Showing posts with label tv. Show all posts
Showing posts with label tv. Show all posts

Saturday, February 22, 2020

Minulat

Nakikiisa ako sa Kapamilya Network para ma-renew ang franchise nila sa kongreso upang patuloy na makapag-broadcast ng balita at entertainment sa masang Pilipino. Alam naman natin na ginigipit sila ngayon dahil hindi in favor sa kanila si Tatay Digong. Well, well, well, hindi yata nila nasukat ang impluwensiya ng mga Kapamilya artists na maaaring ma-impluwensiyahan ang mga utaw. Pwera diyan ang mga solid DDS na sina Ka Tunying, Noli De Castro and the likes. 'Di ko talaga sila bet ever!

Speaking of Kapamilya, last year ay lumikha nang malakas na ingay ang seryeng Mga Batang Poz na mapapanood exclusively sa iWant, ang online app ng ABS-CBN. Naipalabas pa nga ito sa mga sinehan at napakaganda ng reviews. Minulat nito ang kamalayan ng mga tao sa kung ano ang kasalukuyang estado ng HIV/AIDS sa bansa. Base na rin sa nabasa ko sa social media, na-push nito ang ilang kabataan partikular na ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community na magpa-HIV/AIDS test.

Mga Batang Poz
by Segundo Matias, Jr.

Of course, we got excited with the cast - Awra Briguela, Mark Neuman and the newcomers Paolo Gumabao and Fino Herrera. Na-love at first sight yata ako kay Fino. Paka-gwapo! Not to mention his almost-perfect physique. Ang mga pandesal sa tiyan, mga ateng, nagmumura! 


The first part of the series was uploaded in YouTube. Nakakaintriga! This was based on the book with the same name written by Segundo Matias, Jr. After watching the first part and Luis's story on iWant, I decided to read the book.

Fast forward to the current month, katatapos ko lang kanina mabasa sa UV Express ang libro and I must say it's so good. Napakaganda ng pagkakasulat - simple, madaling basahin, direct to the point at hango sa pananaliksik. Feel na feel ko 'yung alter world sa Twitter pati na ang mga sexual escapades ng mga alter accounts. 'Yung pagiging mapusok nila sa pakikipagtalik na kahit unprotected, go sila. Ipina-educate din sa mga mambabasa na ang HIV ay pwedeng makuha kahit iisa lang ang katalik mo - dahil hindi mo alam kung ikaw lang ba ang nakaka-sex niya. Ganooon!

Nakatutuwa din ang pagkakaibigan nabuo sa apat na panginahing karakter - sina Chuchay, Gab, Enzo at Luis. Para silang mga totoong tao na nakilala mo na sa buhay mo. Maaaring kapatid, kaibigan o kakilala. I particularly like Gab's story. Ramdam na ramdam ko siya. May suprise sa dulo at kung bet niyo malaman kung ano 'yon, read the book or watch the series.

Wala na akong ibang masabi kundi napakaganda nito. Unang beses yatang magkaroon ng ganitong serye at balita ko, may part 2 daw. Ngayon pa lang ay excited na ako kaya abangan natin!

Wednesday, June 21, 2017

Rainbow

Kita niyo na ba ang bagong offering ng Victoria Court sa ating lahi? Ang Rainbow card na magegetching ng free kapag nag-check-in sa selected properties nila. This has the same perks and privileges na nasa Black and Pink cards. Aawww, so sweet dahil heto't may nadagdag pang isang lugar sa Kamaynilaan na yayakap sa ating pagkatao. Safe, accepting at garantisadong walang discrimination. Ang sabi nga sa official hashtag nila... #EveryonesWelcomeHere. I looove it! Meron na ako niyan and I can't wait to use it. Teka, hanap muna ako jowa. CHOS!

Bukas ay mapapanood na natin sa TLC at FB live ang The Kings, the reality show starring Joey Mead King and her wife, Angie King. I know some of us have questions in our mind lalo na noong nagladad si Angie. Very private ang couple na itey but they are going to share pieces of their lives to educate us. Very timely for the Pride Month. 

