Showing posts with label sports. Show all posts
Showing posts with label sports. Show all posts

Saturday, January 24, 2015

Palasyo

Jinkee and Manny Pacquiao with Prince Harry
So the #GreatestAfam meets the #GreatestPinoyBoxer.

Mawalang galang na Mr. and Mrs. Pacquiao pero amfogi-fogi dito ni fafah Prince Harry. 'Di ko alam na fan siya ng Pambansang Kamao. Niyaya pa niyang mag-dinner sa Buckingham Palace kasama ang ilang friends niya. Haaayyy... kailan kaya niya ako aayain lumaps sa palasyo? Kailan niya kaya ako ipakikilala kay Queen Elizabeth as his new girlfriend? Ahahahaha! Ako na talaga ang pinaka ambisyosa sa lahat ng ambisyosa. ABA! Kung mangangarap ka rin lang naman, i-todo mo na noh!

With a friend of Prince Harry
Pagkatapos niyan eh fly agad ni Manny papuntang Miami to judge the 63rd Miss Universe pageant. Si Donald Trump naman ang makakakiskisang siko niya. Iba talaga ang kasikatan ni PacMan... YAYAMANIN! Siyempre, kasama diyan si Jinkee and her bonggang bags. First time kong makita ang Instagram page ni ateng at panay #selfie at #OOTD ang post. Siya na talaga!

Such a fan! ♥
Wish ko lang talaga next to manay Jinkee eh ako na ang susunod na Pinay na makakadaupang palad ng prinsipe. Ipalalasap ko sa kanya kung gaano kasarap ang sarciadong tilapia ko at paniguradong 'di na niya ako pauuwiin. Baka ikulong ako sa Buckingham Palace at gagawin namin itong Bookingham Palace. ECHAUSE!!!

Friday, October 3, 2014

Nanguyapit

Heaven siguro ang pakiramdam ng mga estudyante ng National University dahil for the first time in more than four decades ay nakapasok silang muli sa finals ng UAAP. Gitgitan ang labanan nila ng Ateneo na 'di ko na mabilang kung ilang beses nang nanalo. Makakalaban nila ang FEU na pinabagsak ang defending champion DLSU Green Archers. While scanning social media, nabasa ko na battle of the jejemons daw ang finals. May ganern?

Namaga yata sa sakit
Sa tindi nga ng semi-finals (parang Miss U lang), nasiko ang junjun ni fafah Jeron Teng na nanguyapit sa todong sakit. Oh my! Kawawa naman siya. Tamang-tama may Omega pain killer ako. Halika hilutin natin ahihihi! Pero seriously, 'di dapat umaabot sa ganung punto ang paglalaro ng basketball o kahit anong sports. Mas masharap i-celebrate ang tagumpay lalo na kung nakamit 'to dahil sa patas na laban.

On the other side of the world, cover story ng Flaunt magazine si Nick Jonas. Nagkaroon siya ng diabetes at a young age and by flaunting his sexy body, he wants to inspire people to take care of their bodies. Bae, you're such an inspiration. Can I taste your perspiration? CHAR!

Mas mabuhok pa siguro down there hihihi!
Hinahamon nga pala ni Nick Jonas si fafah Jeron sa isang bonggang showdown. This is how you do it daw with angas feelings...

ANG TSALAP! ANG TSALAP! ANG TSALAP-TSALAP!

Wednesday, December 4, 2013

Ibulatlat

Can I Just Say:

Deserve ni Tom Daley ang isang mahigpit na group hug mula sa 'sangkabaklaan dahil sa kanyang katapangan na ibulatlat ang katotohanan. Hindi madali ang ginawa niya lalo na't sikat siya sa larangan ng sports at isa sa todong pinapantasya ng mga teen girls. Masaya siya sa kung sino siya, sa new found love niya at bet niya itong i-share sa buong mundo. Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig oh! Swerti ni ateng na dine-date niya huh!

Kung 'di niyo pa napapanood, eto ang video ng kanyang paglaladlad...

Monday, November 11, 2013

Ipagbunyi

     "For the people who have lack of jobs, I do believe that we people should invest in education and that is my primary advocacy, because we all know that if everyone of us is educated and well aware of what we are doing, we could land into jobs and we could land a good career in the future. Education is the primary source and ticket to a better future."
'Yan ang bonggang sagot ni Ariella 'Ara' Arida sa Q&A portion ng Miss Universe 2013 nang mapili siya bilang isa sa top 5 finalist. Sinong hindi makakarelate sa sagot niya? Bata pa lang tayo eh palagi na tayong sinasabihan nina madir at fadir na kung gusto natin ng magandang kinabukasan, mag-aral nang mabuti. At kahit hindi siya ang itinanghal na 3rd Pinay Miss U, we are still proud of her achievement.

From pa-sweet na kumpetisyon eh go naman tayo sa medyo harsh. Isa pang dapat nating ipagbunyi ay ang pagkakapanalo ni Nonito Donaire sa ikalawang pagtutuos nila ng Armenian na si Vic Darchinyan. TKO ang kalaban sa 9th round at hilong talilong sa lakas ng mga pinakawalang suntok ng tinaguriang The Filipino Flash.

Kahit na sinalanta tayo ni Yolanda, may rason pa rin para tayo ay ngumiti at 'di mawalan ng pag-asa. Ngayon, let's do some action para sa mga kababayan natin sa Kabisayaan na todong naapektuhan ng super bagyo. Sa willing mag-donate ng mga kasuotan, maiging sundin ang payo ni ateng Bianca...


