Showing posts with label aral. Show all posts
Showing posts with label aral. Show all posts

Sunday, October 25, 2015

Jogging (final part)

Photo from Sara Litardo
(Part 3 of 3) SECURITY OFFICE, 9:15pm, non-verbatim

Assisted by Marshall Dyosa*, we arrived at the front desk, with a lady officer and two other personnel at the next tables behind. The one seemed to be an officer with rank.

I started retelling some of the story but the front desk officer asked me to write it over this certain confidential form which I believe is a complaint form. I refused. I don’t want anything else to prolong and I don’t want to file any complaint anymore. All I want is just to go home. I know it might be stupid pero ayoko na patagalin pa yung pagstay ko dun sa station so I refused. Then one of the personnel at the back cut in and ask for what happened. He asked me to get seated to one of the table. He then asked me a retelling. He cut me somewhere in the story and said something and raised his voice to me:

Tuesday, October 20, 2015

Jogging (part 2)

NAKAKALOKA ang mga komento niyo sa buhay ni ateng jogger kaya 'di ko na patatagalin pa, heto na ang ikalawang bahagi ng kwento niya.

***

Photo by Yoshi Shimamura
(PART 2 of 3) CONCIERGE, 8:45pm, non-verbatim

ME: Miss, I lost my phone kasi kanina, pero I haven’t seen any security personnel around Terra 28th. Why is that? (In fact even the past two nighs, too.)
MISS: Ano po ba nangyari, sir?

Retells what happened. EVERYTHING WENT CALMLY.

ME: Actually this is the second time nangyari to sa'kin, pero that time, I saw the kid in action, and there is a patrolling security personnel so I was able to report it right away. But this time, I wonder why wala? I am no longer interested na makuha yung phone ko and wallet pero I just wanted to alert the marshalls and know why is there nobody patrolling around.
MISS: Sir magkaiba kasi kami ng admin eh. Pero tatawag ako ng security. Wait lang po ah. (Went away)

She arrived with two High Street security personnel. They asked me a retelling of the story. They radio-over BGC  security marshall around. Tagal na walang dumadating. Malamang wala talagang personnel dun sa Terra 28th kasi they could have responded right away to the radio of the High Street personnel. If that’s the case, there must be something wrong. After 10 minutes, a security marshall arrived in patrol motor. He asked me what happened. I asked the name nung marshall. Then I retold the story. EVERYTHING WAS CALM.

ME: Ayoko na sana pahabain pa and I want this off the record na lang pero I am telling you this kasi I want you to report to your office about what happened.
MARSHALL DYOSA*: Mas maganda po kung pumunta na lang po tayo sa opisina para magawan natin ng aksyon.

I didn’t want to prolong sana what happened kasi I wanted to go home na kasi there is a very important personal celebration I have and  I don’t want to kill the night- and you know what it is when you try not to spoil your mood. But instead I obliged. Mas mainam nga naman para magawan ng aksyon.

I thank the conciergein-charge and the High Street guards for accommodating my concern PROPERLY . I got the name of the concierge personnel, Ms. Diwata*. EVERYTHING WENT OKAY AT THE CONCIERGE.

Then, we went to the security office thru his patrol motorcycle. He was mentioning that the security marshall in-charge was in civilian.

*Nota: Iniba ko ang pangalan ng mga taong involved para hindi tayo ma-echos. GANUN!

Tatapusin...

Saturday, October 17, 2015

Jogging (part 1)

Sumulat ang isa nating shupatemba tungkol sa kanyang karanasan sa BGC. Hindi ito booking mga ateng kaya 'wag kayong ano diyan. Ngunit kahit na wala itong halong kahalayan, naniniwala ako na may kapupulutan tayong aral. Narito ang unang bahagi...

***
Photo from livehealthy.chron.com
Hi Ms. Melanie,

I am a fellow PUPian but it has nothing to do with PUP. Please maintain my confidentiality. This happened last October 8, 2015.

NOTE:
- I know I have lapses to over what happened.
- I also want to know what I could have done, and let others know what they can do in this kind of situations
- I may have grammatical errors too. Pardon me.

(Part 1 of 3) JOGGING AT TERRA 28th, 8:00pm, non-verbatim

Jogging at TERRA 28th is my fitness fix. I go every night in between 7pm - 9pm because it is the best schedule I can fit it into.