The show's gonna start at 9 PM kaya sabay-sabay nating panoorin 'yan. Support Angie and Joey and at the same time, let's be informed. Here's a teaser of the show:

Wednesday, March 23, 2016

Walwal

I was browsing my Facebook feed the other day and saw this shared video...

JUICE KOH, ang dami kong tawa! Ang pagpuputa ay isang uri ng customer service. Isang malaking tsek! Tulad sa mga call center, you need to perform very well para makakuha ng satisfied customer. Kapag may CSAT, may tip. Ika-sampung taon ko na sa Customer Service industry this year at hindi pa naman bilasa ang tilapya ko. CHAROT!

Hindi pa rin pwedeng makagawa ng bagong musika si Ke$ha dahil sa kaso nila ni Dr. Luke. Nakakamiss ang mga walwal at free-spirited songs niya. Medyo kakaiba siya kina Lady Gaga at Rihanna. Wala kang mararamdaman na sense of rivalry sa ibang singers. Basta siya, may sariling style at tunog. Maraming artists ang humihiling na siya ay palayain sa kanyang kontrata at isa na diyan ang si Adele. But legal matters need to stay in court. 

Recently ko lang nakilala sa Youtube si Wendy Williams and I SOOO LOVE HER! Kuda kung kuda si ateng. No-holds-barred opinions at talagang pinapalakpakan ng audience. Infairness, naka-makeup din sila kapag nadaanan ng camera. Mala-Oprah o Ellen ang format. Ang kakaiba, may tasa sa gilid niya na nilalagyan niya ng kendi ba o asukal ba 'yun? Nakakatawa din 'yung facial expressions niya na hindi gumagalaw ang fes. Puro bibig at mata lang. Tadtad ng botox si ateng. At ang suselya, todong umaapaw.

Friday, January 22, 2016

Bestida

Someone shared this on Facebook at todong na-touch ako sa kwento ng ating tatlong ancestors - Nanay Dory, Lucy and Lola Monching. Sa una ay maaawa ka at hihilingin na sana ay hindi matulad sa kanila pagtanda. Nang matapos ko ang palabas, hindi pala awa ang dapat kong maramdaman kundi paghanga. Tumanda man silang hindi mayaman, at least, hindi pahirap sa bansa na nauwi sa pagiging kriminal. Puno ng karanasan na para bang kay sarap mapakinggan.

Nanay Dory
I was into Nanay Dory's story. Siya ang pinakamatanda (98 years old) at pinaka-fabulous sa tatlo. Marunong gumupit, mangulot, magkulay ng buhok hanggang sa paggawa ng bonggang gowns ay kayang-kaya niya. I looove the ruffles sa kanyang bestida! Grabe din ang sakripisyo niya sa buhay pag-ibig. Pinag-asawa ng babae ang kanyang jowa dahil iyon daw ang tama. Kung 'yung iba sa atin ay halos bastusin na ang iba't ibang relihiyon maipaglaban lang ang gender identity o sexual orientation (sorry, I'm not the right person to discuss this dahil kailangan ko pang mag-SOGIE), heto ang isa nating kalahi na mas nanaig ang paniniwala sa Bibliya. Biglang pasok ang soundtrack mala-Noel Cabangon. Naiyak ako sa part na 'yan. SYET!

Ang dami kong natutunan sa istorya nila - the sacrifices, the dark experiences, the blossoming of their hearts and the struggles of being a beki. We can never tell the future but one thing is certain, we will remain who we are kahit tadtad na tayo ng fine lines at age spots. What matters is we gain in life so we can inspire others. 

Thanks, Lucy, Lola Monching and Nanay Dory.

Monday, December 14, 2015

Matindi

Ayan, napanood ko online ang hot episode ng MTV True Life at naloka akiz kasi haaangpogi din pala nung isa, si Vadim Black. Infairness kay kuya, mesmerizing ang mata. His real name is Luke and originally from Russia. Naghiwalay ang parents tapos napunta sa porn industry. Medyo malambot siya magsalita pero may jowang blondina. TSEH! Mas maganda tayo tsaka mas masarap. GANURN!

