Showing posts with label can i just say. Show all posts
Showing posts with label can i just say. Show all posts

Tuesday, June 18, 2019

Itatwa

Katatapos ko lang basahin ang librong Happy Na, Gay Pa na sinulat ni Danton Remoto. Nagustuhan ko ang maraming niyang life lessons and advices. Sayang at hindi siya pinalad maging councilor ng QC. Matagal na niyang nais magsilbi sa bayan at sana maibigay sa kanya 'yan sa tamang panahon. I'm now reading Bright, Catholic and Gay. Compilation of essays written by the same author but this time, in straight English kaya eto, nose bleed ako. CHOS! I'm actually thirsty for a book about transgender women. Sana magkaroon the soonest.

Speaking of religion, naloka ako sa comments section ng post ni Catriona Gray about supporting the LGBTQIA+ community. According to some hard-core Christians, she doesn't live up to her Christian faith because (1) God does not approve same-sex marriage, (2) she can't be a true Christian and a LGBT supporter at the same time, (3) she cannot compromise her faith in God just because she is working in the entertainment industry, (4) supporting the LGBTQIA+ is going against God and (5) more vile and poisonous comments na hindi keri ng puso't isipan ko.

Can I Just Say:

I am truly disgusted with these Christians. Kung itatwa tayo, akala mo sila lang anak ng Diyos. Porke straight, sila lang tatanggapin sa heaven? If I know, may mga members diyan na hindi makapag-out kasi pinaniwala silang hindi tanggap ni God ang pagiging LGBTQIA+. Tapos ang lalakas ng loob banggitin sina Sodom at Gomorrah pero sa totoong buhay, ang daming violation sa Ten Commandments. KALOKA! 'Yung iba sa kanila, ginagawang caption ng selfie at OOTD ang Bible quotes. Hindi na kinilabutan! Nakakasuka din 'yung mga nagsasabing hindi nila hate ang LGBTQIA+ but they don't support equal rights for the community. Ipokrita much! Magsama-sama kayo nina Miriam Quiambao at Manny Pacquiao. Marami pa sana akong sasabihin pero maghuhunos-dili akiz. Baka mabura ang byuti ko sa stress!

Isa 'to sa mga rason kung bakit dapat tayong rumampa sa Metro Manila Pride on June 29. Sama-sama tayong i-resist ang mga ganitong klaseng tao at ipakita sa kanila kung bakit masayang sumayaw-sayaw sa ibabaw ng rainbow. Kita-kita tayo sa Marikina Sports Complex, mga ateng!

Monday, August 28, 2017

Kacheapan

Can I Just Say:

Hindi pa ako nakakakain sa Zark's pero hindi ako aabot sa ganito para lang sa otso pesos na burger...

According to research, mahilig sa bonggang pa-promo at discount ang mga Pinoy pero grabeycious naman itey. Dinumog at nagbalyahan ang mga utaw para lang makauna sa otso pesos na burger. TODONG KACHEAPAN!!! Wala namang food shortage at state of calamity pero parang mga gutom na gutom at akala mo eh hindi pa sila nakakatikim ng burger sa tanang buhay nila. Dahil ba petsa de peligro kaya ganyan? May mga bata pang kasama 'yung iba. Hindi ba nila naisip na delikado at posibleng magka-stampede sa dami ng tao. O baka wit na makapag-isip nang maayos dahil mga gutom na? KALOKA!

Photo by Sacen Sacay
Kawawa rin 'yung mga security guard at service crew ng Zark's. I cannot imagine the stress na pinagdaanan nila ngayon. Hindi siguro nila ineexpect na ganito ang magiging turnout. Kaya next time, Zark's need to strengthen their promo mechanics para maiwasan ang ganitong kacheapang eksena. 

Imbes na National Heroes Day, naging National Kacheapan Holiday ang araw na itez. I cannot take it. Tamaan na ang tamaan pero kadiri ang ganyang pag-uugali. EEWWW!!!

Thursday, July 20, 2017

Praktikal

Can I Just Say:

Kung ako kay Nadine Lustre, talagang makikipag-live in ako kay James Reid. JUICE KOH! Kung 'yan ba naman ang katawan na uuwian ko gabi-gabi at fez na masisilayan tuwing umaga, aarti pa ba ako? Ayaw kong mapraning na baka landiin siya ng kung sino-sino. Dami pa namang kati perry ngayon. Mas mabuting bantay-sarado siya sa akin. CHOS!

Hindi man umamin, hindi rin itinanggi ni Nadine ang isyu. 2017 na daw kaya it's not new anymore. Siyempre, ang daming nakisawsaw sa kuda niya. Masama daw siyang impluwensiya sa mga umiidolo sa kanya at liberated masyado. May nabasa pa akong post na ini-link ang pagsasakripisyo ni Hesus. KALOKA! I'm sure mga basher niya 'yan. Kung basher ka, kahit ano pang sabihin ng tao, hahanap at hahanap ka ng mali dito.

