- NAPAKAINIT! Ganito daw ang pinaparanas sa atin para chill na lang pagdating sa impyerno. 'Wag naman!
- Nagugulat pa ba kayo sa mga expose sa impeachment trial ni VP Sara sa kongreso? Ako medyo. Parang hindi mo akalain na magagawa nila 'yon sa dami ng palabas nila. Pero nasa tip pa lang yata tayo eh. Abangan natin ang iba pang pasabog.
- Sarap sabunutan nung isang panggulo sa impeachment. Wit na siya pangalanan pero obvious na pinapabagal niya ang hearing sa pagtatanong niya. Hindi mo alam kung intentional o sadyang obobs talaga.
- Bet ko na frozen na ang assets ng mag-asawang Romualdez. Tandang-tanda ko pa ang pagboto nila sa pag-deny ng prangkisa ng ABS-CBN. Karma is real!
- Pati itong mga ganap kina Mike Defensor at Chiz Escudero, bet na bet ko! Sana naman hindi lang ito puro imbestigasyon, dapat may managot at makulong.
- Sumasarap sa paningin ko itong si Brent Manalo. Hindi siya ang paborito ko sa PBB Collab pero ngayon, sofer sherep!
- 41 na ang ateng niyo! Dalawa lang ang hiling ko - bonggang-bonggang kalusugan at nag-uumapaw na salapi. 'Yung tipong kakabugin ko ang mga magnanakaw sa gobyerno. GANOOON!
Sunday, April 26, 2026
Samu't-Sari 9.0 (Birthday Week Edition)
Sunday, April 5, 2026
Samu't-Sari 8.0
- May nabasa ako sa Twitter na hindi na daw katulad ng dati ang Holy Week. Maraming bukas na tindahan, marami ang nagbabakasyon o may trabaho. Dati kasi very solemn. Wala halos tao sa daan kung hindi 'yung mga nagpru-prusisyon o nagsisipunta sa simbahan para mag-Visita Iglesia. Well, iba na rin naman na ang panahon ngayon, malayo na sa kinalakhan natin. Nasa sa atin na lang kung pananatilihin ang tradisyon o sasabay sa usad ng mundo. Wala namang masama sa dalawa.
- Tuwing weekends, lagi akong napapadpad sa Kamaynilaan. Minsa'y naglalakad sa kahabaan ng Recto, kumakain ng banana que sa Paterno Street, bumibili ng masusuot sa Rizal Avenue, inaabangan ang paglubog ng araw sa Manila Bay, bumibili ng DVD at libro sa Booksale, at nagkakape sa Harbour Square. Minsan na akong napadpad sa Pasig River Esplanade. To be fair, maganda siyang pasyalan. Maraming kainan, Instagrammable ang lugar at mukhang safe naman. Sana ma-sustain para hindi lang sa mall nagagawi ang mga utaw.
![]() |
| Mekanizmo by Vic J. Poblete and Steve Gan Ang Bakla sa Bintana by Rose Tan |
- Walong libro na ang natatapos ko ngayong taon. Karamihan ay nobela ng paborito kong manunulat na si Rose Tan. Nauumay na kasi ako sa mga kabobohang nababasa ko sa comment section at sa Twitter. Puro basura na ang pumapasok sa utak ko kaya nagbabalik-loob tayo sa pagbabasa. Marami-rami din akong naipon nitong nakaraan, salamat sa warehouse sale at iba't ibang bookfair na pinuntahan ko. Nawa'y magtuluy-tuloy at makatapos pa ng maraming libro.
![]() |
| Nina's complete discography |
- Kanina ay bumili ako sa Carousell ng Nina Sings the Hits of Diane Warren CD. Nagkaroon na ako nito dati pero ibinenta ko kasi kinain ng anay yung lower part ng inlay. Honestly, hindi ko ito paborito sa mga record ni Nina (kasama ng All Good). Wit ko bet ang areglo ng mga kanta. Or maybe nasanay lang ako sa original arrangement kaya hindi ko masyadong appreciated lalo na 'yung version ng Saving Forever For You. Anyways, I'm glad to have it back sa collection at muli kong nakumpleto ang discography ni Nina.
Saturday, January 31, 2026
Samu't-Sari 6.0
- Sa mga senador at influencers na kumakampi sa Tsina kahit binobomba na ang ating mga mangingisda, hindi niyo deserve ang Pilipinas. Hindi lang kayo nakakahiya, para kayong mga tuta na humihimod sa pwet ng mga Instik. KADIRI!
