Tuesday, October 4, 2011

Sinaksak

Kapag pelikulang tungkol sa kabit ang pag-uusapan, paniguradong una sa listahan ang Relasyon ni Ate Vi. Well, mukhang sa henerasyon ng iPad at BBM, No Other Woman na ang mangunguna.

So far, ito ang pinakamagandang movie na aking napanood sa taong ito. Plantsado lahat mula sa istorya hanggang sa mga artistang gumanap. Ilang beses ng bumida si Derek Ramsay sa mga teleserye at ito (yata) ang una niyang pagkakataon na maging leading man sa pelikula. Refreshing ang kanyang dating.

Baliktad ang unang impresyon ko sa karakter na ginampanan nina Cristine Reyes at Anne Curtis. Madalas kasi na mabait ang role ni Anne samatalang todong palaban at matapang naman ang kay Cristine. Pero napatunayan ng dalawa na kaya nilang maging versatile sa aktingan. Angat lang talaga ang dating ni Anne sa pelikula. Wala yata siyang eksenang pangit ang kanyang itsu. Dyosa talaga!

Matindi ang pundasyon ng istorya. Halatang ni-research ng husto ang bawat detalye kaya bawat bitaw ng linya, may impact sa manonood. Para nga akong sinaksak sa loob ng sinehan eh. Naka-relate kasi ako ng husto. Buti na lang at hindi ako naiyak.

10 comments:

Anonymous said...

nice movie indeed...nice cinematography. best for this year...it is really a must seen movie.it showcase good side of ABS-CBN...this are losing TV but winning MOVIES....

Mac Callister said...

sana ipalabas yan dito sa middle east! kaya lang for sure cut na ang butt exposure ni derek haha

Melanie said...

Teh Mac Callister, there's no butt exposure sa movie. Pero merong split-second butt cleavage scene.

blogowner said...

I agree natawa ako, nalungkot, lahat na..

Anonymous said...

galing ni lola carmi dito hahaha
at ang mga linya patok sa mga beki..
d best ang star cinema

Anonymous said...

isa sa mga peborit kung line:

"mababaliw siguro ako pag nalaman ko may babae xa.. baka mapatay ko ung kabit.. silang dala actualy.." pak na pak palong palo

Anonymous said...

"ang mundo ay isang malaking Quiapo maraming snatcher.. maagawan ka lumaban ka!"

"panahon na para i pack up mo na yang Lucy torres mo, ilabas mo dyan si Gretchen baretto.. anak ako na bahala sa red stiletto mo.."

Anonymous said...

maganda rin yung "My Neighbor's Wife"

Char Char said...

Winner itey! Kaloka. Chos! XOXO

Anonymous said...

killer line: Call me anything you want, a SNAKE , a BITCH, OTHER WOMAN.. But I promise you, I will never another PATHETIC and BORING housewife

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...