At ngayong araw nga, nagdeklara ng court holiday ang ilang korte sa bansa para magprotesta sa panggigipit diumano ng gobyerno sa kanila.
Obvious naman ang dahilan kung bakit gustong patalsikin ni PNoy si Corona sa pwesto: Isa siyang malaking balakid para makamit ang hustisya laban sa nagdaang administrasyon.
Hindi ba't bonggang isyu noong isang taon ang pagkakaluklok niya sa kanyang pwesto bilang midnight appointee ni Ate Glo.
Powers naman ng kahit sinong pangulo ang maghirang ng midnight appointee NGUNIT mawawalan na ito ng bisa dalawang buwan bago matapos ang kanyang termino.
ARTICLE VII, Section 15: Two months immediately before the next presidential elections and up to the end of his term, a President or Acting President shall not make appointments, except temporary appointments to executive positions when continued vacancies therein will prejudice public service or endanger public safety.Ang coronation night ni Corona ay noong May 12, 2010, dalawang araw matapos ang presidential election. Maliwanag pa sa kili-kili ko na mismong ang dating pangulo ang sumuway sa ating konstitusyon. Kaya naman pala todong dumadami ang mga kriminal. Pangulo pa ang nangunguna sa hindi pagsunod sa batas. AMP!
Dati, hindi ako naniniwalang bulok ang sistema ng hustisya sa bansa pero ano 'to ngayon. Alam naman nila simula't sapul na iligal ang nangyari, bakit kinakampihan pa ng iba. Dahil sa lintek na court holiday na 'yan, for sure eh may mga trabahong nabalam imbes na umusad.
My last visit to your blog. Glorify your dictator.
ReplyDeleteRD Dantes commenters were right, this is a trying hard blog. Now I believe them.
Thanks for the visits 'teh! Kung ayaw mo na eh wala akong magagawa. Alangan naman pilitin kita.
ReplyDeleteMagkakaiba man tayo ng opinyon sa mga napapanahong isyu, hindi mababago ang katotohanan na iisa ang kulay ng dugo na nananalaytay sa ating wangkata. CHAR!
malinaw nman ang constitution . . . appointment s executive . . . hindi kasali ang judiciary.
ReplyDeleteKUDDOS to you and MORE POWER to your Blog!!!Keep it UP!!dONT MIND YOUR critics..
ReplyDelete-Tagamasid Pampurok-
hoy magsulat ka na lang ng tungkol sa kabaklaan mo hindi yung nakikisawsaw ka sa isyu na wala kang alam.
ReplyDeleteCorona needs to go, otherwise the SC is a big joke.
ReplyDelete-Maraming salamat 'teh Tagamasid Pampurok :)
ReplyDelete-Teh Anonymous December 15, 2011 2:23 AM, (nakapamewang at nanlilisik ang mata) at sino ka naman para manduhan ako kung ano ang isusulat ko at hinde?
-Teh Anonymous December 15, 2011 10:49 AM, isang malaking TSEK!
palibahasa ang iba wlng isip kundi puro kabaklaan nla..im so happy na may mga baklang tulad mo...Corona needs to go...HOYYY!!!mga bakla hinay hinay n sa twag ng laman..mkialam nmn kyo sa kung meron ang bansa ntin....bk me napala KAU s panhon ni GMA KY gnyan kung mkpgreact ang IBA JAN.
ReplyDeletego bb. melanie mabuti nga at may mga ganito kang entry, kung disagree iba jan eh di wag kayong magbasa nito o di kaya mag blog din kayo para isambulat nyo ang mga opinyon tse.. go go lang ms melanie..
ReplyDeleteARTICLE VII, Section 15: Two months immediately before the next presidential elections and up to the end of his term, a President or Acting President shall not make appointments, except temporary appointments to executive positions when continued vacancies therein will prejudice public service or endanger public safety.- read this article which you posted, it said "executive positions" it did not say "judicial positions" thus this means that this provision in the Philippine Constitution was not violated..
ReplyDeleteagree ako kay anonymous December 15, 2011 5:12PM, go for it bb. melanie at least hindi lang puro kabaklaan o kalalakihan ang blog mo may concern ka rin para sa ating bayan. Siguro iyong mga nag comments na negative sa blog mo kaalyado ni GMA at Corona.