- Ang dali husgahan at magalit ng netizens kina Michelle Dee, Rhian Ramos at Samantha Panlilio laban sa manyakis na driver na nagnakaw ng hindi niya pagmamay-ari. Okay lang ba kayo?
- Itong mga Pilipino na kampi sa ICE at kay Trump, hinding-hindi kayo magiging kapantay ng mga puti. Purihin, palakpakan, itangi niyo man sila, hindi nila kayo ituturing na kauri. Mananatili kayong third-class citizen sa paningin nila dahil pango at kayumanggi kayo. Darating ang panahon na kayo naman ang pagtutuunan nila ng pansin.
- Sumakit ang ulo ko sa mga transwomen na nagsasabing transwomen are not women. Eh ano kayo? Bakit transwomen ang tawag niyo sa mga sarili niyo? Ang daming SOGIE 101 resources online para ma-educate kayo pero pinili niyong maging timawa. JUSKO! Doon kayo sa faraway, please lang. Kung bukas naman ang isipan niyo para matuto, panoorin ito:
- To be fair sa Enero, hindi masyadong mahaba sa feels unlike the previous years. Enjoyable pa ang malamig na simoy ng hangin. Sarap maglakad tuwing umaga, hindi masakit sa balat ang araw at fresh sa pakiramdam!
- Sa palagiang paglabas ni Leandro Leviste sa balita pati na mga presscon niya, patawarin niyo ako mga ateng, naging crush ko siya. NAKAKALOKA! Silang dalawa ni Kiko Barzaga ang fantasy ko ngayon. Pinag-aagawan daw nila ako. Pero bakit kailangan mag-agawan kung pwede naman akong i-dp. MIYAW!
![]() |
| Images from Facebook and Daily Tribune |
Thursday, January 1, 2026
Sama-sama
2026 marks our 16 years together. Kung baby lang itey noong 2010, may senior high school na dapat tayo. NAKAKALOKA! But seriously, thank you kasi nandiyan pa rin kayo. I know some may have moved on, some are lurking once in a while, and some are still waiting for new blog entries. The world has changed since then, hindi ko lang makumbinsi ang sarili ko that it changed for the better. Ang hindi lang nagbabago ay ang todong pagmamahal ko kina Matthew Mendoza at Leonardo Litton. CHAR!
![]() |
| Matthew Mendoza for Chika Chika Volume 1, Number 6 February 18, 1996 |
Sama-sama nating simulan ang bagong taon na puno ng pag-asa ang puso. There's always be a challenge, hindi na mawawala 'yan. Pero 'ika nga ni Natalie Glebova, Miss Universe 2005...
Thursday, December 25, 2025
Hiling
Habang nagkaka-edad tayo, tila ba patamlay nang patamlay ang diwa ng Kapaskuhan. Sa akin lang, hangga't ninanakawan tayo nang harap-harapan ng mga pulitiko at hindi natin nakukuha ang dasurv nating paglilingkod mula sa kanila, patuloy tayong mahihirapan araw-araw. Marami ang nangangarap na makaalis ng bansa pero hindi naman lahat kaya 'yan. Panahon na para isipin natin ang iba. Ayaw kong mawalan ng pag-asa kaya nawa'y sa mga susunod na buwan at taon, may makikita tayong pagbabago. 'Yan ang tanging hiling ko ngayong Pasko.
Naghanda ako ng spaghetti at fruit salad, at bumili ng lechon manok, cassava cake at kaunting pansit. Kayo, anong handa ninyo?
♪ Tayo na giliw magsalo na tayo
Monday, December 8, 2025
Samu't-Sari 5.0
- Looks like nagtatago na si Bato dahil sa diumano'y arrest warrant niya sa ICC. At marami ang nagtatanong bakit buo pa rin ang sahod niya kahit matagal na siyang absent sa senado especially sa budget hearing. Ang gunggong na Tito Sen, bakit daw ngayon lang may nagrereklamo samantalang sa congress daw, isang taon na absent pero walang ganyan. NAKAKALOKA! Hindi man lang i-acknowledge na valid ang punto de vista at may karapatan kaming kwestiyunin ang ginagawa sa aming pera, dahil kung kami nga na tax payer eh No Work, No Pay, bakit sila hindi?
- Eto namang si Lacson, nagpayo pa na galingan magtago ni Bato. Imbes na harapin ang kaso at patunayan na wala siya'y inosente, kinunsinti pa ng kasamahan niya. Kung sino pa ang taga-gawa ng batas, sila pa ang nagtatago dito.
