Showing posts with label showbiz. Show all posts
Showing posts with label showbiz. Show all posts

Sunday, April 19, 2026

Starlight

Isang taon na ang nakalilipas nang lumisan ang nag-iisang Superstar and to protect the legacy she left, mukhang may inihahandang Nora Aunor Enterprise si Ian De Leon. I hope na mag-materialize ito dahil hindi biro ang mga awitin, pelikula, at TV shows ni La Aunor. Isa sa mga wish ko ay makahanap sila ng negatives ng kanyang mga pelikula tulad ng Paru-parong Itim, Bakekang, Carmela, Ina Ka ng Anak Mo, Bakit Bughaw Ang Langit? at Condemned para ma-restore into 4K. 

At ngayon ko lang din nalaman na siya pala ang original artist ng kantang Starlight na nasa Stay Alive album ni Nina. Isinulat ito ng mag-asawang Bodjie Dasig at Odette Quesada. Hinanap ko online ang lyrics habang pinakikinggan ang kanta at naiyak nang bongga sa part na ito...

♪ Sometimes you forget who was there all along
Sometimes they just seem out of sight
But I know that you'll always be there through my darkness nights ♫

Naalala ko bigla si La Mudra sa mga linyang 'yan. Haayyy, time flies so fast but the pain remains. ☹

Saturday, March 21, 2026

Ian or Ina?

(click the image to enlarge)
Ian... Ina... Juggle the letters... Instant rapport

Malaya Newspaper
April 1997

Sunday, March 8, 2026

Samu't-Sari 7.0

  • Kadiri ang pag-iisip ni Bong Suntay. Manyakis na naka-barong at nakaupo sa kongreso. YUCK!
  • Ang powerful ng statement ni Anne Curtis ukol dito. Kung ako ang asawa't anak ni Suntay, mahihiya na ako habang buhay.
  • Umiikot talaga ang mundo 'no? Natatandaan niyo ba kung paano sinawsawan nina Nikko at Nico ang pambabatikos ng netizens kay Vice Ganda sa diumano'y pamamahiya nito sa It's Showtime guests? Grabe ang panlilibak na tinanggap ni meme noon but look who's on the spotlight now? Paiyak-iyak pa sa interview 'yung isa pero laugh reactions naman ang nakukuha online. DASURV mapahiya ng mga gunggong!
  • Napanood niyo ba ang latest interview kay VP Sara? My gosh hindi ko matagalan! Like naririnig ba niya at naiintindihan ang mga pinagsasabi niya? Makikilala na daw natin si "Mary Grace Piattos". Ang tanong ko lang... 

Tuesday, November 18, 2025

Peluka

Isa sa core memories ko noong late '90s ay ang pamamayagpag ni Nini Jacinto bilang isa sa prinsesa ng Titillating Films. From being a teen star as Apple Zuñiga to becoming a sexy star. Pareho sila ng tinahak ni Priscilla Almeda formerly known as Abby Viduya.

Nini Jacinto
Image from IMDB
Young, sweet, and innocent, 'yan ang image ni Nini. Ipinakilala siya sa pelikulang Burlesk King at nakagawa pa ng apat na pelikula sa Seiko Films - Talong, Mapagbigay, Gigil, at Arayyy! Trademark niya ang kanyang peluka na may bangs at nang i-introduce si Brigitte De Joya, hiniram daw nito. Hindi man lang bumili ng extra wig si boss Robbie Tan. CHAR! Dahil bata pa lang ay umaarte na, hindi siya tulad ng ibang pa-seksi diyan na bahaw sa pag-arte. May ibubuga din talaga!



Habang nasa National Library ako last Friday, heto at may nakita akong artikulo tungkol sa versusan nila ni Brigette. Tara't balikan natin...

(click the image to enlarge)

Nini Gustong Bumalik sa Seiko
Hot Shots by Gerry Ocampo 

People's Tonight
January 2001

Thursday, April 17, 2025

Palagi

I cried so much last night...

