TSANTSARARAAAN!!!
Alam niyo kung saan ko 'yan nabuyla? Sa Crossings Quezon Ave. Nabalitaan ko kasi kay opismate Kane na mura daw ang damit at sapatos doon. Tamang tama dahil naghahagilap ako ng bonggang masusuot sa tipar ng opisina namin. Nasa second floor ang department store at at daming pagpipilian. Matapos kong magbabad doon eh bumaba na ako para umuwi. Galing pa kasi akong Quiapo with my mudra. Nagrereklamo na ang mga tiil kez. Kukunin ko na sana ang dineposito kong bagahe nang masight ko sa gilid ang sale items ng National Bookstore. Mga tira-tirang CDs at VCDs ng Tower Records na dati ay may pwesto doon. Todo kalkal ang byuti ko hanggang sa mahukay ko 'yan. 120 peysos lang at factory sealed pa. Walang pagaatubili na binayaran ko. Pagkauwi eh isinalang agad sa player at gumiling-giling tulad nito...Monday, December 2, 2013
Gilid
Matagal ko nang inaasam ang CD version ng Chapter II, second album ni Ashanti na inilabas 10 years ago pa. KALURQS! I can't believe na ganun na katagal 'yun! Meron akong cassette version pero chaka na ang quality ng tunog. Witey na ito available sa Odyssey, Astroplus at SM Record Bar. Mahalya fuentes sa Amazon kaya tiis na lang kung kelan magkakaroon. Wala namang taxi kaya okay lang mag-antay. At nung Huwebes nga ay napatunayan ko ang paniniwalang "patience is a virtue" at "good things come to those who wait" dahil...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
too bad, ashanti's career is dead. Talented pa naman..
ReplyDeleteOMG! Sana may Moffatts din! :)
ReplyDelete-Teh Anonymous 1, oo nga eh. Sayang at hindi niya na-meynteyn :(
ReplyDelete-Teh Anonymous 2, antay antay lang at magkakaroon ka rin niyan ;)