Muli na naman akong napabilib ni Ate Guy sa isa niyang klasikong obra maestra... ang Minsa'y Isang Gamu-Gamo.
Tinalakay sa pelikula kung paano sambahin at paghirapan noon ng mga Pilipino ang makarating sa bansang Amerika. Marami ang nangangarap ngunit iilan lamang ang nabigyan ng pagkakataon. At isa si Corazon (Nora Aunor) sa mga sinuwerte. Ngunit sa mismong araw ng kanyang pag-alis, namatay ang kanyang nakababatang kapatid dahil sa pagbaril ng isang sundalong Amerikano.
"My brother is not a pig. MY BROTHER IS NOT A PIG! Ang kapatid ko'y tao, hindi baboy damo. HINDI SIYA BABOY DAMO! Ang kapatid ko'y tao hindi baboy damo. Hindi baboy damo ang kapatid ko."
Saludo ako sa bumuo ng pelikulang ito. Walang kapantay ang galing ng mga artistang sumambit ng mga linyang may kurot sa puso. Eto yung tipo ng pelikulang ayaw mong kumurap o mag-CR man lang dahil lahat ng eksena ay kaabang-abang. Isa sa matatapang na eksena ang pagbaboy at pagpapahiya ni Luz Fernandez sa karakter ni Perla Bautista.
Nahihiwagaan ako kung bakit ang ganitong klaseng pelikula na may kinalaman sa ating kasaysayan ay wala na sa panahon ngayon. Hindi lang naman puro katatawanan at lab istori ang mahalaga kundi pati na rin ang nakaraan. Mabuti na lamang at may nalalabi pang kopya ang iilan sa mga ito at maari nating balik-balikan.
Nahihiwagaan ako kung bakit ang ganitong klaseng pelikula na may kinalaman sa ating kasaysayan ay wala na sa panahon ngayon. Hindi lang naman puro katatawanan at lab istori ang mahalaga kundi pati na rin ang nakaraan. Mabuti na lamang at may nalalabi pang kopya ang iilan sa mga ito at maari nating balik-balikan.
nasa mga tao rin kasi kung bakit wla nang mga ganyang klseng pelikula.. siyempre kung magpoproduce sila ng mga pelikulang ganyan tapos hindi naman papanoorin, malulugi lang sila.. mahirap ding gumastos sa isang pelikula kung hindi ito kikita. ang mahalaga, may makikitang values pa rin, kahit comedy o love story man..
ReplyDeleteatcheng gusto ko din yun movie na tinimbang ka ngunit kulang super din yun, napanood mo ba yun?
ReplyDelete-Teh Anonymous December 23, 2010 4:09 AM, tama ka diyan. Iba na rin kasi ang panahon ngayon.
ReplyDelete-Teh Anonymous December 23, 2010 10:07 PM, hindi ko pa napapanood yan. Made by Lino Brocka yan kaya for sure, maganda yan.