin 'yan at solb pa tayo. Walang rason para malumbay. Ligaya lang!

Friday, December 23, 2011

Pabalat

Bonggang bongga ang December 2011 - January 2012 issue ng People Asia magazine. Tatlo sa mga Pinoy na nag-uwi ng tumataginting na karangalan ngayong taon ang nasa pabalat. 

Una diyan si Manny Pacquiao at Shamcey Supsup. Undisputed sa kanyang posisyon si Manny bilang hari ng boksing samantalang third runner-up naman si Shamcey sa Miss Universe

Kasama pa rin si Manny Pacquiao sa version 2.0 ng cover and this time, si Gwendolyn Ruais naman ang kasama niya. Noong 1993 pa ang last time na nag-place tayo as runner-up sa Miss World kaya madami ang natuwa nang itanghal na first princess noong Nobyembre si Gwen.

Ang chika, dapat daw ay magkakasama silang tatlo sa iisang cover kaya lang wiz pumayag ang handlers ni ateh Shamcey. Kaya ang final verdict, dalawang cover for this edition! Mas bongga! 

Wednesday, December 21, 2011

Mister International 2011 winners

KONGRACHULEYSHONS sa mga winners ng Mister International 2011.

Fourth runner-up si  Marco Djelevic Virriat ng Sweden (kilig keps), third runner-up si Lê Khôi Nguyên ng Vietnam (achooo!), second runner-up si Steven Yoswara ng Indonesia at first runner-up naman si Martin Gardavský ng Czech Republic.

Bonggang winner si Cesar Curti from Brazil. Looks family siya mga 'teh dahil nakatuntong na rin siya sa ating bansang sinilangan at gumawa ng ilang tv commercials tulad ng Coffee Mate at Cobra.

Entra naman sa top 16 ang ating pambato na si Fhrancis Oliver Lopez. Kabog! 2011 is the year of semifinalists ng mga pambato natin sa iba't ibang kompetisyon. Sana nek time eh todong win na tayesh.

*photos from Missosology.info

Tuesday, December 20, 2011

Walang Adan

Ilang araw nang pa ul-ul sa media player ko ang awiting Love On Top ni ateh Beyonce. Talagang bet na bet ko ang bawat liriko kahit hindi ako nakaka-relate sa mensahe nito. Kanta kasi ito ng isang babae sa kanyang iniibig. Eh loveless ako. AMP! Keri lang 'yun dahil certified top naman ako. CHAROT!

Dahil isa akong eba na walang adan, iaalay ko na lamang ang awiting ito sa mga lalaking pinantasya at pinapantasya ko. Marami-rami din 'yun so hindi ko alam kung sino sa kanila ang pipiliin ko. Kayo na lang ang pumili at bibigyan ko kayo ng choices.


♫♪ Baby it's you
You're the one I love
You're the one I need
You're the only one I see

Come on baby it's you

You're the one that gives your all
You're the one I can always call
When I need you make everything stop
Finally you put my love on top ♪♫






Love on Top is a single from Beyonce's 4th album '4'.






*photo by Boyet Ocampo.

Saturday, December 17, 2011

Dasal


Ipagdasal natin ang ating mga kababayan na todong nasalanta ng bagyong Sendong lalong lalo na ang mga pamilyang nalagasan ng buhay dahil sa pagbulusok ng matinding baha :'(

Maaari tayong mag-donate sa Red Cross sa pamamagitan ng atin cellphone. Just text RED [space] amount of donation at i-send sa 2899 (Globe) o 4143 (Smart). Sa cellphone load ibabawas ang donasyon. Tulong tayo mga 'teh.

Friday, December 16, 2011

Mister International 2011

Wala pang Noche Buena pero todo na ang kabusugan ko sa dami ng masasarap na putahe sa Mister International 2011. Ito ay kasalukuyang ginaganap sa Bangkok, Thailand at sa December 17 ang grand finals. Si Fhrancis Oliver Lopez ang pinadala ng ating inang bayan. Tama ang nabasa niyo mga 'teh, may letter 'H' sa kanyang pangalan. 


Sa dami ng handa, hindi lahat ay maaaring tikman. Baka maimpatso ang byuti ko. Hating kapatid tayo sa masasarap na handa mga 'teh. Eto oh, lasapin niyo...

Philippines (panalo!)

Korea (hangkyut!) & Sweden (the suso... bow!)

Norway (David Beckham ko)

Slovak Republic (raaarrr!) & Spain (tsup tsup)

*photos courtesy of Missosology.info

Wednesday, December 14, 2011

Balakid

Walang katapusan ang kaguluhan sa gobyerno. Matapos mapigilan ang sweet escape ni Ateh Glo, eto't gusto namang tanggalin sa puwesto si Chief Justice Renato Corona. Tumataginting na 188 na kongresista ang bumoto para siya'y ma-impeach.