- Sa mga social media influencer naman, kung mag-eendorso kayo ng produkto, 'wag lokohin ang followers. For example, sasabihin niyo na effective ang sabon at matagal nang ginagamit pero never nabanggit, nakita o nahagip man lang sa past vlogs. You know you can be truthful while influencing. Just sayin'.
- Napaka-out of touch ng mga kumakampi sa DTI regarding 500 pesos Noche Buena lalo na sina Gloria Diaz at Mariel Rodriguez. Palibhasa never nilang naranasang maging dukha kaya ganyan sila mag-isip. I'm sure, isang meal o kape lang nila 'yan sa isang restaurant. Selebrasyon ang Kapaskuhan tapos gusto niyo magtipid kami samantalang bilyon ang ninanakaw sa amin. NAKAKAGIGIL!
- Ilang araw na lang at Pasko na pero bilang na bilang ang mga bahay na may Christmas lights sa gabi. Ibang-iba sa maliwanag at masayang Kapaskuhan noong '90s. Hindi na ba kumukutikutitap ang puso ng mga Pinoy? Kumanta na nga lang tayo...
Sunday, November 16, 2025
Bangayan
I usually spend my weekends sa Manila but due to the INC rally, I opted to go to Makati Cinema Square at tingnan kung may DVDs na binebenta sa Booksale. Swerte naman dahil kahit wala pa yatang bente piraso eh nakapili ako ng tatlo -- The Haunting of Molly Hartley, sealed copies ng The Vow starring Channing Tatum na pinanood ko sa Greenbelt kasama ang aking officemates 13 years ago at double feature ng Definitely Maybe and Because I Said So.

Sunday, November 2, 2025
Precious
After that, sumakay ako ng G-Liner bus papuntang Quiapo para bumili ng wallet sa Isetann Carriedo. May nakita kasi ako last week pero ngayon lang ako nag-decide na bilhin. Medyo mahalya kaya sana tumagal.
Nag-foodtrip muna ako sa labas at bumili ng halal burger na tag-25, kinseng gulaman at 38 pesos na pizza. Lakad na papuntang sakayan nang makita ko itong Taiwan Famous Fried Chicken. Bigla kong na-miss ang Taiwan kaya lumaps na ako ng 1-pc chicken nila. Malinamnam ang manok at panalo ang sawsawan na may pagka-gingery ang lasa. 149 without drinks pero tubig muna tayo bilang kaka-gulaman lang natin.
Inabutan na ako ng pagsasara kahit mag-ala-siete pa lang. Buti na lang at patapos na ako. Ayaw ko kasi talaga ang feeling na napagsasarhan ng establishment. Nag-internal panic ako kapag naririnig ko na binababa ang roll up door.
Go ako dito sa mga nagtitinda ng handicraft items sa ilalim ng tulay at natuwa sa belen na binebenta. 1000 ang malaki at 750 ang maliit. Bet ko sana kaya lang walang mapaglagyan sa balur kaya pangkamot na lang ng likod ang binili ko worth pipti peysos.


HAPPY HALLOWEEN, MGA ATENG!
Monday, October 13, 2025
Samu't-Sari 4.0
- Sunud-sunod ang sakuna mula lindol at pag-alburoto ng mga bulkan. Mother Nature, please lang tama na. Pero kung galit pa kayo, kindly spare the hospitals and schools. Doon na lang po kayo mag-focus sa bahay ng mga pulitikong kurap.
- Bakit hindi naka-publiko ang imbestigasyon ng ICI? May pinoprotektahan ba sila? Sana kung may managot man, dapat kasama ang malalaking pangalan. Dahil kung hindi, uulitin lang nila ang pagnanakaw, mauulit lang ang mga substandard na proyekto, at mga ordinaryong Pilipino pa rin ang babahain.
- Dapat lunurin sa tubig baha na kulay grey ang mga kurakot. 'Yung tipong papasok sa bunganga nila ang mga dagang kanal at lalabas sa pwerta. Kung hindi man sila mamatay sa pagkalunod, kahit sa leptospirosis na lang, mga hayuff sila!
- Nasa kalagitnaan na tayo ng October pero malamlam pa rin ang selebrasyon ng Kapaskuhan. Wala sa mood ang mga tao na magsaya dahil pare-pareho tayong nahihirapan dahil sa panggagago sa atin ng mga pulitikong magnanakaw. Isama mo pa ang bangayan nina Sara at BBM.