For akiz, choice ng tao 'yan kung balak nilang magsama sa iisang bubong. Maging praktikal na tayo noh! Mas tipid sa gastusin kapag may kahati sa balur at bills. Tapos mas makikilala mo 'yung tao, kung ano siya sa bahay at totoong ugali niya. At least, makakapag-isip ka kung karapat-dapat ba siyang makasama habang buhay o pang-make out-make out lang.

Pero kung siya talaga ang makaka-live in ko...

...wala talaga akong kiyems sa sasabihin ng iba. Hinding-hindi ako matotomi. Kili-kili pa lang, ulam na. TSALAP!

Saturday, September 24, 2016

Zarzuela

Can I Just Say:

Umay na umay na akez kay Sen. Leila de Lima at sa pagrereyna-reynahan niya sa senado. JUICE KOH! Para siyang si Kris Aquino na ayaw mawala sa limelight. Kailangan laging laman ng balita o nasa harap ng camera. Wala pa namang 100 days sa pwesto si Pres. Digong pero kung makaasta naman siya, ang dami nang pinatay na inosente daw sa droga. KALOKA! I know naman na dapat dumaan pa rin naman sa proseso ang lahat pero let Digong do his way. Kung nagawa nga niya sa Davao, pwede din niya gawin sa buong bansa. Love ko na rin itong si Director General Ronald "Bato" dela Rosa. Humorous pero seryoso sa trabaho. Bet ko ang way niya nang pambabara sa mga nanggigisa sa kanya sa hearing. Dapat dedmahin na niya ang imbitasyon sa bawat pagdinig at nasasayang lang ang oras niya sa zarzuela de senado. Gamitin na lang niya sa pagsugpo ng krimen at talamak na paggamit at pagbenta ng droga.

Madami pang gagawin at malayo pa ang tatahakin nina Bato at Digong para maisaayos ang lagay ng bansa. Nababalam dahil sa mga lubak na tulad nina De Lima at Trillanes. Tulungan nating patagin ang daan para sa mas malinis, maayos at magandang kinabukasan.

Friday, May 8, 2015

Chichirya

Can I Just Say:

Nakakasuka (hindi naman literal) ang mga taong panay ang banggit kay God kahit 'di kailangan. 'Yung tinatanong not related sa religion pero ipipilit ipasok si God.

Wit ko knows kung nagpapa-impress para masabing mabait, para sa mabangong image o sadyang relihiyoso lang. Panay post ng quote galing sa Bible pero 'di kayang isabuhay. Parang chichirya na puro hangin - pagbukas mo, iilan lang ang laman. I'm sure, may kakilala kayong ganito.

A perfect example is this sportsman turned politician. Tungkol sa ensayo at practice ang tanong, hindi pwedeng hindi niya banggitin ang isa dito - God is good, God is great, God will provide. Pati asawa niya na mahilig sa ‪#‎selfie‬, halata namang ‪#OOTD‬ ang post pero ginawang caption ang God is love dahil sa heart print ng damit niya. Eh 'di WOW!

Let me say my opinion. For me, its a form of abuse. Oo, dapat tayong magpasalamat sa lahat ng biyaya ng Maykapal. Pagdilat pa lang ng mata sa umaga, biyaya na eh. Lahat ng meron tayo, dahil sa Kanya. Kadalasan, itinuturo na ipamahagi ang salita ng Diyos. Pero sa tamang hulog at ilagay naman sa lugar. Please lang, spare Him to your personal intentions.

And I do believe that faith should be practiced spiritually. 'Wag dalhin sa harap ng camera o social media.

Tuesday, November 18, 2014

Manalig

Can I Just Say:

I AM F*CKING HAPPY FOR MILEY!!!
♥♥♥

After ma-wreck ang puso niya ni Liam Hemsworth last year, she's now finally in love with another man and mind you, mas masharap! At least may pagitan kapag nagjo-jowa siya 'di tulad nitong si Taylor Swift, agad-agad may kapalit. Higad lang ang peg.

Patrick Schwarzenegger is the name. Kinailangan kong i-copy paste ang apelyido niya at mahirap i-spell. Anak nina Arnold Schwarzenegger at Maria Shriver so may lahing Kennedy. ABA! Level-up 'tong si Twerk Queen. He's the same age with her (21), a mowdel, actor and business man. 

According to his interview with Details magazine in 2011 and I qoute "My eye, though, is set on Miley". Tingnan mo nga naman oh! Ngayon jowa na niya. Kaya 'wag mawalan ng pag-asa 'teh. Mapapasa'tin din si crush. Manalig tayo. PAKAK!