Nora Aunor as Bona

Tandang-tanda ko pa nang rentahan ko ang VCD ng Bona sa Video City Tandang Sora branch noong 2010. Pinanood ko ito sa kauna-unang TV na binili ko, 14 inches na Sanyo, 'yung de kuba pa. Matapos ang pelikula, agad kong sinulat ang damdamin ko sapagkat nabihag ni Ate Guy ang puso ko. Ramdam na ramdam ko kung paano umasa si Bona sa pagtingin ni Gardo pero nabalewala lang. Dito nagsimula ang paghanga ko sa nag-iisang Superstar. Sunod-sunod kong pinanood ang mga pelikula niya sa pekeng DVD na binebenta ni Ligaya Master sa Quiapo. Sa tuwing may bagong blog entry tungkol sa kanya, palaging may magagandang komento ang mga solid Noranians. Ang iba ay nakilala ko pa nang maimbitahan ako sa screening ng Hustisya kung saan tinanghal siyang Cinemalaya Best Actress.

Bilang miyembro ng isang marginalized group, palagi akong nakakarelate sa mga pelikula ni La Aunor. If not sa character, I see myself on the set, on the situation, o sa landas na tinatahak ng istorya. Pamilyar at sumasalamin sa buhay ko ang mga gawa niya.

Himala na siguro ang pinakasikat niyang pelikula pero kung ako ang tatanungin, Bakit Bughaw ang Langit?, Ina Ka ng Anak Mo, at Bona ang top 3 ko.

Hindi perpekto si Ate Guy, marami siyang personal issues na pinagpyestahan sa showbiz. But one thing's for sure, she was always appreciative of her fans. She genuinely loves us. We find comfort in her. I'm glad she was hailed as National Artist while still living. She got to experience the respect she truly deserves. Her contribution to Philippine Showbiz is unmatchable.

Palagi, ikaw ang aking paborito, Ms. Nora Aunor. Ang nag-iisang Superstar ng Pilipinas.

Thursday, July 20, 2017

Praktikal

Can I Just Say:

Kung ako kay Nadine Lustre, talagang makikipag-live in ako kay James Reid. JUICE KOH! Kung 'yan ba naman ang katawan na uuwian ko gabi-gabi at fez na masisilayan tuwing umaga, aarti pa ba ako? Ayaw kong mapraning na baka landiin siya ng kung sino-sino. Dami pa namang kati perry ngayon. Mas mabuting bantay-sarado siya sa akin. CHOS!

Hindi man umamin, hindi rin itinanggi ni Nadine ang isyu. 2017 na daw kaya it's not new anymore. Siyempre, ang daming nakisawsaw sa kuda niya. Masama daw siyang impluwensiya sa mga umiidolo sa kanya at liberated masyado. May nabasa pa akong post na ini-link ang pagsasakripisyo ni Hesus. KALOKA! I'm sure mga basher niya 'yan. Kung basher ka, kahit ano pang sabihin ng tao, hahanap at hahanap ka ng mali dito.

For akiz, choice ng tao 'yan kung balak nilang magsama sa iisang bubong. Maging praktikal na tayo noh! Mas tipid sa gastusin kapag may kahati sa balur at bills. Tapos mas makikilala mo 'yung tao, kung ano siya sa bahay at totoong ugali niya. At least, makakapag-isip ka kung karapat-dapat ba siyang makasama habang buhay o pang-make out-make out lang.

Pero kung siya talaga ang makaka-live in ko...

...wala talaga akong kiyems sa sasabihin ng iba. Hinding-hindi ako matotomi. Kili-kili pa lang, ulam na. TSALAP!