- Paborito ko ang Sbarro pero ramdam ko na nagbago ang serbisyo at kalidad ng pagkain nila.
- Walang ka-showgirl-showgirl sa bagong album ni Taylor Swift!
- Bigla akong naging excited sa Love You So Bad nina Will Ashley at Bianca De Vera. Baka manood ako kapag sila ang endgame.
Monday, September 29, 2025
Samu't-Sari 3.0
- I do not trust Mayor Magalong and the Remulla brothers. They are heavily associated sa mga Duterte so NOPE!
- Marcoleta is not just annoying to watch, 'noh? Ang lakas niya makasira ng araw. Like you need therapy after seeing his face and hearing his voice.
- Manatili tayong galit sa mga corrupt hangga't walang napaparusahan. At kapag sinabi natin na galit tayo sa corrupt, hindi pwedeng paghiwalayin ang UniTeam. Pareho lang naman sila lol!
- May mga times na bet ko si Shuvee noong sinubaybayan ko ang PBB Collab pero may feels ako na inauthentic ang character niya. 'Yon naman pala, two-faced ang gaga! Ang kalat ng mga digital footprints niya bago pumasok sa bahay ni kuya. YIKES!
- Congratulations kina Veejay Floresca at Jessica Sanchez for winning Project Runway and America's Got Talent!
- Proud ako na nanalo tayo sa Mister International but I am not 100% sold kay Kirk Bondad. Hindi ko kasi ramdam sa kanya 'yung Filipino pride. Parang sumali siya to showcase his self than representing the country. Still, masarap siya so aarti pa ba?
- In 2 days, we're down to the last quarter of the year. Pagpasok pa lang ng unang ber months eh nagpapatugtog na ako ng Christmas songs pero I really really love the Yuletide season. Sana mas maraming magsabit ng parol sa labas ng kanilang mga tahanan. I wanna see more blinking lights and decors!
- Sabay-sabay na nag-release ng albums sina Mariah Carey (Here For It All), Kylie Minogue (Tension Tour Live), Zara Larsson (Midnight Sun), at Doja Cat (Vie). Kung meron pa sanang Odyssey XL o Astrovision, baka namulubi ako noong 26th char! Tara't magkaraoke na lang tayo ng Sugar Sweet ni Mimi...
Sunday, September 14, 2025
Samu't-Sari 2.0
- Weird nitong mga hardcore conservative Christians na nakikiramay sa pagkamatay ni Charlie Kirk, isang personalidad sa US na walang ginawa kundi magpalaganap ng hate towards the black and LGBTQIA+ community. Pati na sa mga Palestenians at pop girlies. Anyways, I'm glad they are exposed so I can avoid their projects. We can't support them while they think lowly of us.
- Although anti-SOGIE bill si Tito Sotto, I think he's better than Chiz Escudero as Senate President. Still, I don't like him unless he pass the SOGIE bill as law.
- Hangga't mga contractor at district engineers lang ang focus ng hearing, walang mangyayari sa korapsyon sa DPWH at sa iba pang ahensya ng gobyerno. Dapat panagutin at isama ang mga pulitikong nakikihati sa budget na para sana sa ikagaganda ng buhay ng mga Pilipino.
- Nagsisisi ako sa pagboto kay Joel Villanueva noong 2016. Isa sa mga fail ni PNoy itong gunggong na 'to! But I'm glad he's being exposed.
- Pansin niyo ba, pulitiko man, artista, o simpleng mamamayan, kapag may ginawang kabalbalan, laging bukambibig ang Diyos. Kawawa naman si Lord, laging nagagamit at hindi maipagtanggol ang sarili laban sa mga demonyo.
- Nakakaloka ang pasavogue na balita ni Robby Tarozza! But again, hindi issue dito kung bakla ka o hindi kundi ang diumano'y talamak na pagnanakaw sa pondo ng mga Pilipino!
- Grabe pala ang obsesyon ng online haters sa kinaiinisan nila. Nabubuhay sila sa poot at pag-stalk sa bawat kilos ng taong ayaw nila at ipo-post online. Like how can you live like that? Totoo pala na your haters are your biggest fans. KALURKS!
- I think I'm starting to become a fan of Zara Larsson. Ang ganda ng boses ni girl!
- Pumunta pala ako sa record fair kahapon sa Trinoma at nakita ang cassette tape na 'to. Ang masasabi ko lang, "Anna Dizon is Anna Dizon"! To be fair ang ganda ng boses niya.