At ngayong araw nga, nagdeklara ng court holiday ang ilang korte sa bansa para magprotesta sa panggigipit diumano ng gobyerno sa kanila.

Obvious naman ang dahilan kung bakit gustong patalsikin ni PNoy si Corona sa pwesto: Isa siyang malaking balakid para makamit ang hustisya laban sa nagdaang administrasyon.

Hindi ba't bonggang isyu noong isang taon ang pagkakaluklok niya sa kanyang pwesto bilang midnight appointee ni Ate Glo.

Powers naman ng kahit sinong pangulo ang maghirang ng midnight appointee NGUNIT mawawalan na ito ng bisa dalawang buwan bago matapos ang kanyang termino.
ARTICLE VII, Section 15: Two months immediately before the next presidential elections and up to the end of his term, a President or Acting President shall not make appointments, except temporary appointments to executive positions when continued vacancies therein will prejudice public service or endanger public safety.
Ang coronation night ni Corona ay noong May 12, 2010, dalawang araw matapos ang presidential election. Maliwanag pa sa kili-kili ko na mismong ang dating pangulo ang sumuway sa ating konstitusyon. Kaya naman pala todong dumadami ang mga kriminal. Pangulo pa ang nangunguna sa hindi pagsunod sa batas. AMP! 

Dati, hindi ako naniniwalang bulok ang sistema ng hustisya sa bansa pero ano 'to ngayon. Alam naman nila simula't sapul na iligal ang nangyari, bakit kinakampihan pa ng iba. Dahil sa lintek na court holiday na 'yan, for sure eh may mga trabahong nabalam imbes na umusad.

Lakas

Hindi ko maintindihan ang klima ngayong kapaskuhan. Minsan sobrang lamig na sinabayan ng makapal na hamog. Halos hindi mo na makita ang matatayog na gusali. Minsan, todong alinsangan sa katawan. Ang lagkit sa pakiramdam. Mabuti sana kung ibang klaseng lagkit 'yun eh. CHOS!

Sa kakagalugad ko sa malawak na kaharian ng Facebook, may isang otokong pumukaw sa aking pihikang panlasa. Pamilyar na siya dahil nakagawa na siya ng ilang bonggang fashion shows at TV commercials. Ilang beses ko na rin siyang nakita ng personal sa Cosmo Bachelor Bash.

Ipinakikilala ko si Cris Lomoton at ang kanyang cobra...


Kung ganyan ba naman lahat ng cobra, walang baklang matamlay. Dilat at tunay ang lakas magdamag!

*photos by Paul Cortes and Mark Alvarez 

Tuesday, December 13, 2011

Kuha

Parang nalito ako bigla nang makita ko sa cover ng Playboy si Lindsay Lohan.

Lumihis ng landas ang isipan ko.

Sinearch ko pa ang ibang kuha niya sa magazine.

Kaka-tense.

Tapos tinanong ko ang sarili ko...

Ano na ang gusto mo?

Evening Gown o Barong Tagalog?

YAY!

Saturday, December 10, 2011

Pinatay

Lunar eclipse ngayon. Lumabas ako sa balkonahe at nakita ang kagandahan ng buwan. Konti lang ang maliwanag pero kita ang kabuuan. Dahil diyan, isusuot ko ang aking paboritong nighties, magsasalin ng gin bulag sa kopita, lalagyan ng yelo at lalapit sa bintana. Mangangalumbaba sa pasimano at tititigan ang buwan. Mag-iisip ng malalim at babalikan ang nakaraan...

Original post date: Monday, June 1, 2009 at 11:31pm 
Where: Multiply
Title: Edukasyon 

Napanood ko kagabi yung Book To School ni Sandra Aguinaldo sa I-Witness at maraming tanong ang nabuo ko sa isip ko. Ayon sa kanyang ulat, DepEd ang may pinakamalaking budget sa mga sangay ng gobyerno. Pero...

Bakit may ilang paaralan na ilang libro lang ang napapadala ng DepEd?

Bakit lumang luma na ang librong ginagamit ng ilang estudyante?

Bakit tuwing ikalimang taon lang nila papalitan at padadalhan ng bagong libro ang mga paaralan sa malalayong probinsya?

Bakit apat na guro lang ang nagtuturo sa isang eskwelahan na may higit 400 estudyante?

Bakit hanggang ikalimang baitang lang ang pwedeng i-offer ng isang paaralan?

Bakit dalawang libo lang ang sweldo ng isang guro?

Bakit ang silid aralan ng mga mag-aaral eh butas butas at ang sahig eh lupa???

Bakit walang upuan at maayos na pisara sa loob nito?

Bakit ang mga batang nais makapagtapos eh hindi ito nagagawa?

Bakit iba ang pagpapahalaga ng mga bata sa pag-aaral sa probinsya kumpara dito sa siyudad?

