Thursday, September 10, 2015

Lukaret

I'm done reading Beking Gangster. Salamat sa napakabagal na usad ng trapiko sa Kamaynilaan at kahit papaano, nagkaroon ako ng time makapagbasa ng libro. See! May mabuti pa ring naidudulot ang pahirap na 'yan.

Simple lang ang kwento ni Marian, ang bida sa kwento. College student na inlababo sa kababatang si Louie na na-bully naman ng grupo nina Oscar. To the rescue ang bakla with BFF's Toni and Karylle. Nakita ni tibamba Jet ang pangyayari at niligawan ang bida. Diring-diri ako sa G2G scenes pero buti na lang at mas maraming sweet moments sina Marian at Louie. Meron pang afam from France na mas pinalasa ang istorya.

Kung gusto niyong ngumiti at ma-good vibes, eto ang bonggang book para sa inyo. Nakakaaliw basahin at madaling intindihin. Matututo pa kayo ng updated Gay Lingo with glossary sa likod (wala naman yatang ganyan sa first page). Andaming eksenang nakakatawa. Baka nga napagkamalan akong lukaret kakangiti mag-isa in public eh. CHAR! Marian is a relatable character - matalino, matapang at 'di nawawalan ng pag-asa. Parang tayo lang kaya #hopiapamore! Isa lang naman yata ang wala nang hope eh, ang todong trapik sa kalsada. Hello Chairman Tolentino, are you there? 

Beking Gangster is available in all Precious Pages bookstore for only 79php. You can also read it online via Wattpad.

4 comments:

Anonymous said...

Hi Melanie,

Good Day.

I been an avid readers of your blog, I would like to seek your help if you know where
can i found schedule of male bikini open contest , because i want to watch, and i cant search it any blog.

Thanks.

Reigne19

AnonymousBeki said...

Babasahin ko na lang yan sa wattpad.

ZaiZai said...

Ba't may g2g scenes? Dapat inalis yan haha char lang :)

Nacurious ako dito, hanapin ko sya sa Wattpad. Thanks for sharing BB Mel! :)

Leonna said...

This is soooooo flattering! Bb. Melanie, IDOL NA KITA! ❤️❤️❤️❤️ Thank you for the bonggang review! Nakakataba ng puso. :) Mabuti na lang at nagkalkal ako ng iyong IG acct at nakita ko ang pagta-tag mo. :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...