Wednesday, April 10, 2024

Kalagitnaan 1.0

Noong kalagitnaan ng pandemya at hindi tayo makalabas, nadiskubre ko ang Peccadillo Pictures. Nagbebenta sila ng DVD at Blu-ray copies ng LGBTQIA+-themed movies na gawa mula sa iba't ibang panig ng mundo. May yearly sale sila at nag-take advantage ang byuti ko last year para madagdagan ang aking koleksyon. Heto ang ilan ang kanila...

Sequin In A Blue Room (Australia)


Sequin ang ngalan ng bida dito na mahilig makipag-one night stand wearing his sequined outfit. Parang costume niya tuwing lalandi siya. Lakas maka-Superman char! After sex, dedma na siya sa mga otoks to avoid emotional connection. One time, naka-sex niya si B na mas may edad sa kanya. Pero just like the others, ghinost niya ito at dito na nagsimula ang obsession ni daddy. Medyo nakakakaba ang ilang eksena and I actulally liked the story. Kakaiba siya sa ibang queer films na napanood ko kaya I highly recommend this, mga ateng.

A Moment In The Reeds (Finland)


Migrante mula sa Syria ang arkitektong si Tareq. Pero dahil hindi siya marunong mag-Finnish, nahirapan siyang makahanap ng trabaho na swak sa pinag-aralan niya. Nauwi siya sa pagkakarpintero at inatasan siya ng ahensyang pinapasukan na ayusin ang rest house ng tatay ni Leevi malapit sa ilog. Dito nagkita ang dalawa at nabuo ang matamis na pagtitinginan. Of course, hindi ganyan kasimple 'yan dahil pinakita dito ang struggles ng mga migrants. Ang shakit sa puso sa true lang.

Just Friends (Netherlands)


This is one of my faves from my purchases! Kung pagod na kayo sa tragic storylines about queer life, mare-refresh kayo ng love story nina Joris at Yad. Just like Tareq, Yad is also from Syria at namamasukan sa lola ni Joris. Dito sila nagkakilala at nagka-sparks fly by Taylor Swift. They bonded through biking, surfing, and music. Todong mamahalin niyo ang lola ni Joris dahil 100% ang support niya sa dalawa while nakakatawang nakakainis ang nanay niya.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment