Sunday, September 14, 2025

Samu't-Sari 2.0

  • Weird nitong mga hardcore conservative Christians na nakikiramay sa pagkamatay ni Charlie Kirk, isang personalidad sa US na walang ginawa kundi magpalaganap ng hate towards the black and LGBTQIA+ community. Pati na sa mga Palestenians at pop girlies. Anyways, I'm glad they are exposed so I can avoid their projects. We can't support them while they think lowly of us.
  • Although anti-SOGIE bill si Tito Sotto, I think he's better than Chiz Escudero as Senate President. Still, I don't like him unless he pass the SOGIE bill as law.
  • Hangga't mga contrator at engineers lang ang focus ng hearing, walang mangyayari sa korapsyon sa DPWH at sa iba pang ahensya ng gobyerno. Dapat panagutin at isama ang mga pulitikong nakiki-share sa budget na para sana sa ikagaganda ng buhay ng mga Pilipino.
  • Nagsisisi ako sa pagboto kay Joel Villanueva noong 2016. Isa sa mga fail ni PNoy itong gunggong na 'to! But I'm glad he's being exposed.
  • Pansin niyo ba, pulitiko man, artista, o simpleng mamamayan, kapag may ginawang kabalbalan, laging bukambibig ang Diyos. Kawawa naman si Lord, laging nagagamit at hindi maipagtanggol ang sarili laban sa mga demonyo.
  • Nakakaloka ang pasavogue na balita ni Robby Tarozza! But again, hindi issue dito kung bakla ka o hindi kundi ang diumano'y talamak na pagnanakaw sa pondo ng mga Pilipino!
  • Grabe pala ang obsesyon ng online haters sa kinaiinisan nila. Nabubuhay sila sa poot at pag-stalk sa bawat kilos ng taong ayaw nila at ipo-post online. Like how can you live like that? Totoo pala na your haters are your biggest fans. KALURKS!
  • I think I'm starting to become a fan of Zara Larsson. Ang ganda ng boses ni girl!
  • Pumunta pala ako sa record fair kahapon sa Trinoma at nakita ang cassette tape na 'to. Ang masasabi ko lang, "Anna Dizon is Anna Dizon"! To be fair ang ganda ng boses niya.

    Anna Dizon
    A Dream... A Reality

Friday, September 12, 2025

Restoration Project #29: Telekinetic Power

The New... The Thrilling... Pinoy Hairraisers
Telekinetic Power
Series by Joel Sapno
Art by Arman Mercado

Pinoy Klasiks
Hulyo 6, 1997
Taon 35 Blg. 1963
Graphic Arts Services, Inc.

Wednesday, September 10, 2025

Tetchie: Mas pang-International nga ba ang Beauty niya?

(click the image to enlarge)
Tetchie: mas pang-international nga ba ang beauty niya?
By Hermie Francisco 

Movie Flash magazine 
November 11, 1982
Issue No. 4

Monday, September 8, 2025

Ipilit

 

So I watched this interview the other day dahil wala akong magustuhang true crime docu sa Netflix. CHOS! I've been thinking about that topic the past few years kasi ako mismo hindi na active mag-share ng ganap sa social media. Dati, may multiple posts ako in a day from selfies, to movies, music, books, friends, public places, food, inumin etc. Bukod pa 'yan sa halos araw-araw kong pagba-blog. Ngayon, maswerte na kung may post ako in a month. Kung hindi ko pa pipilitin ang sarili ko, wala akong post. Pero why need ipilit now? What haffen, Vella? Probably, nawala 'yung sincerity and fun at napalitan ng consciousness about likes and number of views? I didn't care about this before kaya post lang ako nang post, dedma sa anggulo at kung aesthetic shot ba.

Honestly, parang hindi naman applicable ang topic sa mga Pinoy kasi #1 consumer tayo ng social media sa mundo. Lahat ipo-post baka sakaling mag-trend, i-share, at ma-monetize. Maski sa burol naka-live ang iba. Pero bakit hindi ko na makita 'yung posts ng friends ko at halos lahat ng nasa feed ko eh mga hindi ko kilala o fina-follow? Minsan akala ko picture lang pero pag-click ko, Shopee/Lazada link pala. KALOKA! 'Yan ang isa sa mga dahilan kung bakit kinatatamaran ko na mag-scroll ng feed kasi itong mga public pages na ito ang priority ng apps imbes na mga kaibigan ko. More more share na lang sa mga group chats kasi rekta sa kanila. Mas nagagamit ko pa 'yung search history ko kasi nandoon 'yung mga profile na bet ko balik-balikan. Umay sa mga online celebs at promoted pages!

Friday, September 5, 2025

Bargain Talaga


Orion Electronics print ad

Jingle Extra Hot!
Movie Entertainment Magazine
No. 8, March 30, 1981

Wednesday, September 3, 2025

Seriously, Redford White

(click the image to enlarge)
Seriously, Redford White
Written by Devi Jimenea

Jingle Extra Hot!
Movie Entertainment Magazine
No. 68, May 20, 1982

Monday, September 1, 2025