Tuesday, August 18, 2015

Tinangay

It is sad to know that another fantasy of our kingdom passed away. Binawian ng buhay si Marcelo "Ozu" Ong, isa sa miyembro ng boy group na Masculados Dos matapos barilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek. Ayon sa balita, pauwi na ang biktima sa bahay nila sa Angono, Rizal nang sundan ng mga hinihinalang carjacker. Matapos ang krimen ay tinangay ng mga ito ang cellphone at bonggang sasakyan ni Ozu. Naitakbo pa siya sa ospital ngunit hindi na nasalba. This is really heartbreaking.

Kahit na binawian na ng buhay, pinakasalan pa rin siya ng long time live-in partner na si Vassyleen San Louis. Plano sana ng dalawa na magpakasal this coming December ngunit sa kasamaang palad ay hindi na matutuloy.

Facebook friend kami at infairness sa kanya, super bait. Hindi suplado sa fans. I remember he offered me package of gluta. So aside from his showbiz commitments, may sideline pa siya. Such a hardworking guy.

Hopefully, justice will prevail for Ozu. May his soul rest in peace.

Friday, February 6, 2015

Letra

#FlashbackFriday muna tayo mga 'teh...

So we have the Titillating Queen Rosanna Roces and Titillating Princess Priscilla Almeda in memory lane. Sila ang pinakasikat na hubadera ng dekada '90. Ang mga kalalakihan, todong pinilahan ang kanilang mga pelikula na gawang Seiko Films. Hindi ka ba naman maiintriga kung ang title eh Sariwa, Patikim ng Pinya, Exploitation, Basa sa Dagat at Sabik sa Halik?

Siyempre, waley sa kanila ang interes natin kundi kina Gardo Verzosa, Leandro Baldemor, Fernando Montenegro at Jestoni Alarcon na leading men nila. Oh wait kayo! Iba-blog ko din sila. ☺

Palaban ang image ni Osang lalo na sa mga interviews noon (kahit naman ngayon) samantalang sweet and fragile gumalaw si Priscilla FKA Abby Viduya. Sa mga tabloids, mas malaki pa ang litrato nila kaysa sa letra ng headlines. Between the two, mas bet ko si TF Princess. May accent at arte kapag umi-English. YAYAMANIN! Tsaka cute ng face at lagi silang magka-partner ni Leandro Baldemor na crush ko noon. ♥

Naging bahagi din ba sila ng inyong pagdadalaga?

Wednesday, December 31, 2014

Torotot

Ang daming bata sa labas ng balur. Panay ang ihip sa kanilang mga torotot habang 'yung isa, kumakanta ng Just Give Me A Reason. Isang taon na naman ang pinagsamahan natin mga ateng and I'm so happy that we survived it! Handa na ba ang media noche niyo? Nakasabit na ba ang ubas sa pinto? Puno ba ng barya ang inyong mga bulsa? Naka-polka dots ba si madir?

Bago niyo sindihan ang inyong mga paputok at lantakan ang fudang sa mesa, let's take a quick look back to some of the highlights that we shared this year...

UMAAPOY NA BALITA
Full force ang Pamilya Revilla kasama na si Ipe at ang dilaw na traktora sa privilege speech ni Sen. Bong Revilla. Kahit diagnosed with cancer, all smiles at witty pa rin si Sen. Miriam. Mula #1 ay bumagsak ang trust ratings ng mga Pinoy kay VP Binay dahil sa diumanoy tagong yaman nito. Good news naman ang hatid ni Jamie Herrell na tinanghal na Miss Earth 2014

BASA AT NOOD, NOOD AT BASA
Katotohanan at realisasyon ang hatid ng libro ni Noringai. Panalo ang 51st edition ng Binibining Pilipinas sa pagpunta ni Miss Universe 2013 Gabriela Isler. Matinding sakripisyo ang ginawa ni Elise Kang para sa kanyang minamahal. Mananatili sa aming puso ang mga nobela mo, Ms. Martha Cecilia.