Anna Dizon
A Dream... A Reality
Monday, September 8, 2025
Ipilit
So I watched this interview the other day dahil wala akong magustuhang true crime docu sa Netflix. CHOS! I've been thinking about that topic the past few years kasi ako mismo hindi na active mag-share ng ganap sa social media. Dati, may multiple posts ako in a day from selfies, to movies, music, books, friends, public places, food, inumin etc. Bukod pa 'yan sa halos araw-araw kong pagba-blog. Ngayon, maswerte na kung may post ako in a month. Kung hindi ko pa pipilitin ang sarili ko, wala akong post. Pero why need ipilit now? What haffen, Vella? Probably, nawala 'yung sincerity and fun at napalitan ng consciousness about likes and number of views? I didn't care about this before kaya post lang ako nang post, dedma sa anggulo at kung aesthetic shot ba.
Monday, February 17, 2025
Mang Greg
Nitong Enero lang nang mag-post si Rectoduction, isang buyer at seller din ng CD, na ikaw daw ay lumisan na. Hindi ako makapaniwala. Sinubukan kong alalahanin kung kailan ako huling pumunta sa'yo pero hindi ko na maalala. Sa tuwing pumupunta ako sa'yo, lagi mong sinasabi sa akin na sumali ng beauty pageant dahil sa tangkad ko. Na bagay sa akin ang pagtaba ko. Naabutan mo kasi ang pagpag era ko. CHOS! Ganoon na tayo katagal na magkakilala.
Pumunta ako sa shop mo kanina. Of course, wala ka na sa usual spot mo. 'Yung mga karton ng CDs sa labas ay nabawasan na. Mukhang basta na lang itinambak sa loob. Hindi na ako makapagkalkal tulad dati. Hindi kasing alaga mo ang bagong namamahala. Bibili sana ako ng Ace of Base album pero doble ang presyo na bigay sa akin.
The magic of Mang Greg is now gone. Hindi na siguro ako babalik para bumili doon. Ngayon ko lang na-realize na isa sa mga rason bakit ako nagpabalik-balik ay dahil sa bonding natin. Pinagtagpo tayo ng iisang hilig - CDs. Hindi bale, sa tuwing titingin ako sa aking koleksyon, hindi maaaring hindi kita maalala.
Thank you for your passion in keeping the physical CDs alive, Mang Greg. Enjoy the music now sung by the angels.
Tuesday, December 24, 2024
Agapan
Aligaga na ba kayo sa paghahanda sa noche buena? Ang mga regalo ba ay nakabalot na? May laman na ba ang angpao na pang-aguinaldo? O may shift sa trabaho para double pay? Kung ano man ang estado niyo habang binabasa ito... MALIGAYANG PASKO!
Maraming ganap ngayong taon na nakaapekto sa mga buhay natin. Nariyan ang mala-impyernong tag-init na sinundan ng paghambalos ng sunud-sunod na bagyo. Ang patuloy na pag-aaway nina BBM at Sara imbes na unahin ang problema ng bansa, at kung anu-ano pang chika na wala naman talagang direktang epekto sa atin pero dahil likas tayong sawsawera, feeling natin ay entitled tayo magbigay ng opinyon.Tulad ng mga nakaraang taon, nagpapasalamat ako kasi we are still breathing and surviving this world. Isa sa mga pagbabagong naranasan ko ngayong taon ay nagsimula na akong mag-take ng maintenance meds for hypertension. Hindi na jugets ang ateng niyo! Pero habang maaga, dapat agapan para hindi na lumala pa. Mahirap at mahal magkasakit kaya we need to take care of ourselves.
Ilang oras na lang at a-vienticinco na. Maya-maya lang ay magluluto na ako ng spaghetti. Habang hinihintay natin 'yan, ipatugtog na itong playlist sa background para more festive sa feels...
Monday, November 11, 2024
Kahinatnan
May nabasa ako sa Twitter, bakit daw hindi na restful ang weekends? Napag-isip ako at parang I agree. After the pandemic, it feels like nag-iba ang kalidad ng dayoff ko which fall on a weekend. Ang dami kong nagagawa dati like watching movies or reading books. Makapagsusulat pa ako ng blog at rumarampage kung saan-saan. Ngayon, all I want is to lay down on bed. I'm so unproductive that it would last until the sun sets. Ending, tapos na agad ang isang araw. Napakabilis ng oras! Kaya naman I would drag myself to go out the following day - either watch the sunset sa Manila Bay, walk sa UP oval o magkape sa Shell Station para lang may kahinatnan ang araw ko. Hindi pwedeng nakatihaya lang akiz tapos may pasok na ulit, de vaahhh?
