Wala pang isang oras simula nang mag-September 1 pero heto ako't nagpapatugtog na ng mga Pamaskong kanta. Isinalang ko ang My Kind of Christmas CD ni Christina Aguilera para chill muna. Habang sinusulat ko ito eh bigla kong na-miss ang SM at ang masasayang araw na nakakapag-shopping tayo ng walang inaalalang veeruz.
Bilang pampaswerte, umpisahan natin ang BER months ng mga espesyal na putahe mula sa katatapos lang na Mister Supranational 2021.
Mister Supranational 2021 winners
Out of 34 candidates, si Varo Vargas ng Peru ang umangat sa laban ng patikasan, patalinuhan at pasarapan. Infairness naman sa itsu ni papsy, talagang primera klase. Napaka-gwapo at charming. 1st runner up Abdel Kacem Tefridj (left) ng Togo na sinundan nina William Badell (second to the left) ng Venezuela, Santosh Upadhyaya (second to the right) ng Nepal at ang pinakabet ko sa lahat, si Lucas Muñoz-Alonso (right) ng Spain. Walang tapon sa top 5, lahat pwede pagpiyestahan.
Mister Philippines and Mister Spain
Pumasok naman sa top 20 ang pambato nating si John Adajar na isang MMA fighter. First time ko lang siya makita sa larangan ng male beauty pageant pero malakas ang arrive niya huh! Sana makita pa natin ang kaseksihan niya.
Nalipat na rin pala sa Miss World Philippines ang local franchise ng Miss Supranational matapos hawakan ito ng Binibining Pilipinas for 8 years. Dahil makailang beses na-postpone ang Miss World Philippines 2021 at para maibahol sa kumpetisyon, nagkaroon ng special selection at si Dindi Pajares ang napili ng kapwa niya candidates.
Si Dindi ay hindi bago sa larangan ng pagandahan at nakadalawang beses din sumali sa Binibining Pilipinas. Hindi naman niya tayo binigo at ipinagpatuloy ang magandang record sa Miss Supranational by being a top 12 semifinalist. Kay Chanique Rabe ng Namibia ipinasa ni Anntonia Porsild ang korona.
Miss Supranational 2021: Chanique Rabe of Namibia 1st runner-up: Karla Acevedo of Puerto Rico 2nd runner-up: Thato Mosehle of South Africa 3rd runner-up: Valentina Sanchez of Venezuela 4th runner-up: Eoanna Constanz of Dominican Republic
Quarter 4 is considered as pageant season at hindi magkumahog ang fans sa pag-follow nang sunud-sunod na pasahan ng korona all over the world.
Miss Grand International 2018: Paraguay 1st runner-up: India 2nd runner-up: Indonesia 3rd runner-up: Puerto Rico 4th runner-up: Japan
Una sa listahan ang Miss Grand International 2018. Myanmar ang host country at noong October 25, tinanghal na grand winner si Clara Sosa from Paraguay. Runners-up sina misses India, Indonesia, Puerto Rico and Japan. Wow, 3 out of 5 ay Asian. Loves it!
Pinakabata sa anim na big pageants pero madami na kaagad ang fans ng pageant ni Angkol Nawat. Maaalala mo ang Trump era ng Miss Universe sa format ng kompetisyon. Baklaan kung baklaan din sa rampahan ang mga merlat. Kung dati at suki tayo sa runner-up position, waley tayo this year. Although isa si Eva Patalinjug sa pinakamagandang Binibinis ever, mukhang nakaapekto sa scores niya ang muntik niyang pagkatumba sa preliminaries.
Miss Earth 2018: Vietnam Miss Air: Austria Miss Fire: Mexico Miss Water: Colombia Photo courtesy of ABS-CBN
Sunod ang Miss Earth 2018 na ginanap dito sa ating bansa noong November 3. For the first time ever, bonggang nanalo ng major crown ang bansang Vietnam. Isa sila sa emerging countries na pak na pak ang performances sa international pageants. Pati mga kalalakihan nila, winners din! Actually mas interesado ako sa kanila. CHOS!