TUGTOG
Dream come true ang makita nang personal ang teenage crush kong si Shane Filan. 'Di man masyadong kinagat, tuwang-tuwa pa rin ang die-hard Kylie fans sa kanyang new album. Sweet pa rin ang image ni Hilary Duff sa kanyang mga comeback singles. Xtina & Lady Gaga - who would have thought na ang minsang pinag-away ng fans ay magkakaroon ng perfect duet?

I WANNA BE A SUCCESS STORY
Long lasting ang dating ni Mister Slovenia 2013 candidate BlaĹľ Zaplotnik. Wala na tayong hihilingin pa kung si Lucas Arantes ang pipitas sa ating aratiles. Tutok lahat nang manalong Manhunt Slovakia ang ex-military na si Adam Bardy. Na-love at first sight naman ako kay Mister Slovenia 2014 semifinalist Bojan Radusinović

SINE-SINE 'PAG MAY TIME
Tiba-tiba sa takilya ang unang dalawang pelikula ng Star Cinema for 2014, ang Bride for Rent at Starting Over Again. From book to movie, hit na hit ang Diary ng Panget na bumuo sa JaDine loveteam. Surprise win sina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay sa perfectly made na English Only, Please.

EXTRA RICE PLEASE
Super sexy ni Dominic Roque sa promo pics ng The Naked Truth. Thanks to Chalk's Summer Boys 2014 at nakilala ko si Daniel Velasco. Nabiyak ang puso ko nang mag-resign si Glenn sa opisina. Lahat nahumaling sa taglay na kaseksihan ni Henrik Lagoni.

TRENDING
Ang pagkakapaslang na yata kay Jennifer Laude ang pinakamainit na isyu ng 2014. Dumarami na rin ang nagsasamantala sa kahinaan ng 'sangkabaklaan. Buti na lang at andiyan si Dyosa Pockoh upang maghasik ng good vibes sa lahat.

GULONG NG BUHAY
Masarap sa pakiramdam na maghatid ng kasiyahan sa ating mga lolo't lola. Kilig na kilig ako habang sinusuri ni doc ang balat ko. Halos ayaw ko nang bumaba sa taxi sa sobrang kapogian ni mamang driver. Flop man sa afam, at least napuntahan ko for the first time ang pamosong Boracay Island.

Ayan na! Malapit na mag-Year of the Wooden Sheep at according to Chinese horoscope, ang lucky color daw ay green. Perfect sa mga berde nating pag-iisip ahahahaha! I am so looking forward to share another 12 months, 52 weeks and 365 days with all of you. 

MASAGANANG BAGONG TAON!

Wednesday, September 24, 2014

Masungkit

Just like what happened in 2012, ako'y muling mawawalan ng trabaho. Not because I resigned but magsasara ang kumpanya. I can't remember the exact reason why. Sinabi naman sa amin pero naka-focus yata ako kay crush nun kaya witchels ko na maalala. Nakakalungkot kasi 'di ko na siya makikita everyday. Ahahaha! Mas inalala ko pa talaga 'yon de vaaahhh?!

Hanggang diyan lang ako kay crush kasi shy me
Expected na emo ang mga ka-officemates ko. Karamihan sa kanila eh pers taymer sa ganito. Oh well, ang payo ko eh masasanay din kayo. Pangatlong beses ko na 'to eh. Teka, ang lakas ng ulan sa labas. Kanina lang medyo mainit. At kapag ganito ang panahon, pumapaltik ang signal ng Sun broadband kez. Sana lang maipost ko pa ito.

BTW, may bagong kanta si Sarah Geronimo. Matapos niyang umikot-ikot eh tatahak daw siya ng kilo-kilometrong layo. Pa-ul-ul ko ngang pinakikinggan. Feel na feel niya ang pagkanta. Para siguro kay fafah Matteo. Aba! Kung ganyan kasharap ang jowa mo, mapapamarathon ka talaga ng 21K. Kaya lang ang tipid nilang mag-post ng pics. Nakakakilig pa man din sila. Hopefully they'll be more open in sharing happiness with their fans.