Nasagot ng ilang opisyales ng DepEd ang ilan sa mga katanungan ko pero bakit hindi ko matanggap ang sagot nila? Parang hindi katanggap-tanggap para sa isang indibidwal na tulad ko.

Hindi naman nakakatakot yung palabas pero hindi ko na natiis panoorin, pinatay ko na lang yung TV.

Sana makatulong tayo kahit papaano, sa kahit anong paraan.

Friday, December 9, 2011

Kaliwa

Oo, gwapo silang apat...


...pero 'yung nasa kaliwa ang dumukot ng puuuuuso ko.

(sabay ipit ng buhok sa likod ng tenga)

*photo from chuvaness.com

Daliri

Tanong lang:


One size smaller ba ang pipiliin kapag bibili ng Havaianas?

Madami kasi akong nakikita na kapag 'yan ang suot eh lagpas sa tsinelas ang mga daliri nila sa paa. O baka naman talagang mahaba lang ang daliri nila?

Thursday, December 8, 2011

Tuloy


Tuloy na tuloy na sa December 18 ang batch 4 ng Love Yourself Photoshoot. Hindi kasi ito natuloy noong November 20 pero ngayon eh wala nang makakapigil pa.

Perfect na regalo ito ngayong Pasko para sa'yo at sa iyong minamahal. Bukod diyan eh makakatulong ka pa dahil ang proceeds nito ay for the benefit of The Love Yourself Project.

Go na and register here.

Tuesday, December 6, 2011

Yapos

Excited ako sa tuwing dumarating ang Christmas party ng kumpanyang pinapasukan ko. Simula 2007 kasi, lagi akong nagbibihis mujer sa ganitong event. Pinaplano ng maigi kung ano ang isusuot at fino-forecast kung ano ang magiging itsu. Siyempre, damay diyan ang mga fwends ko.

At noong Linggo nga ay ginanap na ang biggest event of the year. CHOS! Hollywood icon ang tema ng party. Nagsama sama ang mga beki at nagpatalbugan para maitanghal na bonggang Diva of the Night. May 5 kwit na premyo kaya A for effort ang mga bekla.

Shanelle in kabugerang Victoria's Secret outfit...


Mikee in fenk wings Victoria's Secret outfit...


Steph in Cinderella outfit (minus the glass shoes)...

Saturday, December 3, 2011

LOL!


Dear Mayor Herbert Bautista and Vice Mayor Joy Belmonte,

MARAMING MARAMING SALAMAT PO sa tulay na inyong ipinagawa na ilang buwang nakatengga. Tinatanaw po naming malaking UTANG NA LOOB ang alay niyo. Sa wakas, hindi na kami makikipag-patintero sa mga bus at trak na dumadaan sa Mindanao Avenue. Sana po naki-join kayo sa amin before. CHOS!


Ibang level po ang kasiyahang dulot ng INYONG proyekto. Natutuwa po kami at naisip NIYO na gawin ang tulay tao na ito para sa ligtas na pagtawid.

Oo nga po pala, ang GWAPO at GANDA niyo sa karatulang ito. Infernezzz, naisingit pa ang PAGMUMUKHA ninyo. Hindi pa yata sapat na ang laki-laki na ng mga letra ng pangalan niyo. Ayaw din magpatalo ni kapitan at MAS MALAKI ang fecture niya. Baka ma-insecure kayo.

Muli, sampu ng residente ng barangay na ito, MARAMING MARAMING SALAMAT PO at ang galing ninyo. Alam ko pong marami pa kayong proyekto na ipapatupad na selyado hindi lang ng inyong pangalan kundi kasama na ang pagmumukha ninyo.

Isa pa po... MARAMING SALAMAT PO!

Nagmamasarap,
Bb. Melanie

Thursday, December 1, 2011

Beautiful


Beautiful photos of beautiful people.

Please like Lonliwen's Facebook page here.

Protect

World Aids Day ngayon mga 'teh. Alam niyo na ang dapat gawin para hindi na kumalat 'yan. Para sa acute kakatihan, use mariang palad. For higher level of itchiness, use Trust, Lick or Frenzy

Enjoy life as you enjoy sex. Protect yourself all the time.

Wednesday, November 30, 2011

Lupalop

Sa Sabado na malalaman kung kaninong ulo ang susunod na puputungan ng korona para maging Miss Earth 2011. Walumpu't limang dilag na nagmula pa sa kung saan saang lupalop ang magtatagisan sa UP Theater.

Isa ang Miss Earth sa apat na grandslam beauty pageants (Miss Universe, Miss World at Miss International) sa mundo kaya madami ang nag aabang dito. Ito lang ang bukod tanging patimpalak na si Mother Earth ang bonggang concern kaya makakaasa ang manonood na hindi lang pisikal na anyo ang basehan sa mananalo. Kasama diyan ang kanyang adbokasiya para sa ikagaganda ng mundo. TARUSH!