I usually leave my stuff at the lamp post near the patintero area. The one shaped like inverted letter J. If you frequent BGC Terra 28th, you know what it is. My bag contained an extra shirt, two small towels, my water jug, keys, cellphone, and coin purse with a small lighter inside - (no cards, no IDs, no big amount of cash since I just live nearby walking distance).

On my 5th lap, I noticed that my bag is missing.

I started looking around if somebody has my bag, accidentally or on purpose - whatever. I needed my keys at most so I can get inside the house. I started looking at the group of people. Went back to post, went around looking, went back to the post until a fellow jogger approached me:

JOGGER: Ano hinahanap mo? Bag na itim?
ME: Opo. Nakita niyo po ba?
JOGGER: Kinuha ng mga bata. Mga ganito kaliit (describes). Around 10 years old. Tatlo sila, nakapula yung isa. Pumunta doon (points at the direction of the on-going Alveo property construction).
ME: Salamat po. Kanina pa?
JOGGER: Around 20 minutes na.

I went to look at the next block which is the Alveo property construction. Di pa ako nakakatawid, may nakasalubong ako na dalawang bata. One toying around a lighter. I let it them pass kasi dalawa lang sila pero I went back to check if that was my lighter.

ME: Hijo patingin nga ng lighter mo.

Gives it to me. Small, black, with gold metallic casing at the top.

ME: Akin to eh! Asan yung susi ko? Yung bag ko?

The other one handed the keys over to me.

ME: Asan yung bag ko? Bakit kayo nangunguha ng gamit? May nakakita sa inyo. Nakapula daw yung isa!
KID 2: Hindi po pula yan! Pink yan!
KID 1: Hindi po kami nanguwa niyan kuya! Mga pulubi lang kami. Naglalakad dun sa ano… nakita lang naming yan dun sa ano… halamanan dun sa halaman.

We went to the low shrubs along the sidewalk. Points out my stuff. Nakakalat yung mga gamit ko sa mga halaman. Everything, except my phone and coin purse.

ME: Asan cellphone ko? Wallet? Pacheck nga ng bulsa niyo!

Both showed their pockets. KID 1 showed an empty pocket, the other kid showed another pair of keys.

ME: Bakit kayo nangunguha ng gamit? Alam niyo ba na taga DSWD nanay ko? (Which is true) Pwede kayo madampot niyan!

Natigilan sila.

KID 1: Eh tatay ko pulis.
ME: Tamang-tama! Alam niya ang proseso kung pano dumampot ng mga bata sa ganitong sitwasyon. Halika kayo. Sumama kayo saken. (Hoping to tag them along to any nearby security marshall around.)
KID 1: Bakit kami sasama? Hindi nga kami kumuha niyan! Dun tayo sa kuya ko… para magpatayan na lang tayo.

I sensed trouble. I thought: my life over a cellphone? No. So I insisted to tag them along without doing any harm. But since I cannot see any security personnel around, I had them just walked away. At least I had my keys. I am quite sure hindi ko na makukuha yung cellphone at wallet ko. Malamang tinakbo na nung isa nila kasama.

On the other hand, I realized, they still had another set of keys. So baka hindi lng ako ang nanakawan that night. So I went to look around for any security personnel to alert them. But nobody is around. Instead, I went to High Street, and saw the CONCIERGE beside TIMEZONE. I reported the situation.

Itutuloy...

Thursday, May 15, 2014

Palikuran

Isa nating ateng ang buong pusong nagbahagi ng kanyang nalalaman at personal na karanasan sa pang-aabuso ng ilang kalalakihan sa ating kahinaan. Halikayo't ating alamin ang misteryo na nangyayari sa loob ng mga pampublikong palikuran...

***
Originally posted in 300 (final part)
By Anonymous May 12, 2014 at 7:38 AM

Image from group4project-palikuran.blogspot.com
Just to share some of my experiences sa mga so called callboy. Sa akin naman 'di sila nagpapakilala as callboy. Aminin natin na we are gays and yes we have Restroom Cruisin. In Tagalog, kati sa pampublikong palikuran.