Oh siya, mag-apply pa ako online ng susunod kong trabaho. Bet ko sanang maging maid in Manhattan o janitress sa House of Windsor. Baka sakaling masungkit ko si Prince Harry kung maglilinis ako ng nakaganitey...

Tuesday, July 1, 2014

Proklama

Press statement of Nora Aunor regarding National Artist issue
Emosyonal pa ang lahat ng Noranians dahil sa todong pagkaka-etsapwera ni PNoy sa nag-iisang Superstar sa listahan ng mga bagong proklamang National Artist. Kahit ang ating idolo ay hindi naitago ang pagkadismaya pero pinili na lamang niyang tanggapin ang nangyari. Masaya siya kahit papaano dahil hindi lamang siya supurtado ng kanyang mga fans kundi pati na rin ng kapwa niya artista tulad nina Maricel Soriano at Robin Padilla.

Sa ganang akin lang, hindi dapat naging batayan ang isang pagkakamali niya sa dami ng kanyang naiambag sa larangan ng pag-arte and that's a #fact.

Ambigat ng balitang 'yan kaya bonggang news muna tayo mga ateng. May libreng pa-sine ang Cinema 1 in time for their 20th anniversary sa piling SM Cinemas in the metro. Exclusive 'to sa lahat ng Sky Cable subscribers. Ang kailangan lang eh magdala ng latest Sky Cable bill at pruweba na ito'y bayad na. 'Di pwede ang mga past due at nakikijumper ahahaha!

Isa ang Himala ni Ate Guy sa pwedeng pagpilian. In HD version 'yan kaya malinaw na malinaw niyong mapapanood ang klasikong pelikula na kahit tatlong dekada na ang lumilipas ay pinag-uusapan pa rin.

Ngayong weekend na 'yan, July 5 & 6. Visit the official Facebook page of Cinema One for more information.

Wednesday, May 28, 2014

Iskinita

Bongga 'tong bagong medical procedure na ino-offer ng klinika ni Dra. Vicki Belo. Kaya nitong pasikipin ang na-road widening na iskinita ng mga babae. FemiLift also known as 'pussykip'. Nang una kong mabalitaan 'yan, ang dami kong tawa siguro mga bente kasi parang ang weird. According sa endorser nitong si Ai-Ai delas Alas, swak ito sa mga babaeng ilang beses nang nagsilang. One way daw ito para hindi magloko ang mga lalaki. So kapag masikip, lalo silang kakapit. Pwede ba sa atin 'yan kahit hindi tayo nanganak? I mean... ahhh... 'yung mga lumuwang dahil sa... AY! Hindi pala ako makarelate. CHAROT!

Anyways, usapang iskinita pa rin. Humihingi ng extension si Janet Napoles na manatili muna sa Ospital ng Makati habang nagpapagaling ng kanyang opera sa matris. Kamakailan ay napabalitang siya ay dinugo at ang itinuturong sanhi... pakikipagtalik. Sey ng kanyang doktor, tao rin daw si Napoles, may makamundong pangangailangan din. Todong idineny 'yan ng tinaguriang 'Pork Queen'. Napakamalisyoso daw ng balitang 'yan. Oh well, mas okay kayang mapagbintangang 'mahilig' kesa mangangamkam ng kaban ng bayan. Don't cha think sow?

Tuesday, February 4, 2014

Ang Rugby, si Juliana at ang RH bill

Photography by Craig Pulsifer
via PhotoPhilanthropy.org
Mapa-umaga man o gabi, walang havs kung rumampage sa kahabaan ng North EDSA ang mga bata at matatandang sumisinghot ng Rugby. Parang normal na nakikihalubilo sa mga nag-aantay ng masasakyan o dumaraan lang. Lalo na sa gabi, sa gitna pa ng highway jumajamings at nakikipag-patintero pa mga sasakyan. Binalita nga sa TV ang talamak na snatching sa ibabaw ng overpass diyan dahil sa solvent peeps pero kebs ang kinauukulan. Hinuhuli naman daw at dinadala sa DSWD pero nakakaalpas pa rin daw at nakakabalik doon. So walang security ganon? CHOS!

