Thursday, June 3, 2010

Dennis Torres for Lagpas

Nagbabalik ang hunk na si Dennis Torres sa pelikulang Lagpas. Bongga ang last movie niya na Sagwan kaya sana ay mas todo ang performance at sexiness na makikita natin sa latest movie niya.

May premiere night ang Lagpas sa Robinsons Galleria sa June 21. If like niyong pumunta then buy the ticket. Just text Sam at 09157646190.

Regular showing is on June 23.

Visit the Lagpas official Multiply site for more details.

Tuesday, June 1, 2010

Partial Results of FHM's 100 Sexiest Women of the World 2010

Bongga itong na-receive ko sa aking email. Ang partial results ng annual FHM's Sexiest as of May 21. Ang ganda ng line-up ng Top 10. Surprising si Erich Gonzales na nasa Top 5. Happy ako for her. Ang wholesome ng sexiness niya. Fan din niya kasi ako.

Kayo din mga shupatemba, vote tayo kahit mga girlaloo sila. Just go to www.fhm.com.ph and register. You can only vote once a day online pero kung todo talaga ang suporta na gagawin niyo, pwedeng vote unlimited thru text. Here are the instructions:
  1. The FHM 100 Sexiest poll is open to all Globe, Smart and Sun subscribers nationwide.
  2. SMS voters get a chance to win tickets to the 100 Sexiest Women in the World Victory party.
  3. To register for free, simply text FHM100REGyour full namebirthday (mm/dd/yyyy)addresse-mail address and send it to 2948.
  4. To vote, key in FHM100name of FHM candidate and send to 2948. Ex. FHM100 Erich Gonzales. Texting of votes costs P2.50 for Globe, Smart users and P2.00 for Sun Cellular subscribers.
  5. 1 text = 5 votes
  6. To get a complete list of keywords, text FHM100 to 2948.
  7. Send all keywords to 2948 for Globe, Smart and Sun subscribers.

Huling buwan sa unang kalahati ng 2010

Todo sa bilis ang panahon. Parang kakasimula lang ng summer vacation (or El Nino) pero heto at pasukan na naman ng mga estudyante. At ika-anim na buwan na ng taong ito. Wow! May taxi ba at parang nagmamadali ang bawat araw. Bakit hindi ko ito ramdam nung bata ako. Siguro lulong na ako sa trabaho at kailangan nang i-rehab dahil workaholic at walang time to relax and unwind. Ang huli kong outing eh nung December 2008 pa sa Laguna lang para mag-swimming sa hot spring. I badly need a bonggang vacation para ma-enjoy ko naman ang bawat araw na dumadaan. Remember, hindi na mauulit pa ang isang petsa. Laging itong napapalitan ng bago.

Monday, May 31, 2010

Melai for Bench UNCUT

Oh! Sey niyo. Sino nagsabing puro magaganda at diyosa lang ang pwedeng maging model ng Bench. Daig pa ni Melisa Cantiveros si Georgina Wilson sa dami ng lalaki sa billboards niya for the upcoming Bench biennial fashion show na gaganapin sa Araneta Coliseum this July 2.

BONGGA ka Melai! Sige lang at itaas mo nang todo ang bandera nating maririkit at exotic ang ganda.

Anthony Roque

Dahil sa huling araw na nang Mayo at padating na bonggang tag-ulan, iibahin natin ang post ko. Tungkol naman sa isang pagkasarap sarap na nilalang. Si Anthony Roque.

Siya ay una kong nasilayan sa Cosmo Men Mag noong isang taon pero hindi niya napukaw ang pihikan kong panlasa. Umattend ako ng Bachelor Bash at BOOM! Tinamaan ni kupido ang puso ko nang makita ko siya ng personal. Juice koh! Siya na ba ang destiny ko. Ang fogi fogi naman. Dahil sa muk ap, naging kamukha niya that night si Edward Cullen (na pinapantasya ko rin. lande!).

Matapos ang bonggang event, hinanap ko kaagad siya sa Facebook. Swerte at may account siya. Super add ako pero wiz niya akong inaccept. Sad man nung una eh naka-recover din ako kaagad (ambisyosa). Napanood ko din siya sa BreadPan TVC.

Pagkatapos ng ilang buwan, muling nabuhay ang namatay kong puso nang siya ay masilayan ko siya sa last part ng Here Comes The Bride. Kung napanood niyo yung movie, siya yung last nurse na pumasok sa kwarto ni John Lapus.

Kung nababasa mo man ito aking mahal na Anthony Roque, sana naman ay mapagbigyan mo ang puso kong nangungulila nang todo para sa iyo. Ay Lab Yu! ;)

Lagpas

Lagpas ang bagong indie film na ipapalabas sa June 23, 2010.

Meron silang bonggang premiere on June 21, 8:00 PM sa Robinson's Galleria Cinema 5.

Starring Rob Da Silva, Dustin Jose and Dennis Torres (Sagwan). Dinirek ni Hedji Calagui under Cody Entertainment Production.

Itodo na natin ang pagsuporta mga shupatemba. Eto ang patikim.

Friday, May 28, 2010

Here Comes The Bride... and the laughter!

Finally eh napanood ko na ang Here Comes The Bride. Bongga talaga ang movie na ito. No wonder kung bakit tumatabo sa takilya. Sobrang nakakatawa lahat ng character nina Eugene Domingo, Tuesday Vargas, Jaime Fabregas, John "Sweet" Lapus at lalo na yung kay Angelica Panganiban. Kilig factor din na starring dito si Tom Rodriguez ng PBB Double Up. Ang lakas talaga ng tawa namin ng mga friends ko na dinig na dinig sa loob ng sinehan. Bago ang ideya ng istorya at maganda ang pacing.

Todo sa daming hot guys mula sa beach boys hanggang sa mga nurses sa ending ng movie. Andun yung mga crush ko na sina Kevin Zaldarriaga, Mark Manicad, Jeff Luna at Anthony Roque. Juice koh! Ang swerte ni Angelica at Sweet.

Angelica Panganiban is a revelation on this one. Pinatunayan niyang isa siya sa mga pinaka-importanteng aktres ng panahon natin. Ang versatile niya. She can do drama, sexy and comedy. Rare na yan sa mga artista ngayon.

Sa TriNoMa namin siya pinanood ng friends ko. 3 weeks na siyang showing pero tinalo pa niya sa dami nang nanood ang Shrek at Prince of Persia. Bonggang balita para sa local fim industry.

Panoorin niyo ito habang palabas pa at talagang sasakit ang t'yan niyo sa kakatawa.