Tulad ng dati, meron na akong mga paborito para manalo. Eto sila...

Kelly Kamwelu ng Tanzania. Sumali na siya sa Miss U at Miss International this year pero olats ang lola niyo. Pero kahit ganun, never say die ang byuti niya. Go lang nang go, fight lang nang fight! Pwede siyang endorser ng Globe. CHOS!

Caroline Medina ng Venezuela. Basta galing sa bansang 'yan, siguradong dyosa.

Renate Cerljen ng Sweden. Nakakahumaling ang kanyang ganda na sinabayan pa ng sweet smile. Pero 'wa epek sa akin dahil babae din akesh.

Nina Astrakhantseva ng Crimea. First time kong marinig ang pangalan ng bansang 'yan. Parang ang bango bango niya sa kanyang national costume.

Sarka Cojocarova ng Czech Republic. Todong favorite siya para manalo sa taong ito. Siya din ang itinanghal na Best in Swimsuit.

Ilang araw na lang at may bago nang kokoronahan. Ating abangan kung sino ang susunod na mangunguna sa pangangalaga kay inang kalikasan.

*photos courtesy of OPMB.

Tuesday, November 29, 2011

Inakala

Matapos ang ilang araw na pagmumuni-muni, inakala kong magtatagal ang aking naramdamang kadiliman. Salamat sa payo niyo mga 'teh at lumiwanag ang kalangitan. Nakatulong din ang paglabas ko kasama ang aking mga kaibigan. Hinarap ko na rin ang isang bagay na kinatatakutan ko. Kung ano man ang resulta, pabor man sa akin o hindi, tuloy pa rin ang buhay.

Pero sinubok muli ang katatagan ko noong linggo. Prenteng nakaupo lamang ako at pinapanood siya mula sa malayo. Inakala kong matibay na ulit ako ngunit hindi pa pala. Naging marupok ako sa ilang mga eksena na nakaganito lang siya...

Naramdaman ko ang mainit na likidong sasambulat sana sa fake fake pero pinigilan ko at baka magtaka ang mga tao kung bakit baha sa loob ng sinehan. CHAR!

Lintek na Bella 'yan! Wala na siyang ibang ginawa kundi ang lumandi. Woman on top pa siya. AMP!

Sunday, November 27, 2011

Manhid

Minsan nararamdaman ko na mas matanda pa ako sa tunay kong edad. Pagod na ako agad. Gusto kong sabihin na kaya ko 'to, na malalagpasan ko rin ang lahat pero dumarating sa puntong ayaw ko na.

Gusto kong makatulong sa abot ng aking makakaya. Kung minsan nga, kahit hindi eh kinakaya ko pa rin. Matatag ako. Alam ko 'yun. Hindi ko lang maramdaman iyon ngayon. Biglang naglaho ang matibay na Melanie. Mahina at marupok na bakla ang nababasa niyo ngayon.

Tao lang ako na nagfi-feeling dyosa. Nasasaktan. Natatakot. Nagsasawa. May maliit na boses na nagsasabing subukan ko pa rin kahit ilang beses na akong nadapa at pinagsaraduhan ng pintuan.

Pag-iisipan ko muna ng mabuti bago ako sumubok at gumawa ng desisyon. Namamanhid na yata ako sa rejection.

Pasensya na.

May pinagdadaanan lang.

At hindi ito tungkol sa lablayp.

Wish ko lang.

Saturday, November 26, 2011

Friday, November 25, 2011

Mestizo & 4some

Sagana ang buwan ng Kapaskuhan para sa 'sangkabaklaan dahil bukod sa 13th month pay at Christmas bonuses ay dalawang gay indie films ang ipalalabas next month.

Una diyan ang director's cut premiere ng Mestizo, A Beautiful Boy ng Goldmine Entertainment Productions sa December 9 in UP Diliman. Limang ohms na 'sing kinis at puti ng labanos ang bida dito. Dalawa sa mga ito sina Mygz Molino (Id'nal) at Richard Bradley. Bet na bet ko ang mga tisoy kaya para sa akin ang pelikulang 'to. 

Watch niyo ang trailer dito at baka magwater din kayo tulad ko. Andiyan na rin ang detalye kung paano makakakuha ng tickets.

Miss niyo na ba si Jeff Luna ng famous indie films na Libido at Darang? Pwes, mapapanood na ulit siya via 4some directed by Han Salazar. The movie also stars Pauline Subido, Jhoy Ortiz, Marklen Trinidad at Isakhani Duckert. Showing in selected theaters on December 14

May naaninag ako sa teaser ng pelikulang ito kaya kung gusto niyong malaman kung ano 'yon, panoorin niyo dito. DALI!