Holiday ulit! Sarap humilata sa kama at magpabaling-baling habang nag-iinternet sa cellphone. I'm sure 'yung iba diyan busy sa kakahanap ng picture na pwedeng i-#ThrowbackThursday. Kakapressure din pala mag-maintain ng social media accounts. Minsan wala ka nang maisip i-post kaya naiintindihan ko 'yung iba na kahit pagpunta sa banyo eh nilalagay sa status ahahaha!
Nangako ako ilang linggo na ang nakararaan sa magre-request ng mga lalaking na-feature
Chika Chika magazine. Nagkaroon ako ng time para kalkalin ang
Balikbayan Package 2.0 at swerte naman natagpuan ko ang vintage pictorial ng dalawa sa todong pinantasya natin noon. Unahin natin si
Albert Martinez...
 |
| 10. Albert Martinez |
Unang sumikat sa loveteam nila ni
Snooky Serna noong 80's. Naging character actor at madalas lumabas sa mga teleserye sa
Kapamilya Network. Nagpaseksi noong late 90's to early 2000's.
Scorpio Nights 2 with
Joyce Jimenez at
Laman with
Lolita De Leon ang pinaka-daring sa lahat. Kahit pudra na, patuloy na pinapantasya ng ilan dahil sa angking kakisigan. Aminin, para siyang alak - sumasarap habang nagkaka-edad. Nakalulungkot lang dahil recently ay pumanaw ang kanyang misis na si
Liezel Martinez.
 |
| 9. Roy Rodrigo |
Sunod sa listahan ang mabalahibong si
Roy Rodrigo. Nakadadagdag pagkalalake talaga kapag balbonic ang isang guy especially sa bandang hita. Wit na ako magtataka kung bakit isa siya sa ni-request. In-demand siya noon sa mga pelikulang sexy like
Kesong Puti, Alipin ng Aliw at
Sa Iyo ang Itaas, Sa Akin ang Ibaba... ng Bahay. Napanood ko siya bilang
Ramon sa pelikulang
Kirot sa Puso kung saan nakasama niya si
Ana Capri.
Dalawa pa lang 'yan at may natitira pang walo. Send in you request at malay niyo, baka mapasama sa ating bonggang top 10 Chika Chika Boys.