Si Ben AKA Sean ay dalawang taon nang kasal sa asawang merlat. Pareho silang may anak outside their relationship. Supportive si gagah sa trabaho ni daddy. She even watches the videos and find it HOT! KALOKA! Keri lang sa kanyang bubuka-bukaka at susubo-subo ang jusawa. Matindi ang pangangailangan huh!

May pagka-fake 'yung show pero nakakaaliw. Informative dahil hindi naman pala biro ang gumawa ng porn. Kailangan pang uminom ng kung anu-ano ni Vadim para tigasan. Gumagastos pa siya eh pwede naman niyang ilagay sa wallet ang bukake picture ko. Daig pa niya ang naka-Viagra. CHAROT! 

For your viewing pleasure, you can watch the complete episode here. Meron na rin sa Torrent. Search niyo lang Gay for Pay Pornstar.

Wednesday, November 18, 2015

Basic

Trending na balita ngayon si Alma Moreno. I bet most of you ay napanood na ang interview niya with Karen Davila sa ANC. If not, here's the video...

TBH, hindi ko muna pinanood nang buo kasi unang bahagi pa lang, ang sakit na sa puso. Tapos kanina sa opisina, together with some officemates, ay pinakinggan namin. OMG! I can't believe that she's really running for the senate. I mean, ang basic lang ng mga tanong ni Karen Davila - RH bill, anti-discrimination bill, BBL, political dynasty and Alma's reason for running. Wala ni isa diyan ang sinagot niya ng deretsahan with strong conviction and credibility. Are we going to shade the circle beside her name come 2016 elections?

May pumuna rin sa paraan ng pagtatanong ni Karen. Unprofessional daw at medyo nagmatalino si ateh. ABA! Alangan naman magtanong siya tungkol sa pamilya at buhay pag-ibig ni Ness? Senator ang inaasam niyang posisyon, hindi muse ng barangay. Siyempre, dapat napapanahon at may kinalaman sa batas at paggawa nito, noh?! How I wish mag-guest din dito si Manny Pacquiao and other candidates nang magkaalamanan na.

Oo nga pala, she's running under United Nationalist Alliance (UNA), ang political party ni VP Jejomar Binay. ALAM NA!

Sunday, June 21, 2015

To The Top

Sino ba ang hindi nabiyak ang puso nang magdesisyon si Zayn Malik na iwan ang One Direction? JUICE KOH! Halos maglupasay ang mga Directioners nang malaman itey. Well, worry no more dahil balak ng Kapuso Network na bumuo ng pinaka bagong boyband na yayanig sa ating mga pantog at lalamunan. Oh de vaaahhh, from foreign to local. PAK!

Following hearsays published in different blogs and showbiz websites recently, GMA Network confirms that it will be launching To The Top, the search for today’s newest boy band.

Friday, February 20, 2015

Kusina

Iniimbitahan ng Lifetime channel ang magagaling sa kusina diyan. Chance niyo na para magpasikat, hindi lang sa Pinas kundi sa buong Asya dahil for the first time ever ay magkakaroon ng MasterChef Asia. BONGGA! Hindi na lang Top Model ni Tyra ang may Asian franchise.

Open ito sa lahat ng amateur homecooks. Kaya kung masarap magluto sina inay o inday, marunong mag-ingles at may valid passport, todong pasalihin niyo na! Baka interesado din si manang sa favorite karinderya mo. Basta hindi professional chef at nakapag-aral sa culinary schools, pasok ditey! Sasali sana akez kaya lang baka maloka sila kung ano ang specialty ko. Maging R-18 pa ang show ahahaha!

MasterChef is commencing its inaugural Asia-wide search for talented cooks! We are looking for anyone who is 18 years old and above, passionate about food, bursting with personality, and relish a challenge like no other. 

MasterChef is an international cookery series, is made in over 40 countries, and is aired in at least 200 territories. 2015 marks the first time this highly anticipated culinary competition is launched for an entire region, pitting cooks not only against each other in a country-wide search, but on a regional basis. This means that not only does the cook have to exemplify the best they can be on a national level, they will also need to pit all their skills and knowledge against candidates from all over the whole of Asia. The stakes just got a lot higher.