Thursday, September 11, 2014

Kariton at Saklay

Can I Just Say:

Courtesy of Jacque Manabat's Instagram
Nakaka-inspire ang tulad niya.

Nakita ko siya kanina habang sakay ako ng jeep. Good thing nakuhanan siya ng litrato ng isang ABS-CBN reporter. Lakas maka-agaw ng pansin sa katanghaliang tapat ng bright blue kariton niya. And what struck me most was his disability and how he managed to push the cart. Tinutulak niya ang kariton gamit ang kaliwang binti habang hawak niya ang saklay sa paglalakad. Pataas pa man din 'yung daan so I guess it was a little hard for him. Dapat nasa tamang balanse or else baka tumagilid sa daan. Nasa gilid pa man din siya ng highway.

Saludo ako sa simple at payak niyang pamumuhay. Minsan ang reklamo ko sa buhay. Gusto ko ng ganyan, gusto ko ng ganito. 'Di ko na naaappreciate kung ano ang meron ako. Naka-focus sa wala at kung paano ko 'yun makukuha. Moments like this makes me realize that I have so much in life.

Daig din niya ang mga walanghiyang nakakalat sa daan at nakaupo sa pwesto. May dalawang kamay, may dalawang paa na ginagamit sa pansariling kapakanan. Pinapairal at kabuktutan ng kaisipan.

At sa'yo kuya, kung nasaan ka man sa oras na ito, nawa'y dumami pa ang bote garapa mo. Araw-araw ka sanang pagpalain ng Maykapal. Nakakatulong ka pa sa pagbabawas ng plastic na maaaring maging sanhi ng pagbaha. You're such an inspiration ♥

Saturday, August 30, 2014

Gawi

Can I Just Say:


Kuya, STYLE MO BULOK! Bakla man kami sa iyong paningin, choosy pa rin kami sa otokong lalandiin. Tingin-tingin din sa salamin 'pag may time. Worth 20K ba 'yang chura mo!?! Kung dati ay umeepek ang pananakot mo sa amin, pwes dumating na ang oras mo... diyan sa kulungan.

At sa'yo "Earl" na naglakas loob maisuplong ang tarantadong 'yan, MABUHAY KA!!! Ang tapang mong magsumbong knowing na pinagbantaan kang papatayin o papahiyain. Pagagawan ka namin ng bonggang korona na puro diamonds, rubies, Swarovski crystals and pearls. Isa kang bayani sa ating lahi. Naipaghiganti mo ang mga baklang nabiktima niya at todong napigilan na siya'y makapambiktima pa.

Pakatandaan natin ang fez ng taong 'yan. Baka makapagpiyansa at makalabas. Bumalik sa dating gawi. Mabuti na ang nag-iingat.

Tuesday, January 28, 2014

Tapat

Can I Just Say:


♫ Di magsasawa, di magbabago
Di maghahanap ng pag- ibig
Na papalit sa puso ko
Ganyan ka sana, dahil ganyan ako
Laging tapat at laging totoo ♪ 

Sa pakikipagrelasyon, importanteng sangkap ang pagiging tapat. Huwag papasok sa isang sitwasyon na 'di kayang panindigan. Nababalot ang mundo ng tukso sa iba't ibang porma, kulay at itsura. Nakakaakit. Nakakahalina. Kahangalan ang sabihing mahirap tanggihan, mahirap paglabanan dahil kung puro at mataas ang respeto sa pagmamahal, sisiw lang 'yan. Sa bandang huli, 'di ka man mabubugbog tulad ng iba, paniguradong may sasampal sa'yong karma.

Wednesday, December 4, 2013

Ibulatlat

Can I Just Say:

Deserve ni Tom Daley ang isang mahigpit na group hug mula sa 'sangkabaklaan dahil sa kanyang katapangan na ibulatlat ang katotohanan. Hindi madali ang ginawa niya lalo na't sikat siya sa larangan ng sports at isa sa todong pinapantasya ng mga teen girls. Masaya siya sa kung sino siya, sa new found love niya at bet niya itong i-share sa buong mundo. Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig oh! Swerti ni ateng na dine-date niya huh!

Kung 'di niyo pa napapanood, eto ang video ng kanyang paglaladlad...

Monday, July 16, 2012

Timba

Can I Just Say:

NAKAKALOKAAAH!!!

Ito na yata ang sexiest poster na nakita ko! At ang title ng show, talaga namang nagbabaga. Napaka-straight to the point. JUICE KOH! Paniguradong uulan din ng beki sa gabing 'yan. Baka bumaha pa kaya ready your kapote and payong. Ako, planggana at timba ang ihahanda ko para marami akong masalong ohms. SARAP!

Wednesday, July 4, 2012

Malimas

Can I Just Say:

Kung babagyo uli, pwede bang sa West Philippine Sea na lang tumama? Para malimas 'yang mga Chinese vessels na panay ang angkin sa lupaing atin. KAPALMUKS MUCH!