Image from PEP.ph
Pero seryoso mga ateng, 'di makeri ng puso ko na makita ang isang musmos na wala pang alam sa buhay eh lumiliit at nasusunog ang ang utak gamit ang famous pandikit ng sapatos. Ni hindi man lang nabigyan ng tsansang makapamuhay ng bongga. Kung sino pa kasi ang walang maipakain sa mga anak, 'yung pa ang todong manganak. Tingan mo nga itong sina Richard at Lucy, pwedeng bumuhay ng 'sandosenang anak pero isa lang si Juliana. Kahit sina Carmina/Zoren at Charlene/Aga na may kambal eh piniling 'wag (munang) sundan ang mga junakis.

Image from pinoyworld.eu
Kung madaming kumokontra sa RH bill, bakit hindi na lang ito limitahan at ipatupad sa mga kababayan nating walang kapasidad bumuhay ng isang pamilya. Nang sa gayon ay mabawasan ang mga batang pakalat-kalat, nagugutom, namamalimos at napapariwara. Aktwali hindi lang naman birth control 'yan kundi wastong paraan ng pagpapamilya sa makabagong panahon. Para na rin sa kinabukasan 'di lang ng mga bata pati na rin ng ating bansa.

Tuesday, December 31, 2013

Highlights

Wit na papipigil pa ang pagdating ng 2014. Mamaya lang eh magpuputukan na pagkatapos ay walang humpay na lalafang ng fruit salad, spaghetti, cake, barbecue, kare-kare, lechon at kung anu-ano pang mamantika at matatamis. Bago 'yan, let's take a look back sa mga bonggang ganap this year...

ISYU
Walang 'di nahabag at nabahala sa tindi ng pinsala ni bagyong Yolanda at todong pagyanig ng lupa sa Kabisayaan. Biglang sikat ang low profile na kayamanan ni Janet Napoles na may big time bestfriends. Patuloy na dumadami ang mga bagong kaso ng HIV/AIDS. Sa tagumpay ni Nanay de Pamilya sa nakaraang eleksyon, ano kayang menu ang mailuluto niya sa sambayanang Pilipino?

MUSIKA
Bonggang pananabik ang naramdaman ko sa reunion ng 911. Sayang at hindi masyadong bumenta ang Lotus album ni Xtina. All Good sa pag-lipat bahay ni Nina sa Viva Records. Walang sawa kong pinakinggan ang Sa Piling Mo ni Jonalyn Viray, ang theme song ng Lola na pinutol at 'di tinapos ng Kapuso.

SARILING ATIN
Two years na at 'di pa ako umay sa sarap ni Vince Ferraren. Isa pa 'tong si Clint Bondad with his carpeted fes. Kung moreno ang type niyo, andiyan si Billy Villeta na 'di nagdamot sa kanyang malinamnam na karug. Ubos ang nektar ko nang mag-shower sa stage si Martin Flores noong Cosmo Bachelor Bash 2013.

BABASAHIN AT PANOORIN
Mahigit isang dekada na akong pinakikilig at pinatatawa ng Señorita series. Literaturang Pinoy ang hatid ng nobela ni Edgardo M. Reyes. Kuhang kuha ni Pokwang ang kiliti ng mga call center agents. Balik sa pagka-high school ang feeling ko sa panonood ng The Perks of Being A Wallflower.