The competition is open to all home cooks, but does draw a line at professionals as it charts a journey of individuals who are now choosing to change their lives, to pursue food with a passion. 

Please go to www.masterchefasia.com for more information, and we will love to hear from you!

Wednesday, January 21, 2015

Binudburan

My Name is Kim Sam Soon
Hook na hook ako sa replay ng My Name is Kim Sam Soon. 'Di ko ito masyadong napanood noong unang airing, which I think 10 years ago na ang nakararaan. Ilang beses nang na-replay sa TV at nagkaroon pa ng bonggang Filipino version with Regine Velasquez and Mark Anthony Fernandez playing the lead roles.

Relatable si Sam Soon AKA Hannah Kim dahil walang fancy clothes, heavy make up, finesse at kaartehan ang role niya. Simpleng mamamayan tulad natin - naghahanap ng trabaho, bitter sa ex-jowa, unassuming, mahilig mag-imagine at palaging tinutukso. Though marami siyang imperfections, imbes na mainsecure eh mararamdaman mo na tanggap niya eto at dito nanggagaling ang strength ng character niya. Ang lalim naman ng assessment ko sa kanya. Ako na ang psychologist ahahaha!

Sam Soon and Cyrus
Sa teleseryeng Pinoy, madalas na saksakan ng ganda at pogi ang mga bida. Ang mga chaka ay ginagawang bestfriend o palamuti sa background. Kaya minsan, todong nakakaintriga kapag ang bida ay majubis at chaka. Diyan magaling ang Koreanovelas. Babawiin nila sa ganda ng istorya na binudburan ng aliw at nag-uumapaw na kilig.

Mapapanood ang My Name is Kim Sam Soon weekdays sa Afternoon Prime ng GMA 7.

Friday, October 10, 2014

Relasyon

Seven days a week napapanood si idol Juday sa TV thanks to Bet On Your Baby at I Do. Tapos may bonggang movie pa siya, ang remake ng T'yanak. Iba talaga ang staying power ng tinaguriang Young Superstar. MIA na ang ilan sa kasabayan niya while her star keeps on shining. Me loves it!

Sa realiseryeng I Do, siyam na magjojowa ang kasali. Isang pares dito sina Christian Busby at Chelsea Robato na during the time na shinu-shoot ang serye eh tatlong buwan pa lang ang relasyon. Pareho silang modelo na todong nakarampa na sa iba't ibang fashion shows including The Naked Truth. Christian was also one of the bachelors of Cosmo Men for this year. Ganyan siya kasharap kaya ang mga beks tutok na tutok sa TV sa tuwing siya ang pinapakita. Ang ganda rin ng mga mata niya. Parang nakikiusap na siya'y alagaan at mahalin. Kaswerti ni atih Chelsea at going strong sila ni dadi!

Sunday, August 10, 2014

Umako

Mahigit 'sang dekada na pala tayong pinapaluha at pinapatawa ng mga Koreanovelas o KDramas sa TV. Isa ako sa mga nahuhumaling diyan. Sa tuwing may ilalabas na teaser ang Kapamilya, Kapuso o Kapatid eh 'di ko mapigilang ma-excite. 

Coffee Prince
May kakaibang lasa ang mga drama mula sa Korea na walang sawang tinitikman ng mga Pinoy. 'Di kasi nalalayo ang mga istorya nila mula sa sariling atin. Andiyan ang tunay na pagpapahalaga sa pamilya, kung paano maging tapat sa minamahal pati ang sense of humor halos magkatulad. Ilan sa todong nagmarka sa akin ang Memories of Bali, Coffee Prince, My Girl, Full House, Foxy Lady, Lie To Me, To The Beautiful You at Wish Upon A Star.

My Girl
Kung napapansin niyo, halos iisa lang ang pattern nila sa paggawa ng drama - apat ang main characters, dalawang bida at dalawang kontrabida. May mayaman, may mahirap. May inaapi at may nang-aapi. 