Miss Air si Melanie Mader mula Austria na may dugong Pinoy at Miss Fire naman si Miss Mexico. Third year in a row nang nasa top 4 ang Colombia. Malay natin next year, sila na ang makoronahan. Pasok naman sa top 8 si Miss PhilippinesCeleste Cortesi na may nakakalokang sagot during the #hashtag round:
Ano daw?!?
Miss International 2018: Venezuela 1st runner-up: Philippines 2nd runner-up: South Africa 3rd runner-up: Romania 4th runner-up: Colombia
Naiuwi naman ng Venezuela ang ika-walo nilang Miss International title. Hindi ko sinabing korona kasi sash lang ang dala ni Mariem Velazco. Expensive yatang ilabas ng Japan ang Mikimoto crown kaya minsan lang natin makitang suot ito ng mga reyna. Punong-puno ba naman ng perlas eh, talagang mahalya!
Sinwerte naman tayo ditez dahil first runner-up si Ahtisa Manalo. Mala-Barbie sa kaamuhan ang fez ni mamah oh! May resemblance din kay Kylie Versoza. I guess it's too soon for us to win again the title kaya keri na ang pangalawang pwesto. Second runner-up si Miss South Africa na sinundan ni Miss Romania at nasa ika-limang pwesto naman si Miss Colombia.
Miss Supranational 2018: Puerto Rico (middle) 1st runner-up: USA (rightmost) 2nd runner-up: Poland (second to the left) 3rd runner-up: Indonesia (second to the right) 4th runner-up: Mexico (leftmost)
Last week ay sa parehong December 8 ginanap ang Miss Supranational 2018 at Miss World 2018. Salamat na lang at magkaibang timezone or else, baka nagamit ang split-screen ng ketay para mapanood nang sabay.
Pasok sa top 10 si Jehza Huelar na glowing during the swimsuit at evening gown round. Sinong magsasabing nasira ang zipper ng gown at todong tinadtad ng perdible ang likuran? Dinaan niya sa kavoguerang ikot kaya hindi nahalata during the final night. Hindi naman tayo dapat malungkot dahil may Pinay pa ring nakapasok sa top 5. Remember Bb. Pilipinas-Tourism 2012Katrina Jayne Dimaranan? Siya ang nag-represent ng US of A at tinanghal na first runner-up. PANALO!
Miss World 2018: Mexico 1st Princess: Thailand
Matapos ang pitong taon na pagmamahal ni Julia Morley sa Pilipinas, mukhang na-fall out of love na siya. Hindi pinalad makapasok sa Top 30 ang pambato nating si Katarina Rodriguez. Na-disqualify pa siya sa BWAP round due to technicalities. Ano ba?!? Kaloka naman 'yan. At least, siya pa rin ang reigning 1st runner-up ng Miss Intercontinental 2017. Talaga ba?
It's the first Monday of the last month of the year. Na-enjoy niyo ba ang weekend? Ako, enjoy na enjoy! Naloka nga ako sa biglaang eksena sa FX. Bet ko sana ikuda pero saka na lang, kapag handa na po ako, Tito Boy.CHAROT! Aktwali, medyo pagoda coldwave ang ateng niyo sa dami ng labada kanina. 2 weeks load ba naman ang pinaikot-ikot at binanlawan ko kaya umaaray ang mga kasu-kasuan. Madaan sana sa hilot at Katinko.
Dahil Lunes ngayon at medyo malamig na ang simoy ng hangin sa umaga, painitin natin ito sa pamamagitan ng mga nagsasarapang kalalakihan na nanalo sa Manhunt International 2018.
