Showing posts with label tulong. Show all posts
Showing posts with label tulong. Show all posts

Sunday, December 26, 2021

Maliit o Malaki

Kumustasa ang Pasko niyo, mga ateng? Nawa'y nabundat at naging maligaya kayo. Ikalawang selebrasyon na natin ito na kasama si Aling Covida at kahit mas maigi ang lagay kumpara noong isang taon, may pangamba pa rin sa tuwing lumalabas. Buti na lang at mas madali na ngayon ang access sa bakuna. Kung eligible na kayo sa booster shot, magpaturok na. Basta lagpas 3 months na noong nagpa-second dose kayo o 2 months sa primary single-dose vaccine, pwedeng-pwede na. 

May pahabol palang mga larawan ang #TabangLadlad ng Ladlad Party-list kung saan ipinamahagi nila ang ating donasyon sa Golden Gays at Brgy. Kapitolyo sa Pasig

***
Nitong mga nakaraan eh wala akiz ginawa kundi magpatugtog ng Christmas songs bilang nakaka-lift talaga siya ng spirit. Lakas maka-good vibes lalo kapag medyo down ka. Staple na sa playlist ko ang Christmas albums nina Mariah Carey, Christina Aguilera at Kylie Minogue. My trifecta of Christmas melodies kumbaga. Nitong nakaraan din eh nahilig ako sa mga Pamaskong kanta ng OPM artists. More on the songs na lumabas noong '80s tulad ng Kampana ng Simbahan, Sino si Santa Klaus, Sa Paskong Darating atbp. Buti na lang at meron pang kiosk ang Universal Records sa Fishermall kaya namili tayo. Bagong dagdag sina Regine Velasquez at Salubungin ang Pasko by various artists.

Maybe it comes with the age pero iba talaga ang epekto ng musikang Pilipino lalo na kapag Pasko. Parang ibinabalik ka sa pagkabata kung saan maraming kang masasayang alaala kasama ang mga magulang, kapatid at mga kaibigan. 'Yung sama-sama kayong sinasalubong ang pagpatak ng alas-dose ng umaga sabay kain ng Noche Buena. Kinabukasan eh mamamasko sa mga ninong at ninang at matutuwa sa malulutong na tag-lilimang pisong papel. Ang sarap balikan ang pagkabata! Ngayon eh tayo na ang aligaga sa kung ano ang ihahanda at ipapamasko sa mga inaanak. Tapos wala na tig-bebenteng papel ngayon. KALOKA!

***
Kung naging masagana ang Kapaskuhan natin, meron naman sa ating mga kababayan ang wala ni pader o bubong na masisilungan dahil sa hagupit ng bagyong Odette. Mahigit isang linggo na ang nakakaraan pero hirap pa rin maiabot ang tulong sa kanila. Kaya naman kung may maitutulong tayo, halikayo't mag-donate ng kaperahan o kahit anong mapapakinabangan nila. Walang maliit o malaki sa panahon ng pagdadamayan kaya kung ano ang kaya, ibigay natin. Heto ang dalawa sa pwede nating pagdalhan ng ating mga donasyon:

Saturday, December 18, 2021

Pinakyaw

Kung natatandaan niyo, nagkaroon tayo ng online tiangge noong Hunyo. Overwhelming naman ang suporta na nakuha natin dahil pinakyaw ang ating paninda. As promised, ang proceeds ay itutulong natin sa mga ateng na nangangailangan. Matapos matanggap ng huli nating suki ang package noong Oktubre, naghagilap ako sa Facebook ng charity na tutulungan. Napili natin ang proyektong #TabangLadlad ng Ladlad Party-list.

Nakipag-ugnayan tayo sa kanila via email para malaman kung ano ang kailangan nila. Foodpacks tulad ng bigas, noodles at de lata. Kahit ano naman daw ay pwede basta mapapakinabangan.

Nakalikom tayo ng 6,700 pesosesoses at para ma-observe ang physical distancing, nag-grocery online na lang ako sa Waltermart app. Heto ang breakdown ng ating mga pinamili, click niyo na lang para lumaki ang imahe:

Hindi natin naubos ang pondo at nag-refund pa ng tatlong piso ang Waltermart dahil sa substitution of products. Kaya naman nag-donate tayo ng cash sa kanila at pinadala via GCash. Heto ang proof of transfer:

Muli, nagpapasalamat ako sa mga sumuporta. I hope na-enjoy niyo ang mga magazines habang nakatulong sa ating mga kapuspalad na kapatid. Pinasaya niyo ang kanilang Pasko. 

Sana'y magkaroon muli tayo ng online tiangge next year. Sa mga nakakabasa nito, kung sino man sa inyo ang may mga lumang Chika-Chika o Pinoy magazines na gustong i-donate, maari kayong mag-email sa ating kaharian.