Kayo mga ateng, how's the quality of your restdays?
Anyways, I'm writing this while listening to the Christmas album of Leona Lewis. Let's all enjoy her festive song One More Sleep...
Sunday, November 10, 2024
Sumaglit
![]() |
| Image from Adobe Stock |
It was in Trinoma and I was wearing this yellow shirt. Sa escalator kami unang nagkasalubong at dinala niya ako para lumaps sa Abe's. First time kong kumain sa ganoong lugar. Binigyan niya ako ng NBS gift check na pinambili ko ng Dear Migs. Alam niya na mahilig ako sa gay indie films and he influenced me to broaden my taste and watch world cinema such as The Naked Civil Servant and La Ley Del Deseo. He's the reason why I became a fan of Pedro Almodóvar. Pinahiram niya rin sa akin ang personal copy niya ng Naiibang Pag-ibig book ni Dra. Margie Holmes and gave me VCDs of Liberated and Bridal Shower.
Siya ang nagbigay daan para first time kong maranasan ang panonood ng theater play sa CCP at ballet show sa Aliw Theater. We also ate somewhere in Malate sabay turo sa Café Adriatico na paboritong kainan ng mga beki. Pero sa lahat ng 'yan, isa siya sa kauna-unahang nagtiwala sa kakayahan kong magsulat. Ni-refer niya ako sa isang kolumnista na nakatira sa Makati. I went there after my shift. Met the guy and was actually a former ambassador but our writing styles didn't match. Pang-class A ang hinahanap eh pang-class DE ang ganda ko. CHAR! Still, it was a memorable experience.
After a few years of bonding, sadly eh natuldukan ang aming pagkakaibigan. This was before COVID pa. But it didn't end bitter at all. I think. Messages stopped and I was unfriended. I didn't ask for any reasons.
Recently, naalala ko siya dahil madalas mabanggit sa isang popular page ang isa niyang photographer friend. I searched for his FB profile and found out he died. I was shocked and didn't know how to feel. Suddenly remembered his beautiful contribution in my life. I'm writing this to let him know that wherever he is, I value our friendship so much and I don't want to forget it. How I wish I reached out and rekindled our connection but I guess life has a different plan.
Salamat, Ate Froglita. You're one of the people who made an impact in my life. You believed in me when I doubted my skills. Masaya ako na sumaglit ka sa buhay ko. Aalalahanin kita habang binabasa itong magasin na ikaw ang editor-in-chief. Proud ako na nakilala ko ang isang tulad mo. You will always be included in my prayers.
Tuesday, April 23, 2024
Treinta Y Nueve
Sunday, April 14, 2024
Nagbakasakali
Pagoda coldwave lotion (ginagamit niyo pa ba ito?) ang byuti ko kahapon dahil limang Segunda Mana branches ang nirampahan ko - Monumento, Sta. Lucia, Riverbanks (2), at Ali Mall. Nagbakasakali ako dahil panaka-naka ay may nagdo-donate sa kanila ng physical media. Sa mga hindi nakakaalam, ang Segunda Mana ay isang programa ng Caritas Manila upang makatulong sa mahihirap. Ang mga in-kind donation na natatanggap ay ibinebenta sa mga outlet at ang kinikita dito ay nagiging pondo ng iba't ibang proyekto. Morayta lang ang benta nila sa mga cassette tapes, CDs, VCDs, at DVDs. Dati ay sampung piso pero ngayon ay nasa bente pesos na. Wit na masama dahil mapupunta naman sa magandang hangarin ang ating ibabayad.
Kahit parang makakalas na ang tuhod ko kalalakad, hindi naman ako nabigo dahil nakabuyla ako ng tatlong DVD at dalawang VCD. Isa diyan ang rare copy ng May Pag-ibig Pa Kaya? movie ni idol Juday. Kasama niya dito sina Gladys Reyes, Matet De Leon, at leading man si Luis Alandy.
Bukod sa nabanggit, may mga damit, appliances, bag, sapatos, maleta, lamesa, aparador, kuna, stuff toy, at planners din na binebenta. May pagkalaki-laking treadmill pa nga! 'Yung ibang items parang old stock na galing sa department store. May mga libro din tulad ng textbooks, children's book, at pocketbooks. 'Di ko lang napansin kung mayroon silang kopya nitong binabasa ni daddie Gary Estrada...