Wednesday, April 4, 2012

Daig

Can I Just Say:

Hindi pala ako ang pinaka-ambisyosang bakla sa mundo dahil daig niya ako...

Jenna Talackova
...at talagang balak niyang sumali sa Miss Universe ah. KALOKA!

Read the related news here.

Thursday, November 10, 2011

Much

Can I Just Say:

Ang swerti swerti ng baklitang ito!

May lovelife na nga ang character niya sa Glee sa katauhan ng pagkasarap-sarap na si Darren Criss, ilang beses na rin silang nagkaroon ng smooching scenes at nitong last episode lang eh nagkaroon pa sila ng loving loving moment sa kama.

Inggiterrra much watashi! AS IN!

Thursday, September 8, 2011

Buwaya

Can I Just Say:

Kawawang buwaya sa Agusan samantalang mas malalaki ang nasa Batasan.

Read here.

Monday, September 5, 2011

Walang sabit

Can I Just Say:

Magmahal sa walang sabit... para hindi maging kabit.

Listen here.

Thursday, March 31, 2011

Detect

Can I Just Say:

Kung sa paliparan pa lang natin ay na-detect na ang mga drogang bitbit nila, buhay pa sana sila ngayon...


...nakakulong nga lang.

Thursday, March 24, 2011

Kidnap

Matagal ko nang nakikita sa iba't ibang Korean websites ang pelikulang ito. It's one of the (rare) gay films produced in South Korea. Alam niyo naman doon, medyo conservative sila sa paggawa ng pelikulang may bahid kabaklaan. They make sure na de-kalidad at magiging maganda ang kalalabasan. Tatlong araw na paputol putol ko pinanood 'to kasi lagi akong natatalo ng antokyo japan.

Simple lang naman ang istorya. Si Su-min ay isang discreet gay na nanggaling sa bahay ampunan. Nagtrabaho bilang factory worker at suma-sideline bilang driver ng mga lasing. Dito niya nakadaupang-palad si Jae-min. Nalove at first sight ito sa kanya pero dedma siya dito. Suplada lang di vaaahhh?!?

Lee Yeong Hoon as Su-min
Kim Nam Gil as Jae-min
Natanggal sa factory si Su-min dahil sa retrenchment not knowing na anak pala ng boss niya si Jae-min. Bad shot ang byuti ni Jae-min kay Su-min at kahit ibinalik siya nito sa trabaho, hindi na niya tinanggap ito. Sa pagpuputa nauwi ang kasarapan niya. Hinanap siya ni Jae-min at ginawa nito ang lahat para sila'y magmahalan kesehodang maboogie wonderland ito. Sakses naman ang bakla after ilang attempts. PAK!


Akala niyo happy na ang lahat!?! Well, wrong kayo dahil balak palang ipakasal si Jae-min ng kanyang mga magulang sa isang bilat. Eeewww!!! CHOS! Walang magawa si bekbek dahil na rin siguro sa bonggang estado niya sa buhay. Bigla niyang iniwan sa ere si Su-min kung kelan mahal na siya nito. Kainis! At dahil sa sakit na idinulot niya, kinidnap siya ni Su-min at binalak na ilibing ng buhay. Oh di vaaahhh!?! Maldita lang. Pero todong nangibabaw ang lab nito sa kanya kaya na-cancel ang masamang balakin. How sweet naman!

Nakakaantig ng damdamin ang kwento at nakakadala ang akting ng dalawang pangunahing tauhan kaya naman I highly recommend ang pelikulang ito. After niyo 'tong mapanood, "try and try until you succeed" na ang magiging motto niyo. Nakakaloka lang ang ending. Hindi ko na ispluk para maintriga kayo.

At dahil sa pelikulang ito, can I just say...

Lee Yeong Hoon
...mahal ko na siya. ☺

Thursday, February 3, 2011

Imortal

Can I Just Say:

Ang sarap sarap pa rin ni Ian Veneracion hanggang ngayon. Grabe! May pagka-bampira yata siya. Parang hindi kasi siya tumatanda. Nakakatunaw ang kanyang mga titig at ang ali-aliwalas ng ngiti niya. Ang swerti-swerti ng asawa niya sa kanya. Kung ako 'yun, kelangan lagi akong mukhang fresh at juicy. Para masarapan siya kapag sinimsim at kinagat ako. CHAROOOT!

Tuesday, January 11, 2011

Ay! Hindi pala...

Can I Just Say:

Isang malutong na TANG INA sa mga amo na nananakit at nangmamaltrato ng mga katulong. Ugali nila asal... ASAL HAYOP!

Ay! Hindi pala. Kasi mas mabuti pa ang mga hayop kesa sa kanila.