MALIGAYANG PASKO, MGA ATENG! 🎄

Friday, November 4, 2016

Magbaon

Mga ateng, kung meron kayong spare time na 10-15 minutes, I encourage you to participate in answering the PrEPPY Survey by LoveYourself and PrEP PILIPINAS. Very informative siya and at the same time, makakatulong kayo sa pangangalap nila ng impormasyon sa mga tulad natin. May papremyo pa! Hanggang Lunes, November 7 na lang itez kaya #TakeItTakeIt the opportunity.




Just a quick FYI: patuloy pa rin ang pagtaas ng mga bagong kaso ng HIV. Noong Hunyo lang, 841 ang new cases reported*. Mas mataas ng 9% from the same month last year at eto ang highest since 1984. That's like 28 cases a day. NAKAKALOKA!

Ayon din sa research, more than 50% of MSM (men having sex with men) are not using condoms*. So bareback ang peg. When I was browsing Twitter the other day, hindi na pala moderated ang social media site na 'yon. Members of the LGBT community are posting their wild sex encounters and videos with no censorship. May napanood nga akong threesome at foursome na halos wala talagang proteksyon at sige lang ang pagkembas sa tapur. Oh my! Ang taas ng risk para makagetlak ng HIV or any STDs. 

Again and again, hindi akez mapapagoda cold wave lotion na magpaalala sa inyo to always love and think about yourself first bago makipagchurvahan. Gumamit ng condom palagi. 'Wag masyadong adventurous sa sex at 'wag gawing peg ang bareback porniks. I know mahirap pigilan ang tawag ng laman at kung talagang makati kayo, magbaon ng proteksyon whether ikaw ang magbabaon o ikaw ang babaunan. Magtulungan tayo para labanan ito.

*Sources: Manila Times and UNAIDS

Monday, April 27, 2015

Panalangin 3.0

Ano man ang ating ginagawa sa mga oras na ito, panandalian muna tayong huminto at mag-alay ng panalangin sa mga naapektuhan ng lindol sa Nepal at sa kahihinatnan ng kapalaran ni Mary Jane Veloso sa Indonesia. Hindi ko ma-imagine kung gaano kabigat ang kanilang pinagdadaanan sa ngayon ngunit sa pamamagitan ng panalangin, alam kong makatutulong tayo. 

Nawa'y di na madagdagan pa ang bilang ng mga namatay sa lindol at dumami pa sana ang mga bansang nais tumulong. At sa ating kababayan na nahatulan ng kamatayan sa ibang bansa, sana'y maghimala at mabago ang desisyon. Trenta años lang si Mary Jane at may dalawang anak. napakabata pa para bawian ng buhay at iwan ang mga supling.

Panginoon, tulungan niyo po sila...

Friday, September 19, 2014

Friday, March 7, 2014

Kuta

Nagbabalik ang LoveYourself photoshoot na inilunsad noong 2011. Tulad ng dati, paylet ka lang ng one kwit as a donation to this wonderful project. Ang kapalit ay isang bonggang digital photo taken by Ian Felix Alquiros. Pwedeng-pwedeng gamitin as DP or display photo sa social media accounts niyo. Wala kang po-problemahin sa itsu mo dahil kasama na ditey ang todong pagpapaganda at isang LoveYourself t-shirt.


Ang proceeds ay mapupunta sa libreng HIV testing, education and counselling na regular na isinasagawa ng grupo. Makakatulong din ito sa pagpapagawa ng LoveYourself Anglo na magsisilbing kuta ng adbokasiya. Balak itong itayo sa Shaw Boulevard, Ortigas na accessible sa mga utaw in the metro. Oh de vaahhh! Ang layo ng mararating ng donasyon mo.

Linggo ito gaganapin, March 16, 2014 sa Kraus Estanislao Studio, 2nd Floor Dona Constancia Building No. 71-A Timog Ave. Quezon City. Click niyo ang link sa baba para makapag-sign up kayo at makapamili ng perfect schedule pati na t-shirt size.

Thursday, February 6, 2014

Kanlungan

Saan napunta 'yung sinabi ng PAG-ASA na hanggang Pebrero ang malamig na klima? Walang pasabi 'tong summer season at umentra agad. Hindi man lang nagtransition. Biglaan ang todong pagtaas ng temperatura. KALOKA! Noong Linggo nagsimula 'yan habang nasa Antipolo ako at nakikipagsushalan sa mga kapwa bloggers para sa isang outreach program. Naikwento ko na sa inyo ang tungkol sa Pinoy Bloggers Outreach (PBO) noong Nobyembre. Kinaray ako ni ateng Edgar P. ng EP BITES sa unang anibersaryo ng grupo at ginanap ito sa Kanlungan ni Maria, isang tahanan na kumakalinga sa ating mga lolo't lola.