KARANGALAN
Pilipinas ang itinanghal na Country of the Year pagdating sa pageantry. Pinay ang first Asian Miss Supranational. Walong taon lang pagkatapos manalo ni Precious Lara Quigaman ay nakamit ulit natin ang Miss International title. Third runner-up sa male version ng pageant na 'yan si Gil Wagas. Dinaig ni Megan Young ang mahigit 'sandaang babae sa buong mundo para maiuwi ang kauna-unahang Miss World crown ng bansa.

TSIKA
Naunsyami ang pagbabalik telebsiyon ni Marya pero ang kapalit naman ay dalawang box-office na pelikula. Parehong napresinto sa magkaibang kaso ang Fil-Aussie's na sina Chris Cayzer at Marco Morales. Pink na pink ang pakpak ni ateng Mimi Juareza sa pagkakapanalo niya as Best Actor sa Cinemalaya.

IMPORTED ITO
Parang handaan sa fiesta ang sarap ng mga contestant sa Mister Slovenia. Na-etsapwera sa pang-apat na pageant na sinalihan niya si Ginanni Sennesael. Tik tok tik tok sabi ng 10 o'clock ni Diego Novicki. I'll be Mrs. Molinari, claim ng future ko.

TELEBISYON
Kontrobersiyal ang pagkaka-ere ng My Husband's Lover, kauna-unahang baklaserye sa primetime. Hit na hit ang Korean version ng Hana Kimi. Kahit antok na antok na eh 'di ko tinantanan ang marathon ng Wish Upon A Star. Bitin ang pagbabalik teleserye ng Reyna ng Soap Opera.

KAARTIHAN
Panghuli ang bonggang highlights ng buhay ko. Dalawa nating shupatemba ang nagpamana sa akin ng kanilang "kayamanan". Kulitan at tawanan sa autograph signing ng Tambalan. First time kong magbakasyon grande sa Cebu at Bohol. At ang pinaka-makinang sa lahat, walang kiyeme kong hinarap ang takot nang sa unang pagkakataon ako'y nagpa-HIV test.

And that wraps up our 2013 mga ateng! Hangga't patuloy na may naliligaw at nagtiya-tiyagang bumasa ng kaartihan ko, patuloy akong magsusulat para sa inyo. Sana ay dumami pa kayo!

I'm wishing you all a 
PROSPEROUS NEW YEAR!

Saturday, August 10, 2013

Bigote

Bago pa siya maging tatay ng kung sinu-sino sa mga teleserye, action at sexy star muna si Jestoni Alarcon. Karamihan sa mga pelikula niya eh produced ng Seiko Films. Sumubok sa larangan ng pulitika at 'di naman nabigo sa mga botante ng Antipolo at Rizal. Kahit na magsi-cincuenta años na , mukhang masarap pa rin. Lalo na siguro noong kabataan niya at may bigote pa. Lalaking lalaki at astig ang dating.

May nakita akong lumang promo pic nila ni Osang. Wit ko knows kung para saang pelikula pero makabasag perlas ang kasarapan ng kuha kahit black and white...

Oh de vaaahhh?! Parang nakakakiliti sa isip ang mga munting balahibo sa dibdib at tiyan ni fafah. Malaman pero 'di mala-bato ang maskels sa katawan. And that tight white bikini... nakaka-Elya V. SARAP!

Thursday, July 18, 2013

Bago

Excited na ba kayo sa pagbabalik ng nag-iisang Diamond Star?

Oh My Mamma Mia! cast
Heto siya't magku-kwento tungkol sa comeback movie niya...


Hhhmmm... may napansin ba kayong bago sa kanya?

Friday, June 21, 2013

Hinuli

Photo and news courtesy of Inquirer.net
I am so heartbroken sa nangyayari ngayon kay fafah Marco Morales. Kung wit niyo alam mga ateng, hinuli siya ng mga parak dahil diumano'y tinakasan niya ang motel bill sa Victoria Court at nagnakaw ng TV set. Ang masama pa, may nasagasaan sa pagtakas niya. HANUBAYUN! Buti na lang at 'di napuruhan. Patong-patong na kaso tuloy ang kinakaharap niya pero nakikiusap siya na kung maaari ay madaan pa sa mabuting usapan.

