Wednesday, October 15, 2025
Monday, October 13, 2025
Samu't-Sari 4.0
- Sunud-sunod ang sakuna mula lindol at pag-alburoto ng mga bulkan. Mother Nature, please lang tama na. Pero kung galit pa kayo, kindly spare the hospitals and schools. Doon na lang po kayo mag-focus sa bahay ng mga pulitikong kurap.
- Bakit hindi naka-publiko ang imbestigasyon ng ICI? May pinoprotektahan ba sila? Sana kung may managot man, dapat kasama ang malalaking pangalan. Dahil kung hindi, uulitin lang nila ang pagnanakaw, mauulit lang ang mga substandard na proyekto, at mga ordinaryong Pilipino pa rin ang babahain.
- Dapat lunurin sa tubig baha na kulay grey ang mga kurakot. 'Yung tipong papasok sa bunganga nila ang mga dagang kanal at lalabas sa pwerta. Kung hindi man sila mamatay sa pagkalunod, kahit sa leptospirosis na lang, mga hayuff sila!
- Nasa kalagitnaan na tayo ng October pero malamlam pa rin ang selebrasyon ng Kapaskuhan. Wala sa mood ang mga tao na magsaya dahil pare-pareho tayong nahihirapan dahil sa panggagago sa atin ng mga pulitikong magnanakaw. Isama mo pa ang bangayan nina Sara at BBM.
- Paborito ko ang Sbarro pero ramdam ko na nagbago ang serbisyo at kalidad ng pagkain nila.
- Walang ka-showgirl-showgirl sa bagong album ni Taylor Swift!
- Bigla akong naging excited sa Love You So Bad nina Will Ashley at Bianca De Vera. Baka manood ako kapag sila ang endgame.
Sunday, October 5, 2025
CineSilip
Oohhh todong excited ako sa first ever CineSilip Film Festival ng VMX aka Vivamax. Pangalan pa lang ng festival, alam na kung anong ma-expect! Tama lang din naman na bigyan ng chance ang ganitong klaseng tema dahil simula nang ipagbawal ng SM Cinemas ang bold movies, unti-unti na itong namatay. Buti na lang at resuscitated na ng Viva, thanks to their spicy platform na umarangkada noong pandemya.
Saturday, October 4, 2025
Restoration Project #31: Isang Kudlit sa Agos ng Mamamayang Pilipino
Alam niyo, 27 years old na itong istoryang 'to pero hanggang ngayon, walang pinagbago. Naniniwala pa rin tayo sa mga pangako ng pulitiko na kahit hindi natutupad, paulit-ulit na nailuloklok sa pwesto. Sinong kawawa? Tayong mga botante na nalulunod sa baha at nagugutom dahil sa taas ng mga bilihin. For once, sana maisip natin na hindi kasikatan at pangalan ng mga tumatakbo ang magpapabago sa bansang ito kundi ang mga taong may malinis na track record at may malinaw na plano para sa atin. Isipin natin kung posible ba ang sinasabi nila o binibilog lang ang mga ulo natin na para bang kulangot?
Thursday, October 2, 2025
Subscribe to:
Posts (Atom)