Kanlungan ni Maria
Dumating kami sa lugar pasado ala-una ng tanghali. Ang daming utaw na jumoin! The more, the merrier as they say. May nauna sa aming magbigay aliw sa mashoshonders. So habang nagpo-program sila eh ininterview ko ang resident nurse ng lugar. According to statistics, 22 ang inaalagaan nila; 17 mujer at 5 otoko. May dalawang volunteer din akong nakatsikahan. Masaya naman daw ang mga matatanda. Karamihan daw ay mga walang pamilya. Kesa nga naman magpalaboy sa daan, kinalinga sila ng DSWD saka inilipat doon. Pansin ko din na madaming stock ng gamot. 'Di naman daw kasi sila pinababayaan. Parating may nag-a-outreach at charity event.

Follow niyo ang PBO
Medical chika with lola
Seryosong nakikinig ng game mechanics
Naiyak yata si lola sa sobrang saya
Kwento ni Father, nakakatayong mag-isa ang Kanlungan dahil sa donasyon. Nakakapagpasweldo sila ng tauhan dahil dito. Knock on wood pero kung sakaling may ma-o-ospital man daw, paniguradong may mabubunot sa bulsa. Kaya lubos ang pasasalamat niya at madami pa rin ang nais magtanim ng kabutihan sa tulad nila. WE LOVE YOU FATHER!

Tahimik ang lahat kapag kumukuda si Senyor
Tinanong ko kay Father ang meaning niyan
Si Tatay Ruben AKA Michael Jackson
Sa bawat dalawang blogger ay may isang naka-assign na elderly. Partner ko si ateng Edgar at sa amin napunta si Tatay Ruben. Medyo 'di na nakakarinig si lolo at mahina na magsalita kaya kung kausapin ko, daig ko pa ang may megaphone. Nangangapitbahay ang boses ko. AMP! Dati daw siyang kapitan ng barangay at 'di na nakapag-asawa dahil ayaw daw sa kanya ng mga babae. Nako ha! Baka naman choosy ka 'tay. CHOS!

Clockwise: Ateng Edgar, Senyor Iskwater, Nutty Thoughts and ZaiZai
Nakilala ko rin sa wakas si ZaiZai ng simplycomplicatedzai.blogspot.com. Kavogue ang Mimilanie Marquez stature ko sa taas niya! Visit niyo site niya kasi ang daming masasarap na pagkain. Totoong pagkain 'to ha! Na-meet ko rin sina Wil ng willexplorephilippines.com, si Rix ng rixsays.blogspot.com, Ms. Joy of joysnotepad.blogspot.com na binigyan ako ng super sarap na chocolate at si Nutty Thoughts (tama ba?) na suki ng aking kariderya. Kung nababasa mo man ito ateng, 'di ko mahagilap ang link ng vlag mo. Post mo pls. May dalawag pogi din dun, sina Amphie at Gord kaya lang 'di ko nakuhanan eh. Sayang nameeen.

Pagod na yata sila
Salamat sa PBO at ateng Edgar for inviting me to this wonderful event. Happy anniversary at sana eh magpatuloy ang bonggang adhikain ng inyong samahan. Dumami pa sana ang maging miyembro niyo at nawa'y bumaha ng donasyon mula sa iba't ibang people, mayaman man o hindi, basta may kapasidad makatulong.

Click here to like their Facebook page for updates 

Tuesday, November 12, 2013

Alay

Kung may madadaanan tayong simbahan ngayon araw na ito, maari bang pumasok muna tayo upang mag-alay ng panalangin at magsindi ng kandila para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Yolanda. Nawa'y makayanan nila ang matinding pagsubok na hatid ng kalikasan. Wala nang mas hihigit pa sa pagtulong ispiritwal sa mga panahong tulad nito. Hindi madali ang bumangon sa ganitong klaseng trahedya at heto pa ang bagyong Zoraida na muling susubok sa ating katatagan. Hindi tayo susuko. Kaya natin ito!

Monday, November 11, 2013

Ipagbunyi

     "For the people who have lack of jobs, I do believe that we people should invest in education and that is my primary advocacy, because we all know that if everyone of us is educated and well aware of what we are doing, we could land into jobs and we could land a good career in the future. Education is the primary source and ticket to a better future."
'Yan ang bonggang sagot ni Ariella 'Ara' Arida sa Q&A portion ng Miss Universe 2013 nang mapili siya bilang isa sa top 5 finalist. Sinong hindi makakarelate sa sagot niya? Bata pa lang tayo eh palagi na tayong sinasabihan nina madir at fadir na kung gusto natin ng magandang kinabukasan, mag-aral nang mabuti. At kahit hindi siya ang itinanghal na 3rd Pinay Miss U, we are still proud of her achievement.