Sa Monumento malapit sa LRT (Jollibee pa noon at lately KFC) may isang pangit na lalake na madalas nagkukunyari na umiihi. So ang siste, kikindatan ka nya at pag 'di mo sya pinansin akma nyang ilalabas yung ari nya na matigas na. So mapapalingon ka talaga kasi gumalaw siya. 'Pag lalabas ka na ng CR, sasabihin niya na lumapit ka kasi nakita daw nya na sinisilipan mo siya. So idedeny mo at tatakutin ka na "gusto mo mag-iskandalo ako". Siyempre kakalma ka kasi madami kumakain na tao. Hihinahon din sya at ang siste, hihingiian ka niya ng pera kasi nagugutom sya at 'yun na lang bayad. Nung panahon ko, binigyan ko na lang ng 100 para matapos na. Ang siste, matalas ang memory ng lokong ito at madalas sya makikita na nakatambay sa labas ng Fairy Mart, aakbayan ka na lang. Iniiwasan ko na ang lugar na yun.

Sa kaso naman ng kaibigan ko, ito ang nangyari...

Sa may McDonalds sa LRT EDSA station malapit sa sakayan ng Taguig, nag-CR ang kaibigan ko na umamin sa akin na kinakati ng mga oras na 'yun. Ang nangyari base sa kwento sa akin, may umiihi kunyari sa cubicle pero matigas ang ari. 'Yun pa ang nagyaya na magcheck in daw. Na-sense niya na todo hayok daw ang lalake. Hanggang sa kinabahan, lumabas sya ng Mcdo at hiningiian siya ng pera kasi may bayad na din daw ang paghawak sa ari. Dumerecho daw sya papuntang sakayan ng Tagaytay para lang makatakas. Kaso ang jeep 'di naman umalis kaagad, iniskandalo sya ng lalake sa public na puno na halos ng pasahero. Minura mura siya by saying "p@$&na mong bakla ka pipiliin mo yung lalandiin mo. Papahawak mo yung ___ mo". 'Yung mga tao nagtitinginan at ang nakakatakot daw na part is baka pababain sya ng driver ng jeep. Buti na lang at umalis na din sa wakas yung jeep. Sa takot na sumunod since alam nung nageskandalo yung destination nya, nagpalipat lipat sya bus para lang umiwas.

So ingat lang sa mga kakatihin sa restroom.

***

Isa sa kinatatakutan nating mga beki ang maiskandalo in public lalo kung tungkol sa isyung sekswal. Sino ba naman ang gustong maparatangan ng manyakis sa harap ng madlang pipol na lumalafang ng spaghetti at chicken joy? Sa kamalasan ay nakita itong oportunidad ng mga mapagsamantala upang tayo ay kikilan. Totoo ang sinabi ni ateng na ang ilan sa atin ay may tinatagong kakirian kapag pumapasok ng public CR. Puro kaya nota 'dun! Pero sa panahon ngayon, todong pagtitimpi ang dapat maghari. Ilagay sa tamang lugar ang pagkasabik sa kapirasong laman.

Kung natuloy man sa pag-e-eskandalo, aba itodo mo na! Matutong lumaban at ipahiya mo rin. Sindakan pala ang gusto niya, ibigay mo. Ilabas muna si Bonifacio at ibandera ang pulang bandila. Hindi ka sasaktan ng mga 'yan at maraming makakakita. Tumawag ng guard at sabihin ang nangyari. Wit sila titigil hanggat may nabibiktima. Kailangan manggaling sa atin ang unang aksyon upang kahit papaano sila'y mabawasan.

Tuesday, March 22, 2011

Last two

Isang mabalasik na linya para sa mga ambisyosa (tulad ko):

"The truth is everyone has issues and maybe building up a fake perfect man in my mind was my biggest issue of all. I've been walking around with the ghost of my magic man. He's been haunting me, keeping me from recognizing a world of opportunities that are right in front of me"

"There's no such thing as perfection. Love is for people who are realistic and smart enough to open their hearts and minds and who realize that a real relationship is the ultimate fantasy. I haven't found that relationship yet but I've shaken off the shadow of my magic man and I'm finding myself. I think that's a pretty good start" 

---Lane Daniels

Aray! Tagus-tagusan naman 'yan hanggang bone marrow ko. But I like the last two sentences. I should do that... soon.

Sunday, January 9, 2011

Aray ko!

Aking ibabahagi sa inyo ang mga qoutes na pumukaw ng aking atensyon, nagpabago sa aking pananaw sa buhay at tumagos sa aking puson... este puso.

Katie's status in Facebook:
"When God knows you're ready for the responsibility of commitment, He'll reveal the right person under the right circumstances."
--- I think ready na si Kevin... ready na siyang ako'y pakasalan. Ayyyeeeiiiihhh!!!