Secret Love
Noong isang buwan lang nang simulan ang Secret Love na mapapanood sa primetime ng GMA 7. Kakaiba 'to sa lahat ng napanood ko. Isang babae ang umako ng kasalanan ng jowa niya para ipagpatuloy nito ang ambisyon na umangat. Nakakabaliw ang plot kaya gabi-gabi ay sinusundan ko. Pero 'di na ako makapag-antay kaya inunahan ko na at bumayla ng dibidi. 

Ang verdict: Ang sakit sa damdamin nito. Laging pinapahirapan at humahagulgol si Elise Kang (Hwang Jung-Eum). Madadala ka sa galing niyang umarte. Nakakabilib din ang transition ng damdamin ni Dominic Jo (Ji Sung) mula sa paghihiganti na nauwi sa pagmamahal. 

Friday, June 6, 2014

Diyeta

After a short hiatus in doing Hollywood projects, Josh Hartnett is finally back via the TV series Penny Dreadful. It started airing last month in the US and currently picking up positive reviews from the critics. Horror daw ang tema at during Victorian era ang setting. Tagal ko din na-diyeta sa kasarapan niya kaya papanoorin ko 'to. Kasama dito si Billie Piper na todong sumikat noong late 90's sa kasisigaw ng Because We Want To, Because We Want To!

8-part series ang season 1 na mas maikli kumpara sa regular season ng isang US show. Kapapalabas pa lang ng latest episode nung isang araw at todong nayanig ang ating kaharian sa 'di inaasahang eksena. Bigla akong napa-walling. Dinurog, inapakan, nagkapira-piraso ang aking puso. May ka-kissing scene kasi si Josh sa kanyang co-star, hindi sa babae kundi sa... kundi sa...

JUICE COLORED!!! 
Bakit naman ganito? 
Ano bang kasalanan ko at nangyari ito? 
Sakit sa puso ♥ Bakit siya pa?
Pwede naman ako...
WAAAHHHH!!!! :'(

Saturday, May 10, 2014

X-Men: Days of Future Past

'Yan ang bagong title ng X-Men movie. I lost count kung pang-ilan na itey but I love it kasi pinagsama 'yung mga characters from the first edition to the new one. Kung batang 90's kayo eh I'm sure napanood niyo sa ABS-CBN ang animated series nito. Todong nakaka-LSS ng opening theme kahit walang lyrics.


Favorite character ko si Storm at ang kidlat na hikaw niya. Inaabangan ko palagi 'yung transformation scene niya tsaka kapag lumilipad siya nawawala 'yung iris sa mata. The most memorable episode for me was The Dark Phoenix Saga. 'Dun kasi na-introduce si White Queen. Bet na bet ko ang costume niya, naka-swimsuit with sintas sa harap. May fur sa kapa at hanggang hita ang boots. Baklang-bakla!


The movie is based from the storyline of Uncanny X-Men #141 that was published in 1981. Luckily ay naka-acquire ako ng Marvel Essential X-Men vol. 2 nung nag-sale sa SM Megamall last May 2 at andun ang issue na 'yan. The big question of the movie is what would you correct from your past to save the future? Kung sa totoong buhay 'yan at may super powers din akez, isa lang ang isasagot ko: Erase corruption for a better Philippines. PAK!


Sa May 21 na 'yan bonggang ipapalabas sa mga suki nating sinehan brought to us by 20th Century Fox Philippines.

Monday, April 7, 2014

Siesta

JC de Vera
One time habang naka-hilatsing ako sa kama sutra at sumi-siesta eh napanood ko 'tong Moon of Desire. Bigla akong napabalikwas sa todong sarap ni JC de Vera. Kung sa The Legal Wife eh supporting ang role niya, dito ay bonggang leading man siya ng babaeng mabalbon na nangangailangan ng matinding acting workshop. Fantaserye kuno daw itez but I doubt dahil sa naglipanang promo picas ng mga bida. Mas sexy serye ang dating ng drama. Pwes, 'wag kokontra lalo na kung bukod sa kanya eh kasama din dito sina...