From pa-sweet na kumpetisyon eh go naman tayo sa medyo harsh. Isa pang dapat nating ipagbunyi ay ang pagkakapanalo ni Nonito Donaire sa ikalawang pagtutuos nila ng Armenian na si Vic Darchinyan. TKO ang kalaban sa 9th round at hilong talilong sa lakas ng mga pinakawalang suntok ng tinaguriang The Filipino Flash.

Kahit na sinalanta tayo ni Yolanda, may rason pa rin para tayo ay ngumiti at 'di mawalan ng pag-asa. Ngayon, let's do some action para sa mga kababayan natin sa Kabisayaan na todong naapektuhan ng super bagyo. Sa willing mag-donate ng mga kasuotan, maiging sundin ang payo ni ateng Bianca...


Tuesday, May 22, 2012

Sa bawat paglagok, tulong ang maiaabot

Last week ay nag-shopping galore kami ni bessy Kriselda sa kahabaan ng Recto at Quiapo. Bandang alas-dos ng tanghali 'yon kaya naman nanlagkit kami sa pawis at todong nauhaw. Josok kami sa Mini Stop para bumili ng maiinom. Madaming brand ng bottled water sa cooler pero isa ang nag-stand out... ang Hope in a Bottle.

Napanood ko na ang TVC nito pero 'di ko masyadong matandaan ang mensahe. Basta si Titoh Bhoy ang endorser. I did a little research over the world wide web at ayon sa nabasa ko, kapag ito ang ating ininom, makakatulong tayong makapagpagawa ng public school classrooms. AMPERFEK! PANALO 'TO!

Bilang isang produkto ng pampublikong paaralan, susuportahan ko 'to nang BONGGANG BONGGA! I am encouraging all of you to support this beautiful project. Sa bawat paglagok, maaari nating mabawasan ang mga estudyanteng nagkaklase sa corridor, hagdan o lilim ng puno. Don't worry kasi hindi naman nalalayo ang presyo nito sa leading brands of bottled water.

Bukod sa Mini Stop, maari niyo 'tong mabili sa Krispy Kreme, Seattle's Best, Jamba Juice, Kenny Rogers, Suy Sing, Shopwise, Rustan's, Robinsons, Super 8, South and Landmark supermarkets.

Para sa karagdagang impormasyon, follow them on Twitter @HopeInABottle or visit their Facebook account here.

Wednesday, September 7, 2011

Dalawang ganap

Dalawang mahahalagang ganap ang todong handog sa atin ngayong buwan ng mga mabubuting tao sa likod The Love Yourself Project.

Mauuna ang libreng HIV counseling at testing na magaganap sa Linggo, Setyembre 11 sa Playroom located in West Avenue, QC. Ito ay mula alas-dies ng umaga hanggang ala-singko ng hapon. Confidential lahat kaya walang dapat ipangamba. 

Sa September 24 naman ang part 2 ng TLYP photoshoot. Sa mga naka-miss noong isang buwan, this is your chance na mafecturan ni Sir Ian Felix Alquiros. Donate ka lang ng one thawsan peysosesoses at bukod sa litrato na may kasamang pagpapaganda ay magkakaroon ka pa ng bonggang Love Yourself t-shirt. Lahat ng malilikom dito ay gagamitin para sa panustos ng libreng counseling at tulong para sa mga taong apektado ng HIV/AIDS. 

12 noon hanggang 10 PM ang litratuhan sa #88 Panay Avenue, QC.

Click here to register for the photoshoot.

Tuesday, August 16, 2011

Dalawa

Pagkatapos ng matagumpay na photoshoot ng The Love Yourself Project, isang benefit screening naman kanilang handog.

Dalawang pelikula mula sa Cinemalaya 2011 ang ipapalabas sa ika-23 ng Agosto, Martes sa SM Megamall Cinema 9. Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa nina Paulo Avelino at Rocco Nacino ang unang mapapanood na susundan naman ng Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington nina Mart Escudero at Roderick Paulate

Click here for ticket reservation.

Wednesday, July 20, 2011

The Love Yourself Project

Patuloy ang pagdami ng mga Pilipinong nahahawaan ng HIV. Pinakabago diyan ang isang dalaginding na dose anyos lamang ang edad (read the news here). JUICE KOH! Ang sikip sa dibdib ng balitang 'yan!

Kaya naman natutuwa ako at nagkaroon sa bansa natin ng The Love Yourself Project. Layunin nito na maiwasan ang paglaganap ng HIV/AIDS sa kabataan at sa mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki. Ito'y sa pamamagitan ng tamang edukasyon at pagpapayo.


Pindutin dito para sa karagdagang impormasyon.