Friday, September 7, 2012

Whachuthink

Tanong lang:

Ano kaya ang sumunod na nangyari?

Kenneth Stern of Philippine Volcanoes
a. Natumba si fafah
b. Nakatakas si fafah
c. Naagaw ang bola or...
d. Nadakma ang bola

Whachuthink mga 'teh?

1... 2... 3... GO!

Sunday, August 12, 2012

Galak

Patapos na ang London 2012 Summer Olympics at malungkot man sabihin, nga-nga tayo sa medalya. 'Di bale't may next time pa naman sa 2016. Salamat sa labingisang atletang Pinoy na sumubok at bonggang ibinandera ang ating bandila, special mention kay Mark Barriga.

Mukhang star-studded ang closing ceremony niyan dahil mga todo-sikat na British artists ang magpe-perform at isa diyan ang Spice Girls. Muling magsasama-sama ang girl power nina Scary Spice, Baby Spice, Ginger Spice, Sporty Spice at Posh Spice para sa isang makasaysayang performance. Paniguradong tuwang tuwa sa galak ang mga 90's beki tulad ko. Ano kayang kakantahin nila? Abangan na lang natin mamayang alas-cuatro ng umaga sa TV5.

Monday, June 11, 2012

Dagdag

Marami ang shakira whenever wherever sa pagkaluzviminda mirasol ni Manny P. laban kay Timothy Bradley yesterday. 'Di ako masyadong na-sad hindi dahil sa 'nasuntok' niya tayo sa isyu ng kanyang paniniwala kundi dahil sa buhay ng isang tao, darating at darating talaga ang panahon na hindi ikaw palagi ang nasa itaas. Bababa ka rin at may papalit sa'yo. Natalo man siya eh winerva pa rin naman siya sa mata ng mga manonood. Ibang level pa dahil bukod sa local artesta natin, sina Justin Timberlake, Oscar De La Hoya at Khloe Kardashian ang ilan sa sa internashonal stars ang 'di matanggap ang resulta.

Obvious na lamang ang Pambansang Kamao kaya feeling ko eh scripted ang pagka-olats niya para may part 2 ang laban. Dagdag kita kay Bob Arum. Kapag wagi siya diyan, magkakaroon ng part 3 para magkaalaman kung sino talaga ng magaling. More profit, more fun!

Tuesday, April 24, 2012

Patak

Kasabay ng pag-init ng panahon ang pagkatuyo ng lupa. Kapag ilang araw o linggo na hindi pumapatak ang ulan, magsisimula nang magbitak-bitak ito. Diyan ko maikukumpara ang sex life ko. Tuyo, bitak-bitak at... at... at... tuyo. Keri lang 'yan since buhay pa naman watashi. Anyways, hindi sex life ko ang sentro ng ating usapan ngayon kundi ang kontrobersyal na video na 'to...


Matapos kong mapanood 'yan, nasabi ko sa aking sarili ang pamosong linya ni Basha sa pelikulang One More Chance...

"Sana ako na lang... sana ako na lang..." sabay patak ng luha.

Monday, February 6, 2012

Isang Paa

RIP Karlo Maquinto
Shakira akez sa balitang pumanaw na ang batam batang boksingero na si Karlo Maquinto. Sa mga hindi noseline kung ano ang nangyari, noong a-bente otso ng Enero ay nagkaroon sila ng match ni Mark Joseph Costa at ito'y naganap sa Caloocan. Matapos ang laban ay bumigay ang katawan niya sa ring. 'Yun pala ay comatose na siya dahil sa blot clot na namuo sa kanyang utak.

Nakakapanghinayang na sa edad tweyni one ay binawian siya ng buhay. Marami pa sana siyang pangarap na gustong tuparin kung hindi nangyari ito ngunit sino ba naman tayo para kwestiyonin ang tadhana. Baka talagang hanggang doon na lang ang itatakbo ng kanyang buhay at karera sa loob ng ring. 

Nakakatakot lang na sa sports kung saan naghahari ang mga Pinoy tulad nina Nonito Donaire at Manny Pacquiao, ang isang paa nila ay nasa hukay. Nawa'y hindi na ito maulit sa susunod na laban ng ating lahi. 

Wednesday, August 24, 2011

Ranggo

Noong 'sang gabi, bago ako bumorlogs eh napanood ko ang interview ng dalawang miyembro ng Philippine Volcanoes Rugby Team sa news program ni titah Jessica Soho. Para akong maiihi sa kama sa taglay na kasarapan nina Jake Letts at Andrew Wolff. May torneo kasi sila sa darating na Sabado sa Shanghai, China. Mahalaga ang larong ito para lalo pang umakyat ang ranggo nila sa larong Rugby. Ang tanging hiling nila eh todong suporta natin. 

Ang dami na pala nilang napanalunang karangalan at kabilang diyan ang tag-isang Gold at Silver medal sa SEA Games. BONGGA!

Mas nakilala lang sila noong nagpose ang ilang members ng naka-Bench underwear at pinatanggal ang billboard nila sa EDSA. Thankful pa rin sila sa nangyaring iyon dahil dumami daw ang nagka-interes sa Rugby. Kami din naman ay thankful sa billboard na 'yun. Hihihi...

Goodluck sa Philippine Volcanoes at nawa'y mag-uwi kayong muli ng panibagong karangalan sa Pilipinas. 

Oo nga pala, manliligaw ko...

Chris Everingham
AMBISYOSA MUCH!