Ginanap ang finals kagabi, December 2, sa Australia. Mula nang magbalik ang male pageant na ito noong 2016, ngayon lang ulit tayo nakapwesto. Panalo naman kasi ang pinadala ng kampo ng Aces & Queens ni si Jeff Langan. International model sa states na may lahing Pilipino. Lumalaban sa kaseksihan at ganda ng fes. Look niyo..,
Bago pa man magsimula ang kompetisyon, matunog na ang pambato ng Espana na si Vicent Llorach. He competed in Mister International Spain ngunit hindi nanalo. Kita mo nga naman, totoo talaga ang kasabihan na "When God closes a door, He opens a window". Aktwali, bukas ang pinto ng balur ko para sa kanya, inaantay ko na lang siyang pumasok nang nakaganito...
Mister International 2018 Photos courtesy of Missosology
Idineklarang ika-labindalawang Mister International si Seung Hwan Lee ng Korea. Ito ang unang pagkakataon na mapanalunan ng bansa ang titulo. 1st runner-up si Manuel Molano ng Colombia at nasa pangatlong pwesto naman si Dwayne Geldenhuis ng South Africa. Wala akong ibang masabi kundi ang shesherep po nila! PAK na PAK!
Seung Hwan Lee Mister International 2018
Karamihan ng pageant fans ay bet na bet ang pagkakapanalo ng Korea this year. Aside from his very oppa cuteness, makapanindig balahibo ang kanyang katawan. Sabi ng ibang contestants, siya ang pinaka-shredded sa kanila at may 0% body fat. Look at those abs and veins. Fit na fit talaga!
Manuel Molano 1st runner-up, Mister International 2018
Hindi lang pala sa merlat pageants suki ng 1st runner-up placement ang Colombia. I'm sure darating din ang panahon na makakamit nila ang unang pwesto just like Paulina Vega in 2015 lalo na kung laging ganito kasherep ang pinapasali nila. One thing about Latinos that we can't deny eh mapa-formal man o swimwear, they are oozing with sex appeal. SYET! Baha na naman ditey sa kinauupuan ko ahahaha!
Dwayne Geldenhuis 2nd runner-up, Mister International 2018
Etong si South Africa ang bet kong manalo nang i-announce ang top 3. Tila ba nakikiusap ang kanyang mga mata at nagmamakaawang siya'y mahalin. Pwes, 'di ko lang siya mamahalin, ngangasabin ko pa. CHAR! Beefy, manly with a great body plus he also speaks well kaya no wonder na isa siya sa top favorites.
Ang ating pambato na si Raven Lansangan ay nakapasok din sa top 10 at nanalo pang Missosology's Choice. Mister Photogenic is Brazil, Thailand won Best in National Costume while Netherlands bagged the Mister Congeniality award. Ang itinitibok ng puso ko na si Mister Poland ay naka-enter sa top 16. Sana one day ay ma-enter niya din ako. CHAROT!
Mister and Miss Supranational 2017 Jenny Kim from Korea Gabriel Correa from Venezuela
Magkasunod na ginanap ang Mister and Miss Supranational 2017 nitong December 1 & 2 sa Poland kaya naaligaga ang pageant fans sa kasusubaybay. Kahit batang-bata pa, itinuturing na ang dalawa sa pinaka bonggang pageants all over the world... the universe rather. CHOS! De kalidad ang mga contestants at walang tapon. Naging pambato natin sina Chanel Olive Thomas at Yves Campos.
Chanel Olive Thomas Miss Supranational Philippines 2017
Maagang naging paborito si Chanel simula nang makoronahan sa Binibining Pilipinas 2017. Marami ang nag-asam na siya na ang makapag-uuwi ng ikalawang Miss Supranational crown. Matangkad, sexy, maganda at todo kudaera ang lola niyo. Hindi man nanalo dahil si Miss Korea ang nagwagi, ipinagpatuloy naman niya ang semifinalists streak ng ating bansa nang makapasok sa top 10.
