Siksikan ang mga tao sa lansangan ngayon. Parang halos lahat naghahabol sa pamimili ng ihahanda sa Pasko at ipangre-regalo. Panaka-naka naman ang pagbuhos ng ulan pero keri lang. At least hindi maalinsangan ang panahon.
Habang ako'y sakay ng jeep papuntang TriNoMa, nakasabay ko itong si lola. Anong sey niyo mga teh? Di ba't fun and exciting ang look niya. Sa totoo lang, hanga ako sa mga tulad niya. Despite her age, marunong siyang mag-ayos at gumet-up ng tama. 'Yung iba kasi nating grannies, pinababayaan na ang sarili kapag thunder cats na. Hindi dapat ganun. Kahit wala na sa lotto ticket ang numero ng edad natin, alagaan ang ating sarili at panatilihing bongga and vibrant. Ibang usapan na nga lang kapag ang fashion icon mo eh si Madame Auring. ☺
Mahigit isang oras akong nag-antay ng masasakyang tren sa LRT 1 nitong nakaraang weekend. Maluwang pa ang lata ng sardinas kumpara sa dami ng tao. Waiting in vain ang drama ko sa kaka-antay ng spacious na tren na hindi naman nangyari. Magsasara na yung station, hindi pa ako nakakasakay! Pa-demure pa kasi ako eh. Kaya kinalimutan ko munang ako'y isang sirena at todong nakipag-gitgitan sa mga utaw. Deadma kung naapakan ko sila. Kelangan ko nang umuwi noh!
Pero bago ako sumakay, piniktyuran ko muna pagkadami-daming regalo ng mamamayang Pilipino para sa MMDA. Take a look...
No comments:
Post a Comment