Dominic Roque
Miko Raval
Pinantasya na natin si Dominic Roque sa Aryana at bagong luto sa menu natin si Miko Raval. Infernezzz mukhang mamahalin ang lasa niya. Lalaking lalaki kung makatingin. Titigan niyo ang kanyang abs. Nakaka-hypnotize duh vuh?! SYET! Nanginginig na 'tong daliri ko. Bet yatang mag-finger lickin' good.

Tuwing hapon 'yan palabas sa Kapamilya Gold. Siguraduhing may katabing isang basong tubig at Cortal dahil malamang sumakit ang puson niyo. CHAR!

Thursday, March 13, 2014

Kumpirmado

...ang pagbabalik ng pinakamalaking Asianovela sa telebisyon, ang Meteor Garden. Kahit ilang beses nang pinalabas 'to at nalipat pa sa ibang channel, 'di nakakasawang panoorin. Kapamilya dubbing pa ang maririnig. Mapapa-kanta na naman ako ng ♫ oh baby baby baby ♪ my baby baby...♫ at 'di ko na alam kung paano bibigkasin ang kasunod. Excited na ulit akong kiligin sa love story nina San Chai at Dao Ming Si

Speaking of love story, talaga yatang 'di ko na mabubura ang fag-ibig ko para kay Mike Concepcion(siya na naman?!?) Ewan ko ba kung bakit sa tuwing nakikita ko ang mga larawan niya sa internet eh 'di ko maiwasang mapa-dighaaay. (may sapak ka na vhaks) Normal pa ba ito o kailangan ko nang magpatingin sa ispesyalista?(ambisyosa) Pero sino naman ang lalapitan ko? Si Dra. Camille Garcia ba o si Dra. Margie Holmes(si Dra. Belo 'tas paretoke ka) 

Teka naririnig niyo ba 'yun? (hindi pero nababasa nila) 

Sino ka? (ako si Realidad X) 

Kaano-ano mo si Rhodora X? (friends kami)

Umalis ka! (tangek iisa tayo) 

Sa tingin mo mamahalin niya ako? (may keps ka ba?)

Meron...(sabay tingin sa likod) amoy tae nga lang. (ponyeta ka! baboy! makaalis na nga!)

Wednesday, March 12, 2014

Sinakop

Tipong Pinoy hosts
Kapag walang cable na naka-tap sa balur mo, wala kang ibang choice kundi ilipat-lipat sa iilang istasyon ang TV mo at ganyan ako. Minsan pinagtya-tiyagaan ko ang mga lumang palabas sa IBC 13 lalo na ang magazine show nina Susan Calo-Medina at Wency Cornejo, ang Tipong Pinoy. Ang dami kong natututunan ukol sa kaugalian at kulturang Pilipino sa loob ng tatlumpung minuto. Dagdag kaalaman at nakakatuwang panoorin kasi 90's pa yata 'to ginawa. Wala pang abala kasi no commercial.

Production of Filipino komiks
Komiks seller

Paborito ko ang episode nila tungkol sa kasaysayan ng komiks sa Pilipinas. Namana pala natin ito sa mga Amerikano nang tayo'y kanilang sinakop. Isang uri ng aliw sa masang Pinoy dahil sa abot-kayang halaga. Noong una ay tapusan ang bawat kwento na ginawang serye para abangan at todong tangkilikin. Si Mars Ravelo ang tinaguriang pinakasikat na nobelista pagdating sa komiks. Alam naman natin na siya ang lumikha kay Darna, Dyesebel, Captain Barbell, Facifica Falayfay, Maruja etc. na lahat ay bonggang naisapelikula. Ininterview din sina Carlo J. Caparas at Pablo S. Gomez na kasing level niya sa kagalingan.

Mars Ravelo
One of the best-selling komiks
Pablo S. Gomez
Naikwento ko na 'to pero uulitin ko. Namiss kong bigla ang mga tindahan ng komiks na madalas naming daanan ni mama sa Muñoz kapag namamalengke siya. Lagi siyang bumibili ng Horoscope tapos Pinoy Klasiks sa akin. Buti na lang at may naitabi pa akong ilan. Panaka-naka ay may nagbebenta sa Recto. Meron din online pero tatagain ka sa presyo. Sana meron pa akong makita ganito.