Wednesday, November 3, 2010

Not a gay indie film

Mayo ng taong ito nang mapanood ko ang pelikulang Pulupot ni Lex Bonife kung saan na-meet ko siya ng personal during the premiere. I'm a big fan of his movies Ang Lalake sa Parola at Ang Lihim ni Antonio kaya naman todong na-excite watashi nang malaman kong may latest offer siya sa mga baklang tulad ko na mahilig sa indie films... ang Laruang Lalake.

Nung una kong mapanood ang trailer nito sa YouTube, pinagpawisan kaagad ang fake fake ko. Mas lalo na nang mapanood ko ang kabuuan nito. Hindi kayo mabibitin kung sexy scenes ang hanap niyo. Kaka-elya V talaga mga 'teh!

Nakakaaliw ang karakter na ginampanan ni Mon Confiado as gay bar owner slash associate producer (yata?). Tawa ako ng tawa sa mga banat niya. Pati facial expression niya, perfek! Natural na natural ang pagbibitaw ng mga linya ni papa Marco Morales sa audition scene. Ang sarap sarap talaga niya. Si t'yang Dexter Doria naman, bongga ang role bilang chairman ng MTRCB. Bet na bet ko eksena niya habang lumalaps ng kakanin. Winner din ang eksena ni Richard Quan habang dinedepensa ang kanyang dinirek na pelikula.

Smooth ang takbo ng istorya at hindi ka maiinip. Hindi maiiwasang hindi ikumpara sa mga previous masterpieces ni Lex but I think, he wants to give us variety of stories kaya panalo sa akin ang pelikulang ito.

Sa pagtatapos ng pelikula, may isa akong na-realize...

Laruang Lalake isn't a gay indie film...

It's about creating a gay indie film.

4 comments:

  1. ehe! sana wala na lang film strip! ;-] etchoz!

    ReplyDelete
  2. korek Bb. M., kumpara sa Lihim a Parola, ibang iba ang atake ni Mr. Lex sa laruang L. at tama ka din na para kang nanonood ng shooting ng 1 pelikula? magaling lahat ng mga Name Stars, kudos to Richard Quan, galing ng atake nya, naalala ko tuloy si Ramond B., noon sa Burlesk King ba un? (bida sila Rodel V. at L. Litton) kras ko sila pero after na mapanood ko movie, hindi na. hihihi

    Pero may 1 pang magaling doon, un manager ni Marco, LV palang na bag na dala niya talo na lahat ng actors dun sa movie, style pa lang ng hawak nya dun sa LV na bag, akting na akting na. si Lex na un at ala ng iba pa. :D

    Tidyong

    ReplyDelete
  3. Okay din para sa akin. Kaya lang, bakit parang kakaunti ang nanood? Ano ba mga sister, ginawa ang mga pelikulang ganito particularly para sa lahi natin, bakit hindi natin tangkilikin. - Ferdie

    ReplyDelete
  4. grabe avid fan aqu ni charles delgado npka galing nia sa lahat ng indie films n ginawa nia hope he can make more indie movies,nd the rest sobrang gagaling din nila bkit b ndi nlia pino promote ung mga indiefilms qung tutuusin mas dun nga sila dpat mg focus kse npka realistic ng lhat ng ngyayari..

    ReplyDelete