Yves Campos Mister Supranational Philippines 2017
Okay tapos na tayo sa merlat, focus na tayo sa mga otoks ahahaha! Yves Campos lives and works in Hawaii as a nurse. Siya ang nagwagi sa Misters of Filipinas 2017 at ipinadala sa Mister Supranational. Alam niyo mga ateng, cutie pie ang lolo niyo kaya lang, medyo kinulang sa muscles during the finals. Pero 'wag kayo ano diyan, swak pa rin siya sa top 20. Malaking achievement pa rin 'yon noh knowing na maikli lang ang gap from the time nang manalo siya sa national pageant. Hopefully, the national director saw this opportunity and will work on our next candidate. The title eventually went to Gabriel Correa of Venezuela.
As usual, dilat na dilat ang mata ko habang pinanonood ang pageant lalo na sa swimwear competition. Imbey lang at naka-board shorts sila at hindi skimpy bikini. Nahirapan tuloy akong sumipat kung sino ba sa kanila ang may MALAKING tsansa na manalo ahahaha!
Hala sige, pagsaluhan natin ang kanilang mga inihanda...
Malta and Germany
(mahal ko na silang dalawa ♥)
Netherlands and Poland
(ano bang meron sa mga European boys at madali akong ma-fall sa kanila?)
Napakinggan niyo na ba ang bagong album ni ateng Taylor Swift? Consistent siya sa paggawa ng magagagandang kanta huh! Aside from Gorgeous, pa-ul-ul kong pinakikinggan ang Delicate. Bagay na bagay sa fragility natin. Fragility daw oh!
Nagsimba din ako sa St. Jude last Thursday na saktong Bonifacio Day. May rally sa Mendiola at karamihan ng mga nagsipagpunta ay naka-red. Sa news ko na lang nalaman na pro-Duterte at RevGov pala 'yun. Akala ko feeding program at ang daming lafes sa daan. Nakakagutom lalo na nung nakakita ako ng nilagang saba. SARAP!
Speaking of saging, iba't ibang saging ang nagtipun-tipon sa Thailand noong November 27 para sa Manhunt International 2017. Level up ang quality of boys kumpara last year. Bet na bet ko rin ang pambato nating si Daniel Azurin mula sa kampo ni Jonas Gaffud, ang tunay na reyna ng Aces and Queens.
Daniel Azurin Manhunt International Philippines 2017
Model and La Salle student ang koyah niyo. May accent din kumuda dahil lumaki sa states. Siyempre mega follow tayo sa IG account niya at very pleasing ang personality sa IG stories. Mukhang na-enjoy niya ang competition and he ended up being a top 16 finalist. Not only that, he bagged the Mr. Photogenic special award. Another achievement for our country in male pageantry.
Let's savour more on him with his delicious pics courtesy of Missosology and Thai Runway...
Bongga this national costume by Edwin Uy. Unique and very Filipino!
Parang mas sasarap ang pritong galunggong kung isasawsaw sa kili-kili niya
Winning the Mr. Photogenic award
Isa pang love ko sa Manhunt International ay ang swimwear competition nila. Very skimpy and sexy. Talagang maaaninag mo ang hugis ng bawat bansa. Ganyan dapat sa mga male pageants at hindi mga boring board shorts. Aan'hin namin 'yon? CHOS!
Manhunt International 2017: Vitenam - Truong Ngoc Tinh 1st runner-up: Thailand - Kongnat Choeisuwan 2nd runner-up: Lebanon - Gaetan Osman 3rd runner-up: Sri Lanka - Wazeem Cammar 4th runner-up: Indonesia - Andry Permadi
Dominated ng Asia ang top 5 particulary mga bansa sa SEA. Ang saya! Pinakapasado sa panglasa ko si Mr. Lebanon. Alam niyo naman kapag middle eastern, todong malinamnam at nanunuot sa kalamnan. Cutie pie din sina Mr. Thailand at Mr. Indonesia. Taon-taon, walang palya ang Manhunt sa pagdeliver ng malasang handa. PAK!