ReplyDeleteTranslation:
ReplyDeleteARTIKULO VII, SEKSYON 15: Ang isang Pangulo o Nanunungkulang Pangulo ay hindi dapat gumawa ng mga paghirang sa loob ng dalawang buwan kagyat bago sumapit ang susunod na halalang pampanguluhan at hanggang sa matapos ang kanyang taning ng panunungkulan, matangi sa mga pansamantalang paghirang sa mga katungkulang tagapagpaganap kung ang patuloy na mga pagka-bakante roon ay makapipinsala sa lingkurang pambayan o magsasapanganib sa kaligtasang pambayan.
***
Hi ateh Migz! Kung susuriin mo ng mabuti ang Article VII Section 15, sinasabing maaari siyang mag-appoint sa loob ng dalawang buwan bago matapos ang kanyang termino ngunit ito ay sa loob lamang ng executive department. Hindi nito saklaw ang judiciary.
But then again with what the executive is doing the stock exchange is at an all time low yesterday......In the long run good luck na lang sa bansa sumasadsad ang stock exchange umaarangkada ang dolyar sa piso . ni hindi maabot ang 4% na target na growth rate. Kulelat sa asya even behind sa Vietnam....hay ewan ko na ang masasabi ko lng be afraid be very afraid......But I do agree everybody is entitled to his or her opinion ,,,,,Sana lang may pangyarihang maganda ang lahat ng mga nangyayari sa bansa or else lahat tyu pupulutin sa kangkungan
ReplyDeletepinagmamalaki kita bb melanie, dedmatic mo na lang ang mga haters mo, mas maganda ka sa kanila ng milyang milya inside as well...
ReplyDeletekaalyado mo at big fan saan man sulok ako ng mundo
marlon of kuwait
PANALO ANG POST MONG TO teh..dmeng komentong good at bad...nways..More power sa blog mo teh!pr skn d ako nauumay n basahen ang mga post kesa sa mga ibang blog na puro ewan...MABUHAY KA TEH!!
ReplyDelete-BAKLA SA SAPA-
winner......... pang question and answer portion........... galing mo teh..... current and relevant issue.... ms. galaxy... chos!
ReplyDeletethis is "J"...it's my opinion only..
ReplyDeleteit says except EXECUTIVE positions..
not judiciary...it means once a judicial position is appointed two months before the next pres.election, it will violate the constitution..only executive position is EXCEPTED and EXCUSED..SC is a judicial body..
more power to this blog..i make habit of reading this blog..:)
This is your blog, you can write anything you want to.
ReplyDeleteYou write for yourself not for others. I still adore you. I visit your blog often, I may agree and disagree with your articles but hey, it's your blog, not mine!
You're still an enjoyable read, don't mind them rddantes blog readers, nage-expecr ata sila ng same posts like him. Although I visit his blogs too, I say, TO EACH HIS OWN.
Good job pa ren!
-- Rob Lo
this is "J" again..
ReplyDeletekahit na batuhin ka man nila..o apak-apakan..
the bottomline is..
BINABASA PA RIN NILA ANG BLOG MO..sinong talo???
-more power melanie
Hi ateh Migz! Kung susuriin mo ng mabuti ang Article VII Section 15, sinasabing maaari siyang mag-appoint sa loob ng dalawang buwan bago matapos ang kanyang termino ngunit ito ay sa loob lamang ng executive department. Hindi nito saklaw ang judiciary. - bb melanie, do you even understand what you posted? you are actually conradicting yourself with what you wrote in your comment.. this is not to insult you but to make you realize that there is something not right with what you placed in your blog and with your response to my comment in your blog..
ReplyDeleteHahaha! Nakakatawa ang comments ng iba d2. At threatened talaga cla ha? Ng isang baklang katulad mo na akala nila walang alam sa paligid. So proud of you sis! At sabi nga nila this is your blog, pwede mo isulat kahit ano, cla tagabasa lang! Count me in and rest assured support aq ng support! Hehe... bading_13_cavite
ReplyDeleteNaiiyak ako. Pramis! Kasi nakaka-touch na tayong mga beki, meron din pala sa lahi natin ang may pagpapahalaga sa paligid natin. Hindi lang tayo puro kabaklaan kundi meron ding sense.
ReplyDeleteBb. Melanie, tama yung isang nag-comment dito. Kahit na lait-laitin ka, winner ka pa rin dahil obvious ba na binasa nila ang blog mo?
Sa totoo lang, ang mga entries mo, maiksi lang pero punung-puno ng sense. Ang mga beking tulad mo ang dapat tularan ng iba diyan.
Congratulations and more power to you!
Teh, ikaw na!