Honielyn's status in Facebook:
"You can't make the same mistake twice. The second time you make it, it's no longer a mistake, it's a choice."
--- So choice pala na maging tanga, ganon ba?!? CHAROT!!!

Tiyang Amy Perez's tweet:
"In a relationship, apologizing doesn't always mean you're wrong & the other is right. It just means that you value the relationship more than the ego."
--- Para hindi matigang ng ilang araw.

From Lourd De Veyra's article:
"Wag magpumilit mag-Ingles kung di ka rin lang naman lumaki sa Forbes Park o nag-aral sa I.S. Mas lalong wag na wag kung mali-mali rin lang naman ang Ingles mo."
--- Aray ko! Aray ko! ARAAAYYY KOOOHHH!!!

From Erick Garcia's blogsite:
"Hindi man ako marunong kumanta, abot ko naman lahat ng nota."
--- PAK na PAK!

*photo courtesy of S. Kieron Tan

Wednesday, December 1, 2010

Sa masayang saglit, mahabang buhay ang kapalit

Unang araw ng Disyembre...

Tweyni Four days na lang, Pasko na...

at...

World AIDS Day ngayon.

Nakakabahala ang pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng pasyenteng may HIV (Human Immunodeficiency Virus) na nagdudulot ng AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome). Hayaan niyong hiramin ko ang mga datos sa balitang isinulat ni Jocelyn Uy mula sa pahayagang Libre dated December 1, 2010:
Mula nang unang natuklasan ang HIV sa bansa noong 1984, may naitala nang 5,729 impeksyon sa mga Pilipino. Mula Enero hanggang Oktubre ng 2010, nakapagtala ang DOH ng 1,305 bagong insidente ng HIV-AIDS sa bansa. Mabilis itong tumaas mula sa 835 kaso noong isang taon.
Hindi ba't nakakaloka na ang mga figures na 'yan. Todo sa dami na ang mga reported cases. Paano pa kaya yung mga hindi pa lantad at hindi alam na may HIV sila?

Sa totoong lang mga 'teh, ibang iba na kasi ang panahon ngayon kumpara 10 to 20 years ago. Kung dati bago magsiping, kailangan munang kasal kayo. TG muna sa tawag ng laman. Aba ngayon, kapag nangati ang mag-jowa, kahit saan pwede na.

Kaliwa't kanan na rin ang mga babasahing may sekswal na tema na nagpapataas ng kuryosidad natin tungkol sa seks. Isang pindot na lang sa Internet ang pornograpiya. Easy access na rin ngayon ang mga pokpok dahil online na ang karamihan sa kanila. Idagdag pa natin diyan ang chat at walang kamatayang SEB kung saan-saan. Iilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit ang iba sa atin ay ubod ng libog. Tama ba watashi?

Eto, common sa lahi natin. Sino ba naman ang aayaw sa lalaking type mo at inaya ka para sa panandaliang aliw? Siyempre, bakla lang tayo. Marupok. Ipagdadamot ba naman natin ang ligayang kaya naman nating iparanas sa kanya. Basta nilukuban ng kaluluwang malibog, go agad kay aling Victoria. Nakalimot tayo sa ating sarili.

Hindi naman sa pagmamaganda't pagmamalinis, siyempre nasubukan ko na ang ilan diyan. Pero laging nasa isip ko ang mga konsekwensiyang kahaharapin ko if ever na hindi ako mag-iingat. Ngayong laganap na ang mga sakit na nakukuha sa pakikipag-seks, dapat lang na proteksyonan ko ang sarili ko. Gusto ko pa yatang mabuhay ng matagal at malusog noh! Kaya naman lagi akong may bitbit na "tiwala" sa aking bonggang kikay kit. Sa murang halaga, protektado ka! Oh parang commercial di vaaahhh?!?

Isa sa pinaka-epektibong paraan para hindi mahawa... huwag pairalin ang kalibugan. Mag-jackie lou blanco na lang. At kung may karelasyon naman, wag nang titikim ng iba. Hindi naman putahe ang mga ari natin. Walang makakatalo sa pagmamahalang may kalakip na katapatan.

Be safe and enjoy life mga shupatemba.

Sunday, October 31, 2010

Huwag

Isang magandang aral sa pagtatapos ng Oktubre:

Ms. Melanie with friends
Huwag ipilit ang ayaw, huwag maghanap ng wala.

Happy Halloween!