Marco during his indie days
Once upon a time eh todong naloka ang byuti ko sa kasarapan niya especially noong sunud-sunod ang gawa niya ng indie films. Kinarir ko ang pagpunta sa UP para dumalo sa mga premiere night at makita siya ng personal. Ang akala nga ng marami noon, susunod siya sa yapak ni Coco Martin na makakaahon sa paghuhubad at magiging seryosong aktor... kaya lang hindi nangyari. Nagpahinga siya sa pagpapaseksi at nagfocus sa pagkanta sa mga bar. At eto nga, nagbabalik siya pero hindi sa magandang paraan. Iyak na me :'(

I pray na sana malagpasan niya ang pagsubok na 'to. Kung ano man ang kahihinatnan, may matututunan siyang bonggang aral.

Wednesday, March 20, 2013

Order

Can I Just Say:


Ang arti ni Krissy ah! Ngayon lang nag-file ng protection order eh nung December pa pala siya sinubukang akitin ni James. Dinamay pa pati anak nila. Buti nga inakit pa siya. Meaning, may nagnanasa pa sa alindog niya. Ang tsalap-tsalap kaya ni fafah James. Ohms na ohms with nag-uumapaw na sex appeal.

Wish ko lang tayo na lang ang inakit. 'Di pa siya nahirapan hehehe...

Read the article here>>

Wednesday, January 23, 2013

Bakbakan

Nakakalungkot ang balitang pagkakashunggal ni Maricel Soriano sa comeback-serye sana niya sa ABS-CBN. Nagkaroon daw nang 'di pagkakaunawaan sa pagitan nila ni Gerald Anderson na isa rin sa mga bida. Sayang at kaabang-abang pa naman ang todong bakbakan nila ni Dina Bonnevie sa aktingan.

Medyo nagkandaleche-leche ang buhay niya nitong nakaraan lalo na nang pumutok ang isyu ng pambubugbog niya sa dalawang kasambahay at diumano'y paggamit niya ng ipinagbabawal na gamot. Nawalan din siya ng isang pinakamamahal sa buhay. Sinubukan niyang lumipat sa TV 5 at lumabas sa Kapuso pero hindi kuminang ang kaniyang bituin. Ngayong nagbabalik Kapamilya siya, eto pa ang nangyari. But I know makakabalik pa siya. 'Di man ngayon pero the right time will come. Isa siya sa pinakamahusay na aktres ng ating pinilakang tabing. Iilan lang ang pwedeng mag-switch to comedy from drama and vice-versa. Para saan pa't tinawag siyang Diamond Star. 'Ika nga sa Ingles... diamonds are forever.

Saturday, December 8, 2012

Isang beses

Ryan Ray commented...

Hi Ate Melanie good day. I am humbly asking you to please post for the last time si Dennis Mc Irvin na ex-Provoq model ng Viva. He died last Wednesday morning from a fatal vehicular accident sa hometown nila. I am hoping na i-feature mo sya just to show him and his family the sympathy of gay community. Thank you so much eto pala pics nya (link).

December 7, 2012 6:49 PM

***

Shakira akez ng mabasa ko 'yan. Pati sina Boys in Pixels at Simply Manila ay parehong nakatanggap ng nakakalungkot na balita pero walang makapag-beripika. Kaya just to make sure na trulilit ito, I did a little research sa Facebook at hinagilap ang pangalang Dennis Mc Irvin. May nakita akong isang account kung saan common friend namin si Johnron Tañada. Dito ko nabasa ang dagsang status sa wall niya na nagpapaabot ng pakikiramay at dalamhati sa nangyari.

Kung totoo man ito, mula sa 'sangkabaklaan ay nakikiramay kami. Minsan isang beses ay pinasaya mo ang lahi namin Dennis. May you rest in peace.